Share

Kabanata 966

“Ako nanaman ang masama, Elliot?” Ayaw ni Avery na makipag away kay Elliot lalo na at marami silang kasama kaya ayaw niyang magpadala sa pang aasar ni Elliot. “Kung talagang tinataboy kita, edi sana hindi na kita ininvite sa birthday ng mga bata kahapon diba?”

May gusto sanang sabihin si Elliot, pero hindi niya nalang tinuloy.

“Ihahatid na kita sa kwarto mo para makapag pahinga ka na.” Kinuha ni Elliot ang maleta ni Avery, at naglakad dire-diretso palabas.

“Alam mo rin ang room number ko?” Kumunot ang noo ni Avery habang tinitignan si Elliot na maglakad. “Talaga bang kakuntsaba mo ang vice president namin? Ano bang tumatakbo jan sa isip mo, Elliot?”

Huminto si Elliot sa paglalakad at humarap kay Avery. “Alam ko kung anong iniisip mo. Lumapit sa akin ang vice president niyo kahapon para humingi ng tulong. May sakit talaga ang anak niya. Gusto niya sanang marefund ang binayad niya, pero hindi pumayag ang mga organizer kaya tinulungan ko siya. Sinabihan ko siya na ikaw ang papunta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status