PAGPASOK ko ng bahay nakita ko si Lola Azon na abala sa kung sino mang kausap sa telepono pero mabilis ding nagpaalam ng makita akong paalapit.
“Oh iha, andito ka na pala, How’s your day?” magiliw nitong tanong.
“Mabuti naman po, kayo po kumusta po kayo dito, okay na ba ang sikmura nyo?”
“Naku wag mo akong alalahanin, malakas pa ako, excited na akong makita ang anak mo, ilang buwan na lang Ellie” naluluhang wika ng matanda.
“Opo, ako din po, kinakabahan pero excited at the same time” nakangiti kong sagot dito.
“Ayaw mo ba talagang alamin kung anong kasarian ng anak mo?”
“Ang Lola talaga mas excited pa sakin” naiiling at tumatawa kong sagot, hindi ko inalam a
{Ellie POV} NAGING masugid na manliligaw nya si Steve kahit alam nito na may anak sya, hindi lingid dito ang nakaraan nya, nagulat sya isang araw ng madatnan nya eto sa kanilang bahay kaya pala hindi nya nakita sa restaurant. “Hi Ellie” bati sa kanya ni Steve. “H-Hi” bati nya dito ng makabawi sa pagkagulat. “Mommy!” Excited na sigaw ng kanyang anak, agad nyang kinarga ang anak at pinupog ng halik “Hmmm amoy pawis na ikaw, how’s your day, love?” tanong nya sa anak. “Good” bibong sagot ng bata. “Ah Jelay, pakipasok muna si Marcus sa kwarto nya, mukhang basang basa na ng pawis pakipunasan na rin” Si Jelay ay nirecommend ni Myrna para mag-alaga ng kanyang anak, malayong kamag-anak eto ng kaibigan kaya palagay ang loob nya na mababantayan ng husto si Marcus. “Okay po, Ate” sagot nito bago tumingin kay Steve. Mabilis din etong tumalikod dala ang kanyang anak. Pagkaalis ng dalawa mabilis nyang hinarap si Steve. “Paano mo nalaman ang bahay ko?” “I have my ways, Ellie, By the way aa
DECEMBER, nearly Christmas. Philippines MULA sa bintana ng kanyang opisina tanaw na tanaw ni Nathan ang paglubog ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, eto ang pinakamalungkot na buwan para sa kanya. Hindi maiwasang balikan ang mga nangyari ng nagdaang mga taon. Mahinang katok ang pumutol sa pagbabalik tanaw nya. “Come in!” Kaagad pumasok si Jeff. “Sir andito po si Sir Karlos” Isang tango lang ang sinagot nya dito, mabilis namang pumasok ang kaibigan. “Sige na Jeff, pwede ka ng umuwi” Nagpaalam na eto bago lumabas ng silid, naiwan silang dalaw ni Karlos. “I have news for you” wika ni Karlos pagkalabas ni Jeff. “What is it?” “Kailangan ka ngayon ng asawa at anak mo, ayon sa aking tao na nagbabantay sa kilos ni Trixie, meron syang taong inutusan na puntahan ang asawa mo hindi namin alam ang plano nila, pero kung ano man yun nakasisiguro ako na hindi maganda ang binabalak nila sa pamilya mo” “S*IT!” mahinang nahampas ni Nathan ang table nya. “Pero wag kang mag-alala bro nagpad
{NATHAN POV} FLASHBACK (continuation) SANDALING napanatag ang loob ko ng malaman ko na nasa pangangalaga ng aking abwela ang asawa ko. "Nathan iho, Wag kang mag-alala kami na ang bahala sa kanya, sa ngayon masama ang loob nya sayo at sa mga nangyari pero darating ang araw, mauunawaan nya rin ang lahat" patuloy nitong sabi sa kausap. Nagtiis ako na malayo sa aking asawa at tinatanaw na lang mula sa malayo. Galit na galit ako sa sarili ng muntik ng syang makunan. Dali-dali akong pumunta sa ospital kung saan sya naka confine, Araw-araw akong nakikibalita sa kalagayan nya lalo na ng halos dalawang araw etong hindi pa rin gumigising. " Baby, gumising ka na, I'm really sorry pero kailangan mong maging matatag, darating ang araw maipapaliwanag ko sayo ang lahat". Gumagawa ako ng paraan para maialis sya sa bansa, nagpasalamat ako ng nakumbisi sya na pansamantalang lisanin ang Pilipinas. Halos buwan buwan akong nagba byahe sa lugar kung saan sya naroon para masigurong nasusubaybayan ko a
