Mas maayos na ang lagay ni Avery kumpara noon.Kahit na nananabik pa rin siya kay Tammy dahil kapapanganak pa lang niya, may nabago ng kaunti sa itsura niya.Maayos naman ang bata, pero dahil sa aksidente, kinailangan niyang ipanganak ito ng mas maaga sa inaasahan.Nang ipakita ng nurse sa kanya ang bata, gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa, tila ba naging yelo ang mga luha niya.Sinisisi ni Avery ang sarili habang tinitignan ang maliit na bata. Nang ipanganak si Hayden at Layla, premature din sila. Pero dahil ‘yon sa kambal sila kaya mas maikli ang panahoon ng pagbubuntis sa kanila.Mas maliit pa si Robert kay Layla at Hayden.Kahit na alam niyang makaliligtas ito, malungkot pa rin siya.“Avery, masakit ba?” Nakita ni Elliot na nakatulala ito, kaya binasag niya ang katahimikan.Umiling si Avery. Ininjectionan siya ng anesthesia bago operahan. Hindi pa nawawala ang epekto nito, kaya hindi niya ramdam ang sakit.“Nakita mo na ba ang bata?” Sabi ni Avery. Mahinhi
Nanlamig si Chelsea. Magdasal? Wala silang mahahanap na ebidensya na siya ang may gawa non! Kahit si Nora ang scapegot niya, hindi siya.Kahit na isipin nilang siya ang may gawa, basta wala silang pruweba, wala silang pwedeng gawin sa kaniya.Hindi siya minahal ni Elliot noon. Gaano pa sasama ang relasyon nila?Sa ospital, nagdala ng isang bungkos ng lily si Chelsea para bisitahin si Tammy. Isa sa mga dahilan ang pagbisita kay Tammy. Para makita niya kung ano na ang lagay ni Tammy, at para na rin sabihin na si Nora ang may gawa nito at wala siyang kinalaman.Nung una ay gusto niyang sabihin kay Elliot ang tungkol dito, pero pinanghinaan siya ng loob. Kaya tinawagan niya si Ben para sabihin ni Ben kay Elliot.Kaya lang, wala nang tiwala sa kanya si Ben, kaya pumunta siya para bisitahin si Tammy.Pinigilan ni Jun si Chelsea sa labas ng ward.“Ang lakas ng loob mo pumunta rito!” tinapon ni Jun sa basurahan ang bungkos ng lily na nasa kamay niya. Kumuyom ang palad niya at nag
Nang oras na ‘yon, basta gising si Tammy, iisipin niya ang pangyayari bago ang araw ng insidente.Ang huling pisi ng katinuan niya ay sinasabing hindi niya kasalanan ito. Hindi niya kayang kunin ang sarili niyang buhay, kung hindi, ano ang mangyayari sa mga magulang niya? Isa siyang prinsesa na pinanganak na mayaman. Hindi siya kailan man naapi. Hindi dahil sa maswerte siya, kundi dahil ginawan siya ng magulang niya ng sarili niyang kaharian.Tatanda rin ang mga magulang niya. Kailangan niyang mabuhay para alagaan sila. Ayun lang ang motibasyon niya para mabuhay.“Tammy, anong sinasabi mo? Divorce? Hindi ko gagawin ‘yon! Hindi ako makikipaghiwalay sa’yo!” Labis na nabalisa si Jun. Tumaas ang boses niya. “Alam kong masama ang loob mo ngayon, pero mananatili pa rin ako sa tabi mo…”“Ayokong kasama ka! Pakiramdam ko masusuka ako kapag nakakikita ako ng lalaki ngayon! Alis! Gusto kong kasama si mommy! Alis!” Sumigaw si Tammy.Napukaw ng sigaw ni Tammy ang atensyon ng Lynch bodygu
Lahat ng paningin ay na kay Elliot. Kinuha niya ang phone niya at nakita kung sino ang tumatawag.“Si Chelsea.” Tumingin si Elliot kay Avery at sinabi iyon bago sagutin ang tawag.Sa kabilang linya, nagdalawang isip si Chelsea bago sabihing, “Elliot, nalaman kong nanganak na si Avery. Naisip ko na dalawin siya. Nasa entrance ako ng inpatient unit. Hindi ko alam kung nasaang ward siya.”Humakbang palayo si Elliot. Nang asar si Mike, “Lakas naman ng loob ni Chelsea tumawag. Wag niyang sabihin na gusto ka niyang dalawin?”Nanlamig ang ekpresyon ni Avery. Ayaw niyang makita si Chelsea, gusto na niyang mamatay ito.“Layla, Hayden, dito lang kayo. Titignan ko lang ‘yun.” Umiral ang pagiging usisero ni Mike. Bukod sa pagsilip, gusto niyang ipressure si Elliot.Kilala ni Chelsea at Elliot ang isa’t isa ng sampung taon. Sobra silang malapit sa isa’t isa. Kung hindi, hindi magagawa ni Chelsea ang mga hindi magandang bagay na walang pakundangan.Nanganak lang nang maaga si Avery. Ma
