Chapter 2
Blaze Raven Villacorta"SIGURADO ba kayo dito?" tanong ni Ethan.
"Oo nga, papayag kaya ang mga tao na bilhin natin ang isla nila?" pagsang-ayon naman ni Kevin.
"Kaya nga ang pupuntahan natin ay iyong isla na hindi masyadong marami ang tao." sagot naman ni Blast.
"You mean, haunted island?" tanong naman ni Hendery.
"Haunted island? Mag-isa ka, gago!" agad na sagot ni Ethan.
Tumawa si Hendery, "Nagbibiro lang ako, ulol. Sinong tanga ang gugustuhing pumunta sa haunted island?"
"Ibig sabihin lang niyan mga duwag kayo." tumatawang buwelta naman ni Blast.
"Ikaw, Blaze, wala ka bang sasabihin?"
Kinunutan ko ng noo si Blast, "Ano bang gusto mong marinig?"
Ngumiwi sya, "Nagsusungit ka nanaman. May dalaw ka nanaman?"
"Gago!"
Nagtawanan sila. Pati ang bangkero ay natawa rin sa mga kagaguhan nila.
Umirap ako sa kawalan. Mga siraulo talaga!
"Pero seryoso na, haunted island ba ang trip ng tatay niyo?"
Nakangiwing nilingon ko si Kevin, "Sira ba ulo mo? Sinong magbabakasyon sa resort na dating haunted island?"
Humalakhak si Blast, Ethan at Hendery. Napakamot naman ng batok si Kevin. "Hoy Blast, highblood 'tong utol mo ah, ano bang nangyari kanina?"
"Binasag kasi ng ex niya 'yong bubog ng sasakyan niya tapos maaga kaming ginising ni dad para lang maghanap ng isla."
"Oh damn! Nakakahighblood nga iyon!"
Sinamaan ko sila ng tingin, "Shut up, assholes!"
Humalakhak lang sila na hindi ko na binigyang pansin. Tiningnan ko nalang ang malawak na karagatan. Damn! Hindi ko akalaing darating ako sa puntong magpapauto ako ng ganito sa tatay ko at hahanap ako ng islang pagtatayuan ng resort nya.
"Manong, ilang isla po ba ang mayroon dito?" tanong ko nalang sa bangkero na binayaran namin para ihatid kami sa mga isla.
Hindi kasi kami pinayagan ng mga tatay namin na gumamit ng yate, kesyo baka sirain daw namin at dapat daw kaming matutong magcommute. Tang'na! Mag commute sa bangka?! Psh.
"Mayroong limang isla dito, hijo, Pritt island, Cebrus island, Zea island, at Medo island"
Lima? Apat lang ang sinabi nya ah!
"Lima po ba talaga?" tanong ni Blast na nakikinig din pala.
"Apat lamang kasi ang islang may pangalan dito, ang huling isla ay tinatawag na lost island dahil inabandona ang islang 'yon dahil sa bali-balitang haunted island daw, ang sabi-sabi ay may nakatirang isang pamilya ng mangkukulam doon na namatay labing anim taon na ang nakalilipas pero nitong nakaraang mga taon ay biglang sumabog ang balita na may naligaw daw na turista sa islang iyon at pinatay ng babaeng nakaitim, dahil doon umusbong ang bali-balita na nabuhay ang batang mangkukulam at naghihiganti sa mga tao dahil sa nangyari sa pamilya nito."
Pakiramdam ko ay tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan, siguro pati ang buhok ko ay nakataas na rin dahil sa sobrang pangingilabot.
"Iyong apat na isla po ba, maraming mga tao?" tanong ni Blast na hindi pinansin ang kwento ni manong.
Siguradong hindi sya naniniwala doon. Ganyan kasi 'yan, paniniwalaan nya lang ang isang bagay kapag may nakuha syang konkretong ebidensya.
"Naku, marami, hijo."
Marami. Kung ganoon ay mahihirapan kaming bilhin ang isla lalo pa't mukhang mayaman ang mga islang iyon.
"Iyong lost island po, manong, wala po bang nagmamay-ari niyon?" muling tanong ni Blast.
Wtf? Don't tell me iyon ang balak nyang puntahan namin? Hell no!
"Bakit hijo? Balak niyo bang bilhin?" nakangiting tanong ni manong.
Nagkibit-balikat lang si Blast. Si manong naman ay sumakay na ng bangka matapos iayos ang dapat nyang iayos, pinaandar niya ang makina saka muling humarap sa amin at sinagot ang tanong ni Blast.
"Ang alam ko ay ang pamilyang Estrella ang may hawak ng titulo ng isla. Sa kanila ang islang iyon at kailanman ay hindi nila iyon ipinagbili."
"Nasaan po ang pamilyang iyon?" tanong ko.
Tumingin sakin si manong and swear, kinilabutan ako ulit sa tingin nya. Fuck! Dapat ba hindi na ako nagtanong?
