Share

Kabanata 468

Halos himatayin si Avery nang makita niya ang mga headline.

Hindi ito ang unang beses na naging trending ang pangalan niya pero hindi niya maintindihan kung anong mararamdaman at magiging reaksyon niya dahil may mga nag upload din ng picture ng dalawang bata!

Nakatalikod naman ang dalawa pero ganun pa rin yun!

Dahil sa picture na kumalat, hindi na ganun kahirap na makilala ang mga anak niya kapag nasa labas ang mga ito!

At ang pinaka malala sa lahat ay pinangalanan din ang preschool ng mga ito!

Pinilit ni Avery na bumangon mula sa kinahihigaan niya.

Kinakabahan siyang kumatok sa kwarto ni Mike at nang hindi siya pinagbuksan nito ay pumasok na siya ng kusa.

“Mike, gumising ka!” Hinawi ni Avery ang kumot ni Mike.

Buti nalang at naka suot ito ng underwear sa pagkakataong ito dahil sobrang pagsisisihan niya talaga kung hindi.

“Bakit?” Antok na antok na sagot ni Mike. “Avery… ano ba yun? Bat ang aga aga mo namang manggising! Wala pa nga atang araw?”

“Umaga na! Bilisan mo na bag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status