Allyson's P.O.V
Inagahan ko ang gising ko dahil ngayon ang araw na pupunta ako sa Soul Empire, hindi bilang isang asawa ni Travis pero bilang isang sikat na critic na si Flare. I've been working my whole life just to have this title kaya talagang gagawin ko ang lahat maalagaan lang ang pangalan na 'to.
Sakto lang ang naging takbo ng sasakyan ko pero binilisan ko ito nang makita ko ang sasakyan ni Travis. Maaga pa naman at paniguradong masisira ang araw niya kapag nakita niya 'ko ngayon. Hinintay ko muna itong bumaba bago ako sumunod dito.
"Hey Trav!" masiglang bati ko dito at tulad nga ng inaasahan ko, nakakunot ang noo nito habang iniiwasang tumingin sa'kin.
"I'm sorry kung muntik ko nang magasgasan ang sasakyan mo ngayon." dagdag ko dito kaya napatingin siya sa'kin.
"Pinagsasabi mo?" kunot noong tanong nito sa'kin.
Wala pa rin talagang pagbabago ang pagiging suplado niya kahit ilang taon na ang lumipas. Hindi ko talaga mawari kung saang parte ng katawan niya ang nagustuhan ko.
"Ano? Hindi ka magsasalita? You're just wasting my time miss." inis na anas niya sa'kin kaya napangiti ako.
"Bitter mo naman masyado. So, as I was saying muntik ko nang magasgasan ang sasakyan mo kaya ito bayad ko." saad ko dito at kumuha ng tatlong daan sa bulsa ko.
Kitang-kita ko naman ang inis nito pero pinigilan ko ang tawa ko.
"Allyson!"
Imbes na matakot ay mas lalo akong natuwa sa reaksiyon niya kaya naisipan kong inisin pa ito.
"Ay, kulang pa ba? Sige dagdagan ko ng isang libo para naman tumigil ka na." sabay bigay ng pera sa kaniya.
Hindi ito nakapagsalita kaya mas lalo ko itong nilapitan at ginawaran ng h***k sa pisngi.
"See you later Trav." sabay pasok sa aking sasakyan.
Hindi na ako nag-abalang lumingon sa kaniya dahil halata namang umaapoy sa galit ang mata niya. Bukod sa pinagmukha ko siyang kawawa, nanakawan ko pa ng h***k.
"Let me park the car for you ma'am." saad ng taong naka-assign sa parking lot. Magalang ko namang iniabot ang susi ko sa kaniya at tuluyang pumasok sa kompanya gamit ang daang hiwalay kay Travis. Gusto ko kasing makita ang reaksiyon niya kapag nalaman niyang ako si Flare, ang critic na matagal niya ng planong ihire.
"Talagang napakakapal naman ng mukha mong pumasok sa kompanya ko." sa boses pa lang kilala ko na kung sinong empakto ang may-ari ng boses. Nilingon ko ito at gulat na tiningnan.
"Wow! Akalain mo 'yun nandito ka pala? 'Di mo naman kasi sinabi sa'kin na sa Soul Empire ka pala nagtatrabaho edi sana inagahan ko ang pagpunta ko dito."
Napangisi si Travis at bahagyang lumapit sa 'kin.
"Oh? Gusto mong mag-eskandalo rito? As in right now Trav?" taas kilay na hamon ko sa kaniya pero hinawakan nito ang bewang ko at inilapit sa kaniya kaya medyo nawalan ako ng balanse at napakapit sa balikat niya.
"Kung kayamanan ko lang ang habol mo Allyson, pwes hindi ka makakakuha kahit isang sentimo." nakangiting saad niya habang nakangiti at marahang hinahaplos ang pisngi ko.
Akala niya siguro naghahanap ako ng trabaho dahil sa pormal kong suot at isa pa napagdaanan ko na ang pagiging malandi niya kaya sisiw na lang sa'kin ang haplos na ginagawa niya.
