At dahil nga ganun ang sitwasyon, walang nagawa si Eric kundi ang kumilos ng sarili niya at alalahanin nalang ang magiging reaksyon ni Avery sa oras na malaman nito. “Huy, hindi naman na ganun kabata si Layla. Kahit na hindi niya malaman ngayon, malalaman at malalaman niya pa rin naman yun balang araw. Hindi mo ba napansin na mas matalino siya sa inaasahan mo?”“Kahit anong mangyari, bata pa rin siya at hindi pwedeng nakakakita siya ng mga ganung videos.” Hindi matanggap ni Avery ang paliwanag ni Eric. “Pasensya ka na talaga.” Nahihiyang ulit ni Eric. “Avery, gusto lang naman kitang tulungan. Sikat na si Layla ngayon kaya imposibleng hindi maungkat ang family background niya. Kaysa malaman niya sa ibang tao, mas magandang sa atin na manggaling diba?”Parang may bumara sa lalamunan ni Avery na hindi siya makapag salita.“Patapos na ang live stream. Mag usap nalang ulit tayo mamaya pag hatid ko kay Layla.” Paalam ni Eric bago niya ibaba ang phone. Huminga ng malalim si Avery at
Pinag isipang maigi ni Avery ang desisyon niya. Hindi naman kumontra si Tammy.“Sinusuportahan kita, Avery. Kung ako rin naman siguro ang nasa lagay mo, wala rin akong intensyon na maghubad sa harap ng maraming tao para patunayan na hindi ko pusod yun. Wala kang ginawang masama. Pero pwede kang gumawa ng police report. Kaya na nila yan.” Tumungo si Avery.Noong gabing yun, naglabas ng statement ang pulisya na nagsasabing ayon sa imbestigasyon, hindi talaga si Avery ang babaeng nasa video at kasalukyang iniimbestigahan ang nasa likod nito. Nang sandaling lumabas ang statement, agad-agad naman itong nirepost ni Eric sakanyang official page na may caption na: [Nasa ilalim pa rin ng batas ang internet. Kailangang malaman sa lalong madaling panahon ang katotohanan!]Kagaya ng inaasahan, nirepost kaagad ito ng mga taga hanga niya. Kaya ang mga basher ni Avery ay biglang natahimik. Habang binabasa ni Chelsea ang pagbaliktad ng mga dating galit kay Avery, sobrang nag iinit ang ulo
Nagkakasiyahan ang lahat pero bigla itong natigil noong dumating si Ben.Hindi pa rin nakakalimutan ni Tammy kung paano siya sinigawan nito noon. “Anong ginagawa mo dito? Gusto mo bang makicelebrate sa amin?” Sarcastic na tanong ni Tammy. Agad-agad namang hinila ni Jun ang asawa, “Ano ka ba! Sigurado ako na magsosorry si Ben kay Avery. Wag ka ng mangielam, Tammy.”Naiilang na yumuko si Ben at nag lakad papunhta kay Avery. “Pasensya ka na, Avery.” Halatang hindi mapakali si Ben pero ramdam na ramdam sa boses niya ang sinseridad. “Ignorante ako. Ngayon lang kasi ako nakakita ng taong sobrang galing na gumaya ng boses, kaya kumbinsido ako na ikaw talaga yung babaeng nasa video. Hindi pa ako nakuntento…. Pati si Elliot, dinamay ko pa. Sa akin ka nalang magalit, wag na sakanya.” “Siya ba ang nagpapunta sayo rito?” Tanong ni Avery na nakataas ang isang kilay. “Hindi, hindi niya alam na pumunta ako dito.” Hiyang-hiya na sagot ni Ben. “Sobrang nakakahiyatalaga ng nagawa ko kaya wal
Sasakyan yan ni Elliot diba? Mukhang nagkamali ka ng pusta, Mike!”Nagbuntong hininga si Mike at sinabi. “Kakaiba talaga yang lalaking yan. Napaka hirap basahin!” “Wag mo siyang labasin, Avery. Hayaan mo siyang mag hintay jan sa labas ng buong magdamag nang maranasan niya namang magghirap kahit minsan!” Excited na sabi ni Tammy. Sang ayon si Mike sa sinabi ni Tammy kaya naglakad siya papunta sa pintuan para sana isarado ito pero bigla siyang hinila ni Avery. “Papasukin mo siya.”Malapit ng lumabas ang baby nila kaya may mga bagay rin silang kailangang pag usapan ni Elliot.Alam niya naman kung anong pakay nito pero sa tingin niya ay magandang maayos na rin nila ang mga dapat maayos para sa bata.“Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa niya sayo, Avery?” Naiinis na sagot ni Mike. “Kung papatawarin mo siya kaagad, hindi niya matututunan ang leksyon niya at lalo lang siyang magiging masama balang araw!”“Alam ko kung anong ginagawa ko, Mike. Wag kang mag alala, kaya ko ang sarili
