Chapter 5
Grace Estrella-LopezHINDI AKO makatingin sa lalaking kausap ni Blaze. Narito kaming tatlo sa sala ng aking bahay. Nararamdaman ko pa rin ang init sa aking mukha dahil sa nangyari sa amin ni Blaze nang abutan kami ng lalaki.
“Anong pangalan mo, miss?”
“A-Ah—”
“Her name's Grace.” sansala ni Blaze sa sasabihin ko.
“Tsk! Hindi ikaw ang kausap ko, Blaze.”
Lumunok ako saka nag-angat ng tingin sa lalaki. Nakatitig siya sa akin kaya muli akong napaiwas ng tingin.
“Ilang taon ka na, Grace?” muling tanong nito.
“23.”
“23. Hmm!”
Tiningnan ko si Blaze at ang lalaki. Naniningkit ang mga mata ng lalaki habang palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Blaze.
Tumayo ako at nilapitan siya nang mapansin ko ang sugat sa kanang braso niya, “Puwede ba kitang gamutin?”
Umawang ang labi ng lalaki saka nag-angat ng tingin sa akin, “Gagamutin mo ako?”
Agad akong tumango, “Oo,” itinuro ko si Blaze, “Ako rin ang gumamot sa kaniya. Magaling ako gumamot ng sugat.”
Ngumisi ang lalaki saka nagkibit-balikat, sumandal siya sa sofa at tiningnan ang kaniyang braso, “Sige ba. Mas maganda nga siguro kung gamutin mo ako, masakit kasi e.”
Agad naman akong nakaramdam ng awa, saglit kong sinulyapan si Blaze na kunot na kunot ang noo saka muli akong tumingin sa lalaki, “Sandali lamang, mister ha—”
“It's Blast, call me Blast.”
Ngumiti ako, “Sandali lamang, Blast. Kukuha ako ng malinis na tubig upang mahugasan—ay teka! Sumama ka nalang kaya sa akin sa kusina,” nilingon ko si Blaze, “Blaze, nadala mo ba iyong tubig na inigib natin?”
“Oo.”
“Mabuti kung ganoon, halika na, Blast.”
Nauna akong maglakad papunta sa kusina, sumunod naman sa akin si Blast at kasunod niya rin si Blaze na nakahalukipkip at kunot-noong nakatingin sa akin.
“Bakit, Blaze?” nagtatakang tanong ko.
“Ganiyan ka ba talaga mag-alaga sa lahat ng napapadpad dito?”
Ngumiti ako, “Oo ngunit sa lahat ng naligaw dito, kayo lamang ang ginamot ko, noon kasi ay si aling Baba ang gumagamot sa kanila.”
“Sino si Aling Baba?” tanong ni Blast. Hinawakan ko ang kaniyang braso saka ko binuhusan ng dahan-dahan ang may sugat niyang braso.
“Siya ang nag-alaga sa akin mula pagkabata ko.”
Tumango si Blast at ngumiti. Ngumiti rin ako saka pinagmasdan ang kaniyang sugat.
“Hindi naman ito masyadong malalim, mahaba lamang ang hiwa pero namamaga. Mukhang naipit ang iyong litid.”
Hindi siya umimik kaya nagtatakang tiningnan ko siya. Nagulat ako nang mapansing nakatitig siya sa aking leeg. Agad ko iyong tinakpan ng aking kamay, “Bakit, Blast?”
“Your neck looks sexy.”
Suminghap ako at nagulat nang biglang may humila sa akin. Napatingin ako kay Blaze na siyang humawak sa akin at inilayo ako kay Blast, “Halika na, Grace, ihatid na natin sa gubat ang alaga mong unggoy.”
“Ay oo nga pala!” dali-dali akong lumabas ng kusina at tumakbo papunta sa aking silid.
Binuksan ko ang pinto at natigilan ako't nanlaki ang mga mata nang makitang magulo ang aking silid, nagkalat ang mga gamit ko at bukas ang aking aparador, nasa sahig ang aking mga damit na halos bestidang itim.
“Anong nangyari?” gulat na pumasok ako sa loob at napatalon nang lumabas mula sa ilalim ng kama ang batang unggoy na inampon ko.
Naiiyak na tiningnan ko siya, “Bakit mo ginulo ang aking mga gamit?”
Pinulot ko ang litratong nasa sahig saka maingat iyong ibinalik sa lamesa sa tabi ng aking kama.
“What happened?”
Nilingon ko si Blaze, “Ginulo niya ang aking mga gamit.”
Tiningnan niya ang unggoy, “Bakit mo ginulo?”
Tumayo ako at nilapitan siya, “Huwag mo siyang pagalitan, hindi niya alam ang kaniyang ginawa.”
Tiningnan ako ni Blaze, “Ohhhkay!”
Bumuntong-hininga ako saka nilapitan ang batang unggoy. Hinawakan ko siya sa kamay saka nilingon si Blaze, “Blaze, maari bang ikaw na lamang ang maghatid sa kaniya pabalik sa gubat? Lilinisin ko muna ang aking silid.”
Nakita kong natigilan si Blaze, nakatitig siya sa batang unggoy kaya naman bumaba ang tingin ko sa batang unggoy, eksaktong tumingala ito sa akin at ngumiti.
“A-Ah, Grace, puwede bang mamaya nalang siya umuwi sa gubat?” napapalunok na tanong ni Blaze saka dahan-dahang tumingin sa akin.
“Ngunit baka hinahanap na siya ng kaniyang ina.”
“Edi samahan mo nalang akong ihatid siya tapos tulungan kitang linisin ang kwarto mo mamaya. Baka kasi maligaw ako sa gubat.”
Ay oo nga pala! Hindi niya kabisado ang lugar na ito.
Tiningnan ko ang batang unggoy saka ang mga nagkalat na gamit ko. Bumuntong-hininga ako saka muling tiningnan si Blaze. Ngumiti ako at tumango, “O sige, halika na.”
Nauna siyang lumabas at sobrang layo niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng bahay. Nagtataka ako ngunit hinayaan ko na lamang siya. Tumungo ako at tiningnan ang batang unggoy na hawak ko sa kamay.
“Ihahatid ka na namin sa inyo ha.”
“Grace.”
Nilingon ko si Blaze, “Bakit?”
Tipid siyang ngumiti, “Hindi naman siya sasagot e, wag mo nalang siyang kausapin.”
Napakurap-kurap ako at tinitigan siya. Ayaw niyang kausapin ko ang unggoy. Pero bakit? Hindi nga ito nakakapagsalita pero batid kong naiintindihan naman niya ako.
Lumapit sa akin si Blaze, hinawakan niya ang pisngi ko, “Galit ka ba?”
Umiling ako, “Hindi naman. Nagtataka lamang ako.”
Tumango siya, “Hindi kasi magandang tingnan na kinakausap mo ang mga hayop, iisipin ng ibang tao ay nababaliw ka na.”
Nakaramdam ako ng lungkot. Tila bumagsak ang enerhiya ko dahil sa kaniyang sinabi, “Pero wala namang ibang tao dito.”
“Oo nga pero mas maganda nang sanayin mo ang sarili mo sa buhay ng isang normal na tao.”
Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ba ako normal sa kaniyang paningin? Nasaktan ako sa kaniyang sinabi ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang ang aking nararamdaman. Naiintindihan ko ang gusto niyang iparating sa akin. Nalulungkot lamang ako dahil nakasanayan ko na talagang kausapin ang mga hayop.
“Grace...”
“Bakit?”
Inipit niya sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha saka mas lumapit siya sa akin. Matangkad siya kaya naman nakatingala pa ako sa kaniya habang siya ay nakatungo sa akin.
“Look, Grace, maganda ang islang ito at kapag nadiskubre ng mga tao ang ganda ng islang ito, maraming mag-iinteres na dumayo rito o magtayo ng negosyo. Gusto ko lang naman na masanay kang mamuhay tulad ng buhay sa siyudad.”
“Hindi naman ako pupunta sa siyudad.”
“Pero dadalhin kita doon.”
Pakiramdam ko ay bumalik ang aking sigla. Dadalhin niya ako sa siyudad! Napakasaya ko!
“Talaga?”
Ngumiti siya, “Oo. Dadalhin kita sa siyudad kaya kailangan mong malaman ang kalakaran ng buhay doon. You have to act like a real city girl and leave your old self here. Ipapakita ko sayo ang ganda ng mundo, Grace, basta hayaan mo akong makapasok sa buhay mo.”
Mas lumaki ang aking ngiti, “Gusto ko iyan, Blaze! Gusto kong maging city girl!“
“That's great!”
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan ko natagpuan ang batang unggoy. Yumuko ako at hinawakan ang ulo niyo, akmang magsasalita na ako nang matigilan ako. Nilingon ko si Blaze, nakangiti siya sakin.
“Uhm! Puwede ko ba siyang kausapin ulit? Huli na ito, magpapaalam lamang ako sa kaniya.”
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi, “Sure. Bid him a goodbye.”
Ngumiti ako at muling tumingin sa unggoy, “Sige na kaibigan, salamat sa pagiging mabait. Kailangan mo nang umuwi sa inyo.”
Gumawa ng ingay ang unggoy saka niya ako mabilis na hinila. Akala ko ay kung ano ang kaniyang gagawin ngunit niyakap niya lamang ako. Napangiti ako saka nilingon si Blaze, bumuga siya ng hangin saka napailing-iling na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Nang humiwalay sa akin ang unggoy ay ngumiti siya ng pagkalaki-laki. Ngumiti rin ako tulad ng kaniyang ngiti.
Tumayo ako ng tuwid at pinagmasdan siya nang magsimula siyang maglakad paalis saka tumalon sa isang puno at nagpalipat-lipat sa sanga. Gumawa siya ng mga ingay na tila na tinatawag ang kaniyang mga kauri.
“Grace.”
Napalingon ako kay Blaze. Lumapit siya sa akin at hinapit ang aking baywang, tumingala kaming dalawa sa puno hanggang sa tuluyang mawala sa aming paningin ang unggoy.
“Napamahal ka talaga sa mga hayop, ano.”
