Share

Chapter 1

Author: sinblue
last update Last Updated: 2020-09-30 10:03:40

Chapter 1

Blaze Raven Villacorta

“WHAT DO YOU MEAN? Nasisiraan ka na ba dad? Magtatayo ka ng resort sa isang malayong isla? Sinong magbabakasyon doon, mga isda?” sarkastikong tanong ko sa tatay kong nasisiraan na ng bait.

Matino pa naman siya kahapon e, ang kaso nagpakalasing kagabi kaya kung anu-ano nanamang napasok sa kukote. Kung buhay sana si mommy, baka may natitira pa siyang katinuan.

“I will build an exclusive resort for the people who want to unwind and relax. A resort that will make people escape the reality even for a short period of time, anong masama doon?”

Marahas akong bumuga ng hangin saka pabagsak na naupo sa sofa. Seriously? Hindi ko akalaing darating siya sa puntong ito, iyong tipong parang tuluyan nang nahulugan ng mahigpit na turnilyo sa utak.

“That’s cool, dad! Ako ang unang magiging costumer mo!” tuwang-tuwa na pagsang-ayon ng kapatid ko kaya umikot ang mata ko sa inis.

Mga siraulo! Totoo ba talagang sila ang pamilya ko? Baka naman ampon lang ako? Ako lang kasi talaga ang matino sa aming tatlo. Pambihira! Parang gusto ko nalang kausapin ang mga isda sa aquarium ni mommy.

“Sure thing, son. Now find me a perfect island for our plans.” nakangiting sagot ni dad.

“Of course, dad. Kami na ni Blaze ang bahala doon.”

Napailing-iling ako. Dinamay pa ko. Tsk. Hindi ko alam kung bakit sila ang kapatid at tatay ko. Mga siraulo naman sila at puro kabalbalan ang alam. Ako nga lang talaga ang matino sa amin e.

“Sir Blaze, may babae pong bigla nalang binato ng malaking bato ang windshield ng kotse mo. Nahuli po ng security ang babae at ang sabi niya ay ex niyo daw po siya na niloko niyo”

Awang ang labi na napatingin ako sa isang kasambahay na bigla nalang lumapit sakin at ibinalita ang napakasakit at napakapait na sinapit ng kotse ko. Nalintikan na! Ang dami-dami namang puwedeng sirain bakit kotse ko pa?

“Ano?! Nasaan ang babaeng iyon?”

Dali-dali akong tumayo at lumabas ng mansion. Nakita ko ang security guard namin na hawak sa mga braso ang babaeng nagpupumiglas.

Patay ka saking babae ka! Sirain mo na lahat wag lang ang mga babies ko!

Nilingon ko ang pulang sports car na nakaparada sa harapan ng gate ng bahay. Basag nga ang windshield, pati ang side mirror ay sira, may gasgas din ang unahan ng kotse.

Nanlulumo akong tumakbo doon, “Baby ko!!!! Walangya naman oh! Bat di ka lumaban? Diba sinabi ko naman sayong wag kang papaapi? God, mahal na mahal pa naman kita!”

Mangiyak-ngiyak akong hindi magkandaugaga sa pag-ikot sa kawawa kong kotse. Anak ng tinapa! Ito pa naman ang paborito kong kotse, iniwan ko lang saglit dito dahil may pupuntahan pa ako pero ganito agad ang sinapit niya, sa kamay ng babaeng mapagsamantala sa mababait! Aish!

Galit na bumaling ako sa babaeng nagpupumiglas pa rin mula sa pagkakahawak ng security guard. Lumapit ako doon at bahagyang yumuko para makita ang mukha ng babaeng natatakpan ng nakasabog nyang buhok. Nakapamewang ako habang mariing magkadikit ang mga labi.

Tang'na!

“Hoy! Bakit mo binasag ang windshield ng kotse ko?”

Marahas na humarap sakin ang babae at bahagya akong napaatras nang makita ang hitsura nya. Maitim ang palibot ng mugtong mata, kalat ang pulang lipstick sa labi at mapula ang ilong at pisngi.

Kumurap-kurap ako. She looks familiar.

“What? You don't remember me? Damn manwhore!” maangas na singhal nya sakin.

Suminghap ako. One of those crazy women who’s worshiping my handsomeness. Fuck! Ang hirap maging gwapo! Saan ba puwedeng idonate ang kaguwapuhan nang mabawasan naman kahit .0001% lang? I badly need to lie low!

Nakangiwing pinagmasdan ko ang hitsura ng babae. Malinaw ko namang sinasabi sa mga kafling ko na hindi ako handa para sa isang commitment. Sila itong palapit-lapit sakin tapos sa huli ay mag-iinarte! I really hate girls of her kind!

“Look, miss, whoever you are, i’m pretty sure you know my rules, i’m not into serious relationship so don't do something like this again.”

