Nandito ako para bigyan ka ng pera dahil kailangan ko ang tulong mo. Magsabi ka lang kung magkano, babayaran kita.”Kahit kailan, hindi naisip ni Cole na kakailanganin siya ni Avery isang araw.“Maliit na bagay lang ang pera. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami magkakilala ni Nora. Kinausap ko lang naman siya kasi akala ko ikaw siya..”Hindi niya man sinabi ng direkta na tinatanggihan niya si Avery, pero malinaw na yun ang pinapahiwatig niya. “Magkano ang kinita ng company niyo last year?” Walang emosyong tanong ni Avery.Napakamot ng ulo si Cole at nahihiyang sumagot, “Nasa hundred thousand din! Alam ko hindi ako magaling at yung kinikita ko sa isnag taon, isang araw lang ng uncle ko!” “Cole, kaya kitang bigyan ng isa’t kalahating milyon.” Pagputol ni Avery. “Kung sapat na sayo ang halagang yun, pwede na nating ipagpatuloy ang discussion natin.”“Avery, matagal na tayong magkakilala kaya kahit naman hindi mo ako bayaran, tutulungan naman talaga kita!” Inayos ni Cole ang sa
Muli, binaha ang screen ng sari-saring comments galing sa mga fans. [Diyosa? Si Avery Tate? Si Avery ang nanay ni Layla?][T*ng*n*ng yan! Ano bang mayroon kay Avery! HIndi siya karapat dapat na maging nanay ni Layla!][Noong nabasa ko ang pangalan ni Avery Tate, bigla kong naalala yung scandal niya kaya nasusuka ako!][Ako lang ba ang ang nagtataka kung bakit para kay Eric, diyosa niya pa rin si Avery?]Hindi inaasahan ng host na babanggitin ni Eric si Avery kaya bigla itong nagpanic.“Eric, may bago ka na bang diyosa?” Umiling si Eric at kalmadong sumagot, “Isa lang ang diyosa ng buhay ko at siya ang mommy ni Layla.”Sinadya niyang bigyan ng hint ang lahat na si Avery ang mommy ni Layla! Wala siyang intensyong bawiin ang sinabi niya at sa halip, kinuha niya pa itong pagkakataon para linisin ang pangalan nito. “Mula noong bumalik ako, mas naging interesado ang mga fans ko tungkol sa lovelife ko, siguro ito na ang magandang pagkakataon para maikwento ko sainyong lahat.” Ng
Sir, pinanuod ko ulit ang video para maizoom ang pusod ng babae at prinint ko!” Inilabas ni Chad ang picture at binigay kay Elliot. “Siguro naman alam mo kung anong itsura ng pusod ni Avery, diba? Tignan mo nga sir kung parehas.”Noong unang beses nilang pinanuod ang video, nakatutok lang sila sa mukha, boses at sa malaking tiyan ng babae. Wala ni isa sakanila ang nakapansin ng pusod. Nakaligtaan nila yun! Oo nga naman! Iba-iba ang pusod ng lahat.Pwedeng nagaya ng babae ang mukha, boses, pananamit at kilos ni Avery, pero dahil natural na conservative si Avery, imposibleng maisip ng nasa likod nito ang tungkol sa pusod! Sobrang hinangaan ni Chad si Layla. Totoo nga na mas mabusisi ang mga bata kumpara sa mga matatanda.Tinignan ni Elliot ang picture na binigay ni Chad, pero bandang huli ay inilapag din ito.“Ano sa tingin mo, Sir?” Ang buong akala ni Chad ay may sagot na si Elliot.Pero biglang kumunot ang noo nito at sumagot, “Bakit mo naman naisip na maalala ko kung anong
At dahil nga ganun ang sitwasyon, walang nagawa si Eric kundi ang kumilos ng sarili niya at alalahanin nalang ang magiging reaksyon ni Avery sa oras na malaman nito. “Huy, hindi naman na ganun kabata si Layla. Kahit na hindi niya malaman ngayon, malalaman at malalaman niya pa rin naman yun balang araw. Hindi mo ba napansin na mas matalino siya sa inaasahan mo?”“Kahit anong mangyari, bata pa rin siya at hindi pwedeng nakakakita siya ng mga ganung videos.” Hindi matanggap ni Avery ang paliwanag ni Eric. “Pasensya ka na talaga.” Nahihiyang ulit ni Eric. “Avery, gusto lang naman kitang tulungan. Sikat na si Layla ngayon kaya imposibleng hindi maungkat ang family background niya. Kaysa malaman niya sa ibang tao, mas magandang sa atin na manggaling diba?”Parang may bumara sa lalamunan ni Avery na hindi siya makapag salita.“Patapos na ang live stream. Mag usap nalang ulit tayo mamaya pag hatid ko kay Layla.” Paalam ni Eric bago niya ibaba ang phone. Huminga ng malalim si Avery at
Pinag isipang maigi ni Avery ang desisyon niya. Hindi naman kumontra si Tammy.“Sinusuportahan kita, Avery. Kung ako rin naman siguro ang nasa lagay mo, wala rin akong intensyon na maghubad sa harap ng maraming tao para patunayan na hindi ko pusod yun. Wala kang ginawang masama. Pero pwede kang gumawa ng police report. Kaya na nila yan.” Tumungo si Avery.Noong gabing yun, naglabas ng statement ang pulisya na nagsasabing ayon sa imbestigasyon, hindi talaga si Avery ang babaeng nasa video at kasalukyang iniimbestigahan ang nasa likod nito. Nang sandaling lumabas ang statement, agad-agad naman itong nirepost ni Eric sakanyang official page na may caption na: [Nasa ilalim pa rin ng batas ang internet. Kailangang malaman sa lalong madaling panahon ang katotohanan!]Kagaya ng inaasahan, nirepost kaagad ito ng mga taga hanga niya. Kaya ang mga basher ni Avery ay biglang natahimik. Habang binabasa ni Chelsea ang pagbaliktad ng mga dating galit kay Avery, sobrang nag iinit ang ulo
Nagkakasiyahan ang lahat pero bigla itong natigil noong dumating si Ben.Hindi pa rin nakakalimutan ni Tammy kung paano siya sinigawan nito noon. “Anong ginagawa mo dito? Gusto mo bang makicelebrate sa amin?” Sarcastic na tanong ni Tammy. Agad-agad namang hinila ni Jun ang asawa, “Ano ka ba! Sigurado ako na magsosorry si Ben kay Avery. Wag ka ng mangielam, Tammy.”Naiilang na yumuko si Ben at nag lakad papunhta kay Avery. “Pasensya ka na, Avery.” Halatang hindi mapakali si Ben pero ramdam na ramdam sa boses niya ang sinseridad. “Ignorante ako. Ngayon lang kasi ako nakakita ng taong sobrang galing na gumaya ng boses, kaya kumbinsido ako na ikaw talaga yung babaeng nasa video. Hindi pa ako nakuntento…. Pati si Elliot, dinamay ko pa. Sa akin ka nalang magalit, wag na sakanya.” “Siya ba ang nagpapunta sayo rito?” Tanong ni Avery na nakataas ang isang kilay. “Hindi, hindi niya alam na pumunta ako dito.” Hiyang-hiya na sagot ni Ben. “Sobrang nakakahiyatalaga ng nagawa ko kaya wal
Sasakyan yan ni Elliot diba? Mukhang nagkamali ka ng pusta, Mike!”Nagbuntong hininga si Mike at sinabi. “Kakaiba talaga yang lalaking yan. Napaka hirap basahin!” “Wag mo siyang labasin, Avery. Hayaan mo siyang mag hintay jan sa labas ng buong magdamag nang maranasan niya namang magghirap kahit minsan!” Excited na sabi ni Tammy. Sang ayon si Mike sa sinabi ni Tammy kaya naglakad siya papunta sa pintuan para sana isarado ito pero bigla siyang hinila ni Avery. “Papasukin mo siya.”Malapit ng lumabas ang baby nila kaya may mga bagay rin silang kailangang pag usapan ni Elliot.Alam niya naman kung anong pakay nito pero sa tingin niya ay magandang maayos na rin nila ang mga dapat maayos para sa bata.“Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa niya sayo, Avery?” Naiinis na sagot ni Mike. “Kung papatawarin mo siya kaagad, hindi niya matututunan ang leksyon niya at lalo lang siyang magiging masama balang araw!”“Alam ko kung anong ginagawa ko, Mike. Wag kang mag alala, kaya ko ang sarili
Tama ang iniisip ni Elliot… Kaya ganun kakalmado si Avery dahil may pasabog ito! May dalawa naitong anak, pati ba naman ang bunso nila ay gusto pa rin nitong kunin ang custody?!Kahit isa, wala itong balak na bigyan siya?!Grabe! “Ayaw mo?” Hindi na makapag hintay si Avery sa sagot ni Elliot. “Kung ayaw mo, makakaalis ka na, Elliot. Wag na wag ka ng magpapakita sa akin hanggang sa maipanganak ko ang bata.”Walang ideya si Avery kung gaano niya nasaktan si Elliot sa mga sinabi niya. Noong nagtanong siya kung anong gusto nito kanina, muntik niya na sanang sabihin ang karugtong na “Ibibigay ko sayo ang lahat, wag kang ang custody ng bata.”“Bakit? Kasi sa tingin mo maghihirap lang ang bata sa akin?” Maluha-luha ang mga mata ni Elliot noong nagtanong siya. “Hindi. Gusto ko lang talaga nasa akin ang bata.” Kumpara kay Elliot, di hamak na mas kalmado si Avery. “Normal lang na mag hirap. Hindi yun ang nakakatakot dahil ang ang totoong nakakatakot ay ang lumaki siya ng walang pagma