“Okay lang ako, Avery.” Sabi ni Elliot mula sa kabilang linya. “Yung nangyari kanina—”“Mag usap nalang tayo pag nagkita tayo ulit.” Nanginginig ang boses ni Avery habang nagsasalita. “Mabuti naman at ligtas ka, tinakot mo ako ng sobra.” Nasaktan si Elliot noong narinig niyang umiiyak si Avery. “Maayos na ang lahat, papunta na ako jan.” Pagkatapos ng tawag, pinunasan ni Avery ang luha niya. Gusto sanang patahainin ng bodyguard si Avery pero naiirita niyang sinabi, “Hindi pa naman patay si Mr. Foster! Nakakainis talaga kapag umiiyak ang babae!” Tinignan ni Avery ng masama ang bodyguard at sumagot, “Bakit parang hindi ka nag alala sakanya? Parang mula kanina, sobrang kalmado mo ah.” Natawa ang bodyguard, “Sisiw lang ‘to. Sa tagal ko ng nagtatrabaho kay Mr. Foster, hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang muntik iassassinate. Marami pang mas malala dito at dahil napagdesisyunan mong makasama siya, maghanda ka na rin sa mga magiging death threats mo.” Nagulat si Avery. P
Kaya pinapunta ni Elliot si Avery sa Mount Sierra ay para makapag usap sila at maayos ang mga bagay-bagay. Ano ba namang malay niya na mapapahamak pa pala sila lalo?“Tinawagan ako ni Tammy kanina para sabihing tinext daw siya ni Avery na magpapakasal na sila ulit ni Elliot.” Kanina lang, sobrang kinabahan sio Mike sa binalita sakanya ni Chad pero matapos makumpirmang false alarm lang ang nangyari, sobrang nakahinga siya ng maluwag. “Buti nalang talaga at false alarm lang.” “Tatawagan ko si Ben para umuwi.” Kinuha ni Chad ang kanyang phone para tawagan si Ben na kasalukuyang nasa ibang bansa para sa isang business trip. Tinignan ni Mike ang oras, at sinabi, “Susunduin ko muna si Hayden. Sigurado ako na magugulat siya kapag nalaman niya ang balita kaya kailangan ko siyang bigyan ng heads up.” Hinawakan ni Chad ang kamay ni Mike. “Huy… Pilitin mo si Hayden. Sobrang dami ng poinagdaanan nina Mr. Foster at Avery… Ngayong napagdesisyunan nilang magkabalikan, sana naman hindi si Hayde
Walang pagdadalang isip, biglang bumaba ng sasakyan si Avery. Nakita niya yung kapatid ni Adrian! Nong pumunta siya sa Bridgedale, sinabi ng kapitbahay ng mga Whites na lumipat na mga ito! Sinong mag aakala na bumalik pala ang mga ito sa Aryadelle! Nagmamadaling tumakbo si Avery para habulin ang kapatid ni Adrian. “Mr. White!” Hinila ni Avery ang kamay ng lalaki at hinihingal pa siya noong nagsalita, “Bakit kayo lumipat? Dito na ba kayo sa Aryadelle nakatira? Saan? Pwede ko bang makita si Adrian?” Nang makita ni Peter White si Avery, biglang kumunot ang noo niya at sobrang nairita siya! Dahil kay Elliot, nasa ospital ngayon ang Daddy niya! Bibili lang sana siya ng makakain at sa kamalas-malasan ay nakita pa siya ni Avery. “Alam mo? Sobrang nakakairita ka na Dr. Tate? Close ka ba namin? Ano bang pakielam mo kung saan kami lumipat at bakit ba hindi mo nalang tigilan ang kapatid ko?” Hinawi ni Peter ang kamay ni Avery. “Nasa ospital ang Daddy kaya pwede ba, umalis ka na kasi
“Bakit ka natow?” Kumunot ang noo ni Elliot. “Anong nangyari? Bakit hindi mo ako tinawagan?” “Maliit na bagay lang.” Kinuha ni Avery ang baso ng tubig at uminom. “Nakasalubong ko kasi yung kapatid ng isa sa mga pasyente ko sa Bridgedale. Sobrang naintriga lang ako sa pamilya nila kasi kakaiba talaga sila. Ayaw nilang ipakontak sa akin yung pasyente ko kaya noong nakita ko yung kuya niya, hinabol ko siya para tanungin kung anong nangyari.” Nagulat si Elliot sa kwinento ni Avery, “Edi wag mo na silang pilitin. Hayaan mo na sila, Avery. Pasyente mo lang yun at hindi pamilya kaya wag ka na masyadong magsayang ng oras at lakas sakanila.” “Sinabi ko na nga ba, yan ang sasabihin mo eh.” Nakasimangot na sagot ni Avery. “Kakaiba kasi siya.” “Alam ko. Kasi parehas sila ng sakit ni Shea, diba?” Sagot ni Elliot. “Dahil nabayaran ka ng malaking halaga ng pamilya niya, ibiog sabihin, mayaman sila at kayang kaya nilang alagaan yung pasyente mo!” “Yun nga ang weird eh! Hindi naman siya inaal