Pagkatapos noon ay iiling-iling akong lumapit muli sa kotse ko. Ngumiwi ako saka nanlulumong bumalik sa loob ng bahay. Nakita ko pa kung paano pinagtabuyan ng security ang baliw na babae. Gusto ko sana siyang parusahan pero parang may sayad siya, kawawa naman.

Sigh!

“You brat! You’re already 26 pero kung makapagpalit ka ng babae daig mo pang ahas na nagpapalit ng balat! Bakit ba hindi ka tumitino? Ha! Blaze Raven Villacorta?!”

Sermon ng tatay ko ang bumungad sakin pagbalik ko sa loob ng bahay. Iiling-iling na nakatingin sakin si Blast habang nakahalukipkip at nakaupo sa arm rest ng sofa. Umismid ako, makaasta parang hindi babaero. Psh!

Nakaismid na pinakinggan ko lang ang mahabang panenermon ng tatay ko. Siguradong hahambalusin ako nito ng kung anong matigas na bagay kapag sumagot ako o nag walk out.

“By the way, dad, do you have specific island in your mind?”

Hindi pa ba tapos ang usapan nila? Usapang pang siraulo. Tsk! Sinong siraulo ang maglalagay ng resort sa isang islang malayo sa kabihasnan. Naloko na!

“None, and since patambay-tambay naman kayo ngayon, i want you and Blaze to find me an island. Kahit saan. Kayo na ang bahala.”

“Ayoko.” agad na pagtanggi ko pero lumipad sa dibdib ko ang remote ng tv na ibinato sa akin ng tatay ko.

Tang'na! Sinasabi ko na nga ba!

“Subukan mong suwayin ako babasagin ko lahat ng salamin ng sasakyan mo, kilala mo ako, Blaze, kapag sinabi ko gagawin ko.”

Aish! Ano? Wala nanamang choice! Anak ng...

“I will give you two months, pag wala kayong nahanap na isla, magpaalam na kayo sa buhay binata dahil ipapakasal ko kayo sa mga anak ng business partners ko.”

Argh! No fucking way!

***

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHA”

Walang emosyon ang mukha ko habang hinihintay na maubos ang hangin nila sa katawan dahil sa katatawa. Sinulyapan ko si Blast na katulad ko ay wala ring emosyon ang mukha.

“Nababaliw na talaga si tito, sinong bibisita sa resort na nasa gitna ng karagatan at malayo sa kabihasnan? Pffftttt hahahahaha”

Pinasadahan ko silang tatlo ng tingin. Kaibigan namin sila ni Blast, sina Hendery, Kevin at Ethan.

“Ano kayang sasabihin ni dad kapag nalaman niyang pinagtatawanan ninyo ang plano nya?” nakangising tanong ni Blast saka biglang ipinitik ang daliri at nagsalita ulit,  “Ahh! Siguradong susulsulan nya ang mga parents ninyo na iarrange marriage kayo sa mga bigating Demeza  sisters.”

Ngumisi rin ako nang makita kong natahimik ang tatlo dahil sa sinabi ni Blast. Patay na patay ang Demeza sister sa kanilang tatlo, nakilala namin ang mga bigating babae na iyon noong kasal ng isa sa kaibigan naming ipinagkasundong ipakasal sa isang anak ng business partner ng parents nila at daddy namin.

“Tangina mo, Blast, manahimik ka! Kadiri, ang baho kaya ng kilikili ng baboy na iyon, parang hindi babae, sabagay, baboy e” nandidiring sabi ni Ethan.

Elementary palang ay magkakaibigan na kaming lima, ang totoo ay anim kami, si Lance pa kaso ikinasal na sya last year, sa babaeng kinasusuklaman nya, wala na nga kaming balita doon e, ang huling nalaman namin ay lumipad papuntang France sila ng asawa niya.

Si Hendery ang pinakamatanda sa amin, 29 years old na sya, sunod ay si Lance na ilang buwan lang ang ibinata kay Hendery, sumunod ay ako tapos si Blast na 25 years old at sina Kevin at Ethan na parehong kaedad ni Blast.

“Ano pa, e hininga pa nga lang pakiramdam ko naaagnas na ako e” nakangiwing pagsang-ayon ni Hendery.

“Tangina magkamatayan na pero hindi ako pakakasal sa babaeng triple ang timbang” maasim ang mukha na sabi naman ni Kevin.

Hah! Panindigan nyo iyan mga gago!

“So, ano? Sasamahan niyo ba kami o sasamahan?” nakangising tanong ni Blast.

Humalukipkip naman ako saka sumandal sa couch, nandito kami sa condo ni Hendery.

“Tangina san ba ang target island natin? Kating kati na kong maglakbay” Hendery.

Napailing nalang ako. I guess i have no choice, baka wasakin ng tatay ko lahat ng babies ko at ipakasal ako sa tuod na hipon na parang inasinang bulate kapag nakikita ako. Damn! Ang hirap talaga maging guwapo at talented. Tsk tsk!

“Fuck! Siguraduhin niyo lang na hindi iligal ang gagawin nating pagbili ng isla sa kung sino mang nagmamay-ari n'yon” kumakamot sa batok na sabi ni Ethan.

