WALANG klase kaya nasa bahay lang si Ellie, kaunting panahon na lang matatapos na sya ng pag-aaral. Bigla syang napabangon, mabilis na naglinis at nag-ayos ng sarili, naalala nya na andito nga pala si Nathan sa Mansyon. Excited sya na muli etong makita.“Naku Ellie buti gising ka na!” pabulong na bati ni Manang Flor ng makasalubong nya eto sa pasilyo.“Bakit ka po bumubulong?” wika ni Ellie na ginaya ang paraan ng pagsasalita ni Manang Flor. Kinurot sya ng matanda sa tagiliran.“Dyaske kang bata ka, ako nga ay wag mo niloloko!” paanas na sabi nito.“Andito ang gelpren ni Senyorito Nathan” wika pa nito “Andun sa pool naka swemshut Kuuu ayoko ko ng karakas ng babaeng yan, masyadong bulgar!” naiiling na turan ng matanda. Kung hndi lang biglang nakaramdam ng selos kanina pa ako tumawa sa sinabi ni Manang Flor (swemshut talaga?).“Sige po Manang , akyat po muna ako” wika nya.“Aba ay hindi ka pa kumakain” nagtatakang wika nito.“Mamaya nalang po Manang, nawalan ako ng gana!” wika nya sabay
KINABUKASAN.. Nagising si Ellie sa ingay sa paligid, pupungas pungas na nagmulat sya ng mata. Napahawak sya sa kanyang masakit ulo konti lang naman ang nainum nila ni Lorna. “Hay!, hindi na ako iinum” turan nya sa isip nya. Matiim na mata ni Nathan ang una nyang nabungaran habang nakatayo malapit sa kama, Unti-unting luminaw sa kanya ang nangyari kagabi. Mabilis syang napabalikwas ng bangon habang hawak ang kumot na nakatakip sa sarili. Nakita nya si Senyora na seryosong nakatingin sa kanya na hindi kababakasan ng anumang reaksyon.. “Mag-ayos ka ng sarili mo, Ellie, Kailangan nating mag-usap” mayamaya pa ay wika ng Mama ni Nathan, bago tumalikod at lumabas ng silid. “Patay, anong ginagawa mo Ellie?” sabi nya sa sarili na nakakagat labi Napalingos ako kay Nathan na nakatayo lang at matiim na nakatingin sa bawal galaw ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala naman akong naramdamang kakaiba. “Magbihis ka na, may dinalang damit sayo si Manang” seryosong wika nito. Iinot-inot a
******* SPG ALERT (Bawal sa Bata, kung ayaw ng SPG Skip nyo lang)*******ELLIENAKATULOG ako pagkatapos kong ligpitin ang mga damit namin at ilagay sa cabinet.Madilim na sa labas pagsilip ko sa bintana, kaya pala kumakalam na ang aking tiyan.Lumabas ako ng silid para maghanap ng makakain nakita ko na merong nakasupot na pagkain marahil eto ang inorder ni Nathan kanina kaya iniinit ko na lang.Naisip nya na hindi pa eto umuuwi pamula ng makatanggap ng tawag kay Trixie.Mayamaya nag ring ang cellphone nya.LORNA CALLING...“Hello Friend!, kumusta anong nangyari sa pagtatapat ng pag-ibig mong purorot kay Senyorito? Umubra ba? Kwento na dalii” excited nitong tanong“Ikinasal kami kaninang umaga!” simula nya.“WHATTTT!?” nailayo nya ang telepono sa tenga nya sa lakas ng sigaw nito.“Ang usapan natin magtatapat ka lang hindi magpapakasal, lumevel
*******SPG ALERT PA RIN, bawal sa bata at batang isip :D :D ********KINABUKASANHindi agad ako makagalaw dahil sa mabigat na braso na nakayakap ang aking tyan. Parang antok na antok pa ang pakiramdam ko 5:00 am pa lang ayon sa orasan na nasa bedside table namin, gusto ko sanang bumangon pero lalong huimigpit ang pagkakayakap sakin ng aking asawa.“Go back to sleep, It’s too early” anas nito sabay kabig sakin palapit sa kanya.“Nathan, magbabanyo ako” sabi nya dito sabay mahinang tampal sa braso nito. Ang lagkit lagkit ng pakiramdam ko kailangan ko maligo.Pupungas pungas etong bumangon.“Let’s go, Come here” aya nito sa kanya sabay lahad ng kamay.