Grace Estrella-Lopez
NAGISING ako sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Nang magmulat ako ng mata ay mukha ni Blaze ang sumalubong sa akin. Puno ng pag-aalala ang kaniyang tingin. Kumurap-kurap ako. Napakasakit ng aking katawan at hindi ko maigalaw ang aking mga braso.
“Grace, you okay?”
Hindi ko sinagot ang tanong ni Blaze. Nais kong sabihin sa kanya na ayos lamang ako ngunit tila natutuyo ang aking lalamunan.
“Grace..”
Sinubukan kong magsalita ngunit paos ang aking tinig.
Ngumiti si Blaze saka yumuko at marahan akong kinarga sa kaniyang mga bisig. Napapikit ako nang dumikit ang mainit niyang balat sa akin. Giniginaw ako. Nanghihina, nagugutom at nauuhaw. Nais kong sabihin sa kaniya ang lahat ng aking nararamdaman ngunit wala akong lakas.
“May sakit ka, Grace..”
“Hmm..” tangi
Grace Estrella-LopezKANINA KO PA hinahanap sina Blaze pero hindi ko sila makita. Natulog ako na katabi si Blaze ngunit nagising ako na nag-iisa na aking kama. Napangiti ako nang maalala ang naganap sa amin. Napakasarap sa pakiramdam ng yakap ni Blaze, ng aking nobyo. Mas lalong lumaki ang aking ngiti. Nobyo ko na siya. Napakasarap isipin.Bumuntong-hininga ako at nangingiting tiningnan ang aking suot. Pinutol ni Blaze ang laylayan ng aking mga bestida, hanggang hita na ngayon ang haba nito at nasasanay na ako dahil ganito palagi ang aking suot.Luminga ako sa paligid. Nasaan na kaya ang mga 'yon? Lumabas ako ng bahay at tumingin sa kalangitan, hapon na pala, marahil ay nasa dagat ang mga iyon.Dali-dali akong naglakad papunta sa dagat. Natanaw ko naman sila kaagad sa dalampasigan. May hinahalungkat na itim na bagay si Blaze at Kevin, mukhang inanod na ng alon ang kanilang mga gamit papunt
Grace Estrella-LopezISANG ARAW NA ang lumipas. Isang araw ng pagiging palaboy ko sa siyudad. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano tutulungan ang aking sarili. Walang-wala. Wala akong pera. Wala akong kakilala. Nais kong humingi ng tulong pero natatakot ako sa mga tao. Natatakot akong makihalubilo. Natatakot akong lapitan sila.Bumuntong-hininga ako at niyakap ang kumakalam kong sikmura. Napatingin ako sa mga taong dumadaan, ang ilan sa kanila ay umiiwas sa akin at ang ilan naman ay halos sunugin ako sa kanilang tingin.“Anong gagawin ko?” mahinang tanong ko sa aking sarili.Napailing-iling ako at pinagmasdan muli ang paligid. Napakaraming sasakyan. Napakaraming tao. Napakaraming magagandang gusali at pasyalan.Tumayo ako upang maghanap ng makakain. Tiyak na magkakasakit ako kung hahayaan ko ang pagkalam ng aking sikmura.
Grace Estrella-LopezUHAW ANG GUMISING sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at agad ring napapikit nang masilaw ako sa liwanag. Lumunok ako, sinubukang tumikhim saka muling nagmulat ng mga mata.Tumingin ako sa paligid. Isang magarang silid. Nasaan ako?Nahagip ng aking paningin ang isang taong nakatayo sa aking paanan. Nakatalikod siya sa akin ngunit batid kong babae siya. Isang matandang babae. May kung ano siyang ginagawa at nang humarap siya sa akin ay nahulog ang mga telang hawak niya. “Ay puday!”Dali-dali niya akong nilapitan. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin saka ako tinitigan. Nang kumurap ako ay nanlaki ang mga mata niya at suminghap. “Mahabageng Diyos! Geseng ka na!”Tumalikod siya saka tumakbo kasabay ng sunod-sunod niyang pagsigaw. “SER! SER! SER!”Sinubukan kong bumangon pero para akong lantang gulay. Ni hind
Grace Estrella-LopezMAAGA AKONG NAGISING kinabukasan. Iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Nabasa ko si Clint, mabuti na lamang at hindi siya nagalit sa akin kundi ay basa nasa kalsada nanaman ako ngayon. Bumuntong-hininga ako. Kung ako ang tatanungin ay nais ko na lamang dito kaya kahit anong trabaho ang ibigay sa akin ni sir Clint ay tatanggapin ko.Tok tok tokNapatingin ako sa pintuan nang may kumatok mula sa labas nito. “Baet, geseng ka na ba?”Dali-dali akong tumayo at tumakbo upang pagbuksan si nana Berta, ngumiti ako nang makita ko na siya at ganoon din naman ang kaniyang ginawa bago nagsalita, “Mabote at geseng ka na. Malego ka na, baet.” iniabot niya sa akin ang hawak niyang mga damit. “Eto na mona ang gameten mo. Damet kong penagleetan 'yan. Maayos naman ang mga eyan kaya presentable ka pa ren mamaya pagponta naten sa devesorya.&r