"Ang pamilya Estrella ang inakusahang pamilya ng mga mangkukulam at ang alam ko ay hindi na nakakalabas ang sinumang tumutuntong sa islang pagmamay-ari ng pamilyang iyon."
Napalunok ako at tumingin sa tubig dagat. Damn! Pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko. Pambihira! Anong klaseng adventure ba ang gagawin namin? Parang buwis buhay ito ah!
"Ilang taon na ho iyong bata, manong?" napapantastikuhang nilingon ko si Blast.
"Seriously?" hindi makapaniwalang usal ko.
"Pitong taon siya nang sugurin ng mga tao ang kanilang tirahan, sa tantiya ko ay dalawampu't tatlong taon na sana siya ngayon."
23 years old. Not bad—wait what? Ano bang iniisip ko? Nababaliw na yata ako.
"What if buhay pa iyong babae?" napapangiwing nilingon ko naman si Hendery. Isa pang siraulo. Kung ihulog ko kaya silang dalawa ni Blast sa tubig nang bumalik sila sa katinuan? Psh!
"Naku, hijo, imposible yata iyon. Labing anim na taon nang abandonado ang isla at kailanman ay hindi na nakita ang bata bagama't may usap-usapan na ang batang iyon nga ang naghihiganti."
Lumunok ako saka hinawakan ang leeg ko. Parang nahihirapan akong huminga. Punyeta para akong sinasakal. Ano ba itong pinasok namin? Hindi ba pwedeng umatras nalang kami? Baka naman pwede ko pang pakiusapan si dad. Tang'na! Kabaliwan ang gagawin namin!
-
HALOS DALAWANG oras na kaming bumabiyahe—biyahe amputs! Naglalayag rather. Damn! Ang lalim!
Hinaplos ko ang balat ko habang napapangiwi. Anak ng pucha! Madadry ang makinis kong kutis dito!
"Naniniwala ba kayo kay manong? Parang exciting puntahan ang lost island e." nakagising sabi ni Blast habang ngumunguya ng sandwich.
"Tarantado! Gusto mong madedo agad? Mangkukulam nga daw ang nakatira doon diba?" nanlalaki ang matang singhal ni Hendery.
"Oo nga, ayos lang abutin tayo ng dalawang buwan sa pangungumbinsi sa mga tao na bilhin ang isa nila, h'wag lang nating ituloy ang laman ng sira mong pag-iisip." pagsang-ayon ni Kevin saka sinamaan ng tingin si Blast na ngumisi lang.
"Lol. Naniwala naman kayong may mangkukulam nga? Diba ang sabi ni manong bata pa iyong anak noong namatay tapos ang sinabing mangkukulam na pumapatay ay babaeng nakaitim, gago, ano iyon lumaki iyong bata bago nabuhay ulit?" sarkastikong sagot ni Blast.
Napailing ako. Gago talaga! Pero sabagay may point siya. Paano nga kung buhay iyong babae? She's already 23 years old now at parang gusto ko nga siyang makita. Ano kayang hitsura niya?
Natahimik na kami pagkatapos niyon, bumuntong-hininga ako saka lumupagi sa sahig ng bangka at niyakap ang bag ko saka isinubsob ang mukha doon. Antok na antok pa ako, sukat bang bulabugin kami ng tatay namin ng alas kwatro ng madaling araw at ipagtabuyan paalis para humanap ng isla. Psh. Nababaliw na talaga sya!
Naalimpungatan ako nang umuga ng medyo malakas ang bangka at natalsikan ako ng kaonting tubig sa braso. Damn! Ang tagal naman ng paglalakbay namin, ni hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nilingon ko si Blast na nag-uunat sa gilid ko at si Hendery na nakasandal sa binti ko, tang'na! Kaya pala mabigat.
"Hoy!" singhal ko saka inisog ang binti ko dahilan para mapahiga sya sa kandugan ko.
Tang'na talaga!
Kakamot-kamot siyang lumayo sakin. "Hayop to! Kung gusto mong humiga ako sayo, sabihin mo ng maayos, gagawin ko naman ng buong puso."
Sinamaan ko sya ng tingin at nagdirty finger sa mismong mukha nya, "Ulol! Mandiri ka, ginising kita gago, nasasarapan ka masyado sa pagsandal sakin"
"Bakit ho, manong?"
Napatingin kami kay Kevin na syang nagtanong.
"Mga hijo, mukhang kailangan na muna nating bumalik, sa palagay ko ay sumasama ang panahon"
Nilingon namin si manong saka ako bahagyang tumingala sa kalangitan. Oo nga, medyo dumidilim pero ang sabi kanina sa weather forecast maayos ang panahon ngayon, anong nangyari?
"Makakabalik po ba tayo agad? Anim na oras na tayong nagbabiyahe" sagot ni Ethan matapos sumulyap sa wristwatch nya.
Tumingin ako sa paligid, wala na akong natatanaw na mga puno at mga tao bukod sa isang isla na sigurado akong isang oras pa bago namin marating. Ang totoo ay dalawang isla ang natatanaw ko pero masyadong malayo ang isa.
"Mas mabuting bumalik tayo dahil delikado kapag naabutan tayo ng malakas na alon." sagot ni manong.
"Kaya ho ba?"
"Sa tingin ko ay kaya naman."
Takang tumingin ako sa matanda saka sa natatanaw kong isla, bakit nagpupumilit syang bumalik kung may isla naman na pwedeng naming tigilan pansamantala.
"May natatanaw akong isla, doon na muna tayo manong." suhestiyon ni Blast na agad inilingan ng bangkero.
"Ang islang iyan ang lost island hijo, hindi tayo maaring pumunta riyan."
"Fuck! Tumaas ang balahibo ko!" kinikilabutang sabi ko saka tiningnan ang islang medyo malapit sa amin.
"Wala naman sigurong masama kung pumunta tayo doon kahit sa pampang lang." pagpupumilit ni Blast.
"Delikado, hijo"
Agad akong sumag-ayon sa bangkero na bumalik nalang muna sa pinanggalingan namin, Ethan and the others agreed too but not Blast, nagpupumilit syang puntahan ang lost island. Tang'nang tao 'to!
Sa kalagitnaan ng pagbalik namin ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Agad kaming sumilong sa ilalim ng makapal na trapal. Napamura pa ako nang maapakan ni Hendery ang paa ko. Bwiset talaga!
"Oh damn, look at that." napatingin ako sa itinuturo ni Kevin.
Namilog ang mata ko at malutong na napamura ulit nang makita ang malaking alon na papalapit sa amin.
"Fuck! Mahal ko pa ang buhay ko!"
"Shit!"
"Manong anong gagawin natin?"
"Tang'nang PAG-ASA bakit hindi maasahan?"
Hindi ko na naintindihan ang pinagsasabi ng mga kasama ko dahil iniisip ko ang mangyayari samin habang papalapit ng papalapit ang malaking alon.
Tang'na hindi pa ko nakakapagpaalam sa mga babies ko. Kung alam ko lang na dito ako mamamatay, sana syinota ko na lahat ng babae sa mundo para kahit papaano hindi ako magsisi.
"AAAAHHHHH!" sabay sabay na sigaw namin kasabay ng paghampas ng alon.
Suminghap ako at agad na nakalunok ng tubig, putangina! Ang alat!
Pumasag-pasag ako at napagtanto na tumaob ang bangkang sinasakyan namin, nakita ko si Blast na nakahawak sa nakataob na bangka habang inaabot ako, nakita ko ring pilit na umaahon sa tubig si Ethan habang lumalangoy naman palapit dito si Hendery, hindi ko nakita si Kevin at ang bangkero at hindi ko na sila inalala dahil mas inalala ko ang sarili ko nang maramdamang tinatangay ako ng malaking alon palayo sa kanila.
Damn! Lumangoy ako at pilit na humigop ng hangin pero kasabay noon ang muling paghampas ng alon sa katawan ko dahilan para dumiretso sa bibig ko ang tubig at nalunok 'yon.
Agad akong nawalan ng hangin, unti-unti ko ring naramdaman ang panlalabo ng paningin ko at hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paghampas ng ulo ko sa isang matigas na bagay dahilan ng tuluyang pagkawala ng ulirat ko.
Fuck!
-
Grace Estrella-LopezBIGLA AY BUMUHOS ang malakas na ulan kaya naman agad akong napatayo saka sumilip sa bintana, hindi ganoon kalakas ang hangin ngunit kitang-kita ko ang malakas na pag-ugoy ng puno sa labas.
Suminghap ako nang maalala ang unggoy sa gubat na maaaring nababasa na ngayon, maraming ahas sa kuweba na nasa loob ng kagubatan kaya naman hindi maaring makasilong ng ligtas ang unggoy doon.
Dali-dali kong kinuha ang payong sa gilid ng pintuan saka agad na lumabas, yakap ko ang aking sarili habang walang sapin sa paa na naglalakad sa simentong daan, nang makalabas ako sa bakuran ay malamig na lupa ang aking natapakan, hindi ko iyon ininda, dumiretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dalampasigan, madaraanan ko kasi ang dagat bago ako makarating sa kagubatan.
Tuloy-tuloy ako sa paglalakad ng mabilis hanggang sa makapasok ako sa loob ng kagubatan, hindi pa ako tuluyang nakakarating sa gitna noon nang makarinig ako ng kaluskos at iyak ng isang unggoy. Agad ko 'yong hinanap.
Nahabag ako nang makita ang batang unggoy na basang-basa ng ulan. "Halika!"
Gamit ang aking kamay ay ikinumpas ko ito para palapitin sya sa akin, agad naman syang lumapit at kumapit sa akin kaya nabasa ang aking damit. Hindi ko 'yon pinansin, agad akong yumuko ng bahagya upang mahawakan sya ng maayos at mapayungan ng maayos.