Imbes na sa balikat ang hawak ko ay minabuti kong hawakan ang likod ng ulo niya at mas lalong inilapit ang mukha ko.
"Huwag kang mag-alala Travis dahil sa una pa lang ikaw ang nagpumilit na papuntahin ako sa kompanya mo para tulungan ka kahit na napakaliit ng presyong ibinigay mo." sagot ko dito at sinuri ang mukha niya.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba matapos siyang h*****k sa ilong ko. Kung sana lang talaga hindi siya sumuko sa'kin dati edi sana hindi kami umabot sa ganitong sitwasyon. Hindi sana ako uuwi ng Pilipinas para imbestigahan ang lalaking minsan ko nang minahal ng lubos.
"Tingnan lang natin kung hanggang saan aabot ang kayabangan mo Allyson dahil sisiguraduhin ko na hindi ka matatanggap dito." saad nito at tuluyan akong iniwan at pumasok sa loob.
Hindi mawala sa aking isipan ang bigla nitong paghalik sa ilong ko. I promised to myself na hindi na ako muling magpapakatanga sa isang kagaya niya dahil hindi ko na alam kung makakabangon pa ba ako kapag naulit ang nangyari dati. Napabalik lang ako sa ulirat nang may magsalita sa likuran ko.
"Good Morning Flare, sorry to keep you waiting. My name is Shiloah, the administrative officer of Soul Empire." bati nito sa'kin habang nakangiti at iniabot ang kamay.
"Hi, I'm Flare. Thank you for welcoming me." saad ko dito at inabot ang kamay niya. Hindi ko ugali ang ngumiti, maliban na lang kung may planong akong inisin ang taong kausap ko.
"Let's get inside para maipakita ko sa'yo ang loob ng kompanya." suhestiyon nito at sinagot ko naman ito ng tango.
Habang papasok kami ay panay ang pagsasalita niya kaya nanahimik na lang ako para mas maobserbahan ko ang loob ng kompanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa pagbabagong nakikita ko. Ibang-iba ito sa kompanyang pinagsilbihan ko.
"Mr. Travis has a meeting so I'll just introduce you to the employees first." tulad ng nauna, sinagot ko lang siya ng tango.
Nauna siya sa'kin sa paglalakad at panay naman ang bati sa'kin ng mga empleyado na kaagad ko namang nginitian. Wala akong matandaan sa mga mukha nila kaya napagtanto ko na malaki talaga ang naging galit sa'kin ni Travis kahit wala naman akong ginawa.
Dahil sa mga katanongang bumabagag sa isipan ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan ang administrative officer at kinalabit ito na agad naman siyang napalingon sa'kin.
"Yes Ms. Flare?"
Nginitian ko muna ito at nagbuga ng hangin.
"Who's the oldest employee in this company?"
Malakas ang kalabog ng puso ko habang naghihintay sa sagot niya. Hindi ko ata kayang isagawa ang plano ko kapag marami akong kakilala sa kompanya niya.
"I'm the oldest employee in the company po right after pinalitan lahat ng employees."
Mukha namag gumaan ang pakiramdam ko sa aking narinig kaya sinabihan ko itong magpatuloy. Hindi ko na rin napansin na huminto ito kaya muntik ko na itong maapakan.
"So, Miss Flare this will be under your control. All the happenings of Soul Models will be handled by you and of course you have the power in this whole 8th floor." nakangiting paliwanag niya.
"Are the models all present today? I want to meet them as soon as possible." sagot ko dito at inilibot ang paningin sa loob ng 8th floor.
"They will be here today since sinabihan namin sila kahapon na darating ka." sagot nito sa'kin at ngumiti naman ako bilang pagsang-ayon.
Magtatanong pa sana ako sa kaniya nang biglang tumunog ang hawak na telepono nito kaya napaatras ako.
"You just need to follow this pathway and you'll see a door that has label on it intended for the practice room." anas nito habang nakatingin sa kaniyang telepono.