Ngumiti ako, “Oo. Simula noong bata pa ako ay mahilig na talaga ako sa mga hayop dahil napakainosente nila. Nakakatuwa silang panuorin at nakakaaliw ang mga huni nila.”
“Pero may mga hayop talaga na namiminsala ng tao.”
Natigilan ako at nilingon siya, “Sapagkat hindi nila alam ang ginagawa nila. Hindi nila naiintindihan ang pinsalang naidudulot nila dahil hindi naman sila katulad ng tao kung mag-isip.”
Mahina siyang natawa, “Oo na, miss nature lover.”
Napatawa rin ako at tinitigan siya. Napakaguwapo niya. Matangos ang ilong at lalaking-lalaki ang kaniyang dating.
“Don't stare, Grace. Baka mahalikan nanaman kita o higit pa.”
“Bakit naman?”
“Ugh! Grace! Bumalik na nga lang tayo!”
Nagtatakang sumunod ako sa kaniya nang mauna siyang maglakad pabalik. Tahimik lamang kami hanggang sa makarating sa bahay. Nang pumasok kami ay naabutan namin si Blast na nakahiga sa sofa. Nakapikit ang kaniyang mga mata at nakapatong ang kaliwang braso sa kaniyang noo.
“Blast.”
Bumangon si Blast at ngumiti ako sa kaniya. Lumapit kami sa kaniya at tiningnan ko naman ang kaniyang kanang braso, “Pasensya na, nakalimutan kong hindi pa nga pala kita nagagamot.”
Ngumiti siya, “Okay lang. Naghanap ako ng first aid kit kaso walang laman ang lalagyan mo.”
Napangiwi ako, “Paumanhin, tanging mga halamang gamot lamang ang mayroon ako,”
Nilingon ko si Blaze, “Blaze, marunong ka bang umakyat ng puno? Mayroong puno ng niyog sa may likuran ng bahay, maari ka bang umakyat? Kailangan natin ang langis ng niyog para hindi maimpeksyon ang kaniyang sugat.”
Umawang ang labi ni Blaze at napatitig sa akin, nilingon niya si Blast saka muling tumingin sa akin. Nagtaka ako. Bakit kaya?
“Seriously, Grace? Paakyatin mo ako ng puno ng niyog?”
“Hindi ba puwede? Pasensya na.”
Agad siyang umiling, “No! No hindi iyon ang ibig kong sabihin. What i want to say is...damn!”
Nilingon niya muli si Blast, “H'wag ka ngang mag-inarte, Blast! Mababaw lang naman iyang sugat mo ah!”
Humalakhak si Blast, “Mababaw nga pero masakit kaya. Kuya!”
Namilog ang mga mata ko, “Kuya? Magkapatid kayong dalawa?”
“Hahahaha oo.”
Napatitig ako kay Blast. Magkapatid talaga sila? Bakit? Hindi naman sila magkamukha.
“Ngunit hindi kayo magkamukha.”
“Kamukha ko ang mommy namin, Grace. Si dad ang kamukha niyan ni Blaze.”
Napatango-tango ako saka tiningnan si Blaze. Lukot ang mukha niya habang nakatingin kay Blast.
Bumuntong-hininga ako nang mahagip ulit ng aking paningin ang sugat ni Blast. Tumayo ako.
“Saan ka pupunta, Grace?”
Nilingon ko si Blaze, “Kukuha ng niyog.”
“Sa puno?”
“Oo.”
Bigla siyang lumapit sakin, “What? Aakyat ka sa puno para lang diyan kay Blast? Paano kung mahulog ka?”
Kumurap-kurap ako, “Marunong naman ako umakyat. Maari kasi siyang maimpeksyon kung hindi malalagyan ng langis ng niyog ang kaniyang sugat. Wala akong ibang gamot na maaring ipanlunas sa kaniyang sugat.”
Nilingon ko si Blast at nakita kong nakangisi siya kaya nangunot ang aking noo.
“Tsk! Ako na! Ako na ang aakyat.”
“Marunong ka?”
“Hindi iyan marunong, Grace” sabat ni Blast kaya nababahalang tumingin ako dito saka muling hinarap si Blaze.
“Huwag na, Blaze, ako na lamang.”
“Hindi puwede! You're wearing a dress tapos aakyat ka sa puno? At mataas ang puno ng niyog, Grace!”
Nakangiti kong itinaas ang laylayan ng aking bestida, “May suot akong short.”
“FUCK!”
Napatalon ako sa gulat nang malakas siyang magmura at hinila pababa ang laylayan ng aking bestida. Narinig ko naman ang malulutong na halakhak ni Blast kaya nagtataka akong napalingon dito.
“Bakit?” hindi ko maintindihan kung bakit humahalakhak si Blast at nagagalit si Blaze.
“Goddamn it, Grace! Babae ka! Hindi ka dapat umaakto ng ganiyan! Be feminine! Hindi mo dapat itinataas ang damit mo lalo na kung may kasama kang lalaki!”
Natigilan ako, “Ganoon ba sa siyudad?”