Magkasama kaming naglakad palabas sa kagubatan, nang makarating kami sa dalampasigan ay biglang nag-ingay ang kasama kong batang unggoy, hinihila nya ang aking damit habang may itinuturo sa pampang, tumingin ako doon at suminghap nang matanaw ang isang tila katawan ng tao.
Patakbo kaming lumapit doon at mabilis na dinaluhan ang walang malay na katawan ng isang taong nakadapa sa buhanginan, nasa tubig pa ang kalahati ng kanyang katawan kaya naman hinila ko sya patabi kahit na nahirapan ako.
Dahan-dahan kong tinapik ang kanyang braso, hindi sya nagising kaya naman sinundot ko ang kanyang likod ngunit wala pa ring nangyari.
"Manong!"
"Manong, gising!"
Tumingin ako sa batang unggoy na kasama ko. Nakatingin lamang sya sa lalaking nakadapa.
Anong gagawin ko? Mabigat sya at hindi ko sya madadala sa aking tahanan lalo pa't nag-iisa ako.
Tumingin ako sa kalangitan, patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan .
Muling nag-ingay ang unggoy na kasama ko kaya naman nilingon ko sya, nakaupo sya sa kabilang gilid ng lalaki, sa aking tapat habang nakatingin sa ulo ng walang malay na lalaki.
Nagulat ako nang makita ang kanyang tinitingnan, mayroong pulang likido sa ulo ng lalaki at sigurado akong dugo 'yon, marahil ay tumama ang kanyang ulo sa malalaking bato na nasa dagat.
Agad kong hinawakan ang ulo ng lalaki, napasinghap ako nang makapa ang hindi kalakihang umbok doon na may hiwa sa gitna, isang bukol na sigurado akong nagdudulot ng labis na sakit dahil sa malakas na pagkakatama sa bato.
"Dito ka lang, bantayan mo sya." utos ko sa unggoy pinahawak sa kanya ang payong na dala ko.
Mabilis akong tumakbo papasok ulit sa kagubatan, hindi alintana ang sumasakit kong paa dahil sa mga seashell at mga bato na aking natatapakan. Tumigil ako sa tapat ng puno ng bayabas at pumitas ng maraming murang dahon doon, mabilis din akong tumakbo pabalik at lumuhod sa ulanan ng lalaki.
Isinubo ko ang mga dahon ng bayabas saka nginuya upang madurong, nang matapos ay hinawi ko ang buhok ng lalaki saka ipinatong doon ang durog na dahon ng bayabas. Napakurap-kurap ako nang maalalang hindi 'yon didikit kung walang tali bilang suporta, tumingin ako sa paligid, wala akong ibang nakikita kung hindi mga buhangin at puno.
Napatungo ako at nahagip ng aking tingin ang suot kong bestida. Napangiti ako saka mabilis na pinunit ang suot ko, kinuha ko ang laylayan ng aking bestida na hanggang tuhod, ngayon ay hanggang hita na lamang ito pero ayos lang.
Bahagya kong iniangat ang ulo ng lalaki upang maitali ang tela para masuportahan ang inilagay kong dahon sa likod ng ulo nya.
Nang matapos ay pinagmasdan ko ang ginawa ko. Hindi ko pa nakikita ang hitsura ng lalaki at sa tingin ko'y hindi na 'yon kailangan, sapat nang tinulungan ko sya at binigyan ng paunang lunas, maaring nawaglit lamang sya sa kanyang mga kasamahan at hinahanap na ngayon.
Tumayo ako at tiningnan ang batang unggoy na kasama ko, tumila na ang ulan ngunit hawak pa rin nya ang payong at iniikot 'yon sa ere.
"Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong ko sa batang unggoy.
Inakay ko sya at nagsimula kaming maglakad palayo, lumingon pa ako sa aking likuran upang tingnan ang lalaki.
Maari ko kaya syang kilalanin? Gusto ko siyang maging kaibigan.
-
Matapos ang panghalian ay napagpasyahan kong lumabas muli sa aking tahanan. Gusto kong tingnan iyong lalaking tinulungan ko kanina, mayroong mababangis na hayop na nagmula sa kagubatan na minsan ay naliligaw sa dalampasigan kaya hindi sya ligtas doon.
Hindi naman ako magpapakita, gusto ko lang malaman kung maayos na ang kanyang kalagayan. Inayos ko ang suot kong itim na bestida na umabot hanggang sa aking paa.
Iniwan ko ang batang unggoy sa aking tahanan, natutulog sya kaya hindi ko na inistorbo.
Dire-diretso akong naglakad patungo sa dalampasigan, agad din akong napatigil nang makita ang bulto ng isang lalaki na nakaupo sa buhanginan habang hawak ang likod ng kanyang ulo kung saan may sugat, naroon pa rin ang piraso ng tela na nakatali sa kanyang ulo bilang suporta sa dahon ng bayabas na inilagay ko.
Ngumiti ako, mabuti naman at gumana ang paunang lunas na ibinigay ko. Alam kong hindi pa maganda ang pakiramdam nya at siguradong nagugutom na sya ngayon.
