Kinabukasan, maagang pumunta si Elliot sa intensive care unit ng Elizabeth Hospital.Pagkatapos kainin ang ang soup na ginawa ni Mrs. Scarlet kagabi, biglang inantok ng sobra si Shea kaya nakatulog siya kaagadPagkagising niya kinaumagahan, walang buhay ang kanyang mga mata hanggang sa dumating si Elliot. “Kamusta ang na ang pakiramdam mo, Shea? Masakit pa ba ang ulo mo?”Sobrang kalmado ng boses ni Elliot kaya napanatag kaagad si Shea.“Kuya, bakit hindi ako binibisita ni Avery?” Malungkot na tanong ni Shea. Biglang kumunot ang noo ni Elliot at naging seryoso ang tono ng kanyang boses. “Hindi ka niya dadalawin, Shea kaya kalimutan mo na siya at ang mga anak niya.”Dahil sa sinabi ni Elliot, lalong nalungkot si Shea. “Bakit ba walang naniniwala sa akin? Si Avery talaga ang kumausap sa akin… sobrang dami niya ngang tanong eh…” Habang pinakikinggan ang kapatid, magkahalong lungkot at awa ang naramdaman ni Elliot para rito. “Hindi naman sa hindi ako naniniwala sayo. Sigu
Walang ideya si Mike kung saan pumunta si Avery, pero naiwanan nito ang phone nito sa lamesa! Ito na ang pagkakataon niya! Nagmamadali niyang kinuha ito at binuksan ang listahan ng mga naka block na number. Huh?!Wala ang pangalan ni Elliot!Bago pa siya maabutan, nagmamadaling binalik ni Mike ang phone sa lamesa at nagpanggap na walang nangyari. Sakto, bumalik na si Avery.“Anong sabi ng Sterling Group?” Tanong niya habang naglalakad papasok. Bago siya bumalik sa lamesa niya, kumuha muna siya ng isang baso ng tubig at uminom. “Hindi daw nila ibabalik ang mga drone.” Sagot ni Mike. “Wala ka rin namang balak pilitin sila na ibalik kung ayaw talaga nila, diba?”Inilapag ni Avery sa lamesa ang basong hawak niya at tinitigan si Mike ng diretso sa mga mata, “Kilalang kilala mo talaga ako. Kung ayaw nila, edi wag. Wala akong panahon para makipag negotiate sakanila.”Nag thumbs up si Mike kay Avery. “Mag’wire ka ng mahigit seven and half million dollars sa account nila!” Pagpa
Umalis kaagad si Elliot pagkatapos ng dinner para puntahan si Shea. Hindi nagtagal, umalis na rin ang iba pa nilang mga kamag-anak.Pagkapasok ni Rosalie sa kwarto niya, palihim na pumuslit si Cole sa kwarto ni Zoe.Mula nang malaman ng publiko ang tungkol sa pagbubuntis si Zoe, sa mansyon ng mga Foster na siya tumira. “Kakaiba ka talaga, Doctor Sanford!” Pumapalakpak na sabi ni Cole pagka’lock niya ng pintuan. “Kinaya mo ang uncle ko! Ano? Tatawagin na ba kitang Tita Zoe?”“Oo naman. Kapag na engage na kami, magiging fiance na niya ako at sa palagay ko wala namang pinagkaiba ang fiance sa asawa, diba?” Abot-tenga ang ngiti ni Zoe habang nagsasalita sa sobrang saya. pend on the kid to get my uncle's inheritance!"“Congratulations! Umpi…” Biglang natigilan si Cole at napalitan ang saya niya ng pag’aalala. “Hindi naman siguro pagsususpetyahan ng tito ko na hindi niya anak yan diba? Alam mo na… ang batang yan nalang ang pag asa natin para makuha natin ang mana ng uncle ko!” M
“Hindi ba pwedeng ang bodyguard at yaya niya muna ang magbantay sakanya ngayong gabi? Ang tagal na noong huling beses tayong nag’inom!” Pagpilit ni Ben, sabay lapit sa tenga ni Elliot para bumulong, “Nag’ibang bansa daw si Avery.”Biglang natigilan si Elliot. At ngayon gusto na niyang uminom. Nagbook si Ben sa rooftop restaurant. Nakatayo ang dalawa sa railing na may mga hawak na bote ng wine habang pinagmamasdan ang kalangitan. Walang nagsasalita sakanila noong una, pero pagkatapos nilang maubos ang unang bote, si Ben na ang naunang nagsalita para basagin ang katahimikan, “Aminin mo nga bro. Kaya ka ba pumayag sa engagement niyo ni Zoe bilang kabayaran sa naging success ng treatment ni Shea?”“Gusto ng mommy ko na pakasalan siya. Sabi rin ni Avery na si Zoe nalang ang isipin ko. Maliit na porsyento lang ang tungkol sa treatment ni Shea.Tumingala si Elliot para tignan ang mga bituin at nagpatuloy, “Desidido na talaga si Avery na tapusin ang lahat ng namamagitan sa amin at t
Sa master’s bedroom, mahimbing na natutulog si Avery para makabawi sa naging jetlag niya. Kaninang alas sais ng umaga pa siya nakarating. Nagmamadaling tumakbo si Layla at hinawakan ang kamay ng kanyang mommy. Umiiyak siya habang ginigising ito, “Mommy! Mommy! Gumising ka! May kailangan akong sabihin sayo! Bilisan mo!” Nang marinig ang boses ng anak, pinilit ni Avery na imulat ang kanyang mga mata. “Mommy, sabi ni Shea mamatay na daw siya. Alam kong kaya mo siyang pagalingin. Please Mommy, iligtas mo siya!” Pagmamakaawa ni Layla. Biglang napabangon si Avery. At doon niya nakita si Shea na nakatayo sa likod ni Layla. Huminga siya ng malalim at gusto niya sanang tumanggi pero hindi niya rin alam kung bakit pero ibang mga salita ang lumabas mula sakanyang bibig, “Paano mo naman nasabing mamatay ka na Shea?”Nang makita ni Mrs. Scarlet na hindi makasagot si Shea, siya na ang nagsalita para rito, “Mula nang matapos itong nakaraan niyang surgery, palagi nalang siyang nanghihina.
Mae’engange na sina Elliot at Zoe next week. At bilang ex-wife ni Elliot, ayaw naman ni Avery na magkagulo pa nang dahil sakanya. Alas tres na nang matapos ang check up ni Shea at umuwi na sila ni Mrs. Scarlet sa mansyon ni Elliot. Habang si Avery naman ay dumiretso sa Tate Industries.Sa loob ng isang linggong nawala siya, tagumpay nilang nairefund ang lahat ng mga drone na ibinalik. Dahil sa scandal, lahat ng mga order na naka pending ay sunod-sunod na nag’cancel.Sobrang laki na ng naligi nila sa pagrerefund, at ngayon ay mukhang nagdedelikado pang wala ng mag’order sakanila ulit dahil wala ng tiwala sakanila ang mga tao. Kahit saang kumpanya, sobrang laking dagok nito.Dahil sa sitwasyon nila ngayon, mukhang kakailanganin nilang magdeclare ng bankruptcy ng wala sa oras. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na mawalan ng trabaho ang mga empleyado ng Tate Industries…Pagkarating ni Avery sa office, sinalubong kaagad siya ng mga department head. “Miss Tate, ano pong
Binaba ni Elliot ang tawag nang may mga nanlilisik na mga mata at walang anu-ano, umalis siya ng kanyang office para umuwi. Hindi basta-bastang nakakakuha ng sleeping pills. Saan nanggaling yun?Pagkarating ng itim na Rolls-Roice, nagmamadaling inalalayan ni Mrs. Cooper si Shea papunta sa kwarto nito. Habang si Mrs. Scarlet naman ay sinalubong si Elliot para ibigay ang resulta ng mga test na ginawa kay Shea. “Dinala mo si Shea sa ospital para mag pacheck up?” Nagtatakang tinignan ni Elliot si Mrs. Scarlet. Sobrang natatakot si Mrs. Scarlet kaya umiwas siya ng tingin. Nangako siya kay Avery na hindi niya sasabihin kay Elliot na ito ang nagcheck up kay Shea dahil ayaw daw nitong magkagulo. “Si Miss Tate po,” Sa sobrang takot, hindi na kinaya ni Mrs. Scarlet at nadulas siya. “Si Shea po ang nagpumilit na makita ang mga anak ni Miss Tate kanina…”“Nakauwi na si Avery?” Tanong ni Elliot, na hindi na pinatapos si Mrs. Scarlet sa pagpapaliwanag.“Umuwi po siya kaninang umaga
Nadatnan niya si Shea na nagliligpit ng gamit. Inaalalayan ito ni Mrs. Cooper. Nang makita nag kapatid, napalunok si Elliot at sobrang nakonsensya siya dahil sa tuwing sinasbai sakanya ni Shea na nahihilo ito, wala siyang ibang sinabi kundi ang magpahinga ito. Hindi niya naman alam na umiinom pala ito ng sleeping pills. At kung hindi siguro ito chineck up ni Avery, baka hanggang ngayon ay wala silang ideya sa totoong nangyayari sa kapatid niya. Sobrang nagpapasalamat si Elliot kay Avery pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin dito.Kinabukasan, maagang pumunta si Mrs. Cooper sa bahay ni Avery. Hindi ito inaasahan ni Avery pero walang pagdadalawang isip niya itong pinapasok sa loob. “Pasensya ka na kung hindi na ako nakapag sabi na pupunta ako.” Nakangiting sabi ni Mrs. Cooper habang inaabot ang dalawang container na puno ng pagkain. “Gumawa ako ng paborito mong atsara, gusto lang kitang dalhan para matikman mo.”“Salamat! Peo bakit ang aga mo naman pumunta?” Binig