Kahit na dapat mamatay si Chelsea, ang masamang kilos ni Elliot ay nakagugulat. Kung hindi napigilan ng mga guwardiya si Elliot, sa tingin ni Mike ay mabubugbog ni Elliot si Chelsea hanggang sa mamatay ito.Ito ang lalaking minahal nang todo ni Avery. Kaya hindi niya magawang magmahal ng ibang lalaki. Kung mabangis ang ibang lalaki tulad ni Elliot, lalayuan niya ito.Inilayo ng mga gwardiya si Chelsea, at naglaho sa maulan na gabi.Lumapit si Mike kay Elliot at tinapik ang balikat nito. “Ngayon ipinanganak ang anak mo. Hindi mo kailangan magalit.”Kung hindi pumunta si Chelsea, hindi mauubos ang pasensya niya. Kung naging matapat si Chelsea sa nagawa niya, hindi rin siya magagalit. Nagalit siya dahil nagsinungaling si Chelsea at kinumbinsi siyang maniwala sa kasinungalingan niya.Pinakaayaw ni Elliot ang nagsisinungaling sa kaniya. Ang lakas ng loob ni Chelsea magsinungaling sa kaniya!“Wag mong sabihin kay Avery ang nangyari ngayon.” Sabi ni Elliot. Bumalik na sa normal an
Nasa incubator ng icu ang sanggol at may nag aalagang nurse dito.Ligtas sa mikrobyo ang icu. Sa normal na sitwasyon, hindi pwede ang bisita para sa mga premature na sanggol.Pero, espesyal ang katayuan ni Elliot. Nang makapasok siya sa neonatal unit, dinisinfect siya ng nurse, tinulungan siyang isuot ang sterile suit, at hinatid siya sa icu.“Maganda ang kalagayan ng anak mo, Mr. Foster. Nagkaron siya ng respiratory distress… Normal iyon sa premature na sanggol, kaya hindi mo kailangan mag alala,” paliwanag ng nurse.Nalaman na ni Elliot ang lagay ng bata mula sa doktor kainang hapon, kaya hindi siya masyadong nag aalala.Tinitigan niya ang anak sa incubator.Nakabigkis ang bata habang nakakonekya ang tubo ng oxygen sa ilong nito. Sa nakapikit nitong mata at hindi gumagalaw, mukha itong tulog.Agad na napuno ng luha ang mata ni Elliot.Hindi mahihirapan ang sanggol ng ganito kung ipinanganak siya sa tamang oras.Hindi niya sinisi si Avery.Naghirap siya ng walong b
“Nabugbog ako,” sabi ni Chelsea at nagsimulang humikbi nang malakas.“Sige. Si Elliot ba?”“Sino pa ba ang magbubuhat ng kamay bukod sa kanya?” tinaas ni Chelsea ang ulo niya at pinigilang tumulo ang luha. “Gusto mo bang sabihing tanga ako? Na kung hindi ako bumalik sa panig niya, hindi ko mararanasan to.”“Ano pang silbi na pagsisihan yun? Bababa lang ang tingin sayo ng tao.” Tinignan ni Charlie ang oras at sinabing, “Umuwi ka muna. Kung ayaw mong umuwi, manatili ka muna sa malapit na hotel. Magbu-book ako ng flight pauwi.”“Gusto ko na sumuko, Charlie.” pagod na si Chelsea. “Halos mapatay niya ako ngayon. Ayaw ko na siya bigyan ng kahit ano, kahit na isang patak na luha… Hindi siya nararapat!”Nangasar si Charlie, “Ilang beses mo na sinabi yan noon? Hindi ka bibigay hangga’t nasa kamay na niya ang buhay mo.”“Totoo na to ngayon… May anak na siya. Hindi na niya ako kailangan.”“Magpahinga ka muna ngayon, Chelsea.” sa phone, kalmado si Charlie. “May nakuha akong impormasy
Napansin din ni Avery ang rash sa mukha ng sanggol, pero hindi siya nagulat.“Sensitibo ang balat ng mga sanggol, kaya nagkakarash sila agad.” Sinabi niya kay Elliot ang naranasan niya. “Si Hayden at Layla madalas din magkarashes bago sila mag isang taon. Yung ibang ointment ang nakaaayos.”Gumaan ang loob ni Elliot.“Yung mga premature mas madaling makakuha ng mga ganito.”Sa tono ng boses ni Avery ay sinisisi niya ang sarili.“Ayos lang basta hindi ganun kaseryoso,” pang aalos sa kanya ni Elliot. “Masarap ang tulog niya nung pumunta ako kagabi sa kanya. Baka isipin niya nasa loob mo pa siya!”“Natutulog siya dahil sa kakulangan sa oxygen dahil sa maagang paglabas niya.” Iniangat ni Avery ang tingin niya na may naluluhang mata, “Hindi ko hahayaang matakasan ni Chelsea Tierney ito, Elliot.”Sumagot si Elliot at sinabing, “Isinisisi niya sa pinsan niya ang nangyari. Umalis na ng bansa si Nora.”“Paano naman magagawa ni Nora yun kung walang tulong ni Chelsea?!”“Alam ko