Gago talaga! Syempre legal, alangang tutukan namin ng baril iyong may-ari para umalis at mapasaamin ang isla. Anak ng pating na imagination iyan!

***

Grace Estrella-Lopez

“MAGANDANG UMAGA!” masiglang bati ko sa aking paligid. Nakadipa ang aking mga braso habang nakangiti ng matamis. Ngiting totoo at puno ng kaligayahan.

Lumanghap ako ng sariwang hangin pagkatapos ay kinuha ang aking maliit na timba at maliit na galon na binutasan ko ng maliliit na butas sa ilalim.

Nakangiti akong dumiretso sa hindi kalayuang balon kung saan ako kumukuha ng tubig tabang. Napapalibutan kasi ng maalat na tubig ng dagat ang islang kinaroroonan ko kaya kinailangan ko pang maghukay upang makakuha ng tubig tabang, syempre sa mataas na parte ako ng isla naghukay, sa parte kung saan mayroong mataas na bundok at papasok sa gubat.

Nahawi ng malakas na hangin ang aking mahaba at kulot na buhok kaya sumabog iyon sa aking mukha. Maingat ko naman iyong hinawi at ipinirmi sa kanang balikat ko. Hanggang baywang na ang buhok ko dahil nakalimutan ko itong putulan nitong nakaraang araw, kada isang buwan kasi ay nagpuputol ako ng buhok upang maalis ang mga tuyot at pangit na dulo.

Mahigit tatlumpong minuto akong naglakad paahon ng bundok upang kumuha ng tubig tabang, oo, para sa akin ay malapit lamang ito, sa dalampu't tatlong taong paninirahan ko sa islang ito ay madali na para sa akin ang libutin ang buong kagubatan at languyin ang palibot ng isla, kahit ang mababangis na hayop sa isla at gubat na ito ay tila naging kaibigan ko na rin.

Nang makarating ako sa aking destinasyon ay agad akong lumapit sa balon na gawa sa pinagdikit-dikit na mga malalaking tipak ng bato, umabot ito ng halos dalawang dipa ang lalim kaya naman malinaw ang tubig, idagdag pang tumpok din ng mga bato ang nasa ilalim nito.

Marahan kong itinulak ang malaking tipak ng pahabang bato na nakatakip sa balon, napapangiwi pa ako dahil sa bigat nito pero agad akong ngumiti nang maiusod ko iyon ng maayos at bumungad sa akin ang sarili kong repleksyon sa malinaw na tubig tabang.

Ngumisi ako, nakita ko ang repleksyon ng aking mapuputi at pantay na mga ngipin, maging ang aking gilagid ay nakita ko rin dahil sa laki ng aking ngisi.

Ngumiti pa ako ng mas malaki. Malaya kong pinagmasdan ang aking hitsura mula sa repleksyon ko sa malinaw na tubig. Mapula ang aking mga labi ngunit maputla ang aking balat. Natural ang pagkaputla nito. Makinis ang aking balat bagama't halatang walang kahit ano akong inilalagay dito upang kuminis.

Nakarinig ako ng kaluskos sa aking likuran kaya agad akong tumingin doon. Bahagyang tumagilid ang aking ulo at kalauna’y napangiti rin nang makita kong lumabas ang isang batang unggoy mula sa malaking puno.

Mabilis kong kinuha ang timba na aking dala saka ginamit iyon panalok ng tubig na hindi naman ganoon kalalim, hanggang kalahati ng braso ko ang naabot ng taas ng tubig kaya madali akong nakasalok.

Muli akong humarap sa batang unggoy, marahan akong lumapit sa kanya at saka inilapag ang kalahating timba ng tubig saka muling umatras.

Umupo ako sa isang malaking bato sa gilid saka sya pinagmasdan na dahan-dahang lumapit sa tubig na ibinigay ko at doon ay uminom.

“Kung nauuhaw ka, puwede ka namang kumuha ng tubig dito, hayaan mo, iiwan kong nakabukas ang takip ng balon para hindi mo na ako hintayin para lamang makainom” nakangiting sabi ko sa batang unggoy.

Tumingin ito sa akin matapos uminom saka ngumirit ng malaki. Ngumiti ako ng mas malaki, ginaya ko ang kanyang ngisi, kitang-kita ang lahat ng ngipin at labas ang gilagid.

Muli syang bumaling sa timba ng tubig sa kanyang harapan, kinuha niya iyon saka nakangisi pa rin na lumapit sa akin. Tila hinaplos ang aking puso nang ilapag nya iyon sa aking harapan saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi pagkatapos ay mabilis na umakyat sa puno at umalis.

Napakabait talaga ng mga hayop sa taong mabait din sa kanila.

Nakangiti akong bumaba ng bundok habang bitbit ang isang timbang tubig na sinalok ko sa balon, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa ginawa ng unggoy, nasisiyahan talaga ako kapag nagiging malapit sa akin ang mga hayop, sila lamang kasi ang tanging may lakas ng loob na lumapit at humingi ng tulong sa akin.