Grace Estrella-Lopez“MASELAN ANG pagbubuntis niya, Mr. Silvano. I suggest na alaagan at bantayan mong mabuti ang misis mo.”“Thank you very much, doc.”Nagising ako dahil sa mahihinang pag-uusap. Tumingin ako sa paligid nang sandaling imulat ko ang aking mga mata. Naroon sa aking tabi si sir Clint, nakatalikod siya sa akin at kaharap ang isang doktor.Hospital. Anong nangyari? Bakit ako nasa hospital. Inisip ko ang nangyari bago ako magising dito, saka ko lamang naalala na nawalan nga pala ako ng malay sa bisig ni sir Clint.Nang umalis ang doktor ay humarap sa akin si sir Clint. Ngumiti siya matapos makitang may malay na ako. “Grace, kumusta ang pakiramdam mo?”“A-Ano pong pinag-usapan ninyo ng doktor?” may palagay na ako tungkol sa kanilang pinag-usapan ngunit nais ko pa ring kumpirmahin.
Grace Estrella-LopezMAHIGIT ISANG BUWAN ang matulin na lumipas at sa loob ng mga araw na iyon, napagnilayan at napag-isipan ko nang mabuti ang mga desisyon ko. Sa loob rin ng mga nagdaang araw ay mas naging maalaga at maalalahanin sa akin si sir Clint dahilan para mas mapagtibay ko ang kalooban ko sa desiyong pinili ko. Kakapalan man ng mukha ngunit nais kong kunin ang kaniyang kalooban. Gusto kong ibigay ang aking sarili bilang kapalit. Ako na buong-buo.“Grace, anong ginagawa mo dito? Pahapon na, pumasok ka na sa loob.”Nilingon ko si sir Clint at nginitian. Napakaguwapo niya talaga. Sobrang bait pa.“Nagpapahangin lamang po ako.”Tumango sya at tumabi sa akin. Nakatayo ako habang pinagmamasdan ang mga halaman sa hardin.“Sir..” bahagya ko siyang nilingon. “Napag-isipan ko na po ang desisyon ko.”Tumango s
Grace Estrella-LopezHINDI KO ALAM ANG mararamdaman ko. Narito ako sa isang silid. Dinala ako ni Clint sa isang lugar na kami-kami lamang ang tao. Ang sabi niya ay isa itong beach resort na pag-aari ng pamilya ng kaibigan ng kaniyang kaibigan. Napakaganda ng lugar na ito. Kagabi kami dumating dito ngunit nakita ko kaagad ang ganda ng lugar.“Baet, baket ka naman nakatolala deyan?”Napatingala ako kay nana Berta. Nasa likuran ko siya habang nakaupo ako sa harap ng isang malaking salamin.“Masaya po ako, nana Berta.”Totoong masaya ako. Gusto kong baguhin ang kapalaran ko kaya naman nagpasya akong magpakasal kay Clint. Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin si Blaze ngunit mas pipiliin ko ngayon si Clint dahil siya ang mayroon ako. Sa mata ng ibang tao, maaring sabihin nila na ginagamit ko lamang siya upang pagtakpan ang aking kabiguan ngunit alam kong matututunan ko
Grace Lopez-Silvano“YOU WANT ice cream?” napalingon ako kay Clint at natawa. Nakatingin kasi ako sa ale na nagtitinda ng dirty ice cream. Narito kami sa loob ng kotse, papunta kami sa isang restaurant kung saan nya imemeet ang isang client nya. He's an architect, by the way. A very respected architect and businessman. He's also in partnership with S&G Corporation and owns an architectural firm and i admire for that. He's very responsible and workaholic.“Architect Clint Silvano..” mahinang pagbigkas ko sa pangalan nya.Mahina syang natawa. “What's with my name, hon?”Nilingon ko sya at nginisihan. “Wala naman. I'm just proud to have you as my husband.” tumingin ako sa unahan saka muling nagsalita. “A very respected Architect and businessman is my husband. That's an honor.”Humalakhak sya. &ld
Clint Alexander SilvanoADMIRING the nature is my hobby. When i'm looking at it, i felt calm and relaxed. They are just too beautiful to ignore and i can't find any reason to ignore them. The calmness. The breeze of freshness from the trees and the green scenery.Compared to the life in the city with full of buildings and modern technologies, provinces are better. And i prefer living in the province forever.“Ser Clent, kakaen na.”Napatingin ako sa katulong namin na si nana Berta. She's the one who raised me because my parents are too busy to even look at me.I smiled at nana Berta, “Nana, i told you
Chapter 60Grace Lopez-SilvanoONE AND a half month had passed. We're living happily and contented. 2 months na ang pinagbubuntis ko at masaya ako dahil tanggap ni Clint ang batang nasa sinapupunan ko. Napakabait talaga nya at sobrang mapagmahal. He never failed to make me feel his love everyday. He always buy me flowers and kissed me good morning every morning i wake up and even before i close my eyes at night.After ng pag-uusap namin ni Blaze sa rooftop ng hospital. Nabalitaan kong umalis si Blaze at nagbabakasyon sa kung saan. Hindi binanggit ni Blast kung nasaan sya at hindi na rin naman ako nagtanong. Hendery and Kevin are visiting Grae at Ales almost twice a week at sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakakagawa ako ng gawaing bahay kapag kasama nila ang dalawang bata. Abala naman si Blast sa pinagpaplanuhan nilang kasal ng kasintahan nya at kalaunan ay nalaman kong si Lena, ang dating yaya ni Grae. Napakaliit nga naman ng m
Chapter 59Grace Lopez-SilvanoNANG makauwi kami nina Grae at Ales sa bahay ay naroon na si nana Berta at nagluluto ng pananghalian.Hinayaan kong manuod ng tv si Grae habang nasa single couch si Ales at nagbabasa ng libro. Iyong librong ipinadala ni Blaze bilang regalo namin ni Clint sa kaarawan nya. Hindi ko pa pala nasabi kung kanino galing librong 'yon.Tumayo ako at dumiretso sa kwarto namin ni Clint. Gusto kong maligo dahil nalalagkitan ako sa katawan ko. Summer kasi kaya mainit ang panahon.Kumuha ako ng bathrobe saka dumiretso sa banyo. Agad akong naghubad at tumapat sa dutsa. Napapikit ako habang tumatama ang tubig sa mukha ko. Doon ay naalalala ko ang pag-uusap namin ni Blaze.Napabuntong-hininga ako. Mahirap para sakin na kausapin sya tungkol sa nararamdaman ko dahil kinailangan kong labanan ang damdamin ko para sa kanya. May nararamdaman pa ako sa kanya at nagpapasalamat ako na h
Chapter 58Grace Lopez-SilvanoLUMABAS ako ng kwarto ni Blaze matapos naming mag-usap ni Blast. Gusto ko sanang ayain nang umuwi sina Ales at Grae pero mukhang nag-eenjoy pa silang kausapin si Blaze.Napalunok ako at dumiretso sa rooftop ng hospital.Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano pakikiharapan si Blast at kung paano kakausapin si Blaze kaya lumabas ako. Tama si Blast, ano ba naman kasing ginagawa ko dito?Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Syempre gusto kong makita si Blaze. Gusto kong makita sa mga mata kung okay na sya. Kung...ligtas ba sya.Tumingin ako sa paligid. Kitang-kita mula dito ang dumadaang mga tao at sasakyan. Ang malakas na hangin ay yumayakap sa kabuohan ng katawan ko kaya napapikit ako.I never regret meeting Blaze and loving him. Alam ko sa sarili ko na kahit nagalit ako sa kanya ay hindi ko pinagsisihan at hindi ko
Chapter 57Grace Lopez-SilvanoMY HEART is beating so fast while waiting for Clint and Ales. Umaawas ang excitement at kaba sa dibdib ko at para akong maiiyak sa frustrasyon. Alas tres na ng madaling araw at tinawagan ako ni Clint pauwi na sya kasama si Ales. Sa totoo lang ay hindi ako makatulog kaya nang tumawag si Clint ay agad ko itong nasagot.Pabalik-balik ako sa paglalakad sa harapan ng couch. Pasilip-silip din ako sa bintana hanggang sa marinig ko ang pagdating ng kotse ni Clint. Patakbo kong binuksan ang pintuan. Kinagat ko ang labi ko. Yayakapin ko ng mahigpit si Ales kapag narito na sya sa harapan ko.Yayakapin ko sya. Hihingi ako ng tawad at sasabihin kong mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal ko ang anak ko.Nang matanaw ko silang dalawa ni Clint ay patakbo akong lumapit sa kanila. Sinalo ako ni Clint nang muntik na akong mapasubsob. Napatingala ako sa kanya. Mahina syang natawa kaya napasimango
Chapter 56Third Person's Point of ViewBOTH Blaze and Clint are nervous. Lulan sila ng police car habang papunta sa lugar kung saan naroon ang grupo ng mga sindikato. Someone reported na may mga bata sa lumang daungan ng barko. Mukhang 'yon ang ginagamit ng sindikato para maipuslit palabas ng bansa ang mga batang nawawala.Blaze is sweating while Clint is nervously tapping his fingers on the car's handle. Hindi sila mapakali. The police officers doesn't want them to come but they insisted, it's Ales who's in danger. Hindi pwedeng wala silang gawin.Madilim ang kalangitan at walang bituin. Mukhang uulan. The night breeze doesn't help with their racing hearts. All they could think about is Ales and its safety.Nang tumigil ang sasakyan ay agad na lumabas sina Blaze at Clint. Kapwa nila pinagmasdan ang tahimik na paligid.Clint glance at the police officer, “Dito na ba 'yon?”“Oo, sir. Hindi lang tayo pwedeng l
Chapter 55Grace Lopez-Silvano“NANA Berta nasa bahay na po ba talaga si Ales?” tanong ko kay nana Berta. Hindi kasi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko'y may nangyayaring hindi maganda at may itinatago sakin si Clint. Hindi sya nagpapakita sakin simula pa no'ng isang araw. Tumatawag naman sya at sinasabing okay na si Ales at nasa bahay na pero hindi pa rin ako mapanatag.“Baet, hende ba't sabe ne Clent ay nasa bahay na se Ales.”Napakunot ang noo ko saka umiling. “Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit hindi ako mapakali. Gusto kong makita si Ales.”Hinaplos nya ang braso ko. “Howag kang mag-alala, anak, henehentay nalang naten se dok para madescharge ka na deto. Makakaowe na den tayo.”Right. Hindi rin umuuwi sina Grae at nana Berta. Kahapon ay dinalhan sila ni Clint ng mga damit at sinabi nito na manatili muna sila dito kasama ako. Dahil do'n ay mas lalo akong kinutuban na may itinatago sakin
Chapter 54Grace Lopez-SilvanoPINILIT kong matulog pero hindi ko magawa. Sa huli ay iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng muling pagkamulat ko sa katotohanan. Paano ko susolusyonan ang gusot na ginawa ko? Alam kong isa lang ang sagot pero hindi ko alam kung paano. I have to choose between them pero hindi ko alam kung magiging tama ba ang desisyong pipiliin ko kung ganitong pinangungunahan nanaman ako ng emosyon ko. Couple of days ago, i was fighting with my own urges to look for Blaze and be with him pero nang pakitaan ako ni Clint ng annulment paper, agad akong natakot at gusto kong manatili sya.Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko. Naguguluhan ako. Sobra!“Baet, nandeto na ba si Ales?”Mabilis akong napabaling kay nana Berta at Grae na dumating.Nangunot ang noo ko. “W-Wala naman po s'ya dito.”“Ha? Aba'y kanena pa s'ya pomonta deto ah. Penaona ko nga s'ya sa
Chapter 53Grace Lopez-SilvanoMINSAN sa buhay, nakakagawa tayo ng mga desisyong sanhi ng pagiging padalos-dalos. Gumagawa tayo ng isang paraan para matakasan ang mapait na pinagdadaanan natin sa ating buhay. Sa kaso ko, tinakasan ko ang kabiguan ko kay Blaze sa pamamagitan ng panibagong pag-ibig na akala ko'y pang habang buhay. When i married Clint, alam ko sa sarili ko na matututunan ko syang mahalin pero hindi ko inasahan na masyadong mababaw ang pagmamahal na ko na 'yon para sa kanya, nasaktan ko sya at winasak. Tulad ng kung paano ako nawasak at nasaktan dahil kay Blaze.Clint is a sweet and caring husband. Walang duda. Masyado syang mabait na kahit napakahirap ay nagawa nya akong pakawalan.Tears pooled in my eyes for the nth time tonight. I was sitting at the edge of the bed, unable to sleep.Pagkatapos akong ihatid ni Clint dito sa bahay ay umalis sya. He said he'll be staying in the office. I felt