“Nabugbog ako,” sabi ni Chelsea at nagsimulang humikbi nang malakas.“Sige. Si Elliot ba?”“Sino pa ba ang magbubuhat ng kamay bukod sa kanya?” tinaas ni Chelsea ang ulo niya at pinigilang tumulo ang luha. “Gusto mo bang sabihing tanga ako? Na kung hindi ako bumalik sa panig niya, hindi ko mararanasan to.”“Ano pang silbi na pagsisihan yun? Bababa lang ang tingin sayo ng tao.” Tinignan ni Charlie ang oras at sinabing, “Umuwi ka muna. Kung ayaw mong umuwi, manatili ka muna sa malapit na hotel. Magbu-book ako ng flight pauwi.”“Gusto ko na sumuko, Charlie.” pagod na si Chelsea. “Halos mapatay niya ako ngayon. Ayaw ko na siya bigyan ng kahit ano, kahit na isang patak na luha… Hindi siya nararapat!”Nangasar si Charlie, “Ilang beses mo na sinabi yan noon? Hindi ka bibigay hangga’t nasa kamay na niya ang buhay mo.”“Totoo na to ngayon… May anak na siya. Hindi na niya ako kailangan.”“Magpahinga ka muna ngayon, Chelsea.” sa phone, kalmado si Charlie. “May nakuha akong impormasy
Napansin din ni Avery ang rash sa mukha ng sanggol, pero hindi siya nagulat.“Sensitibo ang balat ng mga sanggol, kaya nagkakarash sila agad.” Sinabi niya kay Elliot ang naranasan niya. “Si Hayden at Layla madalas din magkarashes bago sila mag isang taon. Yung ibang ointment ang nakaaayos.”Gumaan ang loob ni Elliot.“Yung mga premature mas madaling makakuha ng mga ganito.”Sa tono ng boses ni Avery ay sinisisi niya ang sarili.“Ayos lang basta hindi ganun kaseryoso,” pang aalos sa kanya ni Elliot. “Masarap ang tulog niya nung pumunta ako kagabi sa kanya. Baka isipin niya nasa loob mo pa siya!”“Natutulog siya dahil sa kakulangan sa oxygen dahil sa maagang paglabas niya.” Iniangat ni Avery ang tingin niya na may naluluhang mata, “Hindi ko hahayaang matakasan ni Chelsea Tierney ito, Elliot.”Sumagot si Elliot at sinabing, “Isinisisi niya sa pinsan niya ang nangyari. Umalis na ng bansa si Nora.”“Paano naman magagawa ni Nora yun kung walang tulong ni Chelsea?!”“Alam ko
Tinikman ni Avery ang soup. Masarap ito.Si Shea ang gumawa nito, kaya mas importante ang ibig sabihin nito kaysa sa lasa.Nang nag oopera siya kay Shea, hindi niya inaasahang gagaling siya nang ganito.“Masarap itong fish Chowder, Elliot. Tikman mo,” sabi ni Avery.Lumapit sa mesa si Elliot at nagsalin ng soup.Tinikman niya. Hindi mamantika ang chowder. Masarap nga.Lumipat ang tingin niya kay Shea.Bumuti ang lagay niya simula nang makasama niya si Wesley.Siguro dapat na niyang payagan na gawin nito ang mga bagay na gustong gawin, pati na ang pag aaral magmaneho.Sa Starry River Villa, nag off sa trabaho si Mike.Hindi niya maaalis ang sakit ni Avery mula sa panganganak, pero kaya niyang alagaan ang bahay para sa kanya.Sa araw, habang nasa school ang mga bata, nagtatrabaho siya sa bahay.Pumunta si Chad para sa tanghalian.“Puntahan natin si Avery sa ospital pagkatapos natin kumain!” suhestyon niya.“Sige. Pinadadala rin sa akin ni Elliot ang phone ni A
Malaking dagok kay Chelsea ang naranasan niya.Hindi niya matanggap ito.Nawala ba talaga ang rason niya para sa wackjob? Magiging katatawanan niya kapag nakalabas ito!Magmumukha siyang mas baliw kaysa sa taong may problema sa pag iisip!“Pero hindi tulad niya ang makikita mo sa mga mental hosptal!” pinagtanggol ni Chelsea si Elliot. “Hindi napigilan ng sakit niya ang pagiging pinakamayaman niya na negosyante! Hindi nito napigilan na magkaroon siya ng anak! Ano naman kung may sakit siya sa pag iisip?!”Malamig na tumawa si Charlie sa malayong tingin ng kapatid niya, “Tawagan mo ako sa susunod na saktan ka niya, Chelsea. Hindi krimen na matatawag kung isang may sakit sa pag iisip ang nakapatay. Kahit na mamatay ka pa sa kamay niya!”“Ang sama ng mga sinasabi mo!”“Mahirap pakinggan ang katotohanan!” inayos ni Charlie ang kwelyo, “Sa tingin mo ba may pakielam siya kung makalabas ito? Kung hindi, edi bakit wala kang mahanap sa online tungkol dito? Bakit hindi niya sinasabi
Labas na ako dun kaya sa totoo lang, wala akong kaalam-alam… Sa tingin ko, kung may plano man silang magpakasal, siguradong engrande yun kaya malalaman nating lahat. “Grabe! Para talagang nanalo si Avery Tate sa lotto! Magkakaroon sila ni boss ng anak at lalaki pa talaga!” Naiinggit na sabi ng isa. “Sigurado ako na kapag nagka problema ulit ang Tate Industries, to the rescue nanaman yan si boss!”“Ha ha! Mayaman at gwapo man ang boss niyo pero wag niyong minamaliit si Avery! Hindi siya yung tipo ng babae na gagamitin ang anak niya para lang may tumulong sakanya. Sa tingin niyo ba maiinlove ang boss niyo sakanya kung average lang siya? Sa mga soap opera lang nangyayari yun!” “Huh? Akala ko ba nakikisama lang si boss kay Avery Tate kasi buntis siya?”“Bakit ganyan ka mag isip? Sa tingin mo ba mapapalambot ng isang bata si Elliot Foster? Sobrang dami ng babae sa paligid niya at kung bata lang ang gusto niya, baka nga babae pa mismo ang lumapit sakanya para magpabuntis!” Mas nain
Biglang nawalan ng lakas si Avery na pumasok sa loob ng kwarto ni Tammy. Wala siyang mukhang maiharap. Oo, natatakot si Tammy na manganak, pero alam niya na gustong gusto nitong magkaroon ng sariling anak. Tapos ngayon malalaman nitong baog ito? Hindi niya kayang isipin kung gaano gumunaw ang mundo nito…Siguradong si Jun din ay sobrang nasaktan dahil dito! “Avery, wala kang kasalanan. Walang sinisisi si Aunt Mary kaya sigurado ako na ganun din si Tammy.” Mahinahong sabi ni Elliot habang pinupunasan ang mga luha ni Avery. “Sige na, pumasok ka na sa loob para makausap mo siya.”“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya…. Elliot, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin….” Umiiyak na sagot ni Avery. “Hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon.”Sakto, biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Tammy. Nagulat si Mary nang makita sina Elliot at Avery, “Kanina pa ba kayo dito? Bakit ka lumabas ng osiptal kaagad, Avery?”Nagmamadaling tumahan si Avery at sumagot, “Mhm. Pi
”Avery, magkakalayo man tayo sa ngayon, pangako ko sayo na nandito pa lang ako para sayo at dadalaw-dalawin pa rin naman kita.” Nakangiting sabi ni Tammy. “Sige, hihintayin kita.”“Sige na, umuwi ka na para makapag pahinga ka! Mas mukha ka pang may sakit kaysa sa akin oh!” Gusto sanang bumangon ni Tammy para maihatid si Avery.“Wag na. Humiga ka na. Uuwi na rin ako. Sabihan mo ako kapag nakalabas ka na.”“Mhm.”Habang naglalakad si Avery palabas ng ospital, hindi siya mapakali. Mukha lang kalmado ang lahat pero sobrang bigat ng puso niya. Siguro kasi alam niyang hindi niya na maibabalik ang mga nakaraan, at wala ring kasiguraduhan ang mga susunod na mangyayari.“Magpahinga ka kaagad pag uwi mo, Avery. Sobrang putla mo.” Nag aalalang bilin ni Elliot. Natatakot siya na baka magka postpartum depression ito. “Habang nag uusap kayo ni Tammy kanina sa loob, sinabi sa akin ni Auntie Mary na mukha mang natrauma si Tammy, sa tingin niya ay maganda na ring nangyari yun kasi sobrang l
Sa tingin mo, bakit tinawag yun na darknet? Kasi site yun ng mga kriminal…Sa tingin ko hindi mo kakayanin yung mga nandun!” Asar ni Mike. Masyado namang OA si Mike! Si Chad ang kanang kamay ni Elliot at mula noon hanggang ngayon ay hindi siya umatras ni minsan kaya bakit naman siya matatakot ng basta-basta?“Maiintindihan mo ang ibig kong sabihin kapag nakita mo!” Pumasok sina Chad at Mike sa kwarto ni Mike at dumiretso sila sa harapan ng computer. Nasilip palang ni Mike ang gustong ipakita ni Chad, kinilabutan na siya! Yun ay picture ni Laura Jensen. Si Laura na nanay ni Avery! Dalawang taon na noong namatay ito sa aksidente, kaya hindi siya makapaniwala na makikita niya ang picture nito sa darkweb!Hindi kaya…Biglang humigpit ang hawak ni Mike sa mouse at tinitigan niya ng maigi ang monitor. Pagkatapos niyang basahin ang lahat ng impormasyon, galit na galit siya. “Naiintindihan mo na ako ngayon? Lilo ang pangalan ng username na naghahanap ng isang middle-age na ba