“Bakit ka nakatitig sa akin, Avery?” Namula si Elliot sa sobrang lagkit ng tingin sakanya ni Avery. Kabisado niya ang titig na yun… Ganun siya tignan ni Avery kapag nag aaway sila, pero… okay naman sila diba? Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito. Pero yun din ang isa sa mga rason kung bakit baliw na baliw siya rito. “Wala lang. Parang sobrang gwapo mo ngayon.” Tumayo si Avery at lumipat sa tabi ni Elliot, pagktapos, hinawakan niya ang buhok nito. “Nagwax ka? Hindi yun maganda. Bagay naman sayo kahit wala eh.” HIndi nakapagsalita si Elliot. Hindi sanay si Elliot na ganun kalambing si Avery kaya nagulat siya. “Kumain ka na ba? Nagugutom ka ba? Gusto mo ng gatas?” Dire-diretsong tanong ni Avery at hindi pa man din nakakasagot si Elliot ay biglang tumayo si Avery at pumunta sa kusina para kumuha ng gatas. Hindi nagtagal, bumalik ito at ibinigay kay Elliot, “Inumin mo.” Kinuha ni Elliot ang baso ng gatas kay Avery at sobrang nagtataka siya sa kilos nito, “Avery…
“Sabi mo, gusto mong pag usapan natin ang magiging buhay natin, may special request ka ba?” Tanong ni Avery habang umuupo sa dining table. Umiling si Elliot. “Nagaalala lang ako na baka hindi maging komportable si Hayden kapag lumipat ako dito.” “Hmm… Hindi rin ako pwedeng lumipat sayo! Lalong hindi papayag ang mga bata na sumama sa akin at hindi ko rin naman kayang mahiwalay sakanila.” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Avery. “Wag mo sanang masamain, pero kung papapiliin ako sayo at sa mga anak natin, sila ang palagi kong pipiliin.”Hindi nakasagot si Elliot. Alam niya naman na yun ang isasagot ni Avery, pero nasaktan pa rin siya noongt narinig niya na talaga ito. Wala rin naman siyang maisip kaya hindi nalang siya nagsalita. Dahil dun, nag alala si Avery na baka nasaktan niya si Elliot. “Wag muna nating pag usapan ito sa ngayon. Wala namang problema sa akin kung saan tayo titira, basta doon ako sa kung saan kumportable ang mga bata.” “Mhm. Ayoko rin naman talaga s
“Good news? Masaya na akong marinig na hindi mo ako ipapapatay.” Natatawang sagot ni Cole. Medyo matagal bago sumagot si Avery, “Hanggang ngayon ba naman ay sobrang duwag mo pa rin, Cole? Ako palang ‘to! Paano na kapag ang uncle mo na mismo ang tumawag sayo? Edi naihi ka na sa sobrang takot?” “Avery Tate! Ano bang gusto mo? Nawala na ang lahat sa akin. Bakit ba hanggang ngayon, hindi niyo pa rin ako tinitigilan. Pwede ba! Wala na akong pakielam sainyo! Kahit pa magpakasal kayo ulit, bahala kayo sa buhay niyo! Alam ko naman na hindi ako iinvite ng uncle ko kahit anong mangyari!” “Paano mo nalaman na ikakasal na kami ulit? Oo, malaki nga ang posibilidad na hindi ka niya iinvite, pero takot siya sa akin, at wala siyang magagawa kapag sinabi kong gusto kitang iinvite.” Nagulat si Cole. “Sige na, Cole. May kailangan lang akong itanong sayo sa personal.” Alam ni Avery na kahinaan ni Cole si Elliot kaya sinadya niyang gamitin ang pangalan nito. “Hindi naman ganun kasama ang uncle mo
Bat kailangan mo pang makita? Puting buhok lang yun.” Hindi nakasagot si Cole sa sinabi ni Avery. “Sus, pinagtitripan mo lang ako eh.” “Hindi na nga ako nagreklamo na sobrang oily ng buhok mo at kung talagang gusto kitang pagtripan, edi sana sinama ko nalang ang Uncle mo dito. Baka hindi lang buhok mo ang bunutin niya, kundi yang buong ulo mo.”Biglang namutla si Cole nang marinig ang sinabi ni Avery. “Akala ko ba hindi naman ganun kasama ang uncle ko?” “Hindi nga! Kasi kung masama talaga siya, bakit buhay ka hanggang ngayon? Pasalamat ka talaga at pamangkin ka niya! O siya, pagkaubos ko nito, mauuna na rin ako.” Nagulat si Cole. “Akala ko ba may kailangan tayong pag usapan?” “Tapos na tayong mag usap!” Inubos ni Avery ang kape niya at tumingin kay Cole. “Gusto ko lang talagang malaman kung kamusta ka, at ngayong narinig ko na grabe pala ang pinagdaanan mo, ayoko ng magsalita.” “Bakit naman?” “Siyempre, iisipin mo na nagyayabang lang ako at ayoko naman nun.” Tumayo si
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan