Share

Kabanata 781

Lahat ng mga sinabi ni Zoe sakanya ay kasinungalingan? Sinong mas nakakatawa sakanila? Hindi ba siya? Kasi nagpaloko siya ng ganun-ganun lang.

“Avery Tate, bakit kailangan mo ‘tong gawin sa akin? Bakit?” Umiiyak na sabi ni Elliot sa sarili niya.

Habang pauwi, hindi maintindihan ni Layla ang nangyaru, “Bakit hindi masaya si Daddy na malaman niyang si Mommy ang nag opera kay Shea?”

“Layla, anong mararamdaman mo kapag nagsinungaling sayo ang kapatid mo?” Sinubukang ipaliwanag ni Mike kay Layla ang sitwasyon. “Hindi naman magagalit ang Daddy mo kung alam niya lang sana mula umpisa.”

“Bakit ba hindi kasi sinabi sakanya ni Mommy?”

“Kasi natakot ang Mommy mo. Natakot siya na kapag nalaman ng Daddy mo na anak niya kayo ni Hayden ay kunin kayo ng Daddy niyo sakanya. Marami ng nagbago at nangyari kaya nawalan na ng pagkakataon ang Mommy mo na sabihin sakanya.”

Halatang naguguluhan pa rin si Layla.

“Ang kumplikado talaga ng matatanda!”

“Mhm. Kaya nga maswerte angg mga kagaya ni Shea.” B
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status