Sa Aryadelle, hindi makatulog si Elliot. Hindi ito dahil kay Avery, pero dahil kay Layla. Ang program kung saan dinala ni Eric si Layla ay isang outdoor entertainment program. Ang pangunahing tema ng entertainment program ay kunin ang mga artista para mag-live nang sama sama kasama ang mga ordinaryong bata, para maranasan ng mga artista na maging isang tatay. Nakahanap sila ng non-celebrity na mga bata, halo ang mga lalaki at babae, pero lahat sila ay may itsura. Syempre, sa mga mata ni Elliot, walang bata na kasing ganda ni Layla. Ang rason kung bakit hindi makatulog si Elliot ay natatakot siya na sa paggugol ng oras kasama si Eric, baka dahan dahang itrato ni Layla si Eric bilang tatay niya!Nakaraan, tinanong ni Elliot ang direktor ng maraming detalyadong tanong sa set. Sinabi ng direktor sa kanya na kakain, mananatili, at maglalaro ang mga bata kasama ang artista, na parang tunay na mga magulang na pinapalaki ang sariling anak. Nang marinig niya iyon, lubos siyang nadismay
Naging maayos ang daloy ng meeting tulad ng inaasahan. Ang pamilya ng pasyente ay malinaw na naintindihan ang posibilidad ng pagkabigo ng operasyon. Ang tanging hiling lang nila ay tulungan ni Avery na magamot ang pasyente. Kahit na mabigo ang operasyon, tatanggapin pa rin nila iyon. Pagkatapos ng meeting, lumabas si Avery sa bahay ng pasyente. Bumaling siya at tumingin sa mansyon sa likod niya bago pumasok sa sasakyan na mabigat ang puso. Pinaalalahanan siya ng bodyguard na kabitin ang seatbelt bago magmaneho sa maluwag na daan. Walang magawa si Avery kundi sabihin, "Nakakita ka na ba ng dalawang tao na pinanganak sa magkaibang bansa pero magkamukha?"Sabi ng boyguard, "Miss Tate, hindi ako masyadong pumupunta sa ibang bansa. Medyo hindi ako pamilyar sa mga banyaga.""Kung ganoon, may nakita ka na bang hindi magkadugo na tao sa parehong bansa na magkamukha?" binago ni Avery ang tanong niya. Nag-isip ang bodyguard ng ilang sandali bago sabihin, "Hindi ako maalam sa madaming t
"Pero hindi na ako makapaghintay pumasok at tingnan!" pagmamakaawa ni Nora, "Elliot, pwede mo ba akong dalhin sa loob? Pangakong hindi kita ipapahamak. Tsaka, bilang fan ng Dream City, kaya kong magbigay ng opinyon at suhesyon sa oras na makita ko ang loob!"Nag-isip si Elliot ng ilang segundo bago pumayag. Nang suot na nila ang kanilang safety helmet, sinundan nila ang project manager sa site. Ang project manager ay binalita ang progreso ng bawat site, kasama na ang mga natitirang trabaho at timeline ng proyekto. Masigasig na nakinig si Nora. Paminsan minsan siyang sumasali. Halata na isa siya nga siyang malaking taga hanga ng Dream City. "Nora, pagkatapos matapos ng Dream City. Pwede kitang ilipat dito para magtrabaho." Inisip ni Elliot na ang desisyon na ito ang magpapasaya sa kanya, pero walang ngiti sa mukha ni Nora. "Ibig sabihin ba niyan ay mapapalayo ako kay Chelsea?" Bulong niya, "Elliot, pwede akong pumunta rito kada linggo para maglaro! Huwag mo akong ilipat dito,
Sa alas otso ng gabi, ang itim na Rolls-Roice ay dahan dahang nagmaneho sa Starry River Villa. Narinig ni Mke ang kaluskos at lumabas ng villa. "Elliot, gabi na. Anong ginagawa mo rito?" malamig na bulalas ni Mike, "Hindi ba sabi mo pupunta ka sa tanghali? Madilim na. Iba ba ang tanghali mo sa amin?"Tumingala si Elliot at sabi, "May kaibahan ba sa pagpunta ko ngayon at kaninang tanghali?""Syempre, meron. Kung pumunta ka kaninang tanghali, nasa bahay pa rin si Avery. Wala na si Avery sa bahay ngayon." Tumayo si Mike sa bakuran. Hindi siya nag abalang buksan ang gate. "Hindi kita papapasukin kung ganoon."Nanikip ang dibdib ni Elliot. "Saan siya pumunta?""Sabihin mo muna sa akin. Anong ginagawa mo kaninang tanghali? Bakit mo sinabi na pupunta ka ng tanghali, pero hindi ka nagpakita?" mayabang na tanong ni Mike. Nilunok ni Elliot ang laway niya at sabi sa mababang boses, "Gusto na ni Nora lumabas kaninang tanghali. Hinatid ko siya. Pinilit ng pamilya niya na manatili ako para
