Tumungo si Shea at sumagot, “Itatago ko ‘to sa kwarto ko. Hindi ko ‘to mawawala.”“Good. Nag dinner ka na ba?” Nakangiting tanong ni Elliot. “Tapos na! Sabay kaming kumain ni Hayden sa hotel.”“Napansin ko na parang gustong gusto mo si Hayden.” Naalala niya na nakipagpalit si Shea kanina ng upuan kay Mike para makatabi nito si Hayden.Hindi niya yun inaasahan kasi sa tuwing lumalabas sila, ayaw na ayaw nitong umaalis sa tabi niya. “Gusto ko si Hayden at Layla.” Sagot ni Shea. Malakas ang kutob ni Shea na hindi lang si Hayden ang pamangkin niya at pati rin si Layla! Kaya nga naiintindihan niya kung bakit ganun kaclose sina Hayden at Layla kasi ganun na ganun din sila ni Elliot. Hindi maiwasang maalala ni Elliot yung araw na sinakal niya ng mahigpit at muntik niya ng mapatay si Hayden.Noong nagkita sila kanina, hindi siya tinignan nito kahit isang beses. Halatang iniiwasan siya nito. Sigurado si Elliot na sobrang natraumatize niya yung bata. At hanggang ngayon ay sob
Halos himatayin si Avery nang makita niya ang mga headline.Hindi ito ang unang beses na naging trending ang pangalan niya pero hindi niya maintindihan kung anong mararamdaman at magiging reaksyon niya dahil may mga nag upload din ng picture ng dalawang bata!Nakatalikod naman ang dalawa pero ganun pa rin yun!Dahil sa picture na kumalat, hindi na ganun kahirap na makilala ang mga anak niya kapag nasa labas ang mga ito!At ang pinaka malala sa lahat ay pinangalanan din ang preschool ng mga ito!Pinilit ni Avery na bumangon mula sa kinahihigaan niya. Kinakabahan siyang kumatok sa kwarto ni Mike at nang hindi siya pinagbuksan nito ay pumasok na siya ng kusa. “Mike, gumising ka!” Hinawi ni Avery ang kumot ni Mike.Buti nalang at naka suot ito ng underwear sa pagkakataong ito dahil sobrang pagsisisihan niya talaga kung hindi.“Bakit?” Antok na antok na sagot ni Mike. “Avery… ano ba yun? Bat ang aga aga mo namang manggising! Wala pa nga atang araw?” “Umaga na! Bilisan mo na bag
Hindi nakatulog si Elliot kagabi kaya ngayon siya nagbabawi pero hindi pa man din siya nakaktulog ng matagal nang mag ring ang kanyang phone. “Sir, ang sabi sa akin ni Mike gusto niya raw maghanap ng katulong na makakatulong kay Avery kaya sinabi ko sakanya na tutulungan ko siya.”Kinausapo ni Elliot si Chad kagabi na bantayang maigi si Avery at gamitin ang relasyon nito kay Mike para makakuha ng mga update kay Avery. Hindi naman tumanggi si Chad kasi matagal niya na rin naman talagang gusto na magka ayos sina Elliot at Avery.Isa pa, alam din naman ni Chad na ginagawa yun ni Elliot bilang isang responsableng tatay.“Ah. O sige. Ako na bahala.” Sagot ni Elliot. “Isa pa po pala… Nagtrending kanina si Avery kasi may isang entertainment news company ang nag post ng picture nina Hayden at Layla. Ang sabi sa headline single mother daw si Avery at sobrang kumplikado ng buhay niya….” Nireport ni Chad ang lahat ng nalaman niya kay Mike kanina. Kumunot ang noo ni Elliot at sumagot,
Natakot si Shea na baka magalit sakanya si Layla kaya nagpaliwanag siya, “Ang kuya ko ang bumili niyan para kay Avery.”Sinarado ni Avery ang kahon at tinignan si Elliot na may nanlilisik na mga mata, “Anong ibig sabihin nito?”Nakutuban ni Mike na mukhang mag aaway nanaman ang dalawa kaya nagmamadali niyang hinila si Shea at ang dalawang bata palabas ng bahay. Hindi mabuti para sa mga bata na palaging nakikitang nag aaway ang mga magulang nito. Pagkalabas nila ng bahay, muling nagpaliwanag si Shea kina Layla at Hayden, “Yung kay Avery lang ang binili ng kuya ko. Ako ang bumili ng sainyo kaya bawal niyo akong tanggihan” “Oo naman!” Masayang binuksan ni Layla ang regalong hawak niya. Samantalang si Hayden ay nakatitig sa direksyon ng sala.“Relax ka lang, Big H! Buntis ang mommy mo sa walang kwentang yun kaya sigurado ako na hindi niya kayang awayin ang mommy niyo ngayon!” Pagpapanatag ni Mike kay Hayden. “Tara maglaro nalang tayo!” “Hindi ako sasama.” Sagot ni Hayden. So