“Kaya ko na, sa banyo lang naman ako pupunta” wika ko na hindi makatingin sa asawa,parang etong sanggol dahil walang kahit anumang saplot sa katawan, iinot inot akong tumayo habang nakabalot ng kumot ang akin
Wala si Nathan ng gumising ako kinabukasan, kahit ang higaan sa panig nito ay walang bakas na merong gumamit. Mabilis akong bumangon para maghanda sa pagpasok, Nagluto lang ako ng simpleng agahan para sa akin at kay Nathan sakaling umuwi eto, Pagkatapos naghanda na ako sa pagpaposk ko sa school. Mabilis lang akong nakarating sa University buti na lang malapit lang eto nila sa bahay ni Nathan. “Ellie!” Tawag sa kanya ni Ruth “Hindi mo ba kasabay si Daniel?” tanong nito “Hindi, Bakit? Nauna na kase ako sa kanya, hindi kami nagkita sa bahay ngayong umaga” pagdadahilan nya, ayaw nya na merong makaalam na hindi na sya kina Daniel nakatira tulad ng gusto mangyari ni Nathan. “Ganun ba? Kase hindi nya sinasagot ang mga tawag ko” malungkot nitong wika “May problema ba kayo ni Daniel” “A-Eh Sige Ellie, mauna na ako” sagot nito na parang umiiwas sa aking tanong. Sinundan ko lang ng tingin ang papalayong kaibigan. “Ano kaya problema ng dalawang yun?” sa isip nya Meron akong vacant na isa
SA MANSYON NG MGA DEL MUNDOHindi dalawin ng antok si Senyor Alfred, maraming bumabagabag sa kanya ngayon, Sa pagnanais nyang mapunan ang pagkukulang nya kay Ellie sana tama ang kanyang naging pamamaraan, Marami na syang pinagsisihan sa mga maling desisyon nya, ayaw na nyang dagdagan pa ang taong masasaktan.Hindi nya alam ang pwedeng idulot ng unti-unting pagbabalik ang multo kahapon na pilit nyang kinakalimutan.*****NAKARAAN..Punong puno ng ligaya ang pagsasama nina Beth at Alfred bilang magnobyo, noong una maraming hindi nakatanggap sa kanilang relasyon lalo na ang Ina ni Alfred, naging matindi ang pagtutol nito sa kanilang pag-iibigan.“Ayoko sa babaeng yan, hindi nababagay sa atin ang isang hampas lupa, hindi ko sya matatanggap, At paano ang anak mo ha, ipapakilala mo syang ina kay Nathan? Hindi ko alam na eto ang sasalubong sakin pag-uwi ko ng Pilipinas!” Galit na sigaw nito sa anak“Mama, hindi ikaw mag magde-desisyon sa bagay na yan, may sarili na akong buhay , ako ang pipi
PAGPAPATULOY SA NAKARAAN...Halos gumuho ang mundo ni Alfred, araw araw syang umiinum at nilulunod sa alak ang sarili upang makalimutan ang lahat ng nangyari. Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nya matanggap na niloko sya ni Beth, ang babaeng pinag-alayan nya ng kanyang pag-ibig. “Nasan ka? Kailangan nating magkausap" Tanong ng babae sa kausap“Anong ginawa mo sa kanya?” sigaw pa nito. “W-WHATT!! hindi mo pwedeng gawin yan!” Sigaw nya dahil narinig nito ang pagmamakaawa ng isang babae sa kabilang linya.“Ang usapan lang natin sisirain mo lang si Elizabeth sa Anak ko wala sa usapan natin yan!” sigaw nya sa kausap.“WHAT DID YOU SAY??” matigas at madiing boses na biglang nagpalingon sa Ginang.Parang binuhusan ng malamig na tubig si Donya Corazon ng makasalubong ang nagliliyab na mata ng anak.“A-Anak!” “L-Let me explain!” sagot nito sa anak“LET YOU EXPLAIN?, ‘MA!” galit na galit na turan nito “ANONG GINAWA MO KAY BETH?? ANO!!” Sigaw ng anak na nagpataranta s