"I'll go there by myself. Thank you for your effort." sagot ko dito at sinimulang tahakin ang daang sinabi niya.
Hindi naman ako mawawala sa kompanyang ito dahil para namang wala itong pinagbago. Maliban na lang sa mga empleyado ngayon.
Tahimik lang akong naglalakad hanggang sa marating ko ang sinasabi niyang pintuan. Agad ko itong binuksan at inihanda ang sarili sa mainit na pagtanggap nila pero iba ang tumambad sa'kin. Nakaupo silang lahat sa sahig habang may pinag-uusapan. Napansin ko rin na wala silang pake sa training nila at hindi rin nila isinali sa usapan ang isang babae. Dahil sa pagiging chismosa ko ay naisipan kong umupo sa katabing upuan ng babae at sinubukang pakinggan ang pinag-uusapan ng ibang modelo.
"I heard Flare is really famous specially in European countries. My friend told me na talagang magaling siyang humusga sa potensiyal ng isang modelo." saad ng babaeng nakabun at kulay green na sports bra.
Hindi ko gusto ang kulay ng suot niya pero dahil sa sinabi niya tungkol sa'kin pakikisamahan ko na lang. Besides totoo naman lahat ng sinabi niya. I can make someone famous at alam ko rin kung paano ito pabagsakin.
"Baka naman na good time ka lang ng kaibigan mo para bumango ang pangalan ni Flare. Ngayon ko lang narinig ang panglan niya sa industriyang ito." sabat naman ng babaeng nakasuot ng orange na crop top.
May paglalagyan 'to sakin mamaya.
"Siguro magaling talaga si Flare pero baka matanda na siya since wala pa namang nakakakita sa tunay na mukha nito dahil palagi naman itong nakasuot ng maskara sa bawat event niya." dagdag ng naka pink.
Tingnan lang natin mamaya kung hindi ka mapagod kakarampa tutal bata ka pa naman.
"Pakisamahan na lang natin si Flare mamaya girls. Malay natin 'di ba, makuha natin ang loob niya tapos gamitin natin ang connections niya para sumikat tayong lahat." suhestiyon ng nakagray.
Napangisi naman ako sa kaniyang sinabi. At ako pa talaga ang naisipan nilang gamitin. Hindi nga nila alam na sila ang daan ko upang makuha ang loob ni Travis. Poor mindset.
"Hi po!"
Napalingon ako sa babaeng katabi ko. Siya ang babaeng hindi sumali sa grupo kaya nasisiguro kong low class ang ratings niya. Medyo nabigla ako sa pagbati niya kaya nakatingin lang ako dito at hindi ngumingiti.
"Bago ka lang ba dito?" nakangiting tanong nito habang diretsong nakatingin sa'kin.
Tumango ako sa kaniya at naisipang sakyan muna ito.
"Yes, first day ko ngayon." sagot ko at ngumiti ng payak sa kaniya.
"Kaya naman pala ngayon lang kita nakita. Ang ganda mo po." anas nito kaya napayuko ako sa saya.
Sasagot na sana ako sa kaniya nang biglang kumulo ang dugo ko sa aking narinig. Hindi pa talaga sila tapos sa pagiging chismosa.
"Kahit daw sikat ka na para ka pa rin daw nasa kamatayan kapag si Flare ang handler mo. Napakastrikta niya raw sa lahat at talagang wala itong kaibigan sa mundong ginagawalan niya." anas ng babaeng akala mo pasko sa pagiging makulay ng buhok nito.
"Lahat naman ata ng matatanda mainitin ang ulo kaya expected na para ka talagang nasa kamatayan kapag kasama mo si Flare."
Tatayo na sana ako upang patahimikin sila pero naunahan ako ng babaeng katabi ko. Dali-dali itong naglakad palapit sa mga kababaihang nag-uusap.
Hindi naman siguro siya isa sa mga chismosang kasamahan niya dahil talagang gusto ko ang awra niya.
