Share

Kabanata 788

‘Bakit siya nandito?! Binalik ko na sakanya yung kahon niya diba?’

Sa takot na baka bigla nalang magalit sakanya si Elliot, nagpapanic na sumigaw si Layla, “Uncle Mike!”

Dahil dito, kinabahan si Avery sa kabilang linya.

Noong nalaglag ni Layla ang phone, nakaharap sa kisame ang camera kaya sinubukan ni Avery na tignan kung sino ang dumating pero wala siyang makita.

Pero isa lang ang sigurado niya! Nasa panganib si Layla.

“Layla!” Hindi mapakaling tawag ni Avery.

Kahit na nasa Bridgedale siya ngayon, desidido siya na kapag malaman niyang may nangyari talaga sa anak niya, hindi siya magdadalawang isip na umuwi ng Aryadelle.

Nagulat si Elliot nang makita ang naging reaksyon ni Layla. Hindi naman ito ang una nilang pagkikita at hindi man sila palaging nag uusap nito, hindi rin ito nattaakot sakanya ng ganun.

Bakit natatakot si Layla?

Naglakad si Elliot papasok sa sala at nang makita niya ang phone na nalaglag sa sahig, kinuha niya ito.

Sa sobrang pag aalala, paulit-ulit na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status