"Huwag na natin siyang pag-usapan kung ganoon." Sabi ni Wesley nang may ngiti, "Gabi na. Kailangan kong ihatid si Shea sa bahay. Magkita ulit tayo sa susunod!"Tumingin si Avery sa oras at tumango. "Sige lang! Uupo muna ako rito hanggang mamaya."Nakaidlip ng mahaba si Avery sa tanghali, medyo gising pa ang diwa niya ngayon. Wala sa bahay ang mga anak niya. Boring kung uuwi siya kaagad sa bahay, kaya mas mabuti nang manatili ng ilang sandali. Siya mismo ang nag-set up ng meeting 'nong gabing iyon. Nagdala siya ng mga regalo mula sa Bridgedale para sa kanila. Pagkatapos umalis ng dalawa sa kanila, kinuha ni Avery ang phone sa kanyang bag. Nakita niya ang mensahe ni Mike, [Umalis na siya! Pwede ka nang bumalik!]Sumagot si Avery, [Hindi ako nasa labas dahil iniiwasan ko siya. Ano tingin mo sa akin? Duwag?][Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Gusto ko lang bumalik ka kaagad! Madilim na sa labas! Hindi na safe!][Ligtas ang bansang 'to. Bakit ba ang free mo ngayon? Bakit wala ka sa
Tumingin si Mike kay Avery at tinanong, "Gusto mo ba siyang kausapin?"Mukhang hindi siya narinig ni Avery. Sa labas ng bintana ang tingin niya. Na parang hinihigop ng lalaking 'yon ang kaluluwa niya. Hininto ni Mike ang sasakyan at malakas na sabi, "Avery, dali at kausapin mo na siya."Bumalik sa katinuan si Avery. Tinulak niya ang pinto ng sasakyan para bukas at lumabas dito. Noong nasa loob siya ng sasakyan, naka-air condition ito, kaya hindi niya maramdaman ang init sa labas. Sa oras ng paglabas niya sa sasakyan ang alon ng init ay bumalot sa kanya. Nagsimula rin agad ang magpawis ang noo niya. Tumingin siya sa mukha ni Elliot, na siyang namumula dahil sa araw. Pawis na pawis ang noo niya. Basang basa rin ang damit niya sa pawis, dumidikit sa kanyang balat. Hindi niya maisip kung gaano katagal na siyang nasa ilalim ng mainit na araw. "Miss Tate, nakabalik ka na rin. Kung hindi ka pa bumalik, baka nagtapos na ngayon ang buhay ni Mr. Foster," hindi masayang sabi ng bodygu
Natapos si Avery at tumungo sa taas. Wala siya sa sarili buong araw, pagod siya. Nakita siya ni Mike umakyat. Binuhat niya si Layla at umalis. Nakarating sila sa ATM. Maingat na pinasok ni Mike ang card. Nakasulat sa likod ang pin ng card. Birthday ito ni Avery na siyang madaling tandaan. Pagkatapos ipasok ang pin, pinindot ni Mike ang check balance button. Sa isang iglap, hindi mabilang na mga zero ang nagpakita sa screen. Natulala si Mike at hindi nakapagsalita!Bulalas ni Layla, "Uncle Mike! Magkano 'yan! Sobrang daming zero! Hindi ko mabilang! Woo!"Sagad iyon sa kaalaman ni Layla.Umubo ng konti si Mike bago inangat ang daliri at binilang ang mga zero sa screen. Biglang tumuro si Layla sa unang numero sa screen. Malakas niyang sabi, "Ito ay number one."Sabi ni Mike, "...Babe, ginugulo mo ako! Nasaan na ba ang binibilang ko? Hay!""Engot Uncle Mike! Kuhaan mo na lang ng picture at tanungin mo si Mommy! Siguradong alam ni Mommy kung magkano 'to sa isang tingin lang!
Bumangon si Avery sa kama. Pinagmasdan niya ang serye ng mga numero ng ilang segundo bago sagutin ang tawag. Hindi niya naisip na sa oras na masagot ang tawag, lalabas ang video. "Mommy!" umalingawngaw ang malutong na boses ni Hayden. Tumingin si Avery sa mukha ni Hayden at nasasabik na sabi, "Hayden! Paano mo ako natawagan sa video?""Hinack ko ang internet ng camp at tinawagan ka gamit ang isang virtual account." Mayroong kakaibang ngiti si Hayden. "Mommy, nakabalik na ba si Layla?""Oo, pero kakalabas niya lang kasama si Uncle Mike. Hindi pa sila bumabalik." Napuno ng pag-iingat ang mukha ni Avery. "Hayden, nakakahalubilo ka ba riyan? Tinawagan ako ng teacher mo ilang araw ang nakalipas at sabi marami ka raw naging kaibigan sa ibang bansa.""Mommy, malaki na ako. Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa akin." Tunog na maliit na binata ang boses ni Hayden. "Paanong hindi ako mag-aalala tungkol sa'yo? Kahit malaki ka na sa hinaharap, mangungulila pa rin ako sa'yo at mag