Sa banyo ng master bedroom, maingat na pinapatuyo ng nurse ang katawan ni Elliot gamit ang dry na towel.Mahina pa rin ang mga legs nito at nakakatayo lang ito kapag may kumakapit sa kanya, kaya kailangan niya ng tulong ng nurse.Ang nurse na ito ang nag-aalaga sa kanya simula nung maaksidente siya.Siya ay isang middle-aged na lalaki na metikuloso at maingat sa trabaho.“May pasa ka sa hita mo, Mr. Foster,” sabi ng nurse habang isinusuot ang bathrobe ni Elliot at tinulungan siya makalabas ng banyo. “Kukuha ako ng ointment para sayo.”Nakaupo si Elliot sa kama at tiningnan niya ang pasa.Hindi naman sa wala siyang feelings sa legs niya, pero nung kinurot siya ni Avery, nagpigil siya at nagkunwari na walang naramdaman.Sa kung anumang rasin, naaalala niya pa rin ang umiiyak na mukha ni Avery.Tsaka, ang kakaibang amoy ng katawan niyo ay naiisip niya pa rin.Kailanman ay hindi nakaramdam si Elliot ng ganito sa isang babae buong buhay niya.Ni wala man lang isang babae ang kayan
Sa mata ni Avery, ang mukha ni Elliot ay naging demonyo.“Bakit?” Bitter na tanong niya. “Kahit na ayaw mong magkaanak, hindi mo naman kailangan magsabi ng masasamang words!”Cold ang mga mata ni Elliot habang sinasabi, “Paano kapag sinubukan mo kasi di ko kinlaro ang sarili ko?”Huminga ng malalim si Avery at umiwas ng tingin.Natatakot siya.Nacurious si Elliot sa reaction niyo.Ngumiti siya habang nang-aasar, “Hindi mo naman iniisip na ipagbubuntis mo ang anak ko, hindi ba?”Sinamaan siya ng tingin ni Avery.“I suggest na seryosohin mo ang warning ko. Kilala mo naman ako. Mas malala ang actions ko kaysa sa words ko. Huwag mo akong subukan kung gusto mo mabuhay,” sabi ni Elliot at pagkatapos, tumingin sa labas.Napakuyom ng kamao si Avery at sinabi, “Huwag kang mag-alala, kailanman ay hindi kita bibigyan ng anak. Alam mo namang kinamumuhian kita. Ang pinakamabilis ngayon gawin ay divorce!”Hindi lang sa kanya ang baby.Kapag nanganak siya, gagawin niya ito para sa sarili n
Ang calcium supplements na para sa buntis ay katulad din sa mga pangmatanda at mga kulang sa mga taong kulang sa calcium, kaya malinaw na nakalagay ang “calcium tablets” sa bite.“Kailangan mo pa ba sabihin sa iba kung anong klaseng gamot ang iniinom mo?” Tanong ni Avery.Namumula ang mga pisngi niya pero stable ang tono niya.Kaagad siyang umalis pagkasabi niyo.Inilagay niya ito sa drawer at pagkatapos, naligo.Hindi na pwedeng ganito. Malalantad ang lahat kapag hindi pa siya umalis kaagad.Ang lahat ng checkup reports niya ay nasa kwarto niya. Malalaman ni Elliot ang lahat kapag chineck nito ang room niya.Syempre, sabi ng konsensya niya, medyo extreme si Elliot pero hindi ito baliw para icheck ang room niya.Maliban pa dito, kung hindi niya binanggit ito, wala siyang alam na paraan para makipaghiwalay dito.Tinanggap kasi ng pamilya niya ang malaking betrothal fees mula sa Foster family.Si Avery ay nakaupo sa dulo ng kama habang gulong-gulo ang isip niya hanggang sa naka
“Sino ang nagsabi sayo na may iba pang gusto si Elliot? Saan mo nakuha ang impormasyon na yun? Alam mo ba ang pangalan niya?”Hindi mapalagay si Chelsea kahit na sigurado siya na walang ibang babae si Elliot maliban sa kanya.Umiling si Avery at sinabi, “Opinyon ko lang ang sinabi ko… hindi ko ganun kakilala si Elliot katulad ng sayo.”Nag-iba ng stance si Avery pagkatapos niya kumalma.Narealize niya na hindi simple ang mga bagay at ayaw niyang madamay.Gusto niya lang ipinganak ang babies niya at mamuhay ng average.“Tinakot mo ako! Akala ko ay may nakita kang kasama siya na babae!”Kumalma si Chelsea pagkarinig dito.“Si Elliot ay hindi katulad ng iniisip mo. Hate niya ang mga babae at kids.”“Alam mo ba kung bakit ayaw niya ng mga bata?” Casual na tanong ni Avery.“To be honest, wala akong idea. Ayoko rin naman malaman. Kung ayaw niya sa mga ito, ayaw ko rin,” sabi ni Chelsea at pagkatapos, nagsalubong ang mga kulay niya at sinabi niya sa sarili niya, “Mabait siya sakin.”
Ang kotseng ito ay sobrang bilis na lumagpas kay Avery.Tumingala siya at nakita niya ang blurry na tail lights ng Rolls-Royce sa dilim.Kotse ba yun ni Elliot?Pinunasan niya ang mukha niya, kinalma ang sarili, at naglakad papunta sa bahay.Nakita niya ang kotse na nakaparada pagdating niya.Naghintay siya sa labas para pagkapasok niya, nasa kwarto si Elliot.Ang hapdi ng mata niya. Nakatingin diga sa mga stars na sa langit.Ang gandang spring night ito.Bago pa niya mapansin ito, isang oras na pala siyang nakatayo.Dinala na ng driver ang kotse sa garahe.Nakabukas pa rin ang mga ilaw sa living room , pero walang tao.Normal na ang pakiramdam ni Avery, kaya naman mabagal siyang pumasok sa bahay. Sa veranda sa second floor, si Elliot ay nakabihis ng grey na robe, at nakaupo sa wheelchair. Paubos na ang wine niya.Pinanuod niya si Avery na nakatayo sa labas ng isang buong oras.Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Kung bakit nakatayo ito ng isang oras sa
Cold na tumingin si Elliot kay Avery.“Okay,” sabi nito. Umupo siya sa couch sa kabila nito.May laptop sa may coffee table.Ang screen ay nakaharap sa kanya at isa itong surveillance footage.May kama sa footage, at sila ni Elliot ang nandoon.Kumulo ang dugo ni Avery pagkakita dito.Napatayo siya, tinuro ang laptop at sumigaw, “Manyak ka ba?! Bakit ka nag-install ng camera sa kwarto ko?”Nainis siya.Gusto niya makalimutan ang tatlong buwan na nasa iisang kama sila.Si Elliot ay isang lantang gulat sa loob ng tatlong buwan na yun, kaya hindi niya ito nakita bilang lalaki.Kahit na sophisticated ito tingnan sa public, hindi ito elegante sa kwarto.Ito ang rason kung bakit hindi niya matanggap na nakasurveillance pala siya sa loob ng tatlong buwan!Walang nagsabi sa kanya na may mga camera sa kwarto nila.Ang nanginginig na katawan ni Avery ay medyo nagpakalma kay Elliot.“Bakit mo inassume na ako ang naglagay ng mga cameras?”Nalaman niya na ang naglagay ng mga cameras
Linggo na, at hindi bumangon si Avery sa kama hanggang sa ika-sampu at tatlumpu ng umaga.Ito ang unang pagkakataon na nakatulog siya sa bahay ni Elliot.Noong lumabas siya sa kwarto, isang grupo ng mga lalaki ang tumingin sa kanya.Si Avery ay nakasuot ng mahabang pantulog na may magulong buhok hanggang sa kanyang balikat, napapagitnaan ang kanyang malinis na mukha.Hindi niya inaasahan na may mga bisita si Elliot sa araw na iyon.Si Elliot at ang kanyang mga bisita ay napatitig sa kanya na tila ba hindi nila inaasahan ang pagsulpot niya.Biglang may sumagi sa isip ni Avery.Napagtanto niya na nasa nakakahiyang sitwayson siya ngayon, umikot siya at bumalik sa kanyang kwarto.Biglang naglakad si Mrs. Cooper at pumunta sa hapagkainan.“Gutom ka na siguro, Madam. Mahimbing ang iyong tulog noong pumunta ako sa kwarto mo kanina, kung kaya hindi na kita ginising.”“Yung mga taong iyon… Sino sila?” tanong ni Avery.“Kaibigan sila ni Master Elliot. Pumunta sila para bisitahin siya.
Naramdaman ni Avery na tila ba may sumakal sa kanya.Nakaramdam siya ng hirap sa paghinga na para bang umiikot ang mundo sa kanya.Paano naging si Elliot si Mr. Z?!Binigyan siya ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares at gusto niyang mamuhunan sa Tate Industries. Paano ito nagagawa ni Elliot?Ngunit, kung hindi siya si Mr. Z, anong ginagawa niya doon?Nalilito ang kanyang isipan habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya. Ang kanyang wheelchair, itim na damit at ang maputla niyang balat ay nagsasabi na ang lalaki sa kanyang harapan ay si Elliot Foster. Naglabas ng malamig na hininga si Avery at walang-malay na umatras ng kaunti, ngunit ang pinto ng pribadong silid ay nakasara.“Aalis ka bago pa man din mangamusta?”Nang makita ni Elliot na kinabahan si Avery, tinikom niya ang kanyang bibig.“Anong ginagawa mo sa ganitong lugar?”Itinaas ni Avery ang kanyang kamay at hinawi ang kanyang buhok papunta sa likod ng kanyang tenga. Pinilit niyang maging kalmado at sinabing,
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan