{NATHAN POV} KINABUKSAN MAHIMBIG ang tulog ng aking mag-ina, napangiti ako. Tahimik akong kumilos para alisin ang kamay ng aking asawa na kapatong sa tyan ko. “Sasamantalahin ko muna na good mood sya at hindi parang tigre na parang lalapain ako” sabi ko sa isip ko. Dumeretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Naabutan ko si Myrna na nasa kusina. “Boss!” mahinang sambit nito sa pangalan nya habang lumilinga-linga sa aking likuran. “Natutulog pa sya.” sagot ko dito sa mahinang boses. Si Myrna ang naging mata ko sa aking mag-ina, tapat eto sa akin, anak sya ng kanilang dating driver. Nung mangailangan eto ng trabaho, isinama ko ang babae sa states at tumira malapit lang sa bahay ni Lola Azon upang mabantayan si Ellie. Sya ang ginawa kong caretaker sa bahay na yun na lingid sa kaalaman ng aking asawa. Naging matalik na kaibigan eto ngi Ellie, kaya kahit wala ako alam ko ang nangyayari sa kanila. Tumingin ang babae sakin na tila nanunudyo. “Myrna!” saway nya dito. Mahinang napa
{NATHAN POV}NAGSUKATAN kami ng tingin ni Ellie, alam ko malaki ang takot nyang umuwi sa Pilipinas dahil sa mga nangyari, ngunit mas malaki din ang tsansa na maiwasan nya si Steve kapag nasa Pilipinas kami, nararamdaman ko na hindi mabuti ang intensyon nito kay Ellie.Hindi nagtagal nagbitaw ng tingin si Ellie, tinapos nito ang pagkain at nagmamadaling lumabas ng kusina. Sinundan ko lang eto ng tingin. Muli kong tiningnan ang aking anak na bakas sa mukha ang kasiyahan. Very timely din ang plano kong bakasyon dahil wala na etong pasok sa school. Plano kong magtagal sa Pilipinas mahirap mamuhay dito sa ibang bansa, limitado ang galaw ko. NAKITA kong nakatayo si Ellie sa harap ng bintana na tila malalim ang iniisip kaya hindi nito naramdaman ang pagpasok ko. “Ellie” mahinang tawag ko sa kanya. Dahan-dahan etong lumingon, blanko ang expression ng mukha nito. Lumapit ako dito hanggang magkatapat ang aming mukha.“What are you thinking?” tanong ko dito. Muling bumalik ang tingin nito sa b
{ELLIE POV} HINDI ko alam kung ano ang nais puntuhin ni Nathan, pero kahit paano masaya ako na nasagot ang mga tanong ko na hindi nya totoong asawa si Trixie at si Marcus lang ang nag-iisang anak nya. Napatingin sya kay Marcus na kasalukuyang naglalaro. Gusto kong magtatalon sa saya pero hindi pa rin ko maiwasang kabahan. Alam ko may inililihim ang kanyang asawa, subalit, ganun ba kahirap sabihin at kailangan pa naming magbyahe ng milya-milya? Marami pa rin akong mga katanungan. Siguro ay tama eto, once and for all kailangan harapin ko ang takot ko! Hindi naman siguro ako pababayaan ng asawa ko. Binuksan nya ang cabinet ni Marcus at inisa-isang kunin ang mga damit na plano nyang dalahin, inilabas na rin nya ang maleta, nabili nya eto sa mall nung nakaraang linggo lang dahil nagandahan sya at limited edition lang daw, hindi nya alam na magagamit nya pala agad yun. Kailangan nilang makauwi sa lalong madaling panahon dahil baka panghinaan na naman ako ng loob. Kailangan kong sabihin k
{DON MARCIAL POV} NAPANGITI sya ng maisaayos ang mga dokomento na ipinahanda nya sa kanyang abogado, pirmado na rin nya eto. “Dito man lang sana makabawi ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sa inyo” malungkot na pahayag nito sa isip bago maingat na ibinalik ang papeles sa safe keeping. Naalala nya ang babaeng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa sya. “Elizabeth!” bulong nya na tila ba nasa kalapit lang ang babae. FLASHBACK Galing sya ng probinsya upang makita ang kanyang mga anak, matagal na syang hindi kinakausap ng mga eto dahil sa ginawa kong pag-iwan upang piliin si Melisa- ang aking dating asawa. Malalim ang dahilan ko kaya ko binalikan si Melisa, sabihin nang makasarili ako- gusto ko pang mabuhay ng matagal dahil nalaman ko na may sakit ako sa puso at kailangan ng madaliang operasyon. Sapat lang ang sinasahod ko at hindi ko kaya ang ganun kamahal na operasyon kaya ng mag-offer si Melisa na ipapagamot ako kapalit ng pag-angkin ko sa anak nito sa iba upang pagtakp
