Share

Kabanata 368

Naiinis na sinabi ni Elliot sa sarili niya, “Ano Hayden Tate, gusto mong maging tatay ko? Ha ha! Nakakatawa. Pero bilib talaga ako sayong bata ka… Sobrang lakas ng loob mo!”

Ang kutob ni Elliot ay malamang nagalit si Hayden dahil alam nitong hindi siya umuwi kagabi kaya hindi ito nakatulog at dahil dun, hinack nananaman nito ang system nila.

Naintindihan niya kung bakit nagalit si Hayden pero habang iniisip niya kung gaano niya ito napikon, natatawa siya.

“Mr. Foster, tatawag na po ba tayo ng pulis?” Tanong ni Chad.

Nagpatuloy si Elliot sa pagbaba ng hagdan at pasinghal na sumagot, “Anong ginagawa ng ating network security department?”

“Sinusubukan po nilang ayusin ang system natin sa lalong madaling panahon.”

“Gaano daw katagal?”

“Bandang tanghali daw po.”

“Hindi tayo tatawag ng pulis.”

“Okay po. Mr. Foster, sa tingin niyo po ba si Hayden nanaman ang nasa likod nito?”

“Hindi.”

Hindi napigilan ni Chad na matawa. “Mukhang genius talaga yung batang yun! Hinigpitan na nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status