Tama ang iniisip ni Elliot… Kaya ganun kakalmado si Avery dahil may pasabog ito! May dalawa naitong anak, pati ba naman ang bunso nila ay gusto pa rin nitong kunin ang custody?!Kahit isa, wala itong balak na bigyan siya?!Grabe! “Ayaw mo?” Hindi na makapag hintay si Avery sa sagot ni Elliot. “Kung ayaw mo, makakaalis ka na, Elliot. Wag na wag ka ng magpapakita sa akin hanggang sa maipanganak ko ang bata.”Walang ideya si Avery kung gaano niya nasaktan si Elliot sa mga sinabi niya. Noong nagtanong siya kung anong gusto nito kanina, muntik niya na sanang sabihin ang karugtong na “Ibibigay ko sayo ang lahat, wag kang ang custody ng bata.”“Bakit? Kasi sa tingin mo maghihirap lang ang bata sa akin?” Maluha-luha ang mga mata ni Elliot noong nagtanong siya. “Hindi. Gusto ko lang talaga nasa akin ang bata.” Kumpara kay Elliot, di hamak na mas kalmado si Avery. “Normal lang na mag hirap. Hindi yun ang nakakatakot dahil ang ang totoong nakakatakot ay ang lumaki siya ng walang pagma
Naglakad si Elliot papunta sa gilid ng kama at bumulong kay Avery, “Kaya kong pasayahin ang sarili ko.”Biglang nakahinga ng maluwag si Avery.“Eh bakit hindi ka nalang umuwi?”Hindi sanay si Avery na matulog ng may katabi. “Ayoko lang.” Umupo si Elliot sa kama at tinignan si Avery. “Hindi ko ‘to makakalimutan.”Hindi sana ‘to mangyayari kung kabisado niya ang bawat parte ng katawan ni Avery. Alam ni Avery kung anong iniisip ni Elliot. “Tapos na yun.”“Kailangan kong matutunan ang leksyon. Sinabi sa akin ni Ben na sinabi raw ng babae sa video na hindi kita napapasaya. Sa totoo lang, napaisip din ako dun. Kailan nga ba kita napasaya? Kailan ko nga ba naibigay sayo talaga ang kailangan mo? Masyado akong nagpabaya.”“Hindi ka naman nag pabaya, sadyang mataas lang talaga ang pride mo. Eh ano naman sayo kung hindi mo ako napapasaya?”Tinignan ni Elliot si Avery sa mga mata at kalmadong sumagot, “Tama ka. Mapride nga ako. Para hindi na maulit ang nangyari, kailangan kong kabisaduh
Eh sabi mo wag akong magsalita diba?” “Yun ba ang ibig kong sabihin?” “Oo.”“Parang gusto mo lang ata makipag away sakin no?” Sinipa ni Avery si Elliot. “Wag ka ngang dumikit sa akin.”“Malalaglag na ako.”Bumangon si Avery para kapain kung gaano pa kalaki ang space sa likod ni Elliot.Pero bigla siyang hinila nito at sinabi, “Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo, Avery. Ano pa? Sabihin mo sa akin…”“Wala na akong ibang gusto.” Sinubukan niyang pumiglas, pero ayaw siyang bitawan ni Elliot. “Gusto kitang yakapin habang natutulog ako.” Inalalayan ni Elliot na humiga si Avery at niyakap ito. “Basta healthy kayo ni baby, wala na akong iba pang hiling.”“Talaga ba?” Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Avery. “Parang mas kumapal ata ang mukha mo noong dumilim?”Binuksan ni Elliot ang ilaw at nagkatitigan silang dalawa. and the baby need to be healthy," Elliot said, repeating his earlier words.“Gusto ko kayong maging healthy ng baby.” Inulit ni Elliot ang sinabi niya kanina. Nap
Pakiramdam ni Chelsea na may pumalo sa puso niya at mababasag na ito pira-piraso!Kahit napatunayang inosente si Avery, paano nila makakalimutan ito sa isang gabi lang?Si Elliot ba ang pumunta para makita si Avery?Dahil ba may pakialam siya sa baby, o dahil may pakialam siya kay Avery?Natatakot si Chelsea hulaan. Natatawa siya at nasasaktan. Pakiramdam niya ginugol niya lahat ng taong ito na parang tanga.Wala na siyang kahit anong pag-asa na makasama si Elliot, pero hindi niya rin gustong makita ang kahit sinong babaeng makuha siya.Natagpuan niya ang numero ni Wanda at tinipa ito."Nahanap mo ba ang mga taong dapat mong tulungan akong makahanap?""Gusto mo bang kumilos ngayon?" Tanong ni Wanda. "May plano ka ba?""Hanapin lamang ang mga taong kailangan ko. Hindi mo na kailangang pakialam sa anumang bagay, "tugon ni Chelsea. "Hindi ko ito makukuha para sa isa pang segundo!""Okay, hayaan mo akong tumawag. Babalik ako sa iyo mamaya, "sabi ni Wanda, pagkatapos ay binalaan