"Guys huwag niyo ng pag-usapan si Miss Flare. Baka mapahamak kayo kapag pinagchismisan niyo siya." putol niya sa mga kababaihan.
Tumingin ang lahat sa kaniya at talagang sinuri siya mula ulo hanggang paa na tila wala itong karapatang magsalita.
"Tumatapang ka na ba Rory the cry baby?"
Napataas ang kilay ko sa naging sagot ng babaeng naka-green. Talagang walang respeto ang mga nakuhang modelo ni Travis. Mukhang gusto niyang katrabaho ang mga taong kapareho niya ng ugali.
"Hindi ako naghahanap ng away dito Amanda kaya please lang huwag ka ng magsimula ng away." sagot naman ni Rory habang halatang pinapalakas ang sarili.
Wala akong planong patigilin sila sa bangayan dahil gusto kong makita ang tunay na ugali nila para isahang tanggal lang ang gagawin ko. Pinakaayaw ko sa lahat ang ugaling kapareho ni Sofia dahil paniguradong hindi ito sisikat.
"I guess you've got the guts today Rory. Huwag kang feeling mabait para lang makuha ang loob ni Flare dahil paniguradong hindi ka niya mapapansin lalo na't isang taon ka na sa kompanya pero hindi mo pa naranasang maglakad sa spotlight." anas ng nakagreen at bahagyang itinulak si Rory.
Natahimik si Rory kaya napangisi ako. Well, she's perfect to become a famous model.
"Miss Sofia!"
"Miss Sofieee!"
"You're very pretty as always Miss Sofia."
"Your body is so perfect Miss Sofia."
Napatingin ako sa kapapasok lang na babae at mas lalo akong natuwa nang makita ang kapatid ko or should I say, my half sister.
Lahat sila ay napatayo at kaagad na nilapitan si Sofia na para bang isa itong mahalagang tao.
Ang lakas nilang magbigay respeto kay Sofia na isa lang namang modelo pero kanina nang ako'y pumasok wala silang pakealam. Kung tanggalin ko kaya silang lahat para ipamukha sa kanila na walang magagawa si Sofia sa desisyon ko?
"Newbie lumapit ka dito at batiin mo si Miss Sofia."
Hindi ko ito pinansin at sa halip ay kinuha ang magazine upang ituon ang atensiyon ko.
"I see. You don't have any manners."
Hindi ko pa rin ito pinansin hanggang sa lumapit sa'kin si Rory kaya napaangat ang tingin ko dito. Mabait si Rory kaya deserve niy ang atensiyon ko.
"Miss mag hi po tayo kay Miss Sofia. Baka kasi pag-initan ka ng lahat kapag binalewala mo siya. Siya kasi ang may pinakamataas na rating dito."
Ngumiti ako dito pero ibinalik ko ang atensiyon ko sa magazine. The hell I care with her rank! I can still make her jobless anytime I want.
"Excuse me?" rinig kong saad ni Sofia kaya tiningnan ko ito at eksaktong napatingin siya sa bahagi ko kaya nginitian ko ito upang maasar siya.
Nanlaki ang mga mata nito at halatang nagulat siya sa kaniyang nakita pero kalaunan ay napalitan ng ngisi.
"Kung ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako pinatawag dito edi sana hindi na 'ko pumunta." nakangising saad niya at sinamaan ako ng tingin.
Bahagya namang napatawa ang mga alipores nito. Halatang nagustuhan nila ang sinabi ng 'chief' nila.
"Don't worry. I'm the one wasting my time here just to see some not worthy people." sagot ko dito at nilakihan ang ngiti.
"Such a boastful person. Napauwi ka ata? Huwag mong sabihin na hindi mo kaya ang buhay abroad kaya ka umuwi rito para hingin ang tulong ko?" mahanging tanong nito.
Akala niya naman ata may maitutulong talaga siya sa'kin. Hindi nga niya alam na ako ang dahilan kung bakit sumikat siya ngayon kahit halata na man na wala siyang ka class-class sa kilos niya.
"Well, how can you help me?" tanong ko dito at walang ganang inilibot ang paningin sa loob ng hall.
Maganda naman ang loob ng hall sadyang naalibadbaran ako sa mga modelo nila dahil halatang walang pera ang makukuha sa rampa nila.
"Well, base from your age and experience I guess you'll surely experience a hard time finding a job Ally, pero kapag nag-apply kang maid ko sure na kukunin kita." suhestiyon nito at lumapit sa'kin.
Hindi ko ito pinansin at sa halip ay itinuon ang atensiyon sa mga nakahilerang awards nila. Hindi naman masama ang bilang nakukulangan ako sa bilang ng awards nila lalo na't 7 years akong nawala pero hindi pa rin napupuno ang malaking cabinet at isa pa pangalan ni Sofia ang palagi kong nakikita kaya imposibleng mapuno ito kaagad.
"So you're ignoring my offer now Ally." lumapit ang mukha nito sa'kin para kunin ang atensiyon ko pero nanatiling blangko ang ekspresyon ko.
"You can sleep with famous rich man para naman yumaman ka. Wait for them to die and you'll surely earn a lot of money." saad nito at napatawa ang mga alipores niya.Tiningnan ko ito dahil unti-unti niya ng napupuno ang galit ko pero bago pa man ako magsalita ay naunahan ako a
ni Rory."Tama na po Miss Sofia. Miss Flare will arrive in a few minutes kaya tumigil na po kayo." mahinhing saad ni Rory kaya napalayo sa'kin si Sofia at matalim niyang binalingan ng tingin ito.
"How dare you interrupt me? You're not even supposed to be here dahil paniguradong hindi ka mapapansin ni Flare." anas niya kay Rory kaya tumahimik ito.
"At ikaw naman Ally, stop daydreaming dahil mapapahiya ka lang mamaya. I'm sure Flare won't accept such scandalous person like you in her team." anas nito sa'kin kaya napatayo ako. Sinimulan niya 'to kaya tatapusin ko.
"Of course! Flare isn't stupid like you to pick you in her team so don't get your hopes too high. Concern lang naman ako baka umiyak ka na lang mamaya dito kasama ang mga alipores mo." sagot ko at halata sa mukha nito ang inis kaya natuwa ang sarili ko.
"How dare you!" sigaw nito at akmang sasampalin niya 'ko nang mahawakan ko ito kaya napasinghap ang lahat sa kanilang nakita. Hindi nila inaasahan ang ugaling ipinapakita ko sa respetadong modelo nila. Well, too bad I don't know how to respect such filthy woman like her.
"From my observation, hindi mo pa rin talaga alam kung paano rumespeto sa mas nakakataas sa'yo and I'm afraid you'll get blacklisted after this mess." anas ko sa kaniya habang hawak pa rin ang braso nito.
Itinabig niya naman ang kamay ko kaya nabitawan ko ito.
"Of course I know how to respect someone pero hindi ko kailan man maibibigay sa'yo ang sinasabi mong respeto!" galit na sigaw nito sa'kin.
"Really? I know, since you've got the same attitude with your mother."
Napangisi ito sa'kin at bumalik sa kaniyang upuan.
"Travis is behind my back, I've got lots of projects, and also I'm the respected and precious model here kaya hindi ko sasayangin ang lakas ko sa'yo." nakangiting saad nito.
Tingnan lang natin kung hanggang kailan ang ngiti mo kasama ang mga alipores mo Sofia.
"Girls kayo na ang bahala sa kaniya." utos niya sa mga alipores niya at lahat naman sila ay lumapit sa'kin habang may hawak na mga gamit maliban kay Rory na dinedepensahan ako.
I'll make sure na magdudusa kayo sa pamamalakad ko!
Allyson's P.O.VNapangisi ako sa paglapit nila sa'kin."Hurt me all you can and I'll make sure na lahat ng kontrata niyo ay mawawala. And for you Sofia, there will be no extension of contract for you. So, hurt me! I don't care." banta ko sa kanila kaya napatiim bagang si Sofia sa'kin.Akala ko matapang si Sofia pero mukhang mas matapang pa ang alipores nito. Gusto ko pa naman sanang makausap ng matino ang mga 'to."Hoy newbie! Sino ka ba sa inaakala mo para pagbantaan kami? Hindi ka nga namin kilala dito kaya huwag kag mapagmataas dito dahil si Miss Sofia ang pinakarespetadong tao sa loob ng kompanya!" sigaw ng isang alipores nito."Shut up low class!" sagot ko sa alipores nito."Akala niyo ba sisikat kayo sa mga ugali niyo? Napaka low class ng mga ugali niyo. Paano kayo aangat kung napakabasura ng
Allyson's P.O.VPagkatapos kung umalis sa opisina ni Travis ay inihatid ako ng sekretarya niya sa opisina ko dito sa kaniyang kompanya. Inilibot ko ang aking paniningin at sa tingin ko ay maayos naman ang ibinigay na opisina. Kulay puti ang kulay ng pader habang may linyang intim sa bawat sulok nito. Ang sabi sa 'kin ng sekretarya niya, talagang pinasadya ni Travis ang kulay ng opisina para sa 'kin dahil akala niya lalaki ako.Kinuha ko ang aking cellphone dahil bigla itong tumunog. Tiningnan ko muna kung sino ang tumawag at nang mapagtanto ko na si Zia ito ay kaagad ko itong sinagot."How was your first day?" Lumapit muna ako sa glass window bago ko siya sinagot."Maayos na man. Tulad ng inaasahan ko, hindi niya inaakalang ako at si Flare ay iisa." sagot ko dito habang tinatanaw ang malalaking building na makikita mula sa
Allyson's P.O.VMaaga akong nagising upang patunayan ang sarili ko kay Travis na karapat-dapat ako sa posisyon na hawak ko. Kailangan ko rin na madaliin ang plano ko dahil baka magkaroon ng problema lalo na't mabilis gumawa ng aksiyon ang walang hiya kong kapatid."Good Morning Flare! Aga natin ah." bati ni Zia habang himihikab pa."Good Morning Zi! Bakit mukha ka namang hindi nakatulog?" anas ko dito dahil pansin ko kasi na medyo pumipikit pa siya ,eh mas nauuna pa nga siyang natutulog sa 'kin."Talagang nagmana siya sa 'yo sa pagiging matalino. Akalain mo yun? Na-hack niya ang gcash ko at ibabalik niya lang daw ng pa unti-unti kapag natapos kong ikwento sa kaniya ang beauty and the beast at frozen." reklamo ni Zia at sumimsim ng kape.Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala ang maliit na mukha nito a
Pagkatapos ng nangyaring alitan sa pagitan ni Sofia at Allyson ay kaagad na dumiretso si Sofia sa matalik nitong kaibigan na si Yuri Tan. Matalik na magkaibigan ang dalawa mula noong highschool pa lang sila at si Yuri ang palaging tinatakbuhan ni Sofia kapag nagkaroon sila ng alitan ni Allyson.Tulad ng nakagawian, nadatnan ni Sofia si Yuri na nag-aayos ng mga bulaklak. Si Yuri ang tipo ng babaeng ibubuhos ang buong oras sa pagtingin at pag-aayos lang ng mga bulaklak dahil para sa kaniya ito ang stress reliever niya."Riri!"Napalingon si Yuri sa tumawag sa kaniya. Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Yuri ng mapagtantong si Sofia ang bumisita sa kaniya. Minsan na lang kasi bumisita si Sofia dahil sa sandamakmak na activities na nakalaan sa schedule niya."Sofia! I miss you bestie!" masiglang bati ni Yuri at kaagad na binitawan ang bulaklak at niyakap si Sofia.
Allyson's P.O.V"Alam mo naman siguro na mahilig ako sa alak Miss Romero kaya kailangan mo munang ubusin ang tatlong baso ng alak kung gusto mo talagang makuha ang pirma ko." Nakatuon ang atensiyon ko sa tatlong baso ng alak sa aking harapan."Anong alak ba 'yan?" seryosong tanong ko habang pilit iniisip kung paano ko maiisahan ang isang Velasco.Alam kong patibong lang ang lahat ng 'to pero kailangan kong makuha ang tiwala niya para sa plano ko."Spirytus Stawski"Hindi naman siguro ako mamamatay kapag uminom ako ng tatlong baso dahil palagi naman akong umiinom sa Italy at isa pa alam kong nakatingin si Travis sa akin kaya dapat mapaganda ko ang imahe ko sa kaniya."Ayos lang naman kung ayaw mo. Hindi ako namimilit ng babae Miss Romero. Sasabihin ko na lang kay Mr. Tan na hindi m
Allyson's P.O.VPagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong pumunta sa opisina dahil tinawagan ako ni Shiloah na kailangan kong magmadali dahil may kailangan daw akong makita.Pagkarating ko ay agad silang napalingon sa akin at napuno ng bulungan ang paligid. Gustuhin ko mang patahimikin ito pero hindi ko ito pinansin at sa halip ay dumiretso sa elevator papunta sa aking opisina. Kaagad kong binuksan ang computer at tiningnan ang news na kumakalat tungkol sa 'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko masisira ang pangalan ko pero kabaliktaran pala sa naiisip ko.'The International Critic is a sleeping beauty.'"Private and Intimate meeting with two respective bachelors in the country.'Agad na sumagi sa isipan ko si Sofia. Siya lang naman kasi ang nakakaalam maliban kina Travis na umattend ako sa brand launch at siya lang din ang hindi marunong g
Allyson's P.O.VPagkatapos ng pag-uusap namin ni Travis ay kaagad itong umalis, siguro kakausapin niya ang medya sa ibaba.Kinuha ko ang aking cellphone at idinial ang numero ni Zia. Kanina pa ako kinakabahan sa pagkawala ni Luigi , dahil baka masira ang plano ko."Anong balita? Nakita mo siya?" tanong ko kay Zia, nagbabakasakaling nahanap na niya ito."I'm sorry Ally, pero nandito ako sa hotel na pinagdalhan kay Luigi. I'm trying my very best na makita sila.""Don't worry. Magpapakita rin siya kung kailan niya gusto. Just continue observing him." utos ko dito at ibinaba ang tawag.Inayos ko na ang mga gamit ko at akmang aalis na nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang sekretarya ni Travis. Kunot noo ko itong tiningnan."Mr. Tan told me na kailangan niyo po na s
Allyson's P.O.V"You can't force me to accept and love you Ally kaya habang may respeto pa 'ko sayo, umalis ka ngayon sa harapan ko at huwag ka ng magpakita sa 'kin kagaya ng ginawa mo dati. Bumalik ka sa lugar kung saan ka galing." naiinis na saad nito.Hindi niya malimutan ang pag-alis ko pero hindi niya naman matandaan kung bakit ako umalis. The nerve of this guy!"I won't go anywhere. I'll stay with you Travis Tan at kahit ikaw ay hindi ako mapipigilan." saad ko dito at nagpakawala ito ng buntong hininga."Don't use the 'you love me card' to me Allyson. Nararamdaman ko pa rin na iba ang pakay mo sa pagbalik ko." anas nito at ako naman ang napabuntong hininga."Travis, alam ng lahat na kasal tayo at alam mo naman siguro na tayo ang pinakauna sa balita. Kapag nalaman nila na hindi tayo nakatira sa iisang bubong a
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan