Naiinis na sinabi ni Elliot sa sarili niya, “Ano Hayden Tate, gusto mong maging tatay ko? Ha ha! Nakakatawa. Pero bilib talaga ako sayong bata ka… Sobrang lakas ng loob mo!” Ang kutob ni Elliot ay malamang nagalit si Hayden dahil alam nitong hindi siya umuwi kagabi kaya hindi ito nakatulog at dahil dun, hinack nananaman nito ang system nila. Naintindihan niya kung bakit nagalit si Hayden pero habang iniisip niya kung gaano niya ito napikon, natatawa siya.“Mr. Foster, tatawag na po ba tayo ng pulis?” Tanong ni Chad. Nagpatuloy si Elliot sa pagbaba ng hagdan at pasinghal na sumagot, “Anong ginagawa ng ating network security department?”“Sinusubukan po nilang ayusin ang system natin sa lalong madaling panahon.”“Gaano daw katagal?”“Bandang tanghali daw po.”“Hindi tayo tatawag ng pulis.”“Okay po. Mr. Foster, sa tingin niyo po ba si Hayden nanaman ang nasa likod nito?”“Hindi.”Hindi napigilan ni Chad na matawa. “Mukhang genius talaga yung batang yun! Hinigpitan na nga
Nang makapasok na, sinagot ni Rosalie ng phone. “Hello, kilala mo ba si Elliot Foster? Ako ang nanay niya.”“Hello, Madame Rosalie. Pwede ko po bang malaman kung bakit niyo ako kinontak?” Sagot ng nasa kabilang linya. “May estudyante kayo na ang pangalan ay Hayden Tate, tama?” “Opo.”“Kailangan ko ng kahit ilang piraso lang buhok niya. Kahit magkano, magsabi ka lang. Ibibigay ko.” Hindi maintindihan ng kausap niya kung anong ibig niyang sabihin. “Bakit po kailangan niyo ng buhok niya? HIndi naman po sa ayaw ko kayong tulungan pero mukhang hindi niyo po kilala ang batang yun. Hindi nga po kami makalapit sakanya at yung kapatid niya lang po ang nakakahawak sakanya.”Hindi naisip ni Rosalie na hindi pala ganun kasimple ang kanyang ideya.“Mag isip ka ng paraan! Kung hindi mo kayang makakuha ng buhok niya, kahit dugo nalang! Magiging matapat na ako sayo, yung nanay ng batang yun ay ex wife ng anak mo…at nakaramdam ako ng lukso ng dugo sa batang yun. Kaya parang awa mo na. Tulunga
Nang sandaling maayos na ang network ng kumpanya, agad-agad itong nireport ni Chad kay Eliiot sa office nito. “Mr. Foster, pinapabigay po ito ng Network Security Department sainyo.” Sabi ni Chad habang inilalapag ang isang tumpok ng mga dokumento sa lamesa ni Elliot. Tinignan ni Elliot ang dokumento at nagtanong, “Ano yan?”“... Sa tingin ko ito ang mga code ng malware na ginamit ni Hayden Tate.” Sinilip lang ni Chad ang mga dokumento pero hindi siya nagtangkang basahin ang mga ito.Nang buksan niya ang file may mga salitang nakatago sa code na nagsasabing, [Si Elliot ay tanga.]Kumunot ang noo ni Elliot, at nilipat sa kasunod na page.[Nahulog si Elliot Foster sa ilog habang nagmamaneho!]Sa pangatlong page, [Naubusan na ng tissue si Elliot Foster habang dumudumi sa CR], at sa pang apat na page [Nabulunan si Elliot Foster ng tinapay.]…Tumayo si Elliot at nilagay tumpok ng dokumento sa shredder. Galit na galit ang itsura niya pero hindi siya nagsasalita. Kahit ano pa mang
Isa lang naman ang punto ni Elliot at yun ay kung magkakaanak man siya, gusto niya kay Avery lang at wala siyang pakielam kung namatay man ang anak niya sa ibang babae dahil umpisa palang naman ay ayaw niya na talaga ito.“So gusto mo si Avery lang ang magdala ng anak mo?” Tukso ni Ben. “Oo.” Gulat na gulat si Ben at halos mabitawan niya ang tasang hawak niya. “Gusto mo talaga siyang anakan?” “Sabi ni Zoe, ipaghiganti ko daw ang anak namin.”“So gusto mong buntisin si Avery kasi naghihiganti ka sakanya?” Hindi makapaniwala si Ben. “Nako baka mamatay pa si Zoe kakaiyak kapag nalaman niya na ganyan ka maghiganti kay Avery.”“Nasa saakin na kung paano ako maghihiganti sakanya.”“Willing ba si Avery?” Pangiintriga ni Ben. May dalawang anak na si Avery, at kahit na ampon lang si Hayden, nakita ni Ben kung paano ito itrato ni Avery na parang tunay nitong anak. Kaya sa tingin niya ay wala ng interes si Avery na magkaanak ulit. “Ayaw niya.” Nanggigil na sagot ni Elliot. “Galit n
Nang makita niya kung gaano ito kasaya sa picture, biglang may kumirot sa puso niya. Ang tagal na rin noong huling beses itong numiti sakanya. Mahigit kumulang limang taon na ang nakakalipas. Sa wedding dress shop, isinoli ni Avery ang wedding dress na sinukat niya at bumili ng isang kulay light purple na dress na gagamitin niya para sa kasal ni Tammy. “Malapit na akong mag thirty at hindi na ako makakasuot ng mga ganitong klaseng dress kaya hanggat pwede pa, mga ganitong dress na ang bibilhin ko.”“Avery, sa itsura mong yan, maniniwala ang kahit sino kapag sinabi mo twenty ka lang. Hindi ka naman tatanda kaagad kapag nag thirty ka na kaya relax ka lang diyan at ienjoy mo ang pagkabata mo hanggang sa gusto mo!” “Napaka sweet mo naman! Kaya baliw na baliw sayo si Jun eh.” Nakangiting sagot ni Avery. “Hoy, sobrang swerte niya kaya sa akin!” Pagkatapos sukatin ang dress na inorder niya, masayang sinabi ni Tammy, “Oh, pwede na akong ikasal ngayon! Siya nga pala, malapit na ang bir
Pumuwesto sina Avery at Tammy sa may bintana para maganda ang view nila. “Mommy!” Magkahawak ang kamay nina Layla at Hayden na tumakbo papunta kay Avery.Isa-isang binuhat ni Avery ang mga bata at inupo sa couch. “Kamusta ang kindergarten? Masaya ba?”Umiling si Layla. “Mommy, sabi ng teacher namin, kailangan daw tusukin yung daliri namin next week. Natatakot ako…”“Blood test ang tawag dun. Ichecheck lang nila ang blood sugar natin.” Sagot ni Hayden.Nang maintindihan ni Avery kung ano ang tinutukoy ni Layla, agad-agad niya itong kinomfort, “Wag kang matakot, baby. Kurot lang yun.”Hindi na sumagot si Layla dahil naagaw ng cake na nasa lamesa ang kanyang atensyon.“Mommy, sinong may birthday? Si tita Tammy?”Nakangiting umiling si Tammy. “Icecelebrate na natin ng maaga ang birthday niyong dalawa. Surpriiiise!” Inilabas niya ang dalawang regalo at binigay sa kambal. “Wooow!” Excited na kinuha ni Layla ang regalo at nagpatuloy, “Thank you, tita Tammy! I love you so much!” “
Noong sumulpot si Elliot, susubo sana ng cake si Avery pero nang makita niya ito ay halos maputol niya ang plastic na tinidor na kanyang hawak. Bakit ba palagi nalang silang pinagtatagpo kahit sa mga pinaka imposibleng pagkakataon?!Kumunot ang noo ni Tammy, “What a coincidence, Mr. Foster. May meeting kayo dito?”Sarcastic na kumaway si Tammy sa mga kasama ni Elliot, at kumaway at ngumiti din naman ang mga ito bilang respeto. Tinignan ni Elliot ang cake na nasa lamesa, pagkatapos tinignan niya rin ang dalawang bata na para bang gulong gulo siya sa mga nangyayari. “Birthday niyo ngayon?”Sa pagkakaalala niya, April 13 ang birthday ni Hayden at hindi ngayon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery. Kaya nga ayaw niyang mag party ang dalawang bata dahil natatakot siya na mag suspetya si Elliot pero kapag nagbiro nga naman ang pagkakataon…. Talagang nakita pa sila nito habang sikreto silang nagcecelebrate ng birthday ng dalawa!Nang tignan ni Elliot si Avery, sigurado siya na n
Simple lang ang message. Gusto nitong parusahan nanaman siya. Inis na inis na sumagot si Avery, [Hindi pwede ngayong gabi.]Mabilis na nagreply si Elliot, at ramdam na ramdam ni Avery ang galit nito nang mabasa niya ang reply nito. [Hindi ako nakikipag negotiate sayo. Inuutusan kita.]Ilang segundo ring nakatitig si Avery sakanyang phone bago niya nakaisip ng isasagot. [Nakalimutan mo na ba na nagkakaregla ang mga babae? Gusto mo pa rin kahit may dugo?][Sinusubukan mo ba ako?] Reply ni Elliot. .Hindi na sumagot si Avery. Sa mga ibang pagkakataon, hindi siya natatakot na hamunin si Elliot, pero ngayon, alam niyang seseryosohin nito na gusto nitong makipag talik sakanya kahit pa sabihin niyang may regla siya.…Sa second floor ng restaurant, inilapag ni Elliot ang kanyang phone nang hindi na nagreply si Avery.Sobrang tahimik ang lahat noong nagtetext siya, at bumalik lang ang usapan noong oras na ilapag niya ang kanyang phone.“Mr. Foster, yung babae po sa baba, siya po