Allyson's P.O.V
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Travis ay kaagad itong umalis, siguro kakausapin niya ang medya sa ibaba.
Kinuha ko ang aking cellphone at idinial ang numero ni Zia. Kanina pa ako kinakabahan sa pagkawala ni Luigi , dahil baka masira ang plano ko.
"Anong balita? Nakita mo siya?" tanong ko kay Zia, nagbabakasakaling nahanap na niya ito.
"I'm sorry Ally, pero nandito ako sa hotel na pinagdalhan kay Luigi. I'm trying my very best na makita sila."
"Don't worry. Magpapakita rin siya kung kailan niya gusto. Just continue observing him." utos ko dito at ibinaba ang tawag.
Inayos ko na ang mga gamit ko at akmang aalis na nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang sekretarya ni Travis. Kunot noo ko itong tiningnan.
"Mr. Tan told me na kailangan niyo po na s
Allyson's P.O.V"You can't force me to accept and love you Ally kaya habang may respeto pa 'ko sayo, umalis ka ngayon sa harapan ko at huwag ka ng magpakita sa 'kin kagaya ng ginawa mo dati. Bumalik ka sa lugar kung saan ka galing." naiinis na saad nito.Hindi niya malimutan ang pag-alis ko pero hindi niya naman matandaan kung bakit ako umalis. The nerve of this guy!"I won't go anywhere. I'll stay with you Travis Tan at kahit ikaw ay hindi ako mapipigilan." saad ko dito at nagpakawala ito ng buntong hininga."Don't use the 'you love me card' to me Allyson. Nararamdaman ko pa rin na iba ang pakay mo sa pagbalik ko." anas nito at ako naman ang napabuntong hininga."Travis, alam ng lahat na kasal tayo at alam mo naman siguro na tayo ang pinakauna sa balita. Kapag nalaman nila na hindi tayo nakatira sa iisang bubong a
Third Person's P.O.VGalit si Sofia habang tinatahak ang daan papunta sa bahay ni Yuri. Hindi niya inaakalang bigla na lang mawawala sa kaniya ang lahat dahil sa pagbalik ni Allyson. Lahat ng pinaghirapan niya ay parang isang bulang bigla na lang naglaho."Anong nangyari sa 'yo? Napakaaga pa pero yang mukha mo parang binagsakan ng lupa." natatawang saad ni Yuri habang umiinom ng kape.Inirapan ni Sofia ang kaibigan at napahilamos sa kaniyang mukha. Alam na ni Yuri kung ano ang nangyari sa kaibigan dahil pumupunta lang naman ito sa bahay niya kapag naiinis kay Allyson."Wala akong oras para makipagtawanan Yuri. Galit ang buong sistema ko." seryosong saad ni Sofia.Likas kay Yuri ang pagiging kalmado sa lahat ng bagay kaya balewala lang sa kaniya ang sinabi ng kaibigan at patuloy lang sa pagtawa habang pa minsan-minsan ay umiinom ng kape.
Allyson's P.O.V"I would love to know that love. Enjoy ka muna magbabasa lang ako." saad nito at tuluyang pumasok sa loob.Well, I'm left with no choice.Mabuti na lang at maliit na bag ang dala ko ngayon kaya hindi ako mahihirapang umakyat. Hinubad ko ang suot kong heels at agad na isinampa ang paa ko sa naglalakihang ugat ng bahay niya. Inabot ko ang railing ng terrace niya at pagkatapos ay hinila ko ang sarili pataas para diretsong makapasok sa bahay.Hinawi ko ang kurtina at nakita ko naman si Travis na nakatalikod sa 'kin habang nagbabasa ng libro. Dahan-dahan akong naglakad palapit dito habang nakangiti."Hi Love!" masiglang bati ko matapos ko itong tabihan sa sofa.Kunot noo itong napalingon sa 'kin at saglit nagulat. Napaayos ito ng upo at kunot noong nakatingin sa 'kin na tila sinusuri ku
Third Person's P.O.VNapangisi si Allyson matapos makita ang natatarantang Travis habang isinusuot ang kaniyang damit. Hindi ito mapakali lalo na't nagising itong walang damit at wala siyang maalala bukod sa pag-inom niya ng wine."Gising ka na pala." ani ni Allyson at ngumiti ng mapang-asar upang mas lalong kabahan si Travis.Aliw na aliw si Allyson habang pinagmamasdan ang kinakabahang Travis. Alam kasi ni Allyson na mahihiya ito sa kaniya lalo na't palagi itong umiiwas sa kaniya pero ang lalaki pa ang mismong lumapit sa kaniya kagabi."Anong ginawa mo sa 'kin kagabi?" puno ng kaba ang boses nito."Well, bago ko sagutin 'yan, nagustuhan mo ba ang ibinigay ko?" ani ni Allyson at mas lalong kinabahan si Travis.Natatawa si Allyson sa reaksiyon ni Travis. Parang nandi
Third Person's P.O.VNatatawa si Chad habang tinitingnan ang kaibigan na halos mapunit na ang mukha kakangiti habang nakatingin sa labas ng opisina. Medyo kinakabahan na siya dahil pakiramdam niya nawawalan na ng utak ang kaibigan."Bakit mukha kang nanalo sa lotto?" kunot noong tanong ni Chad at napayakap sa folder na dala niya.Saglit na umiling si Travis at pagkatapos ay tumango at mas lalong lumawak ang ngiti nito.Nandidiri si Chad habang nakatingin lang sa kaibigan. Alam naman niya na medyo minsan ay hindi niya maintindihan ang ugali nito pero ngayon ay mas lalong lumala."Nasaang planeta na naman lumipad ang utak mo at kung makangiti ka parang walang nakatingin sa 'yo." kunot noo pa rin' tanong ni Chad.Sa wakas ay napansin na siya ni Travis at hanggang ngayon ay nakapaskil pa rin sa mukha ng binata ang saya sa hindi maipaliwanag na
Third Person's P.O.V"Bakit ganiyan ka makatingin? Gusto mo rin malaman ang Facebook ko?" natatawang tanong ni Zia sa nakakunoot noong Chad habang nakaharap sa kaniya.Hanggang ngayon ay sinusuri pa rin ni Chad kung bakit may babaeng halos kita na ang kaluluwa sa suot na maikli."Feeling mo masyado miss. Hindi mo ba alam ang rules ng kompanya?" seryosong tanong ni Chad dito.Naaaliw si Zia sa ugali ni Chad kaya imbes na mainis, ay napailing na lang siyang habang tinitingnan ito."Bago lang ako dito at isa pa, mapag-aaralan ko naman lahat ng 'yan. Gusto mo ikaw na mismo mag-turo sa 'kin para naman makachansing ka." sagot ni Zia na may halong pang-aasar.Napansin kasi ni Zia na kanina pa ito nakatitig sa kaniya. Hindi naman maiiwasan na mapatingin ni Chad kay Zia dahil talagang maganda ito at bagay na bagay
Allyson's P.O.VPagkatapos ng tawag ay kaagad na inayos ko ang gamit ko. Dahan-dahan akong nagligpit ng mga gamit habang iniisip kung ano ang maganda kong gawin ngayon sa bahay. Sigurado ako na hindi maagang uuwi sa bahay si Travis kaya malaya kong magagawa lahat ng plano ko. Naitext ko na rin kay Zia lahat ng kailangan ko at ibibigay niya na lang daw mamaya sa tapat ng bahay ni Travis."Flare?" napahinto ako sa aking pag-aayos at napalingon sa aking likod kung saan nagmula ang boses."You're still here!" manghang saad ni Austin.Peke akong napangiti dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga gustong manatili pa rito at hintayin ang kapatid niya pero wala akong magawa dahil ito ang may hawak ng kompanya."Yes, pero aalis na rin ako." ani ko dito.Umupo naman ito sa kaharap kong upuan kaya wala akong ibang choic
Travis P.O.V"Masyado ka atang komportable kaya nakakalimutan mo na ang trabaho mo. Ibabalik na kita sa pamilya mo at hahanap na lang ako ng bagong assistant." ani ko dito at isabg batuk na naman ang natanggap ko.Ewan ko ba kung ano ang utang na loob ko sa lalaking 'to at pinapayagan ko lang siyang batukan ako. Ako na nga itong kumuha sa kaniya mula sa mga magulanh niya para lang mailigtas siya sa magulong mundo tapos ako pa 'tong palaging nababatukan."Marunong ka lang mambanta ng tao pero mismong asawa mo hindi mo nga kayang hawakan sa leeg. Matapang ka lang sa mga kalalakihan pero napakahina mo kay Allyson." ani nito at sinabayan pa talaga ng pag-iling.Matagal ko na ring naisip ang sinabi niya dahil kahit ako ay nalilito sa sarili ko kung bakit hindi ko kayang maging mapagmataas kay Allyson. Di hamak naman na kahit mas mayaman siya, ako dapat an
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan