Allyson's P.O.V
Pagkatapos kung umalis sa opisina ni Travis ay inihatid ako ng sekretarya niya sa opisina ko dito sa kaniyang kompanya. Inilibot ko ang aking paniningin at sa tingin ko ay maayos naman ang ibinigay na opisina. Kulay puti ang kulay ng pader habang may linyang intim sa bawat sulok nito. Ang sabi sa 'kin ng sekretarya niya, talagang pinasadya ni Travis ang kulay ng opisina para sa 'kin dahil akala niya lalaki ako.
Kinuha ko ang aking cellphone dahil bigla itong tumunog. Tiningnan ko muna kung sino ang tumawag at nang mapagtanto ko na si Zia ito ay kaagad ko itong sinagot.
"How was your first day?"
Lumapit muna ako sa glass window bago ko siya sinagot.
"Maayos na man. Tulad ng inaasahan ko, hindi niya inaakalang ako at si Flare ay iisa." sagot ko dito habang tinatanaw ang malalaking building na makikita mula sa aking kinalalagyan.
"Mabuti na man at hindi ka pinaalis? Alam mo naman kung gaano siya ka-arte pagdating sa'yo." natatawang saad ni Zia kaya napangisi ako.
"Sa tingin mo aalis ako kapag pinaalis niya 'ko? Masyadong mahal ang pamasahe papuntang Italya kung uuwi ako ng hindi tapos ang pakay ko Zi."
At isa pa, hindi ko na ulit iiwan si Auntie lalo na't hindi maganda ang kaniyang sitwasyon ngayon.
"Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ang tulong ko Ally." anas ni Zia sa kabilang linya.
"May mga bagay lang na hindi pa masyadong klaro sa'kin ngayon. Parang ibang-iba sa inaasahan ko." anas ko kay Zia at muling sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.
"Baka na man nabigla lang siya nang makita ka. Kahit na man siguro ibang tao magugulat kapag nalaman na yung ex-wife ko at yung critic na hinahabol ko iisa." saad ni Zia pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya.
"I know pero parang wala siyang alam sa inihanda kong divorce papers 7 years ago." sagot ko naman dito kaya natahimik siya.
"Don't worry, ako na ang bahala sa sarili ko. I know any minute from now pupunta ang tauhan ni Travis dito kaya iu-update na lang kita kapag may bagong nangyari dito." sagot ko at tinapos ang tawag.
Muli ko munang pinasadahan ang kabuuang hitsura ng opisina bago napagdesisyunang maupo. Base sa pagkakakilala ko kay Travis, hindi siya mapipirmi kung hindi niya alam ang tunay kong pakay dito, kaya paniguradong gagawa siya ng hakbang upang maobserbahan ako.
Saglit lang akong naupo pero napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon. Sumilay ang ngisi sa aking labi nang mapagtantong si Chad ito.
Susubukin na naman ang acting skills ko.
"Long time no see Chad Biazon!" masiglang bati ko dito at ngumiti na man siya ng pilit.
Marami na talaga ang nagbago. Pati ang pakikitungo niya sa 'kin ibang-iba sa Chad na nakilala ko 7 years ago.
"Good Morning Allyson. Long time no see." saad nito at tumango lang ako bilang tugon. Sinenyasan ko itong umupo pero umiling lang siya at kaagad sinabi ang kaniyang pakay.
"I just want to invite you to have some coffee with me. Alam mo na medyo matagal na rin simula noong umalis ka." saad nito.
Kabisado ko na ang bawat galaw nilang dalawa kaya pumayag ako sa alok niya. Hindi rin naman masamang sumama kay Chad dahil malapit sila ni Travis at alam kong makakarating kay Travis ang pag-uusapan namin.
Napili ni Chad ang pinakamalapit na coffee shop mula sa kompanya dahil baka raw magalit si Travis kapag nalaman niyang nakipagkita ako sa kaniya. Pinilit ko na lang aking sariling maniwala para naman hindi masaktan ang pride niya.
"You're really a grown up woman now Allyson." panimula ni Chad habang pinapaikot ko ang kutsara sa aking kape. Ramdam na ramdam ko na man ang titig nito sa 'kin kaya ibinaba ko ang aking kape at tiningnan ito.
"Bakit mukha ba akong bata dati?" pabiro kong sagot dito at kita ko na man na medyo napahiya siya dahil kumamot ito sa kaniyang batok.
"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. Hindi kasi ako makapaniwala na si Flare at ikaw ay iisa." saad niya kaya ngumiti ako.
Hindi rin ako makapaniwala na matapos nila akong apihin dati, magagawa pa rin nila'ng humarap sa 'kin na tila wala silang ginawang masama.
"Hindi naman siguro ako nagbago. Nagkaroon lang ako ng ibang pangalan pero ako pa rin naman si Allyson." anas ko dito.
"You've changed Ally. Napakalakas ng awra mo ngayon, yung tipong ang hirap mong abutin." seryosong saad nito at tiningnan ako ng seryoso na tila may ginawa akong kasalanan sa kaniya.
Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya kaya umayos ako ng upo at tiningan ito ng seryoso.
"I guess so. Hindi mo ba matandaan 7 years ago kung gaano ako naghirap at napahiya sa lahat ng tao? Kilala ako ng lahat bilang isang sikat na designer pero bigla itong napalitan ng mabahong pangalan dahil sa walang kwentang paratang at higit sa lahat itinakwil ako ng sarili kong asawa kaya siguro nagbago ako para may mukha akong ihaharap kay Travis." saad ko dito at napainom naman siya ng kape.
"Alam mo ba na palagi ako sa Italy? Hindi ko lang alam kung bakit hindi kita nakita kahit isang beses man lang. Edi sana nakumusta kita doon." anas nito habang ang mga mata nito ay puno ng awa.
Pinakaayaw ko sa lahat ang mga taong kinaaawaan ako. Hindi ko gustong maging mahina sa harap ng iba dahil sigurado akong aapihin lang nila ako. At isa pa, hindi ko makakalimutan na wala kahit isa ang tumulong sa 'kin dati.
"Alam kong pumupunta ka sa Italya kaya minabuti kong magtago ng mabuti para hindi mo 'ko makita." sagot ko dito at napakunot naman ang noo niya.
"Edi para mo na ring sinabi na guilty ka sa ginawa mo? Don't get me wrong ha kasi I think hindi mo naman kailangang magtago kung inosente ka sa paratang nila." patanong na sagot niya. Minabuti kong ikalma ang aking sarili para ipakitang hindi ako basta-bastang magagalit sa simpleng usapan.
"Kung nagpakita ako dati, edi hindi mo 'ko makikita ngayon bilang Flare. I'm still in the process of recovering kaya minabuti kong magtago muna. Baka kasi maulit ang pagkawawa niya sa 'kin dati." sagot ko at muli naman siyang napasimsim ng kape.
"Will you leave this time?" diretsong tanong nito kaya napaatras ako sa aking upuan at napatingin sa kaniya ng seryoso.
"Alam kong wala kang tiwala sa 'kin. Hindi naman kita masisisi dahil pitong taon akong nawala at basta-basta na lang akong nagpakita sa inyo pero huwag kang mag-alala, hindi ako tulad ng inaakala mong kontrabida sa buhay ni Travis kaya irerespeto ko ang iniisip mo. " anas ko dito at natahimik naman siya. Bumuntong hininga muna ako bago magpatuloy upang ipakitang nasasaktan ako sa ginagawa nila ngayon.
"Alam ko rin na ipinadala ka ni Travis para malaman ang pakay ko. Masyado mong ginalingan ang pagpapanggap kaya hindi ako magtatanim ng galit sa ginawa mo ngayon. " anas ko at nanatili lamang siyang tahimik.
"Pero pakiramdam ko hindi niya na 'ko kilala. Wala akong nakuhang balita tungkol sa kaniya kaya gusto ko sanang itanong sayo ng harapan. Ano ang nangyayari kay Travis?" tanong ko at lumapit ng bahagya sa kaniya.
Uminom muna ito ng kape bago humarap sa akin. Para siyang kinakabahan pero hindi ko na lang ito pinansin at sa halip ay hinintay ang susunod nitong sasabihin.
"Wala namang nangyari kay Travis. Alam mo naman kung gaano kasakit ang maiwan 'di ba? Siguro nasaktan lang talaga siya sa pag-alis mo kaya sinubukan niyang kalimutan ka." sagot nito sa 'kin pero hindi niya magawang tumingin ng diretso. Hindi ko na lang ito pinansin at sa halip ay nag-isip ng paraan upang magtiwala sa'kin si Chad.
"Alam kong ipinadala ka niya upang malaman ang pakay ko kaya sasabihin ko ang motibo ko kung bakit ako bumalik ngayon." sumimsim muna ako ng kape bago ako magpatuloy sa pagsasalita. "Bumalik ako upang ayusin ang pagsasama namin ni Travis. Wala akong planong kunin ang pinaghirapan niya o 'di kaya ay ang iwan siya. Sabihin mo sana sa kaniya na ang relasyon namin ang pakay ko."
Tumango lang ito at kunot noong tumingin sa 'kin.
"Sabihin mo nga Chad kung isa ba akong desperada sa gusto ko? Hindi naman siguro masamang balikan ko ang asawa ko 'di ba?" tanong ko ulit dito. Ibinaba niya ang kaniyang kape at nalilitong tumingin sa 'kin.
"Hindi ko naman kasi hawak ang puso ni Travis at isa pa hindi ako si Travis kaya hindi makakatulong ang opinyon ko sa relasyon niyo." sagot nito kaya napatango ako. May punto naman siya pero malapit siya kay Travis kaya siguradong makikinig sa kaniya si Travis 'pag nagkataon.
"Kumusta naman si Travis matapos niya akong makita?" tanong ko dito at lumapit ng bahagya sa kaniya.
"Kita mo naman siguro kung gaano ka niya kamuhian 'di ba? Sa tingin mo ba ayos lang siya matapos mo siyang iwan at kahit isang sulat man lang galing sa 'yo hindi mo ginawa?" masungit na sagot ni Chad sa 'kin pero hindi ko ito pinansin dahil mas nanaig sa 'kin ang ginawa nila pitong taon na ang nakakalipas.
"Sa tingin mo ba hindi ako naghirap Chad? Ikaw ang nag-iisang matalik na kaibigan ni Travis kaya alam mo naman siguro ang daloy ng relasyon namin. Alam mo rin siguro na siya na lang ang nag-iisang taong kinakapitan ko matapos mawala ang magulang ko pero ano? Itinakwil ako ng sarili kong asawa Chad pero bumalik pa rin ako para ayusin ang nangyaring gusot dati. Wala akong kasalanan pero mismong asawa ko hindi ako pinaniwalaan at ang mas masakit, yung ituring niya 'kong malas sa buhay niya na kailangan niyang itapon. Kaya walang kahit sino man ang may karapatang sumbatan ako sa ginawa ko dahil sarili ko lang ang inaasahan ko." buong lakas kong sagot dito at sinabayan ng konting luha.
Tiningnan ko naman ito at mukha naman siyang naniwala dahil biglang naging malungkot ang ekspresyon nito at dali-daling kumuha ng tissue. Marahan ko naman itong tinanggap at pinunasan ang luha ko.
"I'm so sorry Ally. Bilang kaibigan ni Travis hindi mo maiaalis sa 'kin ang mag-alala sa kalagayan niya. Hindi naman ako tutol sa gusto mo lalo na't may karapatan ka sa kaniya dahil asawa ka niya. Ang akin lang naman, huwag ka na ulit mawawala sa buhay niya dahil baka sa susunod hindi na buhay ang babalikan mo." saad nito at ininom ang natitirang kape.
"Ikaw na ang bahalang iparating kay Travis ang gusto ko. Sana ngayon ay maging kakampi kita sa laban kong 'to." saad ko at tumango naman siya.
"Ano kayang ginagawa ni Travis ngayon?" wala sa sarili kong tanong kaya napainom si Chad ng kape.
Travis P.O.V
Pagkaalis ni Chad ay eksaktong dumating ang mga abogado ng kompanya kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon ngayon. Mahirap na't tuso ang babaeng 'yon. Sana na man magtagumpay si Chad sa inutos ko at nang mapaalis na namin si Allyson.
"Good morning. Siguro naman alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag lahat dito. Nasisiguro kong tiningnan niyo ng mabuti ang ibinigay kong papeles bago kayo pumunta dito." panimulang bati ko at naunang umupo na sinundan naman nila.
Isang abogado ang nagtaas ng kamay. Siya raw ang magiging boses ng lahat dahil iisa lang ang nakikita nilang sitwasyon. Binigyan ko ito ng permisong magsalita kaya tumayo ito.
"You should give her the property Mr. Tan. Ito lang ang choice na safe ka at ang kompanya." saad nito kaya naibato ko sa kaniya ang folder na malapit sa 'kin.
"Abogado ba talaga kayo? Hindi niyo ba naisip kung gaano ka importante sa 'kin at sa pamilya ko ang kompanya na 'to tapos sasabihin niyo na ibigay ko na lang sa kaniya dahil lang sa divorce agreement na 'yun? Maging abogado na man kayo kahit ngayon lang!" malakas na bulyaw ko at lahat sila ay napatungo.
Ito ang kompanyang ibinigay sa 'kin ng mga magulang ko bago sila pumanaw kaya ito ang pinaka-importante sa buhay ko maliban sa lola ko. Mawala na ang lahat sa 'kin huwag lang ang kompanya na 'to.
"Wala tayong magagawa sa bagay na 'yan Mr. Tan. Alam namin kung gaano ka importante ang kompanyang ito pero ayon sa marriage law, dapat mong ibigay ang kalahating properties mo sa ex-partner mo. Hindi rin namin gusto ang mangyayari pero wala po tayong magagawa Mr. Tan." saad ng babaeng abogado kaya galit akong napatingin sa kaniya.
"Ibig mong sabihin, bibigyan ko siya ng kalahati sa lahat ng ari-arian ko? Nahihibang ka ba? Hindi ko siya bibigyan kahit piso!" singhal ko dito at natahimik naman siya.
Tiningnan ko silang lahat at lahat sila ay tinitingnang mabuti ang folder na ibinigay ko.
"Ayusin niyo ang problemang 'to kung gusto niyo pa ang trabaho niyo. Hahanap ako ng bagong mga abogado kung hindi niyo kayang ayusin ito. Huwag kayong uuwi sa bahay niyo kung hindi niyo ito naayos!" saad ko at akmang tatayo na nang biglang magsalita ang isang batang abogado.
Siguro naman hindi niya ako bibigyan ng sakit sa ulo sa sasabihin niya dahil kapag walang kwenta ang sinabi niya, siya ang uunahin kong tanggalin.
"Mr. Tan, if I'm not mistaken may iba pa pong paraan. Kung mapapatunayan na ang iyong asawa ay may itinatagong lalaki, wala siyang magagawa kung hindi ang itigil ang paghingi ng parte sa iyong ari-arian." saad nito at medyo nagdiwang ang aking sarili.
Bumuntong hininga muna ako upang maibsan ang inis ko. Akala ko pa naman madali lang ang ideyang ibibigay niya. Hindi ko nga masundan ng maayos ang babaeng 'yon tapos hahanapan ko pa ng lalaki at isa pa napakahirap kausap ni Allyson kaya imposible ang ideya niya.
"Huwag na muna nating ipagpatuloy ang meeting na 'to at baka lahat kayo ay mawalan ng trabaho. Sana sa susunod na pagkikita natin ay mabigyan niyo 'ko ng magandang ideya at hindi puro pa ligoy-ligoy. Huwag niyong sasayangin ang oras ko kung gusto niyong hindi mawalan ng trabaho." anunsiyo ko at hinilot ang aking sintido.
"Ihatid mo silang lahat sa labas." utos ko sa aking sekretarya na agad naman niyang sinunod.
Ipinikit ko muna ang aking mga mata para maikalma ang inis ko. Mahirap na at baka magkaroon pa ako ng maling desisyon na papabor kay Allyson.
"Stress ka ata?" napatingin ako sa nagsalita at nang mapagtantong si Chad lang pala ay ipinikit kong muli ang aking mga mata.
"Anong nangyari sa inutos ko sa 'yo?" nakapikit na tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko akalain na magbabago si Allyson. Ibang-iba siya sa nakilala kong Allyson dati kaya medyo nahirapan ako sa pakikipag-usap sa kaniya." saad nito kaya napabuka ako ng mata at tiningnan ito ng seryoso.
Akala niya ata nagsisinungaling ako at talagang hindi ko lang kaya ang ugali ni Allyson kaya ko nasabi sa kaniya na mahirap siyang kausap.
"So hindi mo nalaman ang tunay na pakay niya? Masyado ng panget ang araw ko Chad kaya huwag mo ng dagdagan pa. Nakikiusap ako." saad ko dito at napangiti naman siya bago may kinuha sa sahig at inilagay sa aking harapan.
"Ang sinabi ko lang naman mahirap siyang kausapin pero hindi ko sinabing wala akong baong impormasyon sa 'yo." saad nito at ipinakita sa 'kin ang laman ng box.
Puno ang box ng mga gamit na halos puro para sa couple kaya napatingin ako sa kaniya na puno ng pagtataka.
"Ano na naman 'to? Huwag mong sabihin na nagiging bakla ka at gusto mong makipag couple sa 'kin?" kunot noong tanong ko dito pero binatukan niya 'ko kaya galit akong napatingin sa kaniya.
"Sinuri ko talaga ang bawat kilos niya at masasabi ko na talagang ikaw ang pakay niya Travis. Wala sa plano niya ang kunin ang mga ari-arian mo o di kaya ay ang purmirma sa divorce paper na hinanda mo. Nararamdaman ko na mahal na mahal ka ni Allyson kaya siya bumalik ngayon. Huwag mo masyadong higpitan ang sarili mo dude, sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa ng asawa mo." puno ng pagmamahal na saad ni Chad.
Nandidiri akong napatingin sa kaniya. Matagal na kaming magkaibigan pero ngayon ko lang nakita kung gaano siya ka romantiko at talagang nakakasuka ang kalagayan niya.
"Dalawa lang naman ang rason kung bakit ka naniwala sa sinabi niya. Una, magaling siyang umarte o di kaya ay talagang tanga ka lang para maniwala sa sinabi niya." anas ko dito at inilihis ang paningin sa kahon.
Sino ba naman kasing maniniwala sa sinabi niyang rason? Makalipas ang pitong taon, ngayon lang naisipang magpakita sa asawa? Hindi ko nga alam na buhay pa pala siya kung hindi naikwento ni Chad. Mabuti na lang talaga at hindi agad ako naniniwala sa mga bagay-bagay hanggat hindi naipapakita sa 'kin ang pruweba.
"Napaka-arte mo naman kasi Travis. Babae na nga yung lumalapit sa 'yo at isa pa isang sikat na personalidad ang asawa mo kaya anong inaakala mo? Bigla na lang siyang uuwi sa Pilipinas para kamustahin ka? Kung ako si Allyson malamang hindi na ako bumalik sa ugali mo." sagot niya sa 'kin at kinalkal ang laman ng kahon.
"Bakit ba kinakampihan mo ang babaeng 'yon? Ikaw nga ang may sabi na hindi siya karapat-dapat sa mga ari-arian ko tapos ngayon ipinagtutulakan mo 'ko sa babaeng 'yon." anas ko dito at bahagyang inilayo ang kahon.
Hindi ko alam kung paano binilog ni Allyson ang ulo ni Chad at talagang nakuha niya ang simpatya nito. Kahit anong pilit ko sa sarili ko wala akong maalala tungkol sa kaniya kaya hindi ako papayag na magkabalikan kami ng estrangherong 'yon.
"Hindi basta isang babae si Allyson, Travis. Asawa mo si Allyson kaya kung ako sa 'yo huwag ka ng pakipot." pangangaral niya sa 'kin pero hindi ko ito pinansin at sa halip ay nagbukas ng bagong topic.
Kaibigan ko ba talaga 'to? Puro Allyson na lang ang bukambibig niya at kung makareto kay Allyson parang napakaganda naman.
"Nakausap ko na ang lahat ng abogado. Medyo nasayang ang oras ko pero binantaan ko sila na magbigay ng mas epektibo at madaling plano kung gusto nilang manatili sa trabaho nila." saad ko dito.
Sandali naman itong natahimik at pagkatapos ay ibinalik sa aking harapan ang dala niyang kahon.
"Paumanhin kung bilang assistant mo ay wala akong naitulong sa 'yo pero dahil sa kahon na 'to, sigurado akong maaalala mo ang matamis niyong kahapon ni Allyson. Nasa loob ng kahon na 'to ang lahat ng ibinigay niyo sa isa't isa noong nilalanggam pa kayong dalawa." saad nito at dali-daling umalis kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumandal sa upuan ko at hilutin ang aking sintido. Wala talaga akong maalala kung sino siya sa buhay ko kaya malabong magkaroon ako ng tiwala sa kaniya.
Hindi maaaring maunahan ako ni Allyson sa kung ano man ang plano niya laban sa 'kin. Hindi dapat ako maupo dito at hintayin na makuha lahat ni Allyson ang pinaghirapan ko.
Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang numero ni Chad. Nakailang ring pa ito bago niya sinagot. Inutusan ko itong samahan ako sa pago-obserba kay Allyson at dahil likaw sa kaniya ang pagiging chismoso, ilang minuto pa ay nakarating na siya sa tabi ko.
"Sigurado ka ba sa plano mo? Baka magkagusto ka sa asawa mo niyan at ikaw pa mismo ang maghabol sa kaniya." pabirong saad niya pero binatukan ko pa rin ito.
"Umayos ka nga Chad. Hindi ko kailan magugustuhan ang babaeng 'yon kaya samahan mo 'ko sa paghahanap ng baho niya at nang tuluyan ko na siyang mapaalis sa buhay ko." saad ko kay Chad at naunang lumabas ng meeting room.
"Halos lahat ng lalaking nagsalita ng ganiyan, nahulog sa kinaiinisan nila kaya hindi na ako magtataka kung matutulad ka sa kanila." komento ni Chad pero hindi ko na lang ito pinansin at binilisan ang lakad.
Hindi naman siguro ako mahuhulog sa isang pandak at masungit na babae. Wala sa bokabularyo ko ang maging taken kaya alam kong ligtas ako sa sinabi ni Chad.
Allyson's P.O.VMaaga akong nagising upang patunayan ang sarili ko kay Travis na karapat-dapat ako sa posisyon na hawak ko. Kailangan ko rin na madaliin ang plano ko dahil baka magkaroon ng problema lalo na't mabilis gumawa ng aksiyon ang walang hiya kong kapatid."Good Morning Flare! Aga natin ah." bati ni Zia habang himihikab pa."Good Morning Zi! Bakit mukha ka namang hindi nakatulog?" anas ko dito dahil pansin ko kasi na medyo pumipikit pa siya ,eh mas nauuna pa nga siyang natutulog sa 'kin."Talagang nagmana siya sa 'yo sa pagiging matalino. Akalain mo yun? Na-hack niya ang gcash ko at ibabalik niya lang daw ng pa unti-unti kapag natapos kong ikwento sa kaniya ang beauty and the beast at frozen." reklamo ni Zia at sumimsim ng kape.Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala ang maliit na mukha nito a
Pagkatapos ng nangyaring alitan sa pagitan ni Sofia at Allyson ay kaagad na dumiretso si Sofia sa matalik nitong kaibigan na si Yuri Tan. Matalik na magkaibigan ang dalawa mula noong highschool pa lang sila at si Yuri ang palaging tinatakbuhan ni Sofia kapag nagkaroon sila ng alitan ni Allyson.Tulad ng nakagawian, nadatnan ni Sofia si Yuri na nag-aayos ng mga bulaklak. Si Yuri ang tipo ng babaeng ibubuhos ang buong oras sa pagtingin at pag-aayos lang ng mga bulaklak dahil para sa kaniya ito ang stress reliever niya."Riri!"Napalingon si Yuri sa tumawag sa kaniya. Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Yuri ng mapagtantong si Sofia ang bumisita sa kaniya. Minsan na lang kasi bumisita si Sofia dahil sa sandamakmak na activities na nakalaan sa schedule niya."Sofia! I miss you bestie!" masiglang bati ni Yuri at kaagad na binitawan ang bulaklak at niyakap si Sofia.
Allyson's P.O.V"Alam mo naman siguro na mahilig ako sa alak Miss Romero kaya kailangan mo munang ubusin ang tatlong baso ng alak kung gusto mo talagang makuha ang pirma ko." Nakatuon ang atensiyon ko sa tatlong baso ng alak sa aking harapan."Anong alak ba 'yan?" seryosong tanong ko habang pilit iniisip kung paano ko maiisahan ang isang Velasco.Alam kong patibong lang ang lahat ng 'to pero kailangan kong makuha ang tiwala niya para sa plano ko."Spirytus Stawski"Hindi naman siguro ako mamamatay kapag uminom ako ng tatlong baso dahil palagi naman akong umiinom sa Italy at isa pa alam kong nakatingin si Travis sa akin kaya dapat mapaganda ko ang imahe ko sa kaniya."Ayos lang naman kung ayaw mo. Hindi ako namimilit ng babae Miss Romero. Sasabihin ko na lang kay Mr. Tan na hindi m
Allyson's P.O.VPagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong pumunta sa opisina dahil tinawagan ako ni Shiloah na kailangan kong magmadali dahil may kailangan daw akong makita.Pagkarating ko ay agad silang napalingon sa akin at napuno ng bulungan ang paligid. Gustuhin ko mang patahimikin ito pero hindi ko ito pinansin at sa halip ay dumiretso sa elevator papunta sa aking opisina. Kaagad kong binuksan ang computer at tiningnan ang news na kumakalat tungkol sa 'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko masisira ang pangalan ko pero kabaliktaran pala sa naiisip ko.'The International Critic is a sleeping beauty.'"Private and Intimate meeting with two respective bachelors in the country.'Agad na sumagi sa isipan ko si Sofia. Siya lang naman kasi ang nakakaalam maliban kina Travis na umattend ako sa brand launch at siya lang din ang hindi marunong g
Allyson's P.O.VPagkatapos ng pag-uusap namin ni Travis ay kaagad itong umalis, siguro kakausapin niya ang medya sa ibaba.Kinuha ko ang aking cellphone at idinial ang numero ni Zia. Kanina pa ako kinakabahan sa pagkawala ni Luigi , dahil baka masira ang plano ko."Anong balita? Nakita mo siya?" tanong ko kay Zia, nagbabakasakaling nahanap na niya ito."I'm sorry Ally, pero nandito ako sa hotel na pinagdalhan kay Luigi. I'm trying my very best na makita sila.""Don't worry. Magpapakita rin siya kung kailan niya gusto. Just continue observing him." utos ko dito at ibinaba ang tawag.Inayos ko na ang mga gamit ko at akmang aalis na nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang sekretarya ni Travis. Kunot noo ko itong tiningnan."Mr. Tan told me na kailangan niyo po na s
Allyson's P.O.V"You can't force me to accept and love you Ally kaya habang may respeto pa 'ko sayo, umalis ka ngayon sa harapan ko at huwag ka ng magpakita sa 'kin kagaya ng ginawa mo dati. Bumalik ka sa lugar kung saan ka galing." naiinis na saad nito.Hindi niya malimutan ang pag-alis ko pero hindi niya naman matandaan kung bakit ako umalis. The nerve of this guy!"I won't go anywhere. I'll stay with you Travis Tan at kahit ikaw ay hindi ako mapipigilan." saad ko dito at nagpakawala ito ng buntong hininga."Don't use the 'you love me card' to me Allyson. Nararamdaman ko pa rin na iba ang pakay mo sa pagbalik ko." anas nito at ako naman ang napabuntong hininga."Travis, alam ng lahat na kasal tayo at alam mo naman siguro na tayo ang pinakauna sa balita. Kapag nalaman nila na hindi tayo nakatira sa iisang bubong a
Third Person's P.O.VGalit si Sofia habang tinatahak ang daan papunta sa bahay ni Yuri. Hindi niya inaakalang bigla na lang mawawala sa kaniya ang lahat dahil sa pagbalik ni Allyson. Lahat ng pinaghirapan niya ay parang isang bulang bigla na lang naglaho."Anong nangyari sa 'yo? Napakaaga pa pero yang mukha mo parang binagsakan ng lupa." natatawang saad ni Yuri habang umiinom ng kape.Inirapan ni Sofia ang kaibigan at napahilamos sa kaniyang mukha. Alam na ni Yuri kung ano ang nangyari sa kaibigan dahil pumupunta lang naman ito sa bahay niya kapag naiinis kay Allyson."Wala akong oras para makipagtawanan Yuri. Galit ang buong sistema ko." seryosong saad ni Sofia.Likas kay Yuri ang pagiging kalmado sa lahat ng bagay kaya balewala lang sa kaniya ang sinabi ng kaibigan at patuloy lang sa pagtawa habang pa minsan-minsan ay umiinom ng kape.
Allyson's P.O.V"I would love to know that love. Enjoy ka muna magbabasa lang ako." saad nito at tuluyang pumasok sa loob.Well, I'm left with no choice.Mabuti na lang at maliit na bag ang dala ko ngayon kaya hindi ako mahihirapang umakyat. Hinubad ko ang suot kong heels at agad na isinampa ang paa ko sa naglalakihang ugat ng bahay niya. Inabot ko ang railing ng terrace niya at pagkatapos ay hinila ko ang sarili pataas para diretsong makapasok sa bahay.Hinawi ko ang kurtina at nakita ko naman si Travis na nakatalikod sa 'kin habang nagbabasa ng libro. Dahan-dahan akong naglakad palapit dito habang nakangiti."Hi Love!" masiglang bati ko matapos ko itong tabihan sa sofa.Kunot noo itong napalingon sa 'kin at saglit nagulat. Napaayos ito ng upo at kunot noong nakatingin sa 'kin na tila sinusuri ku
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan