Kayang hulaan ni Chad kung bakit galit si Elliot. Agad na paliwanag niya, "Hindi gusto ni Avery na payagan si Layla sa entertainment. Si Layla ang nagmakaawa at nagpumilit na subukan ito. Alam mo rin 'to. Sobrang adorable ni Layla. Iilan lang ang talagang tatanggihan siya.""Pwedeng immature pa si Layla, pero si Avery? Si Avery ang mommy niya. Dapat niyang gabayan ang anak niya, hindi i-spoil ito!" malupit na sabi ni Elliot. Sabi ni Chad, "Kung pupunta si Layla at magmamakaawa sa'yo, kaya mo bang gawin 'yon nang walang pinapanigan?"Dumilim ang ekspresyon ni Elliot. "Huwag na natin pag-usapan kung kaya kong gawin ito o hindi. Kita ko na nagsisimula nang lumipat ang katapatan mo sa iba!"Agad napatayo si Chad. "Hindi, ah. Nilalagay ko lang ang sarili ko sa mga sapatos ni Avery. Kung pupunta si Layla at magmamakaawa sa akin. Siguradong bibigay ako sa kanya. Tsaka, sobrang adorable niya. Hindi pa ako nakakakita ng mas icu-cute pa sa batang 'yon."Humahalik si Chad sa galit ni Elliot
Papunta sa restaurant, sabi ni Avery sa bodyguard, "Huwag mong sabihin kahit kanino ang schedule ko sa Bridgedale. Kahit kay Mike. Kabilang na siya sa kalahati ng mga tauhan ni Elliot ngayon. Ayokong mino-monitor ako. Kapag may nagtanong sa'yo tungkol sa akin, sabihin mo lang na nagpapahinga ako sa bahay."Tumango ang bodyguard. "Miss Tate, hindi ako magpapabayad."Tumaas ang kilay ni Avery at sabi sa gulat, "May sumubok na bayaran ka?"Ang bodyguard ay napatigil ng ilang sandali bago tumango pa uli. "Sinubukan ng assistant ni Elliot na bayaran ako ng isang beses, pero istrikto akong tumanggi."Suminghap si Avery. Napasuko na ng assistant ni Elliot si Mike, si Chad. Ang lakas naman ng loob niyang subukan na bayaran ang bodyguard niya! Sinusubukan ni Elliot na manghimasok sa buhay niya sa lahat ng anggulo!Buntis lang siya sa anak ni Elliot! Kailangan ba niyang mag-alala ng sobra! Kapag mas lalong ginagawa 'yon ni Elliot, mas lalo niyang ayaw ipaalam kay Elliot kung nasaan siya.
Napaupo si Avery sa gulat. "Pasikreto lang siyang pumunta para tingnan ang program department. Hindi niya ginulo si Layla," dagdag ni Mike, "Sinabi ni Chad sa akin na nasisiguro niya na anak ni Elliot sina Hayden at Layla, pero hindi siya naglakas loob na sabihin sa kanila dahil ayaw ng mga bata kay Elliot. Dagdag pa 'ron, hindi ka handang pakisamahan niya ang mga bata, kaya kinikimkim niya ang sakit sa pagiging malayo sa kanila."Tsaka, hindi niya gustong pumasok si Layla sa entertainment industry," pagpatuloy ni Mike, "Kaya pakiusap na bumalik ka na agad para mabaling ang atensyon niya. Kung gagawa siya ng eksena sa program department isang araw, hindi ko na mako-kontrol ang sitwasyon."Sumakit ang ulo ni Avery, dahil sa kaibahan ng oras, hindi siya makatulog ng maayos kagabi. Talagang ayaw niyang kumuha ng isa pang flight sa pagkakataong 'yon. "Hindi ko kayang bumalik ngayon." Humugot ng malalim na hininga si Avery. "Sumasakit ang ulo ko. Plano kong manatili lang sa bahay at m
Sa Aryadelle, hindi makatulog si Elliot. Hindi ito dahil kay Avery, pero dahil kay Layla. Ang program kung saan dinala ni Eric si Layla ay isang outdoor entertainment program. Ang pangunahing tema ng entertainment program ay kunin ang mga artista para mag-live nang sama sama kasama ang mga ordinaryong bata, para maranasan ng mga artista na maging isang tatay. Nakahanap sila ng non-celebrity na mga bata, halo ang mga lalaki at babae, pero lahat sila ay may itsura. Syempre, sa mga mata ni Elliot, walang bata na kasing ganda ni Layla. Ang rason kung bakit hindi makatulog si Elliot ay natatakot siya na sa paggugol ng oras kasama si Eric, baka dahan dahang itrato ni Layla si Eric bilang tatay niya!Nakaraan, tinanong ni Elliot ang direktor ng maraming detalyadong tanong sa set. Sinabi ng direktor sa kanya na kakain, mananatili, at maglalaro ang mga bata kasama ang artista, na parang tunay na mga magulang na pinapalaki ang sariling anak. Nang marinig niya iyon, lubos siyang nadismay
Naging maayos ang daloy ng meeting tulad ng inaasahan. Ang pamilya ng pasyente ay malinaw na naintindihan ang posibilidad ng pagkabigo ng operasyon. Ang tanging hiling lang nila ay tulungan ni Avery na magamot ang pasyente. Kahit na mabigo ang operasyon, tatanggapin pa rin nila iyon. Pagkatapos ng meeting, lumabas si Avery sa bahay ng pasyente. Bumaling siya at tumingin sa mansyon sa likod niya bago pumasok sa sasakyan na mabigat ang puso. Pinaalalahanan siya ng bodyguard na kabitin ang seatbelt bago magmaneho sa maluwag na daan. Walang magawa si Avery kundi sabihin, "Nakakita ka na ba ng dalawang tao na pinanganak sa magkaibang bansa pero magkamukha?"Sabi ng boyguard, "Miss Tate, hindi ako masyadong pumupunta sa ibang bansa. Medyo hindi ako pamilyar sa mga banyaga.""Kung ganoon, may nakita ka na bang hindi magkadugo na tao sa parehong bansa na magkamukha?" binago ni Avery ang tanong niya. Nag-isip ang bodyguard ng ilang sandali bago sabihin, "Hindi ako maalam sa madaming t
"Pero hindi na ako makapaghintay pumasok at tingnan!" pagmamakaawa ni Nora, "Elliot, pwede mo ba akong dalhin sa loob? Pangakong hindi kita ipapahamak. Tsaka, bilang fan ng Dream City, kaya kong magbigay ng opinyon at suhesyon sa oras na makita ko ang loob!"Nag-isip si Elliot ng ilang segundo bago pumayag. Nang suot na nila ang kanilang safety helmet, sinundan nila ang project manager sa site. Ang project manager ay binalita ang progreso ng bawat site, kasama na ang mga natitirang trabaho at timeline ng proyekto. Masigasig na nakinig si Nora. Paminsan minsan siyang sumasali. Halata na isa siya nga siyang malaking taga hanga ng Dream City. "Nora, pagkatapos matapos ng Dream City. Pwede kitang ilipat dito para magtrabaho." Inisip ni Elliot na ang desisyon na ito ang magpapasaya sa kanya, pero walang ngiti sa mukha ni Nora. "Ibig sabihin ba niyan ay mapapalayo ako kay Chelsea?" Bulong niya, "Elliot, pwede akong pumunta rito kada linggo para maglaro! Huwag mo akong ilipat dito,
Sa alas otso ng gabi, ang itim na Rolls-Roice ay dahan dahang nagmaneho sa Starry River Villa. Narinig ni Mke ang kaluskos at lumabas ng villa. "Elliot, gabi na. Anong ginagawa mo rito?" malamig na bulalas ni Mike, "Hindi ba sabi mo pupunta ka sa tanghali? Madilim na. Iba ba ang tanghali mo sa amin?"Tumingala si Elliot at sabi, "May kaibahan ba sa pagpunta ko ngayon at kaninang tanghali?""Syempre, meron. Kung pumunta ka kaninang tanghali, nasa bahay pa rin si Avery. Wala na si Avery sa bahay ngayon." Tumayo si Mike sa bakuran. Hindi siya nag abalang buksan ang gate. "Hindi kita papapasukin kung ganoon."Nanikip ang dibdib ni Elliot. "Saan siya pumunta?""Sabihin mo muna sa akin. Anong ginagawa mo kaninang tanghali? Bakit mo sinabi na pupunta ka ng tanghali, pero hindi ka nagpakita?" mayabang na tanong ni Mike. Nilunok ni Elliot ang laway niya at sabi sa mababang boses, "Gusto na ni Nora lumabas kaninang tanghali. Hinatid ko siya. Pinilit ng pamilya niya na manatili ako para
"Huwag na natin siyang pag-usapan kung ganoon." Sabi ni Wesley nang may ngiti, "Gabi na. Kailangan kong ihatid si Shea sa bahay. Magkita ulit tayo sa susunod!"Tumingin si Avery sa oras at tumango. "Sige lang! Uupo muna ako rito hanggang mamaya."Nakaidlip ng mahaba si Avery sa tanghali, medyo gising pa ang diwa niya ngayon. Wala sa bahay ang mga anak niya. Boring kung uuwi siya kaagad sa bahay, kaya mas mabuti nang manatili ng ilang sandali. Siya mismo ang nag-set up ng meeting 'nong gabing iyon. Nagdala siya ng mga regalo mula sa Bridgedale para sa kanila. Pagkatapos umalis ng dalawa sa kanila, kinuha ni Avery ang phone sa kanyang bag. Nakita niya ang mensahe ni Mike, [Umalis na siya! Pwede ka nang bumalik!]Sumagot si Avery, [Hindi ako nasa labas dahil iniiwasan ko siya. Ano tingin mo sa akin? Duwag?][Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Gusto ko lang bumalik ka kaagad! Madilim na sa labas! Hindi na safe!][Ligtas ang bansang 'to. Bakit ba ang free mo ngayon? Bakit wala ka sa