Nang makabalik ako sa aking tahanan ay natanaw ko ang isang pawikan na nakatihaya at pilit na bumabangon. Agad kong ibinaba ang dala ko saka tumakbo palapit sa kaawa-awang pawikan, maingat ko syang iniangat at binuhat sa aking mga bisig.

“Bakit ka nakarating dito? May kalayuan na ito sa dalampasigan!” bulalas ko habang hinahaplos ang likod ng pawikan.

Naiiling na naglakad ako patungo sa dalampasiyan. May kalayuan iyon sa tahanan ko kaya naman inabot kami ng halos bente minutos sa paglalakad. Nang sa wakas ay nakarating na kami doon ay maingat kong ibinaba sa buhanginan ang pawikan, mabilis naman siyang gumapang patungo sa tubig saka lumangoy palayo sa akin.

Bumuntong-hininga ako saka tumingin sa malawak na karagatan, wala akong naaaninag na katabing mga isla, tanging ang malawak na karagatan at asul na kalangitan lamang ang aking nakikita.

Tumingala ako, naaliw na pinagmasdan ang mga ibon na malayang lumilipad sa ere, sana ay ganoon din ako, mayroong kalayaan at kailanman ay hindi nakulong sa iisang lugar lamang.

Muli akong bumuntong-hininga saka naglakad pabalik sa aking pinanggalingan, napatingin ako sa aking paa nang may bigla akong maapakan, isang babasaging bote na walang laman na sigurado akong nanggaling sa ibang isla o maaring itinapon ng mga mangingisda at maglalayag.

Pinulot ko ang bote, itinaktak ko ang buhangin na laman n‘yon saka muling nagpatuloy sa paglalakad.

Mabilis kong tinapos ang pagdidilig ng mga bulaklak sa gilid ng aking tahanan, nasa gitna ng gubat at pampang ang aking tahanan kaya naman hindi ito kita mula sa karagatan o sa dalampasigan, hindi ito ganoon kaliit at hindi rin ganoon kalaki, tama lamang ito para sa isang maliit na pamilya.

May mataas na pader ito sa paligid at bakal na bakod, nanggaling pa ang bahay na ito sa ninuno ng aking mga magulang.

Nag-iisa ako sa tahanang ito, sa isang palapag na tahanan na binabalot ng kalungkutan sa tuwing mabubura ang ngiti sa aking mga labi at bumabalik sa aking alaala ang pait na aking pinagdaanan sa kamay ng mga kauri ko.

Naupo ako sa upuan saka tumingin sa paligid, mayroon akong telebisyon, radyo, at kung anu-anong mga kagamitan na gumagamit ng kuryente, sa kasamaang palad ay hindi ko ‘yon napakikinabangan dahil walang daloy ng kuryente sa isla, matagal na panahon na, kaya nga wala akong nagawa kung hindi maghukay ng balon sa kagubatan dahil maging ang tubig ay hindi dumadaloy.

Masakit tanggapin ang katotohang nag-iisa ka na sa buhay, idagdag pang tinalikuran ka ng mundo dahil sa isang bagay na hindi naman totoo. Tila binura na rin sa mapa ng Pilipinas ang islang ito dahil labing anim na taon nang walang dumarayo sa islang ito, dati-rati ay marami ang nakatira dito, maingay at puno ng kasiyahan ang isla na animo’y sumasayaw pati ang karagatan at kagubatan sa tuwing nagkakasiyahan ang mga tao.

Ang totoo ay mayroon pang mga luma at sirang bahay sa iba’t-ibang bahagi ng isla, ang mga iyon ay iilan na lamang dahil kasabay ng paglisan ng mga tao ay ipinagiba rin nila ang kanilang mga tahanan sa dahilang hindi ko na matandaan dahil bata pa ako nang mangyari iyon.

Nahagip ng tingin ko malaking litratong nakasabit sa dingding, napangiti ako nang makita ang malaking ngiti ng isang buong pamilya, ako, ang aking mga magulang at ang aking lolo at lola.

Ang matamis kong ngiti ay agad napalitan ng pait nang maalala kong nag-iisa na lamang ako, iniwan nila akong lahat, sa edad na pito ay nakaranas ako ng labis na sakit at pagdurusa, ang totoo ay mayroong nag-alaga sa akin noong pitong taon ako at iniwan ng aking pamilya, si aling Baba, ang tanging kasambahay na nagtagal sa amin at itinuring akong isang anak.

Matandang dalaga si Aling Baba, simula noong magtrabaho siya sa aking pamilya ay nanatili na siya sa kabila ng hindi magandang mga bali-balita tungkol sa amin. Aniya’y hindi mahalaga ang aming pagkatao dahil nakikita niya sa amin ang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang tunay na pusong puno ng pag-ibig at kabutihan.

Napangiti akong muli nang maalala ang ginawa niyang pag-aalaga sa akin at pagtuturo ng mga bagay-bagay hanggang sa dumating ako sa edad na labing isa, at doon, sa murang edad ko na iyon ay muli kong naranasan ang walang kapantay na sakit nang bawian sya ng buhay sa aking harapan dahil sa isang malalang sakit.

Malayo kami sa kabihasnan kaya naman wala akong mahingian ng tulong ng mga panahong iyon, ang tanging nagawa ko nalang ay ilibing siya sa hindi kalayuan sa likod ng bahay kung saan doon rin nakahimlay ang namayapa kong pamilya.

“Napakadaya ninyong lahat, iniwan niyo ako sa mundong punong-puno ng panghuhusga at kasamaan,” naghihinanakit na litanya ko.

Naramdaman ko ang panunubig ng aking mga mata pero pilit kong binawi ang nagbabadyang luha na iyon sa pamamagitan ng matamis na ngiti.

“Pero salamat dahil kahit iniwan niyo ako, hindi niyo ako pinababayaan. Alam kong nariyan kayo, nagbabantay sa akin. Nanay, tatay, mama, papa, aling Baba, kayo lamang ang dahilan ng aking patuloy na paglaban sa buhay, sana ay hindi kayo magsawa sa pagbabantay sa akin, ah, pakisabi na din po kay papa God na bigyan niya naman ako ng kaibigan, iyong totoong tao, hindi mga hayop.”

Natawa ako sa huli kong sinabi. Hindi naman sa ayaw kong maging kaibigan ang mga hayop, pero hindi ba’t mas masaya kung magkakaroon ako ng kaibigan na katulad ko, iyong sasagot sa mga tanong at makikinig sa mga hinaing ko. Gusto ko iyon, sana magkaroon ulit ako ng pagkakataon na makakilala ng katulad ni Aling Baba na tatanggapin ako at ang pamilyang mayroon ako.

Sana, may maligaw muli sa islang ito. Sana dumating ang taong papawi sa kalungkutang nararamdaman ko sa aking puso.

TO BE CONTINUED...

[A novel by sinnederella]


Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yangkhumla Thongru
i really wanted to read this but not in English...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 2

    Chapter 2Blaze Raven Villacorta"SIGURADO ba kayo dito?" tanong ni Ethan."Oo nga, papayag kaya ang mga tao na bilhin natin ang isla nila?" pagsang-ayon naman ni Kevin."Kaya nga ang pupuntahan natin ay iyong isla na hindi masyadong marami ang tao." sagot naman ni Blast."You mean, haunted island?" tanong naman ni Hendery."Haunted island? Mag-isa ka, gago!" agad na sagot ni Ethan.Tumawa si Hendery, "Nagbibiro lang ako, ulol. Sinong tanga ang gugustuhing pumunta sa haunted island?""Ibig sabihin lang niyan mga duwag kayo." tumatawang buwelta naman ni Blast."Ikaw, Blaze, wala ka bang sasabihin?"Kinunutan ko ng noo si Blast, "Ano bang gusto mong marinig?"Ngumiwi sya, "Nagsusungit ka nanaman. May dalaw ka nanaman?""Gago!"Nagtawanan sila. Pati a

    Last Updated : 2020-09-30
  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 3

    Chapter 3Blaze Raven VillacortaNAKAAWANG ang labi ko habang hinahabol ng tingin ang isang babaeng tumatakbo palayo sakin. She’s running so fast as if i’m some kind of ugly monster. What the hell?I just want to ask for help. Hindi ko alam kung nasaan ako, pagkatapos kong mawalan ng malay ay nagising nalang ako na kumakalam ang sikmura at masakit ang ulo. May benda na rin ang ulo ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang tumakbo ng babaeng iyon matapos niya akong gamutin.Yeah! I believe she’s the one who helped me. Wala naman akong ibang nakitang tao dito bukod sa kaniya.Ah! Actually medyo nakita ko ang mukha niya, nakasilip kasi siya sakin kanina at nahagip ko sya ng tingin, plus the fact na nalapitan ko siya kanina bago sya tumakbo ng napakatulin.She’s wearing a black long dress, maganda at makintab din ang itim at paalon-alon nyang buhok, she’s actually prett

    Last Updated : 2020-09-30
  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 4

    Chapter 4Grace Estrella-LopezNAGISING ako na tanghali na. Gulat akong bumangon at mabilis na lumabas ng aking silid. Bakit ako tinanghali ng gising?Ah! Dahil kay Blaze. Hindi ko sya maalis sa aking isip kagabi. Hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ang ganoong pakiramdam sa kaniya. Hindi ako mapakali, bago pa lamang kaming magkakilala at hindi ko pa alam ang kaniyang pagkatao pero pakiramdam ko ay napakakomportable ko kapag nakikita siya. Kapag naman tumitingin siya sa akin ay tila nagwawala ang aking sistema.Nababaliw na yata ako, siguro nga nababaliw na ako. O maaaring masyado lamang akong nagagalak dahil sa wakas, pagkalipas ng maraming taon ay may dayuhan muling naligaw sa islang ito. Sa malungkot na islang kinalakhan ko.Lumunok ako. Inayos ang aking sarili. Sinulyapan ko pa ang aking sarili sa luma ngunit malinis na salamin sa aki

    Last Updated : 2020-09-30
  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 5

    Chapter 5Grace Estrella-LopezHINDI AKO makatingin sa lalaking kausap ni Blaze. Narito kaming tatlo sa sala ng aking bahay. Nararamdaman ko pa rin ang init sa aking mukha dahil sa nangyari sa amin ni Blaze nang abutan kami ng lalaki.“Anong pangalan mo, miss?”“A-Ah—”“Her name's Grace.” sansala ni Blaze sa sasabihin ko.“Tsk! Hindi ikaw ang kausap ko, Blaze.”Lumunok ako saka nag-angat ng tingin sa lalaki. Nakatitig siya sa akin kaya muli akong napaiwas ng tingin.“Ilang taon ka na, Grace?” muling tanong nito.“23.”“23. Hmm!”Tiningnan ko si Blaze at ang lalaki. Naniningkit ang mga mata ng lalaki habang palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Blaze.Tumayo ako at nilapitan siya nang mapansin ko ang sugat sa kanang braso niya, “Puwede ba kitang gamutin?”Um

    Last Updated : 2020-09-30
  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 6

    Chapter 6Grace Estrella-LopezSA HALIP na si Blast lamang ang aking aasikasuhin ay dumagdag pa si Blaze dahil nahulog siya mula sa puno ng niyog. Hindi ko akalaing mahuhulog talaga siya. Nakokonsensya ako. Kung ako nalang sana ang umakyat ay hindi nangyari iyon sa kaniya. Sana ay masigla si Blaze ngayon at hindi nakaupo lamang habang lukot ang mukha.“Pasensya na talaga, Blaze.” nakatungong paghingi ko ng paumanhin.Nilingon niya ako. Mula sa pagkakakunot ng noo ay mabilis na lumambot ang kaniyang ekspresyon. “No! Hindi mo kasalanan, Grace. It was all Blast's fault.”“Bakit ako?” agad na reklamo ni Blast na namamaga na ang braso.Mas lalo akong napayuko. Imbes na matulungan ko silang dalawa ay tila napurwisyo ko pa sila.Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Blaze. Magkatabi kasi kami sa mahabang sofa habang si Blast ay nasa tapat naming dal

    Last Updated : 2020-09-30
  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 7

    Chapter 7Blaze Raven VillacortaKUYOM ANG KAMAO na lumabas ako sa kwarto ni Grace. I gritted my teeth as i pulled the door closed. Damn! Malapit na e! I was so close to get her tapos bigla niya akong sisipain. Nakakabadtrip! I really want to take her! Fuck! Sa susunod hindi ko na siya palalampasin.“Argh!” tiim-bagang akong umungol habang hawak ang balakang ko. Hindi pa nga ako maayos dahil sa pagkakahulog ko mula sa puno tapos nahulog naman ako sa sahig ngayon. Malas talaga!“You’re an ass.”Who’s that? Nagpalinga-linga ako. Madilim ang buong paligid kaya wala akong makita. Lumunok ako. Tang'na sino 'yon?“I’m here, Blaze.”Muntik na akong mapatalon nang may tumapik sa balikat ko. Napatingin ako kay Blast. Pailing-iling siya habang nakatingin sakin. Umismid ako. Pakialamero talag

    Last Updated : 2020-10-17
  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 8

    Chapter 8Blaze Raven VillacortaI gently caressed her face. Damn sobrang kinis! I stared at her lips and bit mine. Damn it! I’m gonna ravage that lips. Damn! I’m gonna kiss her senselessly. I’m gonna bang her raw and rough. Hell yeah, that’s my fantasy and i’m gonna devour every part of her body.“Blaze..”I frozed. Shit! So sexy..Marahan kong hinila ang malambot niyang kamay. Sensuwal kong pinisil at hinaplos ang makinis niyang kutis. Tinulak ko siya sa kama at pumwesto ako sa ibabaw niya. I quicklu pulled my shirt off and kissed her fervently. Shit! Sobrang tamis ng labi niya. Malambot at napakasarap halikan.I opened my eyes. Dahan-dahan kong kinalas ang butones ng suot niyang polo. May damit pa pala siya bukod sa bestida?“Ahh Blaze..” she moaned sexily.Ngumisi ako. Nang maalis ko a

    Last Updated : 2020-10-19
  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 9

    Chapter 9Grace Estrella-LopezUMAGA NA NANG bumalik kami ni Blaze sa bahay. Suot ko ang kaniyang damit kaya naman naglalakad kami ngayon na pantalon lamang at suot niya at sa akin naman ay ang damit niya na umabot hanggang kalahati ng aking hita.Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa aking kamay. Napangiti ako. Kagabi matapos kong matakot sa kaniya ay napatunayan ko rin na hindi siya masamang tao. Iginagalang niya ako. Iyon ang sinabi niya at napatunayan ko iyon nang matulog kami matapos niyang halikan ang aking noo. Napakasaya ko na hindi niya ako pinilit sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay gayong nasa kaniya ang lahat ng pagkakataon kagabi dahil kami lamang dalawa ang nasa kubo.Nang makapasok kami sa loob ay mabilis na tumayo si Blast at sinugod si Blaze. Nanlaki ang mga mata ko.“Blast, bitawan mo siya!” gulat na saway ko kay Blast.Nakita kong ngumisi si Bl

    Last Updated : 2020-10-21

Latest chapter

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Epilogue

    Clint Alexander SilvanoADMIRING the nature is my hobby. When i'm looking at it, i felt calm and relaxed. They are just too beautiful to ignore and i can't find any reason to ignore them. The calmness. The breeze of freshness from the trees and the green scenery.Compared to the life in the city with full of buildings and modern technologies, provinces are better. And i prefer living in the province forever.“Ser Clent, kakaen na.”Napatingin ako sa katulong namin na si nana Berta. She's the one who raised me because my parents are too busy to even look at me.I smiled at nana Berta, “Nana, i told you

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 60

    Chapter 60Grace Lopez-SilvanoONE AND a half month had passed. We're living happily and contented. 2 months na ang pinagbubuntis ko at masaya ako dahil tanggap ni Clint ang batang nasa sinapupunan ko. Napakabait talaga nya at sobrang mapagmahal. He never failed to make me feel his love everyday. He always buy me flowers and kissed me good morning every morning i wake up and even before i close my eyes at night.After ng pag-uusap namin ni Blaze sa rooftop ng hospital. Nabalitaan kong umalis si Blaze at nagbabakasyon sa kung saan. Hindi binanggit ni Blast kung nasaan sya at hindi na rin naman ako nagtanong. Hendery and Kevin are visiting Grae at Ales almost twice a week at sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakakagawa ako ng gawaing bahay kapag kasama nila ang dalawang bata. Abala naman si Blast sa pinagpaplanuhan nilang kasal ng kasintahan nya at kalaunan ay nalaman kong si Lena, ang dating yaya ni Grae. Napakaliit nga naman ng m

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 59

    Chapter 59Grace Lopez-SilvanoNANG makauwi kami nina Grae at Ales sa bahay ay naroon na si nana Berta at nagluluto ng pananghalian.Hinayaan kong manuod ng tv si Grae habang nasa single couch si Ales at nagbabasa ng libro. Iyong librong ipinadala ni Blaze bilang regalo namin ni Clint sa kaarawan nya. Hindi ko pa pala nasabi kung kanino galing librong 'yon.Tumayo ako at dumiretso sa kwarto namin ni Clint. Gusto kong maligo dahil nalalagkitan ako sa katawan ko. Summer kasi kaya mainit ang panahon.Kumuha ako ng bathrobe saka dumiretso sa banyo. Agad akong naghubad at tumapat sa dutsa. Napapikit ako habang tumatama ang tubig sa mukha ko. Doon ay naalalala ko ang pag-uusap namin ni Blaze.Napabuntong-hininga ako. Mahirap para sakin na kausapin sya tungkol sa nararamdaman ko dahil kinailangan kong labanan ang damdamin ko para sa kanya. May nararamdaman pa ako sa kanya at nagpapasalamat ako na h

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 58

    Chapter 58Grace Lopez-SilvanoLUMABAS ako ng kwarto ni Blaze matapos naming mag-usap ni Blast. Gusto ko sanang ayain nang umuwi sina Ales at Grae pero mukhang nag-eenjoy pa silang kausapin si Blaze.Napalunok ako at dumiretso sa rooftop ng hospital.Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano pakikiharapan si Blast at kung paano kakausapin si Blaze kaya lumabas ako. Tama si Blast, ano ba naman kasing ginagawa ko dito?Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Syempre gusto kong makita si Blaze. Gusto kong makita sa mga mata kung okay na sya. Kung...ligtas ba sya.Tumingin ako sa paligid. Kitang-kita mula dito ang dumadaang mga tao at sasakyan. Ang malakas na hangin ay yumayakap sa kabuohan ng katawan ko kaya napapikit ako.I never regret meeting Blaze and loving him. Alam ko sa sarili ko na kahit nagalit ako sa kanya ay hindi ko pinagsisihan at hindi ko

