“Ellie! Saan ka na naman ba pupuntang bata ka?” pagalit na turan ni Aling Nimfa sa anak anakan nya, Si Ellie ay ang naiwang anak ng yumaong kapatid na si Elizabeth, umibig eto sa lalaking taga syudad. Tanging sa mga lumang larawan lang nakilala ni Ellie ang Ina. Itinuring at minahal ni Nimfa na parang tunay na anak si Ellie, Lumaki etong masayahin, napakabait at napakalambing, matalinong bata din si Ellie bukod sa natatangi nitong ganda na nakuha sa ina, mula sa makinis na kutis at katamtamang tangos ng ilong , bilugan ang mga mata na binagayan ng mahahaba at malalantik na pilik na maaring sa ama nya nakuha. Sa edad na kinse namumukod-tangi ang kanyang taas, marami ang nag-aakala na dise-otso na sya at ganap na dalaga.
“Pupunta lang akong batis Nana!” Sagot ni Ellie sa kanyang nakagisnang Ina.
“Ako ay pupunta sa malaking bahay, kailangan ko tumulong sa gawain sa mansyon dahil parating sina Senyor kasama ang pamilya nya, dito daw magbabakasyon”
“Talaga Nana? Pwede ba akong sumama?” excited na turan ni Ellie, sa murang edad nya na kinse ay tila dalaga na sya.
“Akala ko ba pupunta kang batis? Sino ang kasama mo dun?”
“Si Lorna, pero susunod kami sayo sa mansyon tutulong din ako” alam ni Ellie na ang mag-asawang Del Mundo ang gumagastos sa kanyang pag-aaral kapalit ng paninilbihan ng kanyang Nana sa Mansyon. Napakabait ng mag-asawa sa mga tauhan sa Hacienda lalo na sa kanilang mag-tiya, ayon sa kwento ng kanyang Tiya kinuha daw eto ni Senyor Alfred sa kanilang probinsya sa Visaya sa pakiusap daw noon ng kanyang ina.
“O sya akoy tutuloy na, basta sumunod ka sa mansyon, wag ka magtatagal sa batis”
“Opo!” tumatakbo palayong sagot nya
KANINA pa inip na inip si Ellie paghihintay sa kaibigan sa batis, eto ang paborito nilang tambayan na magkaibigan, anak si Lorna ng isa sa trabahador din sa Hacienda, magkaklase sila mula Elementarya. Dala ang kanyan drawing pad nagsimula si Ellie gumuhit habang hinihintay ang kaibigan. Hindi nya namalayan ang oras dahil nalibang sya sa pagguhit, Bagot na binitawan nya ang panulat at lumusong sa tubig, napakalinaw ng batis, ang bahaging eto ng hacienda ay hindi napupuntahan ng ibang trabahador dahil mas malayo na eto sa parte kung saan nakatayo ang tahanan ng mga trabahador sa hacienda. Tila naging pribado eto para sa kanya.
“WHO ARE YOU!?
“Ay palaka!” gulat na napasigaw si Ellie, hindi nya masyado makita ang mukha dahil nasisilaw sya sa araw kung saan nakatayo ang lalaki sa ibabaw ng malaking bato.
“WHAT!!” Galit na turan ng lalaki
“SINO KA!? halos magkasabay nilang turan.
“WHAT are you doing here?” “Who are you?”ulit pa ng lalaki
Hindi makagalaw si Ellie, dahil naisip nya na kapag umahon sya sa tubig pagpipyestahan ng antipatikong tipaklong na eto ang kanyang katawan, nakasuot lang sya ng manipis na t-shirt tulad ng nakasanayan nila ni Lorna.
“Pwede ba, wag mo nga ako ini-english dyan! At isa pa ikaw ang bigla bigla na lang sumusulpot kung saan!”
Dahan dahan umupo ang lalaki sa bato habang nakatingin sa kanya, napakunot noo sya kase hindi pa nya nakita ang lalaki sa Hacienda, nakakasiguro sya na hindi eto trabahador sa ganda ng tindig at tikas nito, lalo na ng mapagmasdan nya ang nakapagwapo nitong mukha, biglang bumilis ng tibok ng kanyang puso.
Nakakunot ang noo at mukhang inis na inis sa kanya ang lalaki.
“P-Pwede ba tumalikod ka muna!” kinakabahan na turan ni Ellie, hindi nya alam kung dahil sa lamig ng tubig or sa mainit na titig ng kaharap.
“Inuutusan mo ba ako? Paano kung sabihin kong ayoko?” nang iinis pang turan ng lalaki.