"Mabuti naman maayos na siya."
Tiningnan ko ang bitbit kong saging, ito lamang ang pananghalian ko dahil wala namang ibang pagkain na makukuha dito sa isla kung hindi mga prutas at bunga ng mga itinatanim kong gulay. Wala naman akong maaring pagtaniman ng palay dito kaya hindi ako nakakakain ng kanin.
Tiningnan ko rin ang kabilang kamay ko kung saan naroon ang isang piraso ng inihaw na isda na nakalagay sa dahon ng sahig.
"Pasensya na kung ito lamang ang maibibigay ko." mahinang bulong ko saka dahan-dahang lumapit sa isang malaking bato.
Ipinatong ko doon ang aking dalang pagkain saka patakbong bumalik sa likod ng isang malaking puno at muling nagtago.
May kalayuan ang pinagtataguan ko mula sa malaking bato kung saan ko inilagay ang pagkain.
Hinawakan ko ang aking bestida at bahagyang itinaas upang ihanda ang aking sarili sa pagtakbo sakaling maramdaman nya ang presensya ko.
Maya-maya pa ay biglang may kumalabit sa akin kaya impit akong napasigaw. Namimilog ang mata na tiningnan ko ang batang unggoy na siyang salarin.
"Who's there?"
Gulat na sumilip ako sa nagsalita. Pakiramdam kong nahulog ang aking panga habang pinagmamasdan ang lalaking kunot ang noo habang palinga-linga sa paligid.
Napakagandang lalaki. Makinis ang kutis, mapula ang mga labi, maitim ang malalim na mga mata at matangos ang ilong.
Namangha ako ng sobra sa aking nakikita. Ngayon na lamang ulit ako nakakita ng isang kauri ko at hindi ko akalain na isang katulad nya ang makikita ko. Napakaperpekto ng kanyang mukha.
"Sino sabi iyan? Blast? Kevin? Ethan? Hendery?"
Muli akong nagtago sa likod ng malaking puno nang lumingon sya sa aking direksyon. Malakas ang kabog ng aking dibdib, siguro'y dala ng takot na maaring makita nya ako.
"Hey!"
Napatalon ako at agad na tumakbo ng matulin nang bigla syang sumulpot sa aking gilid, hawak ko ang magkabilang dulo ng aking bestida habang tumatakbo ng mabilis, ramdam ko namang nakasunod sa akin ang batang unggoy.
"HEY! WAIT! WAIT, MISS! I NEED YOUR HELP!"
Hindi ko pinansin ang kanyang pagsigaw. Patuloy ako sa pagtakbo sa takot na baka abutan nya ako.
Hala! Baka masundan nya ako! Sana'y hindi naman!
TO BE CONTINUED...
[A novel by sinnederella]Chapter 3Blaze Raven VillacortaNAKAAWANG ang labi ko habang hinahabol ng tingin ang isang babaeng tumatakbo palayo sakin. She’s running so fast as if i’m some kind of ugly monster. What the hell?I just want to ask for help. Hindi ko alam kung nasaan ako, pagkatapos kong mawalan ng malay ay nagising nalang ako na kumakalam ang sikmura at masakit ang ulo. May benda na rin ang ulo ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang tumakbo ng babaeng iyon matapos niya akong gamutin.Yeah! I believe she’s the one who helped me. Wala naman akong ibang nakitang tao dito bukod sa kaniya.Ah! Actually medyo nakita ko ang mukha niya, nakasilip kasi siya sakin kanina at nahagip ko sya ng tingin, plus the fact na nalapitan ko siya kanina bago sya tumakbo ng napakatulin.She’s wearing a black long dress, maganda at makintab din ang itim at paalon-alon nyang buhok, she’s actually prett
Chapter 4Grace Estrella-LopezNAGISING ako na tanghali na. Gulat akong bumangon at mabilis na lumabas ng aking silid. Bakit ako tinanghali ng gising?Ah! Dahil kay Blaze. Hindi ko sya maalis sa aking isip kagabi. Hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ang ganoong pakiramdam sa kaniya. Hindi ako mapakali, bago pa lamang kaming magkakilala at hindi ko pa alam ang kaniyang pagkatao pero pakiramdam ko ay napakakomportable ko kapag nakikita siya. Kapag naman tumitingin siya sa akin ay tila nagwawala ang aking sistema.Nababaliw na yata ako, siguro nga nababaliw na ako. O maaaring masyado lamang akong nagagalak dahil sa wakas, pagkalipas ng maraming taon ay may dayuhan muling naligaw sa islang ito. Sa malungkot na islang kinalakhan ko.Lumunok ako. Inayos ang aking sarili. Sinulyapan ko pa ang aking sarili sa luma ngunit malinis na salamin sa aki
Chapter 5Grace Estrella-LopezHINDI AKO makatingin sa lalaking kausap ni Blaze. Narito kaming tatlo sa sala ng aking bahay. Nararamdaman ko pa rin ang init sa aking mukha dahil sa nangyari sa amin ni Blaze nang abutan kami ng lalaki.“Anong pangalan mo, miss?”“A-Ah—”“Her name's Grace.” sansala ni Blaze sa sasabihin ko.“Tsk! Hindi ikaw ang kausap ko, Blaze.”Lumunok ako saka nag-angat ng tingin sa lalaki. Nakatitig siya sa akin kaya muli akong napaiwas ng tingin.“Ilang taon ka na, Grace?” muling tanong nito.“23.”“23. Hmm!”Tiningnan ko si Blaze at ang lalaki. Naniningkit ang mga mata ng lalaki habang palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Blaze.Tumayo ako at nilapitan siya nang mapansin ko ang sugat sa kanang braso niya, “Puwede ba kitang gamutin?”Um
Chapter 6Grace Estrella-LopezSA HALIP na si Blast lamang ang aking aasikasuhin ay dumagdag pa si Blaze dahil nahulog siya mula sa puno ng niyog. Hindi ko akalaing mahuhulog talaga siya. Nakokonsensya ako. Kung ako nalang sana ang umakyat ay hindi nangyari iyon sa kaniya. Sana ay masigla si Blaze ngayon at hindi nakaupo lamang habang lukot ang mukha.“Pasensya na talaga, Blaze.” nakatungong paghingi ko ng paumanhin.Nilingon niya ako. Mula sa pagkakakunot ng noo ay mabilis na lumambot ang kaniyang ekspresyon. “No! Hindi mo kasalanan, Grace. It was all Blast's fault.”“Bakit ako?” agad na reklamo ni Blast na namamaga na ang braso.Mas lalo akong napayuko. Imbes na matulungan ko silang dalawa ay tila napurwisyo ko pa sila.Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Blaze. Magkatabi kasi kami sa mahabang sofa habang si Blast ay nasa tapat naming dal
Chapter 7Blaze Raven VillacortaKUYOM ANG KAMAO na lumabas ako sa kwarto ni Grace. I gritted my teeth as i pulled the door closed. Damn! Malapit na e! I was so close to get her tapos bigla niya akong sisipain. Nakakabadtrip! I really want to take her! Fuck! Sa susunod hindi ko na siya palalampasin.“Argh!” tiim-bagang akong umungol habang hawak ang balakang ko. Hindi pa nga ako maayos dahil sa pagkakahulog ko mula sa puno tapos nahulog naman ako sa sahig ngayon. Malas talaga!“You’re an ass.”Who’s that? Nagpalinga-linga ako. Madilim ang buong paligid kaya wala akong makita. Lumunok ako. Tang'na sino 'yon?“I’m here, Blaze.”Muntik na akong mapatalon nang may tumapik sa balikat ko. Napatingin ako kay Blast. Pailing-iling siya habang nakatingin sakin. Umismid ako. Pakialamero talag
Chapter 8Blaze Raven VillacortaI gently caressed her face. Damn sobrang kinis! I stared at her lips and bit mine. Damn it! I’m gonna ravage that lips. Damn! I’m gonna kiss her senselessly. I’m gonna bang her raw and rough. Hell yeah, that’s my fantasy and i’m gonna devour every part of her body.“Blaze..”I frozed. Shit! So sexy..Marahan kong hinila ang malambot niyang kamay. Sensuwal kong pinisil at hinaplos ang makinis niyang kutis. Tinulak ko siya sa kama at pumwesto ako sa ibabaw niya. I quicklu pulled my shirt off and kissed her fervently. Shit! Sobrang tamis ng labi niya. Malambot at napakasarap halikan.I opened my eyes. Dahan-dahan kong kinalas ang butones ng suot niyang polo. May damit pa pala siya bukod sa bestida?“Ahh Blaze..” she moaned sexily.Ngumisi ako. Nang maalis ko a
Chapter 9Grace Estrella-LopezUMAGA NA NANG bumalik kami ni Blaze sa bahay. Suot ko ang kaniyang damit kaya naman naglalakad kami ngayon na pantalon lamang at suot niya at sa akin naman ay ang damit niya na umabot hanggang kalahati ng aking hita.Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa aking kamay. Napangiti ako. Kagabi matapos kong matakot sa kaniya ay napatunayan ko rin na hindi siya masamang tao. Iginagalang niya ako. Iyon ang sinabi niya at napatunayan ko iyon nang matulog kami matapos niyang halikan ang aking noo. Napakasaya ko na hindi niya ako pinilit sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay gayong nasa kaniya ang lahat ng pagkakataon kagabi dahil kami lamang dalawa ang nasa kubo.Nang makapasok kami sa loob ay mabilis na tumayo si Blast at sinugod si Blaze. Nanlaki ang mga mata ko.“Blast, bitawan mo siya!” gulat na saway ko kay Blast.Nakita kong ngumisi si Bl
WARNING! MATURE CONTENTChapter 10Grace Estrella-LopezDALAWANG ARAW na akong hindi pinapansin ni Blaze at sa dalawang araw na iyon ay lungkot ang namayani sa aking puso. Napansin ko rin ang pasimpleng pag-iwas sa akin nina Kevin, Blast at Hendery, nagsimula iyon kahapon matapos ko silang makitang nag-uusap-usap habang nasa dalampasigan kami at hinahanap ang kanilang mga kagamitan.Naiiyak ako. Akala ko ay nakatagpo na ako ng mga kaibigan ngunit hindi pala. Tunay ngang napakasakit umasa.Nilingon ko si Kevin nang mapansin ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa akin. Nasa hagdanan siya habang ako ay nasa sofa. Sa kabilang sofa naman ay nakahiga si Blast at mukhang natutulog. Hindi ko alam kung nasaan si Hendery habang si Blaze naman ay pumasok sa kaniyang silid.Lumunok ako saka tumayo.“Where are you going?”
