Share

Kabanata 4

Author: Simple Silence
last update Last Updated: 2022-06-20 19:21:36
“Mahirap magsalita sa ngayon. Kung suswertihin tayo, siguro nasa tatlo hanggang apat na buwan. Pero kung hindi, baka talagang wala ng pag-asa,” sabi ng doktor.

Natigilan ng ilang sandali ang doktor at nang makita niya ang reaksyon ng dalawa, nagmamadali siyang nagpatuloy, “Bata ka pa naman, Avery. Sigurado ako na magiging smooth ang lahat.”

Mabilis na lumipas ang panahon. Hindi nila namalayan na maguumpisa na ang tag lagas sa Avonsville.

Pagkatapos maligo ni Avery, umupo siya sa vanity at inilabas ang bagong face cream na kabibili niya lang kanina at maingat itong pinahid sakanyang mukha.

“Elliot, gusto mo bang lagyan kita nito? Sobrang dry ng panahon,” Sabi ni Avery habang naglalakad papunta kay Elliot.

Umupo siya sa gilid ng kama kung nasaan ito at maingat na pinahiran ang mukha ni Elliot.

Nang sandaling dumampi ang ang mga daliri ni Avery sa mukha ni Elliot, gulat na gulat itong dumilat, at sumalubong sakanya ang sobrang ganda nitong mga mata.

Maging si Avery ay nagulat din kaya napahinga siya ng malalim.

Hindi na bago sakanya na makitang dumidilat si Elliot, pero sa tuwing nangyayari yun ay sobrang nagugulat pa rin siya.

“Masyado bang madiin ang pagkaka’pahid ko? Kailangan kong bawasan ang pressure? Oo, tama. Sige sige.” Sabi ni Avery habang patuloy na minamasahe ang mukha ni Elliot.

“Alam mo ba? May mga nabasa ako sa internet na kaya ka raw hindi nagkaka girlfriend noon ay dahil jan sa katawan mo…Pero sa tingin ko okay naman ang katawan mo! Ang ganda nga ng braso mo oh… at itong legs mo…”

Pagkatapos lagyan ng cream ang mukha ni Elliot, pabirong tinapik ni Avery ang braso at hita nito.

Sobrang hina lang ng pagkakatapik niya, na kahit siguro may malay na tao ay hindi ito mararamdaman.

Pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa naging reaksyon ni Elliot..

Nakarinig siya ng boses ng lalaki…

“Elliot? Ikaw ba yun? Nagsalita ka ba?” Gulat na gulat na sabi ni Avery. Halos lumuwa ang mga mata ni Avery sa sobrang pagkagulat.

Nakatitig lang din si Elliot sakanya.

May kakaiba sa titig ni Elliot ngayon. Oo, araw-araw itong dumidilat pero noon halatang walang buhay ang mga mata nito. Pero ngayon, ramdam na ramdam na may emosyon ang titig nito kay Avery… para bang galit, naiirita, nagdududa?

“Mrs. Cooper!” Sigaw ni Avery habang tumatakbo pababa, na para bang isang pusang natapakan ang buntot” “Mrs. Cooper, gising na si Elliot! Nagsalita siya! Gising na talaga siya!”

Sobrang pula ng pisngi niya at halos hindi mahabol sa bilis ang tibok ng kanyang puso - pakiramdam niya ay malalaglag ito mula sa kanyang dibdib.

Gising na si Elliot.

Sigurado si Avery na talagang gising na si Elliot… Hindi lang ito basta-bastang dumilat, nagsalita pa ito!

Kahit na mabagal at mahina, sobrang nakakatakot ang boses nito.

Tinanong ni Elliot kung sino siya.

At nang sandaling marinig niya yun ay para bang nablangko ang isipan niya.

Lahat ng taong makausap niya ay sinasabing mamatay na si Elliot, kaya ni minsan hindi na rin siya umasa na talagang gigising ito.

Agad-agad na dumating si Mrs. Cooper, ang doktor at ang body guard nang sandaling marnih ng mga ito ang sigaw ni Avery.