“Pwede kita panoorin dito kahit gaano katagal” dagdag pa nito na nakataas ang sulok ng labi
“Abat! Bastos ka ah!” inis na turan ni Ellie sabay hagis ng tubig sa lalaki, dahil nabasa ang bato na inaapakan ng lalaki, dumulas eto at deretsong nahulog sa tubig sa mismong tapat nya.
“F*CK!”
“AYYY” halos magkapanabay nilang sigaw
“Why did you do that!? Inis na turan ng lalaki
Ubo ng ubo si Ellie dahil sa dami ng tubig na nainum nya sa biglang pagbagsak ng lalaki.
“Hey, Hey are you okay?” nababakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Nanigas ang katawan ni Ellie ng hawakan sya sa bewang at buhatin paalis ng tubig.
“Ibaba mo na ako!”
“Not yet, pwede ba wag ka malikot!”
“Ang bigat mo!” turan nito habang ibinababa sya sa isang malaking bato.
“Sinabi ko bang buhatin mo ako!”
“You’re Welcome!” nang aasar na turan ng lalaki.
Ellieeee!!!
Kuya!!!
Halos panabay na sigaw ni Lorna at ng kasama nyang lalaki.
“Ellie, Sorry natagalan ako kase inutusan pa ako ni tatay maghatid ng pagkain sa manggahan, Anong nangyari sayo?” turan ni Lorna sabay sulyap sa kasama nyang lalaki.
“Ano pa, e di naligo tagal mo kase” sagot nya sabay kusot ng ilong.
“Sya nga pala Ellie kasama ko si Daniel, natatandaan mo ba, sya yung kalaro natin noon?” kinikilig na turan ni Lorna
Lihim nyang kinurot ang kaibigan “Para kang uod na binudburan ng asin” bulong nya dito
“Tskk, ehh” sagot lang ni Lorna
“Hi Ellie! Nice to see you again” masiglang bati ni Daniel
"Kapatid mo sya?" paanas na tanong ni Ellie Kay Daniel
"Oo, matagal syang hindi nakauwi dito kase sa Manila nag-i stay" sagot ni Daniel na nangingiti.
"Pagminamalas ka nga naman! Tskkk!" pabulong na wika ni Ellie
“Let’s go Daniel!” “and you..” sabay sulyap sa kanya “umuwi ka na baka mapulmonya ka, tsk!” Inis na turan nito sabay talikod.
“Anong nangyari dun, ang sungit!” turan ni Lorna “Pero ang gwapooo!” dagdag pa nito
“Halika na, umuwi na tayo ang tagal mo dumating!”
“ Teka lang bakit kayo magkasama ng kuya ni Daniel?”
“Ewan! nalaglag mula sa langit at bumagsak sa tubig!”
“Ayyy ang KJ naman!”
“Umayos ka nga!”
“Pero aminin mo, ang gwapo!”
“Tsunggo kamo!” ingos nya dito pero lihim syang kinikilig.
Sabay na nila binaybay ang daan pauwi.
"Senyorito!" Humahangos na tawag ng isa nilang trabahador "Tama nga pala ang sabi nila, dumating na kayo” masayang wika nito
"Mukhang nakaligo na po agad kayo sa batis ah" pansin nito sa basa nyang damit.
"Yeah, at mukhang mapapadalas ako dito" sabay lingos ni Nathan sa daan tinatahak ng magkaibigan sabay taas ng sulok ng labi nya.