KASALUKUYAN... Naging maayos ang pagsasama ni Nathan at Ellie maliban sa malilit na away at tampuhan na madali lang lumilipas. Pero sa loob ng panahong yun madalas ding makita ng dalaga sa balita at pahayagan ang madalas na pagkikita nila ni Trixie sa mga pagtitipon na labis na nagpapanigbugho sa kanya. Talagang sinikap ni Nathan na walang makaalam ng kanilang kasal marahil ayaw nya masaktan ang nobya, at yun ang labis na nagpapasakit sa damidamin ni Ellie. Ellie Hindi ko inaasahan na makakaharap ko isang araw ang babaeng tunay na nagmamay-ari sa puso ng aking asawa. “Sino ka?” tanong nito sakin na sinusukat ako mula ulo hanggang paa. Hindi agad ako nakapagsalita, hindi ko inaasahan ang biglaan nitong pagsulpot sa unit ni Nathan. “Ah pamangkin ako ng Mayordoma ni Senyora Catalina napag-utusan lang ako na maglinis ng unit ni S-Senyorito Nathan ngayong araw” tanging nasabi ko na lang. Tinitigan nya ako na parang hindi naniniwala sa aking sinabi. “Parang pamilyar ang mukha mo sak
SENYOR ALFRED POV Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa babaeng naglalakad papuntang altar, napakaganda nito sa suot na puting pangkasal bagay sa busilak nitong puso. Napatingin sya sa altar “Elizabeth, siguro ay masaya ka na, natupad na ang hiling mo, hindi na ako mahihiyang humarap sayo kapag nagkita tayong muli sa kabilang buhay” FLASHBACK "Senyor umalis po si Ellie" imporma sa kanya ng taong nagbabantay sa kilos ng dalaga "Sundan mo, wag mong aalisin ang paningin sa kanya" kapagdaka ay ibinaba na ang tawag. "Senyor, sa isang club po sila pumunta kasama ng kaibigan nya" muling imporma nito. Nakasilip ako ng magandang pagkakataon na isagawa ang plano, parang umaayon sa kanya ang panahon hindi sya mahihirapan na kumbinsihin ang dalawa na magpakasal sa naiisip nyang plano. Sinabihan nya eto na lagyan ng gamot ang inumin ni Ellie at siguraduhuhin na maiinum eto ng dalaga, bahala na kung paano ko isasagawa eto, matyaga kong hinintay na dumating ang dalaga pero nagulat
“SIR, you need to watch this!” nagmamadaling pasok ni Jeff sa Opisina habang inaabot ang gadget. Napakunot ang nuo ni Nathan habang pinapanood ang video. Ang dami ng nakapanood ng video pero wala syang pakialam iisa lang ang pumasok na isip nya. “Ellie” “Ask someone to take that down this post, bayaran nyo kung sino ang dapat bayaran!” utos nya kay Jeff. Wala akong pakialam sa video, mas concern ako sa mararamdaman ni Ellie. Tumango lang si Jeff at nagpaalam na sa kanya. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Daniel. “Hello Kuya, Did you watch the video?” agad na tanong nito pagkasagot sa call. “Where is Ellie?” balik tanong nya. “She is with Ruth, papunta na ako dun!” sagot ni Daniel Alam ko sa oras na eto napanood na rin nya ang video, ayoko mag-isip sya ng iba at lumayo sya sakin. Napagpasyahan kong umuwi sa mansyon, nainis ako ng hindi ko sya makita ang sabi ni Manang hindi pa daw umuuwi, naiisip ko na baka kasama nya ang Alex na yun, naninibugho ako dahil kaedad nya an
MASAYA ang lahat sa ibinalita ng mga doctor, lalong lalo na ako.Nakahinga ako ng maluwag ng masigurong ligtas na ang aking mag-ina, sa loob ng anim na buwan na walang malay ang aking asawa, araw-araw akong nagpapasalamat sa Dyos, kahit ang mga doctor ay nawawalan na rin ng pag-asa na gigising eto, hinihintay na lang na sumapit ang ika-7 buwan ng tiyan ni Ellie para isilang ang aming anak. Hindi ko mapigilang mapaiyak habang nakatitig sa natutulog kong asawa. Akala ko nung una etong mag flatline ay mawawala na eto sa amin base sa hitsura ng Doctor ng lumabas eto, nakahinga lang ako ng maluwag ng magsalita eto. “She keep holding on!!” sabi nito.“Nathan..” paos na tawag ni Ellie sa akin habang nakayupyop ako sa gilid ng kama. Mabilis akong nagising at napatayo.“May masakit ba sayo? Okay na ba ang pakiramdam mo?” Sunod sunod na tanong ko.Umiling lang si Ellie bilang sagot, tinitigan ako ng aking asawa. Nagmamadali akong tumawag ng doctor na agad naman pumasok upang tingnan si Ellie.
MAHIGPIT nyang niyakap ang anak na parang takot na takot na mawala eto, saglit na niluwagan nya ang yakap dito parang haplusin ang mukha nito para siguraduhing hindi sya nanaginip lang! “Hey buddy!” sabi nya dito na umiiyak sa sobrang tuwa. “Hi, Daddy” nakangiting tawag nito sa kanya. Mahina syang napatawa, ganun din ang nakapaligid sa kanya sa sagot ng anak. Muli nya etong niyakap. “I thought I couldn’t see you again!” bulong nya sa anak. “I guess we’re even!” singit ni Gerald sa kanilang mag-ama. Napatingin naman si Nathan sa kaibigan bago tumawa ng mahina. “SURE IT IS!!” Nagpatango-tango si Gerald. Ilang saglit lang nagsalita ulit eto. “Can I have a word with you?” sabi nito na tila may nais sabihin, saglit syang nagpaalam sa anak at nilapitan ang kaibigan. “It would be better if you had Marcus check-up. He wakes up in the middle of the night screaming at the top of his lungs.” punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. Naawang muli syang napatingin sa anak na kasalukuya
KINAKABAHAN sya sa ibinalita ni Karlos tungkol kay Marcus, hindi nito kinumpirma kung si Marcus ang natagpuang bata malapit sa isla kung saan naganap ang pagsabog, ngunit nagbabakasakali sya na ang anak ang batang tinutukoy nito. Halos hilahin nya ang oras para makarating sa lugar. Isang concerned citizen ang nagparating sa mga pulis na may napulot silang bata, halos wala daw etong damit, wala ring galos or kahit anong sugat eto kaya inakala ng lahat na naanod lang eto dun. Nasa pangangalaga daw eto ng DSWD sa lugar. Ngunit nadismaya sila pagdating sa lugar. “May nagclaim na sa bata, sinabi nito na sya ang Uncle.” paliwanang ng babaeng nangangasiwa dito. “Maraming salamat po.” wika ni Karlos. Tumalikod si Nathan at tumanaw sa mga batang naglalaro. “Kelan po sya kinuha?” muling tanong ni Karlos. “Kahapon lang po, hindi na kami nagdalawang isip na ibigay eto dahil kilala sya ng bata” sabi muli ng babae na kanina pa pasulyap-sulyap kay Nathan. Napansin eto ni Karlos, tila napahiya n
HALOS himatayin sya sa warning shot na pinaputok ni Trixie. Pinagpapawisan ngayon sa takot si Ellie dahil sa baril na nakaumang sa kanya. Kitang-kita nya ang galit sa mukha ng babae na parang wala sa sariling isip. Nakita nya sa gilid ng kanyang mata ang babaeng hawak- hawak ng isa nyang tauhan, "Lorrie?" sigaw ng isip nya, napaawa sya sa babae. “Nasan ang kasama mo? Tatakas ka pa? ” Galit sa sigaw ni Trixie kaya muling bumalik ang atensyon nya dito, marahil ay hindi nito napansin ang babaeng hawak ng tauhan nya. Umiling ng malakas si Ellie habang nakataas ang dalawang kamay. "Ang tapang-tapang mo! Ngayon ipakita mo sakin ngayon ang galing mo!" napatingin si Ellie sa dulo ng baril na nakaumang sa kanya na umuusok pa. “Parang awa mo na, wala kaming kasalanan sayo, pakawalan mo na kami” “Sorry dahil hindi ko kilala ang salitang awa!” sigaw nito, napangisi eto ng makita ang babaeng duguan na hawak ng tauhan nya na halos hindi na makatayo dahil sa sugat nito. “Dalahin nyo sa loob s
BIGO ang team ni Karlos matagpuan sa itinurong lugar ni Don Francisco ang grupo ni Trixie. Ngunit hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Nathan, nararamdaman nya na malapit na nilang makita ang asawa.“Hold on, Wife!” piping dasal nya. Naagaw ang atensyon ng pagtunog ng telepono.PAPA calling…..“PAPA!” sagot nya dito.“Nathan, we possible know where she took Ellie!” sabi ng kanyang ama sa kabilang linya.“Where?!” tanong nya, naging alerto ang buong team sa kanilang pag-uusap.Sinabi ng kanyang ama ang lugar at sinabi nitong susunod eto dun, pinigilan nya ang kanyang ama dahil mahina na eto para sa ganung bagay ngunit nagpumilit pa rin eto.“We got it!!” sabi ng tao ni Nathan habang pinapalocate nya ang lugar na sinabi ng kanyang ama, mabilis nilang na trace ang location. Sa isang malayong probinsya ang lugar na maaring dinala ang kanyang asawa, kung ano man ang dahilan ni Trixie kung bakit dun nito dadalhin si Ellie, eto lang ang nakakaalam. Hindi na rin sya nagtanong sa kanyang papa
SAMANTALA “TINGNAN mo nga naman ang pagkakataon, hindi ikaw ang punterya ko pero ikaw ang nasilo ko, Sorry ka na lang dahil sumabit ka sa mga taong kinamumuhian ko! At ngayon, ikaw ipapain ko para lumapit sakin ang mga taong may malaking utang sakin!” halos mapaiyak si Ellie sa higpit ng pagkakahawak ni Trixie sa kanyang pisngi. Mahigpit din na nakatali ang kanyang kamay sa likod, ganun din ang isang babaeng hindi nya kilala ngunit tila pamilyar sa kanya ang hitsura. Hindi nya alam kung ano ang nangyari kay Trixie sa loob ng nakalipas na taon, Wala na ang glamorosang Trixie na hinahangaan ng marami noon. “Pakawalan mo kami!” sigaw ng babae kay Trixie “Tumigil ka, ayoko sa lahat ang maingay!” sigaw nito sa babae, dahilan para matakot eto. “Trixie, please kung ano man ang nagawa ko humihingi ako ng tawad sayo” pagsusumamo nya. “Poor Dear! Actually wala ka namang kasalanan, pero ang pamilya ng ASAWA mo, malaki!, pasalamat ka mabait pa rin ako sayo kaya humihinga ka parin ngayon!
HINANG-HINA pa syang nakakubli sa kwebang yun, akala nya katapusan nya na nung nakaraang gabi, maraming dugo ang nawala sa kanya dahil napuruhan sya ng babae sa tagiliran mabuti na lang maiksi lang ang patalim na gamit nito kaya hindi umabot sa kanyang internal organs, pero mahaba ang kanyang naging sugat. Sa mga ganitong pagkakataon nagagamit nya ang kanyang kaalaman. Salamat sa mga bunga ng niyog na marami sa Isla nagamit nyang panggamot, gamit ang mga dala-dala nyang kagamitan sa paggamot ginawa nyang parang detrox ang juice ng niyog para manumbalik ang mga nawala nyang dugo.Hindi nya alam kung saan nya naihulog ang kanyang telepono para makapagreport sa kanyang boss, kailangang malaman nito na may spiya sa loob ng isla, ngunit hindi nya eto makita. Wala syang choice kung hindi ang maghintay at manatiling ligtas. Pumikit muna sya para magpahinga kailangan nya ng lakas para sa mga susunod na araw, alam nyang anytime makakabangga nya ang mga tauhan ni Nathan at ni Cristy. FLASHBACK