SAMANTALA “Mga tunto! Napakaparami nyo bakit natakasan kayo? Saan nyo ngayon hahanapin ang babaeng yun? Sana pala napasama na sya sa pagsabog!” galit na galit eto. Nakayuko ang dalawang lalaking kausap nito. “Boss hindi namin inalisan ng tingin, Sinundan namin hanggang sa makabalik sila ng bahay pagkagaling nila sa Mall” “Eh nasan sya ngayon?” Muling napayuko ang mga eto. “At ikaw Steve-” baling nito sa binata na nakahalukipkip lang sa isang tabi habang nakasandal, tila ba nasisiyahan sa nakikitang kapalpakan ng mga tauhan nito at pagkagalit ng babae. “Kelan mo ba makukuha ang loob ng babaeng yan, ang tagal-tagal mong kumilos” “Sinabi ko na sayo Trixie hindi ganun kadaling paibigin si Ellie, hindi sya katulad ng ibang babae na kaunting kindat lang pwede mo nang makuha!” “Ano ba ang merong sa babaeng yan at lahat kayo nababaliw sa kanya?” “Marami!! Mga bagay na wala ka, Mawala kang puso!!” mabilis na sagot nya sa babae. Umigkas ang kamay ni Trixie papunta sa pisngi ng binata
NAAALIW syang pinapanood ang anak na naglalaro sa dalampasigan kasama ang kanyang asawa. Tawa ng tawa ang anak nya habang hinahabol ng ina nito. Musika sa kanyang tainga ang halakhak ng kanyang mag-ina. “Akala ko hindi ko na makikitang buo ang pamilya natin” bulong na sabi nya sa hangin. Kumaway sa kanya si Ellie, ngumiti lang siya dito. “May we always be like this, away from everything…. from danger” pipi nyang dasal habang nakatingin sa napakalawak na dagat. Pinili nyang dito magbakasyon sa Isla dahil hindi eto madaling puntahan, maliit lang eto kaya kita agad kung meron paparating. Hiniling nya kay Karlos na higpitan pa ang pagbabantay sa kanyang pamilya. Ellie is an easy target kaya mas makabubuti na ilayo muna sya sa lahat, nakabuti na nalaman ni Ellie na nasa panganib sila, naging maingat eto, pero hanggang dun lang ang nalalaman nya. Hanggat maari ayaw nyang bigyan pa ng ibang alalahanin ang asawa lalo na at gusto nyang masundan na si Marcus. Napangiti sya sa naisip. Nak
“SINO KA? maawa kayo, please!” hysterical na sambit nito. “Hush it’s okay, you’re safe now.” wika dito ng nurse. “Wag kang matakot, ligtas ka na, kailangan mong magpahinga” sabi ni Nathan na nakatayo sa tabi ng kama na kinahihigaan ng babae. Nasa mga mata pa rin nito ang pagdududa na inilibot ang tingin sa paligid. “Nasan ako?!” tanong nito na tinangkang bumangon, ngunit dagli ring napangiwi sa sakit. “Careful, hindi ka pa pwedeng gumalaw baka dumugo ang mga sugat mo” pigil dito ng nurse. Napapikit ang babae at may namuong luha sa gilid ng mga mata nito. “Nandito ka sa isla namin, kasama ko ang asawa at anak ko, Ligtas ka dito” nakangiting sabi ni Nathan sa babae para kunin ang loob nito. Mabilis etong napabaling sa kanya. “Anak?” tanong nito bago kinapa ang sariling tiyan. “Ang baby ko?” muling tanong nito bago bumaling sa doctor. “Wala kang dapat ipag-alala, ligtas ang baby mo” kompirma ng doctor, parang nakahinga naman ng maluwag ang babae. “You need to get rest, makakasa