Clint Alexander SilvanoADMIRING the nature is my hobby. When i'm looking at it, i felt calm and relaxed. They are just too beautiful to ignore and i can't find any reason to ignore them. The calmness. The breeze of freshness from the trees and the green scenery.Compared to the life in the city with full of buildings and modern technologies, provinces are better. And i prefer living in the province forever.“Ser Clent, kakaen na.”Napatingin ako sa katulong namin na si nana Berta. She's the one who raised me because my parents are too busy to even look at me.I smiled at nana Berta, “Nana, i told you
Chapter 60Grace Lopez-SilvanoONE AND a half month had passed. We're living happily and contented. 2 months na ang pinagbubuntis ko at masaya ako dahil tanggap ni Clint ang batang nasa sinapupunan ko. Napakabait talaga nya at sobrang mapagmahal. He never failed to make me feel his love everyday. He always buy me flowers and kissed me good morning every morning i wake up and even before i close my eyes at night.After ng pag-uusap namin ni Blaze sa rooftop ng hospital. Nabalitaan kong umalis si Blaze at nagbabakasyon sa kung saan. Hindi binanggit ni Blast kung nasaan sya at hindi na rin naman ako nagtanong. Hendery and Kevin are visiting Grae at Ales almost twice a week at sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakakagawa ako ng gawaing bahay kapag kasama nila ang dalawang bata. Abala naman si Blast sa pinagpaplanuhan nilang kasal ng kasintahan nya at kalaunan ay nalaman kong si Lena, ang dating yaya ni Grae. Napakaliit nga naman ng m
Chapter 59Grace Lopez-SilvanoNANG makauwi kami nina Grae at Ales sa bahay ay naroon na si nana Berta at nagluluto ng pananghalian.Hinayaan kong manuod ng tv si Grae habang nasa single couch si Ales at nagbabasa ng libro. Iyong librong ipinadala ni Blaze bilang regalo namin ni Clint sa kaarawan nya. Hindi ko pa pala nasabi kung kanino galing librong 'yon.Tumayo ako at dumiretso sa kwarto namin ni Clint. Gusto kong maligo dahil nalalagkitan ako sa katawan ko. Summer kasi kaya mainit ang panahon.Kumuha ako ng bathrobe saka dumiretso sa banyo. Agad akong naghubad at tumapat sa dutsa. Napapikit ako habang tumatama ang tubig sa mukha ko. Doon ay naalalala ko ang pag-uusap namin ni Blaze.Napabuntong-hininga ako. Mahirap para sakin na kausapin sya tungkol sa nararamdaman ko dahil kinailangan kong labanan ang damdamin ko para sa kanya. May nararamdaman pa ako sa kanya at nagpapasalamat ako na h
Chapter 58Grace Lopez-SilvanoLUMABAS ako ng kwarto ni Blaze matapos naming mag-usap ni Blast. Gusto ko sanang ayain nang umuwi sina Ales at Grae pero mukhang nag-eenjoy pa silang kausapin si Blaze.Napalunok ako at dumiretso sa rooftop ng hospital.Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano pakikiharapan si Blast at kung paano kakausapin si Blaze kaya lumabas ako. Tama si Blast, ano ba naman kasing ginagawa ko dito?Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Syempre gusto kong makita si Blaze. Gusto kong makita sa mga mata kung okay na sya. Kung...ligtas ba sya.Tumingin ako sa paligid. Kitang-kita mula dito ang dumadaang mga tao at sasakyan. Ang malakas na hangin ay yumayakap sa kabuohan ng katawan ko kaya napapikit ako.I never regret meeting Blaze and loving him. Alam ko sa sarili ko na kahit nagalit ako sa kanya ay hindi ko pinagsisihan at hindi ko
Chapter 57Grace Lopez-SilvanoMY HEART is beating so fast while waiting for Clint and Ales. Umaawas ang excitement at kaba sa dibdib ko at para akong maiiyak sa frustrasyon. Alas tres na ng madaling araw at tinawagan ako ni Clint pauwi na sya kasama si Ales. Sa totoo lang ay hindi ako makatulog kaya nang tumawag si Clint ay agad ko itong nasagot.Pabalik-balik ako sa paglalakad sa harapan ng couch. Pasilip-silip din ako sa bintana hanggang sa marinig ko ang pagdating ng kotse ni Clint. Patakbo kong binuksan ang pintuan. Kinagat ko ang labi ko. Yayakapin ko ng mahigpit si Ales kapag narito na sya sa harapan ko.Yayakapin ko sya. Hihingi ako ng tawad at sasabihin kong mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal ko ang anak ko.Nang matanaw ko silang dalawa ni Clint ay patakbo akong lumapit sa kanila. Sinalo ako ni Clint nang muntik na akong mapasubsob. Napatingala ako sa kanya. Mahina syang natawa kaya napasimango
Chapter 56Third Person's Point of ViewBOTH Blaze and Clint are nervous. Lulan sila ng police car habang papunta sa lugar kung saan naroon ang grupo ng mga sindikato. Someone reported na may mga bata sa lumang daungan ng barko. Mukhang 'yon ang ginagamit ng sindikato para maipuslit palabas ng bansa ang mga batang nawawala.Blaze is sweating while Clint is nervously tapping his fingers on the car's handle. Hindi sila mapakali. The police officers doesn't want them to come but they insisted, it's Ales who's in danger. Hindi pwedeng wala silang gawin.Madilim ang kalangitan at walang bituin. Mukhang uulan. The night breeze doesn't help with their racing hearts. All they could think about is Ales and its safety.Nang tumigil ang sasakyan ay agad na lumabas sina Blaze at Clint. Kapwa nila pinagmasdan ang tahimik na paligid.Clint glance at the police officer, “Dito na ba 'yon?”“Oo, sir. Hindi lang tayo pwedeng l
Chapter 55Grace Lopez-Silvano“NANA Berta nasa bahay na po ba talaga si Ales?” tanong ko kay nana Berta. Hindi kasi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko'y may nangyayaring hindi maganda at may itinatago sakin si Clint. Hindi sya nagpapakita sakin simula pa no'ng isang araw. Tumatawag naman sya at sinasabing okay na si Ales at nasa bahay na pero hindi pa rin ako mapanatag.“Baet, hende ba't sabe ne Clent ay nasa bahay na se Ales.”Napakunot ang noo ko saka umiling. “Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit hindi ako mapakali. Gusto kong makita si Ales.”Hinaplos nya ang braso ko. “Howag kang mag-alala, anak, henehentay nalang naten se dok para madescharge ka na deto. Makakaowe na den tayo.”Right. Hindi rin umuuwi sina Grae at nana Berta. Kahapon ay dinalhan sila ni Clint ng mga damit at sinabi nito na manatili muna sila dito kasama ako. Dahil do'n ay mas lalo akong kinutuban na may itinatago sakin
Chapter 54Grace Lopez-SilvanoPINILIT kong matulog pero hindi ko magawa. Sa huli ay iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng muling pagkamulat ko sa katotohanan. Paano ko susolusyonan ang gusot na ginawa ko? Alam kong isa lang ang sagot pero hindi ko alam kung paano. I have to choose between them pero hindi ko alam kung magiging tama ba ang desisyong pipiliin ko kung ganitong pinangungunahan nanaman ako ng emosyon ko. Couple of days ago, i was fighting with my own urges to look for Blaze and be with him pero nang pakitaan ako ni Clint ng annulment paper, agad akong natakot at gusto kong manatili sya.Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko. Naguguluhan ako. Sobra!“Baet, nandeto na ba si Ales?”Mabilis akong napabaling kay nana Berta at Grae na dumating.Nangunot ang noo ko. “W-Wala naman po s'ya dito.”“Ha? Aba'y kanena pa s'ya pomonta deto ah. Penaona ko nga s'ya sa
Chapter 53Grace Lopez-SilvanoMINSAN sa buhay, nakakagawa tayo ng mga desisyong sanhi ng pagiging padalos-dalos. Gumagawa tayo ng isang paraan para matakasan ang mapait na pinagdadaanan natin sa ating buhay. Sa kaso ko, tinakasan ko ang kabiguan ko kay Blaze sa pamamagitan ng panibagong pag-ibig na akala ko'y pang habang buhay. When i married Clint, alam ko sa sarili ko na matututunan ko syang mahalin pero hindi ko inasahan na masyadong mababaw ang pagmamahal na ko na 'yon para sa kanya, nasaktan ko sya at winasak. Tulad ng kung paano ako nawasak at nasaktan dahil kay Blaze.Clint is a sweet and caring husband. Walang duda. Masyado syang mabait na kahit napakahirap ay nagawa nya akong pakawalan.Tears pooled in my eyes for the nth time tonight. I was sitting at the edge of the bed, unable to sleep.Pagkatapos akong ihatid ni Clint dito sa bahay ay umalis sya. He said he'll be staying in the office. I felt