Halos kalahating oras pa lang ang lumilipas ay napuno na ang mansyon sa sobrang daming tao.

Gulat na gulat ang lahat dahil wala ni isa sakanila ang umasang gigising pa si Elliot.

“Alam kong gigising ka, Elliot!” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Rosalie sa sobrang saya.

“Buti naman at gising ka na , Elliot,” Sabi ni Henry. “Hindi mo alam kung gaano mo kami pinag’alala, lalo na si Mama. Tignan mo sa sobrang stress niya sayo, nagsiputian na ang mga buhok niya.”

Pagkatapos tignan ng mga doktor ang kundisyon ni Elliot, hindi makapaniwalang lumapit ito kay Rosalie at sinabi, “Milagro talaga ito! Noong huling beses ko siyang tinignan, wala ni isang senyales na bumubuti ang lagay niya. Nagyon na nakakapag salita na ulit si Mr. Foster, pwede na nating umpisahan ang therapy niya at hindi magtatagal ay kakayanin na niyang bumalik sa normal niyang buhay.

Sa sobrang saya ni Rosalie, hindi niya kinaya at hinimatay siya.

Buti nalang at nasaloi siya ni Henry at maingat siyang binuhat nito palabas ng kwarto.

Naiwanan sa loob ang doktor, si Mrs. Cooper at ang body guard. Samantalang si Avery naman ay nakatayo lang sa pintuan dahil natatakot siyang lumapit.

Hindi pa man din tuluyang nakakarecover si Elliot, kinikilabutan na siya sa awra nito.

Dahan-dahang umupo si Elliot at walang emosyon na tumingin kay Avery.

“Sino yan?” Tanong ni Elliot, na may sobrang nakakatakot na boses.

Hindi makapag salita ang doktor sa sobrang takot.

Kaya agad-agad na yumuko si Mrs. Cooper at magalang na nagpaliwanag. “Master Elliot, siya po ang asawa niyo. Noong panahong wala po kayong malay, inarrange marriage po kayo ni Madam Rosalie at ang pangalan niya po ay–”

Hindi pa man din tapos magsalita si Mrs. Cooper nang walang emosyong nagsalita si Elliot, “Paalisin niyo yan dito.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh simula naba ng kalbaryo ni Avery
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 5

    Sa sobrang gulat ni Avery, bigla siyang napaatras. Si Elliot ay parang isang mabangis na halimaw na kagigising lang mula sa isang napaka himbing na pamamahinga. Para itong isang maamong tupa noong natutulog ito, pero ngayong gising na ito… sobrang nakakatakot. Lumabas si Mrs. Cooper ng kwarto at dahan-dahang sinarado ang pintuan. Nang makita niya si Avery, na halatang takot na takot, sinubukan niyang oakalmahin ito, “Wag kang matakot, Madam. Kagigising lang ni Master Elliot kaya nagulat siya sa balita. Siguro sa guest room ka muna matulog ngayong gabi at bukas nalang tayo mag-usap. Gusto ka Madam Rosalie kaya sigurado akong hindi ka niya pababayaan. Gulong gulo ang isipan ni Avery. Ang buong akala niya ay mamatay na talaga si Elliot at kahit kailan hindi sumagi sa isipan niya na magigising pa ito. “Mrs. Cooper, yung mga gamit ko… nasa kwarto pa…” Takot na takot na sabi ni Avery habang nakatingin sa pintuan ng master’s bedroom, na para bang gusto niyang sabihin na kung maari a

    Last Updated : 2022-06-20
  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 6