NAPANGITI si Don Marcial, alam nya na hindi matatanggihan ni Steve ang laman ng bag, sa laki ng halagang nakalagay dun pwede na etong magsimula ng bagong buhay, isama pa ang mga dokumentong nagsasalin ng kanyang mga ari-arian sa pangalan ni Steve, pero hindi yun original na kopya, tanging ang kanyang abogado lang ang nakakaalam kung nasaan ang orihinal na kopya. “Sana gamitin mo ang utak mo hindi ang puso mo!” sambit ng isip nya. “Sa Hospital tayo” utos nya sa driver na agad namang sumunod. NAKAAWANG ang labi ni Steve habang sinisiyasat lahat ng laman ng bag, mula sa malaking halaga ng pera na kahit kelan hindi pa sya nakahawak, hanggang sa mga dukumento na nagsasalin ng lahat ng pag-aari ng kanyang ama, may nakalagay din na address ng abogado. “Ano ang kapalit na hihingin mo sa lahat ng eto Don Marcial?” sambit ng isip nya. Naglakad sya papunta sa pinto upang lumisan sa lugar na yun, isang abandonadong gusali eto na nasa labas ng Maynila. Nakita nya ang kanyang sasakyan sa di kal
SENYOR ALFRED POV Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa babaeng naglalakad papuntang altar, napakaganda nito sa suot na puting pangkasal bagay sa busilak nitong puso. Napatingin sya sa altar “Elizabeth, siguro ay masaya ka na, natupad na ang hiling mo, hindi na ako mahihiyang humarap sayo kapag nagkita tayong muli sa kabilang buhay” FLASHBACK "Senyor umalis po si Ellie" imporma sa kanya ng taong nagbabantay sa kilos ng dalaga "Sundan mo, wag mong aalisin ang paningin sa kanya" kapagdaka ay ibinaba na ang tawag. "Senyor, sa isang club po sila pumunta kasama ng kaibigan nya" muling imporma nito. Nakasilip ako ng magandang pagkakataon na isagawa ang plano, parang umaayon sa kanya ang panahon hindi sya mahihirapan na kumbinsihin ang dalawa na magpakasal sa naiisip nyang plano. Sinabihan nya eto na lagyan ng gamot ang inumin ni Ellie at siguraduhuhin na maiinum eto ng dalaga, bahala na kung paano ko isasagawa eto, matyaga kong hinintay na dumating ang dalaga pero nagulat
“SIR, you need to watch this!” nagmamadaling pasok ni Jeff sa Opisina habang inaabot ang gadget. Napakunot ang nuo ni Nathan habang pinapanood ang video. Ang dami ng nakapanood ng video pero wala syang pakialam iisa lang ang pumasok na isip nya. “Ellie” “Ask someone to take that down this post, bayaran nyo kung sino ang dapat bayaran!” utos nya kay Jeff. Wala akong pakialam sa video, mas concern ako sa mararamdaman ni Ellie. Tumango lang si Jeff at nagpaalam na sa kanya. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Daniel. “Hello Kuya, Did you watch the video?” agad na tanong nito pagkasagot sa call. “Where is Ellie?” balik tanong nya. “She is with Ruth, papunta na ako dun!” sagot ni Daniel Alam ko sa oras na eto napanood na rin nya ang video, ayoko mag-isip sya ng iba at lumayo sya sakin. Napagpasyahan kong umuwi sa mansyon, nainis ako ng hindi ko sya makita ang sabi ni Manang hindi pa daw umuuwi, naiisip ko na baka kasama nya ang Alex na yun, naninibugho ako dahil kaedad nya an
MASAYA ang lahat sa ibinalita ng mga doctor, lalong lalo na ako.Nakahinga ako ng maluwag ng masigurong ligtas na ang aking mag-ina, sa loob ng anim na buwan na walang malay ang aking asawa, araw-araw akong nagpapasalamat sa Dyos, kahit ang mga doctor ay nawawalan na rin ng pag-asa na gigising eto, hinihintay na lang na sumapit ang ika-7 buwan ng tiyan ni Ellie para isilang ang aming anak. Hindi ko mapigilang mapaiyak habang nakatitig sa natutulog kong asawa. Akala ko nung una etong mag flatline ay mawawala na eto sa amin base sa hitsura ng Doctor ng lumabas eto, nakahinga lang ako ng maluwag ng magsalita eto. “She keep holding on!!” sabi nito.“Nathan..” paos na tawag ni Ellie sa akin habang nakayupyop ako sa gilid ng kama. Mabilis akong nagising at napatayo.“May masakit ba sayo? Okay na ba ang pakiramdam mo?” Sunod sunod na tanong ko.Umiling lang si Ellie bilang sagot, tinitigan ako ng aking asawa. Nagmamadali akong tumawag ng doctor na agad naman pumasok upang tingnan si Ellie.
MAHIGPIT nyang niyakap ang anak na parang takot na takot na mawala eto, saglit na niluwagan nya ang yakap dito parang haplusin ang mukha nito para siguraduhing hindi sya nanaginip lang! “Hey buddy!” sabi nya dito na umiiyak sa sobrang tuwa. “Hi, Daddy” nakangiting tawag nito sa kanya. Mahina syang napatawa, ganun din ang nakapaligid sa kanya sa sagot ng anak. Muli nya etong niyakap. “I thought I couldn’t see you again!” bulong nya sa anak. “I guess we’re even!” singit ni Gerald sa kanilang mag-ama. Napatingin naman si Nathan sa kaibigan bago tumawa ng mahina. “SURE IT IS!!” Nagpatango-tango si Gerald. Ilang saglit lang nagsalita ulit eto. “Can I have a word with you?” sabi nito na tila may nais sabihin, saglit syang nagpaalam sa anak at nilapitan ang kaibigan. “It would be better if you had Marcus check-up. He wakes up in the middle of the night screaming at the top of his lungs.” punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. Naawang muli syang napatingin sa anak na kasalukuya
KINAKABAHAN sya sa ibinalita ni Karlos tungkol kay Marcus, hindi nito kinumpirma kung si Marcus ang natagpuang bata malapit sa isla kung saan naganap ang pagsabog, ngunit nagbabakasakali sya na ang anak ang batang tinutukoy nito. Halos hilahin nya ang oras para makarating sa lugar. Isang concerned citizen ang nagparating sa mga pulis na may napulot silang bata, halos wala daw etong damit, wala ring galos or kahit anong sugat eto kaya inakala ng lahat na naanod lang eto dun. Nasa pangangalaga daw eto ng DSWD sa lugar. Ngunit nadismaya sila pagdating sa lugar. “May nagclaim na sa bata, sinabi nito na sya ang Uncle.” paliwanang ng babaeng nangangasiwa dito. “Maraming salamat po.” wika ni Karlos. Tumalikod si Nathan at tumanaw sa mga batang naglalaro. “Kelan po sya kinuha?” muling tanong ni Karlos. “Kahapon lang po, hindi na kami nagdalawang isip na ibigay eto dahil kilala sya ng bata” sabi muli ng babae na kanina pa pasulyap-sulyap kay Nathan. Napansin eto ni Karlos, tila napahiya n
HALOS himatayin sya sa warning shot na pinaputok ni Trixie. Pinagpapawisan ngayon sa takot si Ellie dahil sa baril na nakaumang sa kanya. Kitang-kita nya ang galit sa mukha ng babae na parang wala sa sariling isip. Nakita nya sa gilid ng kanyang mata ang babaeng hawak- hawak ng isa nyang tauhan, "Lorrie?" sigaw ng isip nya, napaawa sya sa babae. “Nasan ang kasama mo? Tatakas ka pa? ” Galit sa sigaw ni Trixie kaya muling bumalik ang atensyon nya dito, marahil ay hindi nito napansin ang babaeng hawak ng tauhan nya. Umiling ng malakas si Ellie habang nakataas ang dalawang kamay. "Ang tapang-tapang mo! Ngayon ipakita mo sakin ngayon ang galing mo!" napatingin si Ellie sa dulo ng baril na nakaumang sa kanya na umuusok pa. “Parang awa mo na, wala kaming kasalanan sayo, pakawalan mo na kami” “Sorry dahil hindi ko kilala ang salitang awa!” sigaw nito, napangisi eto ng makita ang babaeng duguan na hawak ng tauhan nya na halos hindi na makatayo dahil sa sugat nito. “Dalahin nyo sa loob s
BIGO ang team ni Karlos matagpuan sa itinurong lugar ni Don Francisco ang grupo ni Trixie. Ngunit hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Nathan, nararamdaman nya na malapit na nilang makita ang asawa.“Hold on, Wife!” piping dasal nya. Naagaw ang atensyon ng pagtunog ng telepono.PAPA calling…..“PAPA!” sagot nya dito.“Nathan, we possible know where she took Ellie!” sabi ng kanyang ama sa kabilang linya.“Where?!” tanong nya, naging alerto ang buong team sa kanilang pag-uusap.Sinabi ng kanyang ama ang lugar at sinabi nitong susunod eto dun, pinigilan nya ang kanyang ama dahil mahina na eto para sa ganung bagay ngunit nagpumilit pa rin eto.“We got it!!” sabi ng tao ni Nathan habang pinapalocate nya ang lugar na sinabi ng kanyang ama, mabilis nilang na trace ang location. Sa isang malayong probinsya ang lugar na maaring dinala ang kanyang asawa, kung ano man ang dahilan ni Trixie kung bakit dun nito dadalhin si Ellie, eto lang ang nakakaalam. Hindi na rin sya nagtanong sa kanyang papa
SAMANTALA “TINGNAN mo nga naman ang pagkakataon, hindi ikaw ang punterya ko pero ikaw ang nasilo ko, Sorry ka na lang dahil sumabit ka sa mga taong kinamumuhian ko! At ngayon, ikaw ipapain ko para lumapit sakin ang mga taong may malaking utang sakin!” halos mapaiyak si Ellie sa higpit ng pagkakahawak ni Trixie sa kanyang pisngi. Mahigpit din na nakatali ang kanyang kamay sa likod, ganun din ang isang babaeng hindi nya kilala ngunit tila pamilyar sa kanya ang hitsura. Hindi nya alam kung ano ang nangyari kay Trixie sa loob ng nakalipas na taon, Wala na ang glamorosang Trixie na hinahangaan ng marami noon. “Pakawalan mo kami!” sigaw ng babae kay Trixie “Tumigil ka, ayoko sa lahat ang maingay!” sigaw nito sa babae, dahilan para matakot eto. “Trixie, please kung ano man ang nagawa ko humihingi ako ng tawad sayo” pagsusumamo nya. “Poor Dear! Actually wala ka namang kasalanan, pero ang pamilya ng ASAWA mo, malaki!, pasalamat ka mabait pa rin ako sayo kaya humihinga ka parin ngayon!
HINANG-HINA pa syang nakakubli sa kwebang yun, akala nya katapusan nya na nung nakaraang gabi, maraming dugo ang nawala sa kanya dahil napuruhan sya ng babae sa tagiliran mabuti na lang maiksi lang ang patalim na gamit nito kaya hindi umabot sa kanyang internal organs, pero mahaba ang kanyang naging sugat. Sa mga ganitong pagkakataon nagagamit nya ang kanyang kaalaman. Salamat sa mga bunga ng niyog na marami sa Isla nagamit nyang panggamot, gamit ang mga dala-dala nyang kagamitan sa paggamot ginawa nyang parang detrox ang juice ng niyog para manumbalik ang mga nawala nyang dugo.Hindi nya alam kung saan nya naihulog ang kanyang telepono para makapagreport sa kanyang boss, kailangang malaman nito na may spiya sa loob ng isla, ngunit hindi nya eto makita. Wala syang choice kung hindi ang maghintay at manatiling ligtas. Pumikit muna sya para magpahinga kailangan nya ng lakas para sa mga susunod na araw, alam nyang anytime makakabangga nya ang mga tauhan ni Nathan at ni Cristy. FLASHBACK