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 57

    Chapter 57Grace Lopez-SilvanoMY HEART is beating so fast while waiting for Clint and Ales. Umaawas ang excitement at kaba sa dibdib ko at para akong maiiyak sa frustrasyon. Alas tres na ng madaling araw at tinawagan ako ni Clint pauwi na sya kasama si Ales. Sa totoo lang ay hindi ako makatulog kaya nang tumawag si Clint ay agad ko itong nasagot.Pabalik-balik ako sa paglalakad sa harapan ng couch. Pasilip-silip din ako sa bintana hanggang sa marinig ko ang pagdating ng kotse ni Clint. Patakbo kong binuksan ang pintuan. Kinagat ko ang labi ko. Yayakapin ko ng mahigpit si Ales kapag narito na sya sa harapan ko.Yayakapin ko sya. Hihingi ako ng tawad at sasabihin kong mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal ko ang anak ko.Nang matanaw ko silang dalawa ni Clint ay patakbo akong lumapit sa kanila. Sinalo ako ni Clint nang muntik na akong mapasubsob. Napatingala ako sa kanya. Mahina syang natawa kaya napasimango

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 56

    Chapter 56Third Person's Point of ViewBOTH Blaze and Clint are nervous. Lulan sila ng police car habang papunta sa lugar kung saan naroon ang grupo ng mga sindikato. Someone reported na may mga bata sa lumang daungan ng barko. Mukhang 'yon ang ginagamit ng sindikato para maipuslit palabas ng bansa ang mga batang nawawala.Blaze is sweating while Clint is nervously tapping his fingers on the car's handle. Hindi sila mapakali. The police officers doesn't want them to come but they insisted, it's Ales who's in danger. Hindi pwedeng wala silang gawin.Madilim ang kalangitan at walang bituin. Mukhang uulan. The night breeze doesn't help with their racing hearts. All they could think about is Ales and its safety.Nang tumigil ang sasakyan ay agad na lumabas sina Blaze at Clint. Kapwa nila pinagmasdan ang tahimik na paligid.Clint glance at the police officer, “Dito na ba 'yon?”“Oo, sir. Hindi lang tayo pwedeng l

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 55

    Chapter 55Grace Lopez-Silvano“NANA Berta nasa bahay na po ba talaga si Ales?” tanong ko kay nana Berta. Hindi kasi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko'y may nangyayaring hindi maganda at may itinatago sakin si Clint. Hindi sya nagpapakita sakin simula pa no'ng isang araw. Tumatawag naman sya at sinasabing okay na si Ales at nasa bahay na pero hindi pa rin ako mapanatag.“Baet, hende ba't sabe ne Clent ay nasa bahay na se Ales.”Napakunot ang noo ko saka umiling. “Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit hindi ako mapakali. Gusto kong makita si Ales.”Hinaplos nya ang braso ko. “Howag kang mag-alala, anak, henehentay nalang naten se dok para madescharge ka na deto. Makakaowe na den tayo.”Right. Hindi rin umuuwi sina Grae at nana Berta. Kahapon ay dinalhan sila ni Clint ng mga damit at sinabi nito na manatili muna sila dito kasama ako. Dahil do'n ay mas lalo akong kinutuban na may itinatago sakin

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 54

    Chapter 54Grace Lopez-SilvanoPINILIT kong matulog pero hindi ko magawa. Sa huli ay iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng muling pagkamulat ko sa katotohanan. Paano ko susolusyonan ang gusot na ginawa ko? Alam kong isa lang ang sagot pero hindi ko alam kung paano. I have to choose between them pero hindi ko alam kung magiging tama ba ang desisyong pipiliin ko kung ganitong pinangungunahan nanaman ako ng emosyon ko. Couple of days ago, i was fighting with my own urges to look for Blaze and be with him pero nang pakitaan ako ni Clint ng annulment paper, agad akong natakot at gusto kong manatili sya.Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko. Naguguluhan ako. Sobra!“Baet, nandeto na ba si Ales?”Mabilis akong napabaling kay nana Berta at Grae na dumating.Nangunot ang noo ko. “W-Wala naman po s'ya dito.”“Ha? Aba'y kanena pa s'ya pomonta deto ah. Penaona ko nga s'ya sa

  • Never Date The Playboy (Tagalog)   Chapter 53

    Chapter 53Grace Lopez-SilvanoMINSAN sa buhay, nakakagawa tayo ng mga desisyong sanhi ng pagiging padalos-dalos. Gumagawa tayo ng isang paraan para matakasan ang mapait na pinagdadaanan natin sa ating buhay. Sa kaso ko, tinakasan ko ang kabiguan ko kay Blaze sa pamamagitan ng panibagong pag-ibig na akala ko'y pang habang buhay. When i married Clint, alam ko sa sarili ko na matututunan ko syang mahalin pero hindi ko inasahan na masyadong mababaw ang pagmamahal na ko na 'yon para sa kanya, nasaktan ko sya at winasak. Tulad ng kung paano ako nawasak at nasaktan dahil kay Blaze.Clint is a sweet and caring husband. Walang duda. Masyado syang mabait na kahit napakahirap ay nagawa nya akong pakawalan.Tears pooled in my eyes for the nth time tonight. I was sitting at the edge of the bed, unable to sleep.Pagkatapos akong ihatid ni Clint dito sa bahay ay umalis sya. He said he'll be staying in the office. I felt

DMCA.com Protection Status