{TRIXIE POV) “Hello! Alam kong naririnig mo ako, kung sakaling sumira ka sa usapan natin alam mo na ang mangyayari!” sigaw ko sa kausap. “Huwag kang mag-alala meron akong isang salita, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mangyari ang gusto mo” sabi ng kausap nya “Good! Aasahan ko yan at wag mo akong lolokohin!” Napangiti sya ng mapait Eto na ang araw nyo ipapatikim ko sa inyo ang sakit at pait ng buhay na meron ako, Uunahin ko ang mga taong mahahalaga sayo Alfred at sayo rin manloloko kong asawa!” nagniningas sa galit ang mga mata nya habang tumutulo ang kanyang luha, Hindi nya maiwasang maalala ag masakit nyang nakaraan kung saan nagmumula ang lahat ng kanyang galit. FLASHBACK: “Kuya, ialis mo na ako dito, natatakot ako kay Papa” lumuluhang sumbong ng batang babae. “Aalis saglit si Kuya, babalikan kita baby girl, Alam mo ba magkakaron ka na ng Ate para dalawa na kaming mag-aalaga sayo, mabilis lang ako babalik ako agad” nakangiting sagot nito sa bata sabay haplos sa napak
“HINDI eto ang daan pauwi samin!” baling ko dito ng mapansing iba ang aming dinadaanan. Pero hindi ako nito pinansin. “Nathan!” “I know Wife, malayo pa ang sa inyo, dun muna tayo dadaan sa bahay ko dahil baka matuyuan ka ng damit” “Okay lang ako, kaya ko ang sarili ko” “Wag kang matigas ang ulo” ma-awtoridad nitong sabi. Mabilis naman akong natahimik kahit nagre-rebelde ang loob ko eh hindi na lang ako kumibo dahil sa totoo lang kanina pa talaga ako kinakaligkig. “Pagkatapos ng 5 taon susulpot sya sa harapan ko para utsan ako ng dapat kong gawin! ahhhh naiinis ako!” kausap nya sa sarili nya. Mabilis kaming nakarating sa bahay nila, tama nga eto malapit lang ang bahay nila. Isang magandang bahay ang hinintuan namin, nakapa elegante ng design nito. Nag-aalangan akong napatingin kay Nathan. “Halika na, kung ayaw mo buhatin kita dyan” at akmang lalapitan ulit sya nito kaya mabilis syang kumilos. Mabilis nyang inalis ang kanyang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Sumunod na lang sya s
{ELLIE POV} Dahan dahan akong lumakad upang pumunta ng kusina. “- Yes baby, I love you too” malambing na boses nito sa kausap, dahan dahan etong tumingin sa direksyon ko ng maramdaman ang aking presensya. Tila nagliwanag naman ang mga mata nito ng makita ako. “Oh she’s here baby!” sagot nito sa kausap. Napakunot ang noo ko ng makilala ang aking Cellphone na hawak hawak nito. Agad akong napalapit dito. “Yes baby, we will see you soon, I’ll take good of your mom” sabi pa nito kaya nahulaan ko na si Marcus ang kausap nito. Sumenyas ako na kakausapin ko ang anak ko pero iniiwas lang nito sakin ang telepono. “Oh Yes, I will!” sabay tawa nito sa kausap na parang tuwang tuwa sa pinag-uusapan nila bago mabilis ibinaba ang tawag at ini-off ang telepono. “Nathan, kakausapin ko ang anak ko!” “Anak natin!” mabilis na sagot nito. “Teka nga lang! Bakit ang dali lang para sayo na bumalik at guluhin ang buhay namin matapos mo akong balewalain na parang basahan, Anong plano mo sakin this time
TAHIMIK ang buong bahay ng pumasok ako, dere-deretso ako umakyat sa aming silid. Madilim na silid ang bumungad sakin pagkabukas ko ng pinto. “SINONG KASAMA MO?” halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng marining ang galit na boses ni Nathan ngunit mabilis din akong nakabawi at dere-deretso sa walk-in cabinet. Mabilis etong nakasunod sa kanya. “I said, Who is that man huh?” hindi maitago sa boses ni Nathan ang selos. Humarap ako sa asawa ko at matalim etong tiningnan. “Bakit ka ba nagagalit? Hindi ba ikaw din naman, Kapag ako hindi pwede pero kapag ikaw Okay lang!?” Ganting sigaw ko dito. “Ellie, hindi mo na iintindihan!” sagot nito. “Yes, You’re right! You absolutely right, wala akong naiintindihan dahil kahit kelan wala kang binibigay na paliwanag! Kahit kung ano ang sa atin ngayon, Hindi ko pa rin maintindihan, kaya wag mong hingin sakin ang isang bagay na kahit kelan hindi mo kayang gawin!” masamang masama ang loob kong sagot dito, pakiramdam ko naipon lahat ang galit ko sa l
“STEVE?” anas nya sa pangalan ng lalaki. Nasa loob eto ng isang restaurant habang may kausap na lalaki na hindi nya kilala. “That’s Papa Steve!” sigaw ni Marcus na nakita rin nya pala, glass wall kase ang elevator kaya kitang kita ang lahat ng bawat floor ng mall. Kumaway pa ang kanyang anak na tila ba nakikita sya ng lalaki. “Yes baby! but he’s with someone,” sagot nya sa anak. Ngayon lang nya narealized na wala syang masyadong alam sa lalaki. Tila naman nalungkot ang mukha ng anak. Napalapit na kase eto sa lalaki nung mga panahon na wala pa sa buhay namin si Nathan. Malapit na sila sa restaurant ng biglang nagkaroon ng pagsabog. Nagkagulo ang mga tao, mahigpit nyang hinawakan ang kanyang anak, halos yumanig ang sahig ng mall kung saan sila naroroon. Nakaramdam sya ng takot hindi para sa kanyang sarili kung hindi para kay Marcus. Mahigpit etong nakayakap sa kanya. “Mommy!” takot na tawag nito sa kanya. “It’s okay baby.” alo nito sa kanyang anak. Marami ang nagsisigawan, humana
SENYOR ALFRED POV Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa babaeng naglalakad papuntang altar, napakaganda nito sa suot na puting pangkasal bagay sa busilak nitong puso. Napatingin sya sa altar “Elizabeth, siguro ay masaya ka na, natupad na ang hiling mo, hindi na ako mahihiyang humarap sayo kapag nagkita tayong muli sa kabilang buhay” FLASHBACK "Senyor umalis po si Ellie" imporma sa kanya ng taong nagbabantay sa kilos ng dalaga "Sundan mo, wag mong aalisin ang paningin sa kanya" kapagdaka ay ibinaba na ang tawag. "Senyor, sa isang club po sila pumunta kasama ng kaibigan nya" muling imporma nito. Nakasilip ako ng magandang pagkakataon na isagawa ang plano, parang umaayon sa kanya ang panahon hindi sya mahihirapan na kumbinsihin ang dalawa na magpakasal sa naiisip nyang plano. Sinabihan nya eto na lagyan ng gamot ang inumin ni Ellie at siguraduhuhin na maiinum eto ng dalaga, bahala na kung paano ko isasagawa eto, matyaga kong hinintay na dumating ang dalaga pero nagulat
“SIR, you need to watch this!” nagmamadaling pasok ni Jeff sa Opisina habang inaabot ang gadget. Napakunot ang nuo ni Nathan habang pinapanood ang video. Ang dami ng nakapanood ng video pero wala syang pakialam iisa lang ang pumasok na isip nya. “Ellie” “Ask someone to take that down this post, bayaran nyo kung sino ang dapat bayaran!” utos nya kay Jeff. Wala akong pakialam sa video, mas concern ako sa mararamdaman ni Ellie. Tumango lang si Jeff at nagpaalam na sa kanya. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Daniel. “Hello Kuya, Did you watch the video?” agad na tanong nito pagkasagot sa call. “Where is Ellie?” balik tanong nya. “She is with Ruth, papunta na ako dun!” sagot ni Daniel Alam ko sa oras na eto napanood na rin nya ang video, ayoko mag-isip sya ng iba at lumayo sya sakin. Napagpasyahan kong umuwi sa mansyon, nainis ako ng hindi ko sya makita ang sabi ni Manang hindi pa daw umuuwi, naiisip ko na baka kasama nya ang Alex na yun, naninibugho ako dahil kaedad nya an
MASAYA ang lahat sa ibinalita ng mga doctor, lalong lalo na ako.Nakahinga ako ng maluwag ng masigurong ligtas na ang aking mag-ina, sa loob ng anim na buwan na walang malay ang aking asawa, araw-araw akong nagpapasalamat sa Dyos, kahit ang mga doctor ay nawawalan na rin ng pag-asa na gigising eto, hinihintay na lang na sumapit ang ika-7 buwan ng tiyan ni Ellie para isilang ang aming anak. Hindi ko mapigilang mapaiyak habang nakatitig sa natutulog kong asawa. Akala ko nung una etong mag flatline ay mawawala na eto sa amin base sa hitsura ng Doctor ng lumabas eto, nakahinga lang ako ng maluwag ng magsalita eto. “She keep holding on!!” sabi nito.“Nathan..” paos na tawag ni Ellie sa akin habang nakayupyop ako sa gilid ng kama. Mabilis akong nagising at napatayo.“May masakit ba sayo? Okay na ba ang pakiramdam mo?” Sunod sunod na tanong ko.Umiling lang si Ellie bilang sagot, tinitigan ako ng aking asawa. Nagmamadali akong tumawag ng doctor na agad naman pumasok upang tingnan si Ellie.