“Hindi. Karamihan sa mga babae sa siyudad ay liberated pero hindi puwede iyon sakin, Grace. Saka hindi ka dapat umaakyat sa puno, trabaho iyon ng lalaki!”
“Ngunit wala naman akong kasamang lalaki dito sa isla.”
Umismid siya, “Ngayon mayroon na. Kasama mo ako kaya ako na ang aakyat. Halika na, samahan mo nalang ako.”
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango nalang at nagpatiuna sa paglabas ng bahay. Dumiretso kami sa likod at nang makarating kami sa aming pupuntahan ay napatingin ako sa kaniya, nakatingala siya sa dalawang puno ng niyog na halos magkatabi.
Nakita kong napalunok si Blaze, “Iyan ba ang aakyatin ko?”
“Oo.”
Lumunok siyang muli at naglakad-lakad. Tiningnan ko ang kaniyang inaapakan at nang malapit na siya sa unang malaking bato ay sumigaw ako, “SANDALI!”
Tumakbo ako at hinila siya palayo mula sa tatlong magkakahanay na bato.
“Huh? Why?”
Itinuro ko ang lupa sa harapan ng tatlong bato, “Diyan nakalibing si mama, papa at aling Baba.”
Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata saka mabilis na tumakbo paalis sa kinatatayuan niya. Umawang ang labi ko at gulat siyang hinabol ng tingin. Napasinghap ako nang makitang namumutla ang kaniyang mukha.
Patakbo akong lumapit sa kaniya, “Ayos ka lamang ba, Blaze?”
Tumitig siya sa akin. Nalulumo ang hitsura, “B-Bakit may nakalibing diyan?”
Nilingon ko ang pinaglibingan nina mama, papa at aling Baba.
Ngumuso ako, “Wala namang ibang lugar na maari nilang paghimlayan.”
Lumunok siya. Kitang-kita ko ang paglunok niya ng matindi. “S-Sana sa ibang lugar,” lumingon siya sa paligid at itinuro ang parteng may malaking puno ng mangga. “Doon, doon sa likod ng puno ng mangga.”
Tinitigan ko siya, “Doon nakahimlay ang aking lolo at lola.”
Bigla siyang pumadyak, “Pambihira! Nakakababa man ng pagkalalaki pero ayokong lumapit diyan!”
“Hindi ka naman lalapit sa kanila.”
“Grace! Iyong pinaakyat mo sa aking puno, nasa likod ng puntod ng pamilya mo!”
Ngumuso ako, “Hindi naman sila nakakatakot e.”
“Anong hindi?”
Nalungkot ako. Bumuntong-hininga ako saka nginitian siya, “Dito ka nalang ha. Ako nalang ang kukuha.”
Akmang aalis na ako sa kaniyang harapan nang bigla niyang hawakan ang aking braso at iniharap ako sa kaniya. “Argh! Shit!”
Napayuko ako, “Sorry.”
“Hey no!” hinawakan niya ang magkabila kong pisngi saka ako pinatingin sa kaniya. “Hindi kita minumura, okay? Ako na ang aakyat. Stay here.”
“Pero...”
“Dito ka lang at hayaan mo kong magyabang.” naiiling na sabi niya saka nagsimulang maglakad palayo sa akin.
Hinabol ko siya ng tingin, tumigil siya hindi kalayuan sa tatlong bato at kumilos na tila ba hindi alam ang kaniyang gagawin. Humakbang siya sa kanan tapos ay sa kaliwa pero tumigil at nanatili pa rin sa gitna. Napakamot ako ng batok. Lumingon siya sa akin kaya ngumiti ako.
“Ilang buko ba?”
“Niyog, Blaze. Isang buong niyog ang kailangan natin.”
Ngumisi siya, “Ah! Oo nga pala, ang nasa isip ko kasi naglilihi ka.”
Kumunot ang aking noo, “Anong ibig mong sabihin?”
Nagkamot siya ng batok saka alangan na ngumiti kapagkuwan ay umiling, “Wala. Wala naman.”
Tumango nalang ako at muli naman siyang humarap sa kaniyang unahan. Muli siyang naglakad pakanan at pakaliwa ngunit sa huli ay hinakbangan niya rin ang batong nasa gitna. Napangiti ako. Hindi kasi maaring dumaan sa magkabilang gilid ng mga bato at puno. Sa kanan ay mayroong lumang balon at sa kaliwa naman ay may pader na bakod.
Pinagmasdan ko siyang alisin ang kaniyang sapatos. Napaiwas pa ako ng tingin nang hubarin niya rin ang kaniyang damit saka sumulyap sa akin. Nahihiya ako. Ito ang unang beses na makakita ako ng hubad na katawan ng lalaki. Napakaganda ng kaniyang katawan. May bagay na magkakadikit sa kaniyang tiyan na nakapagpadagdag sa ganda nito, maayos at maganda ang pagkakahulma, tila mga batong sadyang inukit upang mang-akit.
Nang ibalik ko ang paningin ko sa kaniya ay nagsisimula na siyang umakyat ngunit mukhang hindi siya marunong. Dumudulas ang kaniyang mga paa at agad rin siyang napapabitaw. Inulit niya ang pag-akyat ngunit kung ano ang nangyari sa una niyang subok ay ganoon din ang nangyari sa pangalawa hanggang sa umabot siya ng apat na subok.
Napalunok ako nang makita sa kaniyang mukha ang inis. Nasa magkabilang baywang niya ang kaniyang mga kamay habang matalim ang tingin sa punong kaharap, kitang-kita ko rin mula sa aking kinatatayuan ang namumula niyang mukha at leeg at ang kaniyang umiigting na panga.
Napaigtad ako nang lumingon siya sa sakin, “Wala ka bang panungkit?”
“Pasensya na ngunit wala. Pag-akyat lamang ang tanging paraan upang makakuha ng bunga ng punong iyan.”
Pumikit siya, yumuko saka umiling-iling, tila kinakalma ang kaniyang sarili bago muling tumayo ng tuwid at tiningnan ang puno hanggang sa itaas nito. Nakita kong bumuka ang kaniyang bibig, may sinabi siya ngunit hindi ko narinig.
Kinakausap niya yata ang puno. Kailangan ko siyang pagsabihan mamaya. Isa siyang city boy kaya dapat ay hindi niya kinakausap ang mga puno. Maari siyang mapagkamalan na isang siraulo.
Umawang ang aking labi nang magsimula siyang umakyat. Nakaramdam ako ng takot para sa kaniya dahil hindi tama ang ginawa niyang pag-akyat, yakap niya ang katawan ng puno habang ang kaniyang mga paa ay nakabuka at paharap na nakatapak sa katawan ng puno ng niyog.
Humakbang ako ng dalawang beses habang nakatingin sa kaniya. Paunti-unti ang ginagawa niyang pag-angat, hirap na hirap siya dahil sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa punong inaakyat.
Napahawak ako sa dibdib ko nang salakayin ako ng kaba, “MAG-IINGAT KA, BLAZE!”
Natigilan siya at lumingon pababa sa akin, lagpas na ang naabot niya sa sukat ng kaniyang taas, kaonti nalang ay halos dalawang tao na ang naabot ng kaniyang naakyat.
“Yeah! Like that! Cheer me up, Grace. Cheer me up and i'll get you a fucking coconut!”
Ngumiti ako ng pagkalaki-laki saka itinaas ang dalawa kong mga braso. Nakakuyom ang aking mga kamao at ang tanging nakalabas lamang ay ang aking hinlalaki. Nag-okay ako sa kaniya. Nakita ko namang tila nagustuhan niya ang aking ginawa dahil nakita ko siyang napangiti kaya naman mas nilakihan ko ang aking ngisi, tulad ng ngisi ng batang unggoy na inihatid namin kanina sa gubat. Halos pikit na ako kaya naman nagulat ako at napamulat ng malaki nang marinig ko siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas.
“AAAAHHHH”
Suminghap ako at napatalon nang bumagsak siya sa lupa. Hindi ako nakakilos kaagad. Nagulat ako ng sobra kaya naman napako ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kaniya na namamaluktot sa lupa.
“GRACE!!!!!”
Doon lamang ako natauhan. Nanuot sa aking kalamnan ang nakabibingi niyang sigaw kaya naman mabilis akong nagtatakbo upang makalapit sa kaniya.
TO BE CONTINUED...
[A novel by sinnederella]Chapter 6Grace Estrella-LopezSA HALIP na si Blast lamang ang aking aasikasuhin ay dumagdag pa si Blaze dahil nahulog siya mula sa puno ng niyog. Hindi ko akalaing mahuhulog talaga siya. Nakokonsensya ako. Kung ako nalang sana ang umakyat ay hindi nangyari iyon sa kaniya. Sana ay masigla si Blaze ngayon at hindi nakaupo lamang habang lukot ang mukha.“Pasensya na talaga, Blaze.” nakatungong paghingi ko ng paumanhin.Nilingon niya ako. Mula sa pagkakakunot ng noo ay mabilis na lumambot ang kaniyang ekspresyon. “No! Hindi mo kasalanan, Grace. It was all Blast's fault.”“Bakit ako?” agad na reklamo ni Blast na namamaga na ang braso.Mas lalo akong napayuko. Imbes na matulungan ko silang dalawa ay tila napurwisyo ko pa sila.Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Blaze. Magkatabi kasi kami sa mahabang sofa habang si Blast ay nasa tapat naming dal
Chapter 7Blaze Raven VillacortaKUYOM ANG KAMAO na lumabas ako sa kwarto ni Grace. I gritted my teeth as i pulled the door closed. Damn! Malapit na e! I was so close to get her tapos bigla niya akong sisipain. Nakakabadtrip! I really want to take her! Fuck! Sa susunod hindi ko na siya palalampasin.“Argh!” tiim-bagang akong umungol habang hawak ang balakang ko. Hindi pa nga ako maayos dahil sa pagkakahulog ko mula sa puno tapos nahulog naman ako sa sahig ngayon. Malas talaga!“You’re an ass.”Who’s that? Nagpalinga-linga ako. Madilim ang buong paligid kaya wala akong makita. Lumunok ako. Tang'na sino 'yon?“I’m here, Blaze.”Muntik na akong mapatalon nang may tumapik sa balikat ko. Napatingin ako kay Blast. Pailing-iling siya habang nakatingin sakin. Umismid ako. Pakialamero talag
Chapter 8Blaze Raven VillacortaI gently caressed her face. Damn sobrang kinis! I stared at her lips and bit mine. Damn it! I’m gonna ravage that lips. Damn! I’m gonna kiss her senselessly. I’m gonna bang her raw and rough. Hell yeah, that’s my fantasy and i’m gonna devour every part of her body.“Blaze..”I frozed. Shit! So sexy..Marahan kong hinila ang malambot niyang kamay. Sensuwal kong pinisil at hinaplos ang makinis niyang kutis. Tinulak ko siya sa kama at pumwesto ako sa ibabaw niya. I quicklu pulled my shirt off and kissed her fervently. Shit! Sobrang tamis ng labi niya. Malambot at napakasarap halikan.I opened my eyes. Dahan-dahan kong kinalas ang butones ng suot niyang polo. May damit pa pala siya bukod sa bestida?“Ahh Blaze..” she moaned sexily.Ngumisi ako. Nang maalis ko a
Chapter 9Grace Estrella-LopezUMAGA NA NANG bumalik kami ni Blaze sa bahay. Suot ko ang kaniyang damit kaya naman naglalakad kami ngayon na pantalon lamang at suot niya at sa akin naman ay ang damit niya na umabot hanggang kalahati ng aking hita.Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa aking kamay. Napangiti ako. Kagabi matapos kong matakot sa kaniya ay napatunayan ko rin na hindi siya masamang tao. Iginagalang niya ako. Iyon ang sinabi niya at napatunayan ko iyon nang matulog kami matapos niyang halikan ang aking noo. Napakasaya ko na hindi niya ako pinilit sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay gayong nasa kaniya ang lahat ng pagkakataon kagabi dahil kami lamang dalawa ang nasa kubo.Nang makapasok kami sa loob ay mabilis na tumayo si Blast at sinugod si Blaze. Nanlaki ang mga mata ko.“Blast, bitawan mo siya!” gulat na saway ko kay Blast.Nakita kong ngumisi si Bl
WARNING! MATURE CONTENTChapter 10Grace Estrella-LopezDALAWANG ARAW na akong hindi pinapansin ni Blaze at sa dalawang araw na iyon ay lungkot ang namayani sa aking puso. Napansin ko rin ang pasimpleng pag-iwas sa akin nina Kevin, Blast at Hendery, nagsimula iyon kahapon matapos ko silang makitang nag-uusap-usap habang nasa dalampasigan kami at hinahanap ang kanilang mga kagamitan.Naiiyak ako. Akala ko ay nakatagpo na ako ng mga kaibigan ngunit hindi pala. Tunay ngang napakasakit umasa.Nilingon ko si Kevin nang mapansin ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa akin. Nasa hagdanan siya habang ako ay nasa sofa. Sa kabilang sofa naman ay nakahiga si Blast at mukhang natutulog. Hindi ko alam kung nasaan si Hendery habang si Blaze naman ay pumasok sa kaniyang silid.Lumunok ako saka tumayo.“Where are you going?”
Chapter 11Grace Estrella-LopezMAHIGPIT ANG YAKAP sa akin ni Blaze nang magising ako. Halos wala pa akong tulog dahil hindi ko siya mapigilan sa mga nais niyang gawin sa akin. Masakit din ang aking katawan. Pakiramdam ko ay nabugbog ang aking baywang lalong-lalo na ang pagitan ng aking mga hita.“Grace..”Nakapikit akong sumagot. “Hmm?” nakayakap ako sa kaniyang dibdib. Pareho na kaming nakadamit ngunit tila hubad pa rin ako dahil sa init ng aking katawan na nagmumula sa kaniya.“Are you happy?”Napangiti ako at tumingala sa kaniya. “Napakaligaya ko, Blaze, labis akong nagpapasalamat dahil ipinaramdam mo sa akin ang ganitong klaseng pakiramdam.”Ngumiti siya ngunit may kasamang ngiwi kaya naman hindi ko napigilan na magtaka. Bumangon siya. Sinubukan ko namang bumangon ngunit hindi ko talaga kayang gumalaw.
Grace Estrella-LopezNAGISING ako sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Nang magmulat ako ng mata ay mukha ni Blaze ang sumalubong sa akin. Puno ng pag-aalala ang kaniyang tingin. Kumurap-kurap ako. Napakasakit ng aking katawan at hindi ko maigalaw ang aking mga braso.“Grace, you okay?”Hindi ko sinagot ang tanong ni Blaze. Nais kong sabihin sa kanya na ayos lamang ako ngunit tila natutuyo ang aking lalamunan.“Grace..”Sinubukan kong magsalita ngunit paos ang aking tinig.Ngumiti si Blaze saka yumuko at marahan akong kinarga sa kaniyang mga bisig. Napapikit ako nang dumikit ang mainit niyang balat sa akin. Giniginaw ako. Nanghihina, nagugutom at nauuhaw. Nais kong sabihin sa kaniya ang lahat ng aking nararamdaman ngunit wala akong lakas.“May sakit ka, Grace..”“Hmm..” tangi
Grace Estrella-LopezKANINA KO PA hinahanap sina Blaze pero hindi ko sila makita. Natulog ako na katabi si Blaze ngunit nagising ako na nag-iisa na aking kama. Napangiti ako nang maalala ang naganap sa amin. Napakasarap sa pakiramdam ng yakap ni Blaze, ng aking nobyo. Mas lalong lumaki ang aking ngiti. Nobyo ko na siya. Napakasarap isipin.Bumuntong-hininga ako at nangingiting tiningnan ang aking suot. Pinutol ni Blaze ang laylayan ng aking mga bestida, hanggang hita na ngayon ang haba nito at nasasanay na ako dahil ganito palagi ang aking suot.Luminga ako sa paligid. Nasaan na kaya ang mga 'yon? Lumabas ako ng bahay at tumingin sa kalangitan, hapon na pala, marahil ay nasa dagat ang mga iyon.Dali-dali akong naglakad papunta sa dagat. Natanaw ko naman sila kaagad sa dalampasigan. May hinahalungkat na itim na bagay si Blaze at Kevin, mukhang inanod na ng alon ang kanilang mga gamit papunt
Clint Alexander SilvanoADMIRING the nature is my hobby. When i'm looking at it, i felt calm and relaxed. They are just too beautiful to ignore and i can't find any reason to ignore them. The calmness. The breeze of freshness from the trees and the green scenery.Compared to the life in the city with full of buildings and modern technologies, provinces are better. And i prefer living in the province forever.“Ser Clent, kakaen na.”Napatingin ako sa katulong namin na si nana Berta. She's the one who raised me because my parents are too busy to even look at me.I smiled at nana Berta, “Nana, i told you
Chapter 60Grace Lopez-SilvanoONE AND a half month had passed. We're living happily and contented. 2 months na ang pinagbubuntis ko at masaya ako dahil tanggap ni Clint ang batang nasa sinapupunan ko. Napakabait talaga nya at sobrang mapagmahal. He never failed to make me feel his love everyday. He always buy me flowers and kissed me good morning every morning i wake up and even before i close my eyes at night.After ng pag-uusap namin ni Blaze sa rooftop ng hospital. Nabalitaan kong umalis si Blaze at nagbabakasyon sa kung saan. Hindi binanggit ni Blast kung nasaan sya at hindi na rin naman ako nagtanong. Hendery and Kevin are visiting Grae at Ales almost twice a week at sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakakagawa ako ng gawaing bahay kapag kasama nila ang dalawang bata. Abala naman si Blast sa pinagpaplanuhan nilang kasal ng kasintahan nya at kalaunan ay nalaman kong si Lena, ang dating yaya ni Grae. Napakaliit nga naman ng m
Chapter 59Grace Lopez-SilvanoNANG makauwi kami nina Grae at Ales sa bahay ay naroon na si nana Berta at nagluluto ng pananghalian.Hinayaan kong manuod ng tv si Grae habang nasa single couch si Ales at nagbabasa ng libro. Iyong librong ipinadala ni Blaze bilang regalo namin ni Clint sa kaarawan nya. Hindi ko pa pala nasabi kung kanino galing librong 'yon.Tumayo ako at dumiretso sa kwarto namin ni Clint. Gusto kong maligo dahil nalalagkitan ako sa katawan ko. Summer kasi kaya mainit ang panahon.Kumuha ako ng bathrobe saka dumiretso sa banyo. Agad akong naghubad at tumapat sa dutsa. Napapikit ako habang tumatama ang tubig sa mukha ko. Doon ay naalalala ko ang pag-uusap namin ni Blaze.Napabuntong-hininga ako. Mahirap para sakin na kausapin sya tungkol sa nararamdaman ko dahil kinailangan kong labanan ang damdamin ko para sa kanya. May nararamdaman pa ako sa kanya at nagpapasalamat ako na h
Chapter 58Grace Lopez-SilvanoLUMABAS ako ng kwarto ni Blaze matapos naming mag-usap ni Blast. Gusto ko sanang ayain nang umuwi sina Ales at Grae pero mukhang nag-eenjoy pa silang kausapin si Blaze.Napalunok ako at dumiretso sa rooftop ng hospital.Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano pakikiharapan si Blast at kung paano kakausapin si Blaze kaya lumabas ako. Tama si Blast, ano ba naman kasing ginagawa ko dito?Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Syempre gusto kong makita si Blaze. Gusto kong makita sa mga mata kung okay na sya. Kung...ligtas ba sya.Tumingin ako sa paligid. Kitang-kita mula dito ang dumadaang mga tao at sasakyan. Ang malakas na hangin ay yumayakap sa kabuohan ng katawan ko kaya napapikit ako.I never regret meeting Blaze and loving him. Alam ko sa sarili ko na kahit nagalit ako sa kanya ay hindi ko pinagsisihan at hindi ko
Chapter 57Grace Lopez-SilvanoMY HEART is beating so fast while waiting for Clint and Ales. Umaawas ang excitement at kaba sa dibdib ko at para akong maiiyak sa frustrasyon. Alas tres na ng madaling araw at tinawagan ako ni Clint pauwi na sya kasama si Ales. Sa totoo lang ay hindi ako makatulog kaya nang tumawag si Clint ay agad ko itong nasagot.Pabalik-balik ako sa paglalakad sa harapan ng couch. Pasilip-silip din ako sa bintana hanggang sa marinig ko ang pagdating ng kotse ni Clint. Patakbo kong binuksan ang pintuan. Kinagat ko ang labi ko. Yayakapin ko ng mahigpit si Ales kapag narito na sya sa harapan ko.Yayakapin ko sya. Hihingi ako ng tawad at sasabihin kong mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal ko ang anak ko.Nang matanaw ko silang dalawa ni Clint ay patakbo akong lumapit sa kanila. Sinalo ako ni Clint nang muntik na akong mapasubsob. Napatingala ako sa kanya. Mahina syang natawa kaya napasimango
Chapter 56Third Person's Point of ViewBOTH Blaze and Clint are nervous. Lulan sila ng police car habang papunta sa lugar kung saan naroon ang grupo ng mga sindikato. Someone reported na may mga bata sa lumang daungan ng barko. Mukhang 'yon ang ginagamit ng sindikato para maipuslit palabas ng bansa ang mga batang nawawala.Blaze is sweating while Clint is nervously tapping his fingers on the car's handle. Hindi sila mapakali. The police officers doesn't want them to come but they insisted, it's Ales who's in danger. Hindi pwedeng wala silang gawin.Madilim ang kalangitan at walang bituin. Mukhang uulan. The night breeze doesn't help with their racing hearts. All they could think about is Ales and its safety.Nang tumigil ang sasakyan ay agad na lumabas sina Blaze at Clint. Kapwa nila pinagmasdan ang tahimik na paligid.Clint glance at the police officer, “Dito na ba 'yon?”“Oo, sir. Hindi lang tayo pwedeng l
Chapter 55Grace Lopez-Silvano“NANA Berta nasa bahay na po ba talaga si Ales?” tanong ko kay nana Berta. Hindi kasi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko'y may nangyayaring hindi maganda at may itinatago sakin si Clint. Hindi sya nagpapakita sakin simula pa no'ng isang araw. Tumatawag naman sya at sinasabing okay na si Ales at nasa bahay na pero hindi pa rin ako mapanatag.“Baet, hende ba't sabe ne Clent ay nasa bahay na se Ales.”Napakunot ang noo ko saka umiling. “Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit hindi ako mapakali. Gusto kong makita si Ales.”Hinaplos nya ang braso ko. “Howag kang mag-alala, anak, henehentay nalang naten se dok para madescharge ka na deto. Makakaowe na den tayo.”Right. Hindi rin umuuwi sina Grae at nana Berta. Kahapon ay dinalhan sila ni Clint ng mga damit at sinabi nito na manatili muna sila dito kasama ako. Dahil do'n ay mas lalo akong kinutuban na may itinatago sakin
Chapter 54Grace Lopez-SilvanoPINILIT kong matulog pero hindi ko magawa. Sa huli ay iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng muling pagkamulat ko sa katotohanan. Paano ko susolusyonan ang gusot na ginawa ko? Alam kong isa lang ang sagot pero hindi ko alam kung paano. I have to choose between them pero hindi ko alam kung magiging tama ba ang desisyong pipiliin ko kung ganitong pinangungunahan nanaman ako ng emosyon ko. Couple of days ago, i was fighting with my own urges to look for Blaze and be with him pero nang pakitaan ako ni Clint ng annulment paper, agad akong natakot at gusto kong manatili sya.Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko. Naguguluhan ako. Sobra!“Baet, nandeto na ba si Ales?”Mabilis akong napabaling kay nana Berta at Grae na dumating.Nangunot ang noo ko. “W-Wala naman po s'ya dito.”“Ha? Aba'y kanena pa s'ya pomonta deto ah. Penaona ko nga s'ya sa
Chapter 53Grace Lopez-SilvanoMINSAN sa buhay, nakakagawa tayo ng mga desisyong sanhi ng pagiging padalos-dalos. Gumagawa tayo ng isang paraan para matakasan ang mapait na pinagdadaanan natin sa ating buhay. Sa kaso ko, tinakasan ko ang kabiguan ko kay Blaze sa pamamagitan ng panibagong pag-ibig na akala ko'y pang habang buhay. When i married Clint, alam ko sa sarili ko na matututunan ko syang mahalin pero hindi ko inasahan na masyadong mababaw ang pagmamahal na ko na 'yon para sa kanya, nasaktan ko sya at winasak. Tulad ng kung paano ako nawasak at nasaktan dahil kay Blaze.Clint is a sweet and caring husband. Walang duda. Masyado syang mabait na kahit napakahirap ay nagawa nya akong pakawalan.Tears pooled in my eyes for the nth time tonight. I was sitting at the edge of the bed, unable to sleep.Pagkatapos akong ihatid ni Clint dito sa bahay ay umalis sya. He said he'll be staying in the office. I felt