    Ang pagdurugo niya ay senyales na nagdedelikado ang buhay ng baby nila, kaya may mga procedure na kailangan nilang gawin para mailigtas ang baby. Nang marinig ito ni Avery, para siyang sinakluban ng langit at lupa - sobrang natakot siya. “Doc, paano kung huwag ko nalang kayang ituloy ang baby na ‘to?” Magdidivorce na rin naman sila ni Elliot kaya ano bang saysay ngayon ng baby na dinadala niya?Nakakunot ang noo ng doktor na tumitig sakanya sa mga mata, “Bakit ayaw mong buhayin ang bata? Alam mo ba na may mga babaeng gustong gusto na magkaroon ng baby pero hindi sila makabuo? Tapos ito ikaw, gusto mong ipalaglag ang bata?” Napayuko si Avery at hindi na nakasagot.“Bakit hindi mo kasama ang asawa mo? Kung talagang ayaw mo ng baby na yan, karapatan pa rin ng tatay niyan na malaman ang plano mo.”Kumunot ang noo ni Avery. Nang makita ng doktor ang reaksyon niya, kinuha nito ang kanyang medical record, at muli siyang tinignan. “21 ka palang? So, hindi ka pa kasal?”“O…o

    Last Updated : 2022-06-20
  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 7.

    Hindi password protected ang computer kaya walang kahirap-hirap itong nagbukas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Avery. Huminga siya ng malalim at nagmamadali niyang isinaksak ang USB drive at nag log in sakanyang email. Pagka logged in niya, wala na siyang sinayang na oras pa at sinend kaagad ang file sa classmate niya. Hindi niya rin alam kung bakit, pero sobrang bilis ng lahat kaya bago pa man mag’tanghali ay tapos na siya. Wala ng balak pang manatili ng mas matagal si Avery sa study room, kaya dali-dali niyang pinindot ang shut down, pero sa sobrang pagmamadali ay may isang file siyang nabuksan…Bigla siyang natigilan at nang sandaling magbukas ang file, biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita niya. …Pagkalipas ng limang minuto, lumabas si Avery ng study room. Nakahinga ng maluwag si Mrs. Cooper at sinabi, “O diba? Sabi ko naman sayo hindi babalik si Master Elliot kaagad eh.”Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Avery. Pakiramdam niya ay nalaman niy

    Last Updated : 2022-06-20
  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 8

    Nakatayo at napasilip si Rosalie sa silid mula sa nakabukas na pinto.Nakita niya nakapulupot si Avery naparang isang bola at nagiisip habang nakasandal sa dingding.Nakalugay at magulo ang kanyang buhok.Napatingin siya nang marinig at tumawag sa kanya sa pinto."Avery! Anong nangyari sayo?" tanong ni Rosalie. Nang makita niya ang mukha ni Avery, na parang puting papel, na talaga naman ikinataas ng kanyang altapresyon."Paano nangyari to? Si... Elliot ba? Inaabuso ka ba niya?"Sa puntong ito, bahagyang nginginig sa boses ni Rosalie.Punayat ng husto si Avery.Putlang putla ang kanyang mukha, at makikitang tuyot at bitak-bitak sa kanyang labi.Makikitang hindi normal ang paghinga niya. Gusto niyang magsalita, ngunit sobrang paos na niya at wala nasiyang mailabas na boses.Lumapit si Mrs. Cooper na may dalang baso ng maligamgam na gatas at iniabot ito kay Avery."Uminom ka muna ng isang baso ng gatas, Madam. Huwag kang matakot. Ngayong nandito na si Madam Rosalie, makakain ka

    Last Updated : 2022-06-20
  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 9

    Sa huling pagsusuri, wala naman senyales na magkakaroon ng kambal.Kaya naman hindi makapaniwala si Avery na may dalawang sanggol sa loob tiyan niya makalipas ilan lamang na linggo.Hawak hawak niya ang ultrasound scan sa kanyang kamay habang tahimik na nakaupo sa isa bangko sa gilid ng corridor ng ospital.Sinabi sa kanya ng doktor na ang posibilidad na mabuntis ng kambal ay napakababa.Na kung magpapa-abort siya ngayon, maaari hindi na siya muling magkaroon ng kambal.Mapait man ay napapataw na lamang si Avery. Ang lahat ng ito ay gawa ng mga pribadong doktor ng Fosters.Nang maitanim na nila ilagay na sa kaya ang mga isang fertilized egg, hindi nila binanggit na magkakaroon pala siya ng kambal.Siguro para sa kanila, siya ay walang iba kundi isang kasangkapan sa panganganak para sa mga Fosters mula pa man.Nang magsimula siyang duguin noong nakaraang linggo, naisip niya na dumating na ang kanyang regla. Nang malaman ito ng mga doktor ng Fosters, naisip nilang nabigo sila. Na