***** Itutuloy******
Kanina pa nangingiti si Nathan, hindi nya malimutan ang babaeng nakikilala nya sa batis, Inis na inis sya nung una dahil gusto nyang maligo sa batis dahil napakatagal na panahon na nyang hindi nakakauwi sa Hacienda. Sampung taon sya ng umalis sa Hacienda at nanirahan sa America para mag-aral, Isa sya sa matagumpay na negosyante sa bansa maging sa ibang bansa, namulat sya sa pagnenegosyo sa kanyang murang edad. Pagbalik nya sa Pilipinas sa Manila sya halos nag stay dahil andun ang lahat ng negosyo ng pamilya, Mula noon hindi pa sya ulit nakabalik dito. Kanina lang nya nakita ang babae. Hindi nya maiwasang humanga sa napakaamo nyang mukha at magandang katawan. Ngunit nadismaya sya ng malaman ang edad nito mula kay Daniel, matanda lang eto ng isang taon kay Daniel na katorse anyos lang. Sa Edad na bente singko marami ng babae ang dumaan sa buhay nya, ngunit wala pa syang siniseryosong relasyon. Subalit kakaiba ang init na hatid ng babae sa kanya, hindi nya maintindihan ang kanyang sari
TUWING umaga dumadaan sya sa mansyon nagbabakasakaling bumalik si Nathan, Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili na tila gusto nyo etong laging makita. “Ang lupet mo kupido, kapag nakita kita aalisan ko ng balahibo ang pakpak mo!, sa lahat talaga ng papanain mo dun pa sa mahirap abutin” bubulong bulong na wika ni Ellie habang naglalakad. “Hi Ellie!” “Ay Tipaklong!” “Grabe ka naman sakin Elliana Marie Cuevas, ganun ba ako kapanget sa paningin mo” wika ni Boyet habang kumakamot ng ulo. Hindi maiwasang mapangiti ni Ellie, mabait na kaibigan si Boyet, malapit silang tatlo ni Lorna, iniwasan lang nya eto nung magtapat eto ng feelings sa kanya. Kase ayaw nya bigyan ng maling pag-asa. “Wag ka kaseng nanggugulat dahil nakakapagsabi ako ng totoo!” tatawa tawang turan ni Ellie “Awwwwtss, ang sakit!” sabay hawak sa dibdib na animoy nasasaktan “Sobra ka na sakin Elliana ah” Tawa sila ng Tawa. Isang malakas na busina ang narinig nila bago humarurot sa harapan nila ang isang magarang sa
LUMIPAS ANG MGA ARAW at BUWAN, sabay ng pagtatapos ni Ellie sa Highschool. Excited ang lahat sa nalalapit na pagpasok sa College. "Ellie, anak kinausap ako ng senyora, pag-aaralin ka daw nila sa Maynila" turan ni Nana Nimfa habang naghahapunan Mabilis na napatingin si Ellie sa kanyang ina-inahan. "Pumayag po kayo Nana?" "Ayaw ko hadlangan ang pangarap mo anak, ayoko na makatulad ka sakin na dito na tumanda, pero mamimiss kita 'Nak" sabay singhot ni Nana Nimfa, "Nana, mag-aaral akong mabuti, at kapag meron na akong trabaho kukuhanin kita at titira tayo sa Maynila" "Kuu ayaw ko doon, gusto ko pa rin ang buhay probinsya, sapat na sakin na matupad mo ang iyong pangarap, masaya na ako" "Salamat Nana sa pagmamahal mo sakin, at pag-aalaga, love din kita " masuyong turan ni Ellie. "Basta mag-iingat ka dun" Malungkot ang mansyon sa araw ng pag-alis ni Ellie, lalong lalo na si Boyet na sa Santa Fe napiling mag-aral ng Agrikultura dahil yun ang hilig nya. Napamahal na si Ellie sa mga t
NAKARAAN.. Pawis na pawis si Beth sa pagtakbo dahil hinahabol nya ang oras baka ma-late sya sa a-applyan nya na trabaho. "Kuya! kuya, saglit lang abot pa ba ako? Kase mag-aaply sana ako" tawag ni kuya sa security guard ng building na pag a-appyan nya. "Naku ganda hindi ko alam eh, mabuti pa pumunta ka dun sa receptionist tanong mo sa kanya, eto ang visitor's pass" wika ng guwardya. "Salamat kuya, ang gwapo gwapo mo talaga!" tuwang tuwang wika ni Beth. Napakamot ng ulo ang gwardya. Dali dali pumunta si Beth sa Reception area habang kinabit ang clip ng visitor's ID habang nakayuko pag-angat ng ulo nabundol sya sa isang matigas na bagay. Isang pares ng maganda mata ang kanyang nakita, nakahawak eto sa bewang nya, ramdam na ramdam nya ang init ng katawan nito, sandaling tumigil ang mundo habang titig na titig sila sa isat-isa. Napakunot ang noo ni Alfred. "Sa susunod, tumingin ka sa nilalakaran mo" wika ni Alfred sa Dalaga. Parang dun natauhan si Beth at bigla nya naitulak ang lala
Mabilis na dumaan ang mga taon, kailangan na nyang umuwi sa Pilipinas, sapat na panahon na rin tinikis nya ang kanyang sarili.“Welcome Home Sir!”"Kumusta dito, Jeff?""Ayos naman Sir, everything was settled" turan ni Jeff sa kausap"Good!" sabay butunghininga.Walang nakakaalam ng kanyang pagbalik sa Pilipinas lalo na at may nilulutas syang problema sa kompanya. Si Jeff ay matagal ng naninilbihan sa kanya at maituturing nya etong tapat na kaibigan at empleyado.“Sa Mansyon tayo” utos nya sa driverELLIEPABILING BILING ako higaan, napapanaginipan ko ang isang makisig na lalaki, merong ibinubulong sakin pero hindi ko maintindihan. Hinaplos ang aking braso, Hanggang gumapang ang kamay sa aking bewang parang kinakabisado ang buong katawan ko. Hanggang pumasok ang pangahas na kamay nito sa aking dibdib. Parang pamilyar sa sakin ang init na nagmumula sa balat nito. Parang kilalang kilala ng aking pandama ang bawat haplos ng pangahas na lalaki. Naramdaman ko ang paglalapat ng aming mga la
ELLIE NAGMAMADALI ako sa pagpasok sa unang klase ko ngayong araw, hindi na ako sumabay pumasok kay Daniel dahil tanghali na ako nagising, napuyat kase ako kakaisip tungkol sa larawan. "Hi Babe!" sigaw na Alex habang tumatakbo palapit sa akin. "Ay butete! Ano ka ba 'Lex wag ka nga nanggugulat, at tsaka wag mo nga akong matawag tawag na babe, kelan pa ako naging biik?" gulat na gulat na wika ko. Hindi maiwasang mapatawa ni Alex. "Ikaw ang pinakamagandang biik na nakita ko" anito na tumatawa. "Bakit ba ang sungit mo ngayon? masyado mo ba akong namiss?" nang aasar na turan ni Alex. "Asa ka pa!" ingos ko sabay binilisan ang aking lakad dahil baka mahuli ako sa klase. "Bakit ka ba nagmamadali hindi ka pa naman late sa first subject mo?" hinihingal na turan ni Alex "Ang bilis mong lumakad, may lahi ka bang amasona?" dagdag pa nito. Hindi ko maiwasang bumunghalit ng tawa sa sinabi nito. Kahit napakakulit nito hindi ko magawang mainis ng tuluyan dahil napakapalabiro nito. Isa si Alex sa
MABILIS syang napalingon at sinalubong ang nagtatanong nitong mata. "Ang sabi ko saan ka galing at sinong kasama mo?" ulit nito. "Kasama mo ba ang Alex na yon!?" habang dahan dahan etong lumalapit hanggang ilang dangkal na lang ang layo nila sa isat-isa. Napakunot ang noo ni Ellie at napaawang ang labi nya sa pagtataka "Bakit napasama naman si Alex sa pag-uwi ko ng gabi" tanong nya sa isip nya. Nakita nyang nagdilim ang mukha nito habang nakatingin sa labi nya. Napapikit eto ng mariin. "SH*T!" sabay hawak nito sa buhok "Go to your room!" parang hirap na hirap nitong utos, sabay mabilis na tumalikod. "Anong nangyayari dun? kahit kailan talaga hindi ko sya maintindihan ang masungit na yun!" naguguluhang sabi ni Ellie sa isip nya. "Pero love mo?" tanong nya sa sarili nya. "Oo" sagot nya rin sa sarili nya "hay buhay!". ************** "MAAWA KA! ALFREED TULUNGAN MO AKO, HUWAG!" Sigaw ng babaeng nagmamakaawa, halos putok ang labi nito at nangingitim ang mga mata dahil sa tinamong bugb
WALANG klase kaya nasa bahay lang si Ellie, kaunting panahon na lang matatapos na sya ng pag-aaral. Bigla syang napabangon, mabilis na naglinis at nag-ayos ng sarili, naalala nya na andito nga pala si Nathan sa Mansyon. Excited sya na muli etong makita.“Naku Ellie buti gising ka na!” pabulong na bati ni Manang Flor ng makasalubong nya eto sa pasilyo.“Bakit ka po bumubulong?” wika ni Ellie na ginaya ang paraan ng pagsasalita ni Manang Flor. Kinurot sya ng matanda sa tagiliran.“Dyaske kang bata ka, ako nga ay wag mo niloloko!” paanas na sabi nito.“Andito ang gelpren ni Senyorito Nathan” wika pa nito “Andun sa pool naka swemshut Kuuu ayoko ko ng karakas ng babaeng yan, masyadong bulgar!” naiiling na turan ng matanda. Kung hndi lang biglang nakaramdam ng selos kanina pa ako tumawa sa sinabi ni Manang Flor (swemshut talaga?).“Sige po Manang , akyat po muna ako” wika nya.“Aba ay hindi ka pa kumakain” nagtatakang wika nito.“Mamaya nalang po Manang, nawalan ako ng gana!” wika nya sabay