MAHIGPIT nyang niyakap ang anak na parang takot na takot na mawala eto, saglit na niluwagan nya ang yakap dito parang haplusin ang mukha nito para siguraduhing hindi sya nanaginip lang! “Hey buddy!” sabi nya dito na umiiyak sa sobrang tuwa. “Hi, Daddy” nakangiting tawag nito sa kanya. Mahina syang napatawa, ganun din ang nakapaligid sa kanya sa sagot ng anak. Muli nya etong niyakap. “I thought I couldn’t see you again!” bulong nya sa anak. “I guess we’re even!” singit ni Gerald sa kanilang mag-ama. Napatingin naman si Nathan sa kaibigan bago tumawa ng mahina. “SURE IT IS!!” Nagpatango-tango si Gerald. Ilang saglit lang nagsalita ulit eto. “Can I have a word with you?” sabi nito na tila may nais sabihin, saglit syang nagpaalam sa anak at nilapitan ang kaibigan. “It would be better if you had Marcus check-up. He wakes up in the middle of the night screaming at the top of his lungs.” punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. Naawang muli syang napatingin sa anak na kasalukuya
KINAKABAHAN sya sa ibinalita ni Karlos tungkol kay Marcus, hindi nito kinumpirma kung si Marcus ang natagpuang bata malapit sa isla kung saan naganap ang pagsabog, ngunit nagbabakasakali sya na ang anak ang batang tinutukoy nito. Halos hilahin nya ang oras para makarating sa lugar. Isang concerned citizen ang nagparating sa mga pulis na may napulot silang bata, halos wala daw etong damit, wala ring galos or kahit anong sugat eto kaya inakala ng lahat na naanod lang eto dun. Nasa pangangalaga daw eto ng DSWD sa lugar. Ngunit nadismaya sila pagdating sa lugar. “May nagclaim na sa bata, sinabi nito na sya ang Uncle.” paliwanang ng babaeng nangangasiwa dito. “Maraming salamat po.” wika ni Karlos. Tumalikod si Nathan at tumanaw sa mga batang naglalaro. “Kelan po sya kinuha?” muling tanong ni Karlos. “Kahapon lang po, hindi na kami nagdalawang isip na ibigay eto dahil kilala sya ng bata” sabi muli ng babae na kanina pa pasulyap-sulyap kay Nathan. Napansin eto ni Karlos, tila napahiya n
HALOS himatayin sya sa warning shot na pinaputok ni Trixie. Pinagpapawisan ngayon sa takot si Ellie dahil sa baril na nakaumang sa kanya. Kitang-kita nya ang galit sa mukha ng babae na parang wala sa sariling isip. Nakita nya sa gilid ng kanyang mata ang babaeng hawak- hawak ng isa nyang tauhan, "Lorrie?" sigaw ng isip nya, napaawa sya sa babae. “Nasan ang kasama mo? Tatakas ka pa? ” Galit sa sigaw ni Trixie kaya muling bumalik ang atensyon nya dito, marahil ay hindi nito napansin ang babaeng hawak ng tauhan nya. Umiling ng malakas si Ellie habang nakataas ang dalawang kamay. "Ang tapang-tapang mo! Ngayon ipakita mo sakin ngayon ang galing mo!" napatingin si Ellie sa dulo ng baril na nakaumang sa kanya na umuusok pa. “Parang awa mo na, wala kaming kasalanan sayo, pakawalan mo na kami” “Sorry dahil hindi ko kilala ang salitang awa!” sigaw nito, napangisi eto ng makita ang babaeng duguan na hawak ng tauhan nya na halos hindi na makatayo dahil sa sugat nito. “Dalahin nyo sa loob s