    Last Updated : 2022-06-20
  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 10

    Ngayon, hindi bababa sa 90 decibel ang tunog ng kalabog ng pinto ni Avery, kaya bakit hindi siya nabalisa?Higit sa lahat, ang bote ng alak na nabasag ni Avery ay mahigit tatlumpung libong dolyares. Ni hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataong inumin ito.Nabasag niya ito nang hindi man lang natitikman."Naku, nabalitaan ko na pumanaw ang tatay ni Miss Tate ilang araw na ang nakakaraan. Nang makita siyang naka-itim na itim, kagagaling lang niya sa libing!"May nag lakas ng loob para basagin ang katahimikan.Ang babaeng nakaputing damit ay isang senior manager sa Sterling Group's PR department, Chelsea Tierney.Kaarawan niya noon, kaya inimbitahan niya ang ilan sa mga kaibigan ni Elliot sa bahay nito para ipagdiwang din ang kasabay ang kayang paggaling.batidi niya na ang unang pagtatalo nila Avery ay may malaking epekto sa pinakita nito.Napansin ni Chelsea ang hindi nababagabag na ekspresyon ni Elliot, ngunit kilala niya ito na maaari itong magalit anumang oras.Bumalik siya sa

    Last Updated : 2022-06-20
  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 11

    Inilabas ni Elliot ang braso niya sa bintana ng sasakyan.Nakaipit sa mga daliri niya ay pakete ng tissue.Nagulat si Avery. Aayaw na sana siya pero tinanggap niya ito.“Salamat.”Ang init ng palad nito ay nasa tissues pa rin.Kaagad namang iniiwas ni Elliot ang tingin niya mula sa mukha nito at isinara ang bintana tsaka umalis.Ten ng umaga sa Tate industries, at ang lahat ng employess niya ay nagtatrabaho sa mga stations nila.Isang buwan na rin simula nung nagpasweldo ang company. Pero, ang Tate Industries ay isa ng matagal na player sa industry. Kahit na maraming negative na balita ang umiikot sa internet, ayaw itong isuko ng mga employees nila hanggang sa huling pagkakataon. Kung hindi niya alam ang tungkol sa maraming utang ng company, hindi niya iisipin na ilusyon lang ang kalmadong atmosphere sa harap niya.Pumasok siya sa meeting room kasama ang vice president ng company, si Shaun Loclyn.Straight to the point ang lawyer nung nakita niya si Avery at sinabi, “Sorry f

    Last Updated : 2022-06-20
  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 12

    Nine ng gabi.Tumutunog ang mga tuyong dahon sa lupa dahil sa hangin ng fall.Lumabas si Avery sa taxi at biglang napangiwi sa lamig.Hawak ang kanyang purse, kaagad siyang pumunta sa pinto ng Foster mansion.Sa kadiliman ng gabi, nakasuot siya ng strappy red dress na sexy at enchanting.Pagkaalis niya sa bahay nung umaga, naka t-shirt at casual pants lang siya.Kapag naiisip niya na nagsuot si Avery ng ganun para mag-entertain ng ibang lalaki ay mas napakuyom ng kamao si Elliot.Napansin ni Avery na nakaupo si Elliot sa living room na sofa nung nagpapalit siya ng sapatos niya.Nakasuot ito ng black na shirt, kaya mas nagmukha itong malungkot at cold.Wala pa ring emotion ito, kaya naman hindi na niya ito masyado tiningnan.Pagkapalit niya ng sapatos, nag-alinlangan siya. Hindi niya alam kung babatiin niya ba ito o hindi.Hindi siya nito binigyan ng tissues nitong umaga.Hindi komportable na naglakad si Avery papuntang living room at tumingin kay Elliot.Ang atmosphere ay

    Last Updated : 2022-06-20

Latest chapter

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3177

    Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3176

    Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3175

    "Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3174

    Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3173

    Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3172

    Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3171

    Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3170

    Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 3169

    Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan

DMCA.com Protection Status