Ilusyon niya lang pala ang lahat!Mangiyak-ngiyak ang mga mata na tumayo mula sakanyang kinauupuan. “Wag ka ng babalik dito.” Walang emosyong sabi ni Avery habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Elliot. “Sigurado naman ako na hindi mo nakalimutan kung anong ginawa mo sa anak. Hindi lang siya nagsasalita pero alam ko na sa tuwing nakikita ka niya, naalala niya yun.”Napalunok si Elliot. “Ang nakikita mo lang ay yung ginawa ko sakanya, pero natanong mo ba siya kung anong sinabi niya sa akin?”“Kahit ano pang sinabi niya sayo, bata yun. Hindi mo ba talaga kayang ikontrol ang galit mo at kailangan mo talagang gumamit palagi ng pwersa?”Tama si Avery!At aminado si Elliot na nagkamali siya! “Oo! Kasi masama akong tao, diba?” Nangigil na sigaw ni Elliot. “Hindi mo na kailangang sabihin sa akin kasi matagal ko ng alam yan.” Nanlilisik ang mga mata ni Avery habang nakatitig kay Elliot. Hindi galit ang naeamdaman ni Elliot kundi lungkot. Habang tumatagal, lalo siyang nawawa
Umupo si Ben para pakinggan ang hinaing ni Elliot. “Oo bro naniniwala ako sayo na napilitan ka lang sa lahat ng mga nangyari sainyo ni Zoe pero dahil kay Shea yun at walang kinalaman dun si Avery. Isa pa bro, hanggang ngayon wala pa ring ideya si Avery sa kung ano ba talaga ang relasyon niyo ni Shea kaya hindi ko rin siya masisisi kung bakit sobrang nasaktan siya. Kumunot ang noo ni Elliot at tinignan si Ben ng diretso sa mga mata, “Ano sa tingin mo ang relasyon namin ni Shea?” Natawa si Ben. “Pinapahula mo ba ako?” “Alam ko namang alam mo na.” Cofident na sagot ni Elliot. “Kilalang kilala mo ako, bro.”“Nasaktan ka ba na hindi nagtitiwala sayo si Avery?” Malakas ang kutob ni Ben na lalo pang mag aaway sina Elliot at Avery sa paglipas ng mga araw.“Halata ba? Kaya nga palagi kaming nag aaway, diba?”Hinimas ni Ben ang kanyang baba at sumagot, “Hindi lahat ng tao ay kasing kalmado at kasing lawak mo mag isip. Pero bro iba kasi talaga sa pag ibig. Diba nagselos ka rin naman
Malakas ang kutob ng bodyguard na may malaking gulo na magaganap. Kaya agad-agad niyang tinext si Mike para ibigay ang kanilang location![Maghaharap si Miss Tate at Wanda Tate! Pumunta ka kaagad dito kapag nabasa mo ‘to!]Halos malaglag ang panga ni Mike sa sobrang gulat nang makita ang location na sinend ng bodyguard.‘Ilang beses nag suka si Avery kaninang umaga at dalawang kutsara na nga lang ang kinain niya, hirap na hirap pa! Ni hindi nga siyamakabangon tapos ang lakas ng loob niyang sugurin si Wanda Tate?!’Walang pagdadalawang isip na kinuha ni Mike ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadaling lumabas ng office. Sa kabilang banda, sobrang kalmadong umakyat ng stage si Avery.Kinuha niya ang mic sa host at humarap kay Wanda. “May tanong ako sayo, Madam Tate,” Confident na sabi ni Avery. “Faye Johnson ba ang pangalan ng assistant mo?”Tumaas ang isang kilay ni Wanda, “Parang ang layo naman ata ng tanong mo sa topic natin.”“Paanong malayo? Hindi ba mga advantage ng
Sa pagkakataong yun, hindi na kinaya ni Chad na itago kay Elliot ang totoong nangyari. “Pinuntahan kasi ni Avery si Wanda kanina tapos tumilapon si Avery kasi tinulak siya ng bodyguard ni Wanda.”Kaninang umaga, nireport ni Chad kay Elliot na ang assistant ni Wanda ang may kagagawan sa naging scandal ni Avery. Sobrang nagalit si Elliot at sinigurado niya sa kanyang sarili na may kalalagyan si Wanda. Hindi naman niya inakala na ganun kabilis kikilos si Avery. Nang marinig ni Chad ang buntong hininga ni Elliot, bigla siyang kinabahan. “Sir… aksidente lang po ang nangyari…. Walang kasalanan si Avery…Wala rin naman siyang plano na ipahamak ang bata… Sa tingin ko sobrang nalungkot lang talaga siya sa nangyari kaya sana wag mo siyang awayin kapag…Hindi pa man din nakakasagot si Chad, ibinaba na ni Elliot ang tawag. Mula ng maging magkasintahan sina Chad at Mike, medyo nagiging bias na si Chad kay Avery. Oo, sobrang nag aalala si Elliot para sa bata, pero hindi naman ibig sabih