BIGO ang team ni Karlos matagpuan sa itinurong lugar ni Don Francisco ang grupo ni Trixie. Ngunit hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Nathan, nararamdaman nya na malapit na nilang makita ang asawa.“Hold on, Wife!” piping dasal nya. Naagaw ang atensyon ng pagtunog ng telepono.PAPA calling…..“PAPA!” sagot nya dito.“Nathan, we possible know where she took Ellie!” sabi ng kanyang ama sa kabilang linya.“Where?!” tanong nya, naging alerto ang buong team sa kanilang pag-uusap.Sinabi ng kanyang ama ang lugar at sinabi nitong susunod eto dun, pinigilan nya ang kanyang ama dahil mahina na eto para sa ganung bagay ngunit nagpumilit pa rin eto.“We got it!!” sabi ng tao ni Nathan habang pinapalocate nya ang lugar na sinabi ng kanyang ama, mabilis nilang na trace ang location. Sa isang malayong probinsya ang lugar na maaring dinala ang kanyang asawa, kung ano man ang dahilan ni Trixie kung bakit dun nito dadalhin si Ellie, eto lang ang nakakaalam. Hindi na rin sya nagtanong sa kanyang papa
SAMANTALA “TINGNAN mo nga naman ang pagkakataon, hindi ikaw ang punterya ko pero ikaw ang nasilo ko, Sorry ka na lang dahil sumabit ka sa mga taong kinamumuhian ko! At ngayon, ikaw ipapain ko para lumapit sakin ang mga taong may malaking utang sakin!” halos mapaiyak si Ellie sa higpit ng pagkakahawak ni Trixie sa kanyang pisngi. Mahigpit din na nakatali ang kanyang kamay sa likod, ganun din ang isang babaeng hindi nya kilala ngunit tila pamilyar sa kanya ang hitsura. Hindi nya alam kung ano ang nangyari kay Trixie sa loob ng nakalipas na taon, Wala na ang glamorosang Trixie na hinahangaan ng marami noon. “Pakawalan mo kami!” sigaw ng babae kay Trixie “Tumigil ka, ayoko sa lahat ang maingay!” sigaw nito sa babae, dahilan para matakot eto. “Trixie, please kung ano man ang nagawa ko humihingi ako ng tawad sayo” pagsusumamo nya. “Poor Dear! Actually wala ka namang kasalanan, pero ang pamilya ng ASAWA mo, malaki!, pasalamat ka mabait pa rin ako sayo kaya humihinga ka parin ngayon!
HINANG-HINA pa syang nakakubli sa kwebang yun, akala nya katapusan nya na nung nakaraang gabi, maraming dugo ang nawala sa kanya dahil napuruhan sya ng babae sa tagiliran mabuti na lang maiksi lang ang patalim na gamit nito kaya hindi umabot sa kanyang internal organs, pero mahaba ang kanyang naging sugat. Sa mga ganitong pagkakataon nagagamit nya ang kanyang kaalaman. Salamat sa mga bunga ng niyog na marami sa Isla nagamit nyang panggamot, gamit ang mga dala-dala nyang kagamitan sa paggamot ginawa nyang parang detrox ang juice ng niyog para manumbalik ang mga nawala nyang dugo.Hindi nya alam kung saan nya naihulog ang kanyang telepono para makapagreport sa kanyang boss, kailangang malaman nito na may spiya sa loob ng isla, ngunit hindi nya eto makita. Wala syang choice kung hindi ang maghintay at manatiling ligtas. Pumikit muna sya para magpahinga kailangan nya ng lakas para sa mga susunod na araw, alam nyang anytime makakabangga nya ang mga tauhan ni Nathan at ni Cristy. FLASHBACK