Sinabi ni Mike sa mga bata ang tungkol sa kamatayan ni Laura habang sila ay kumakain ng agahan sa Starry River Villa.“Alam kong malungkot kayo, ako rin ay malungkot ngunit wala na ang inyong lola. Sana ay maging malakas kayo para sa inyong ina dahil labis siyang nalulumbay ngayon. Kung malungkot kayo, mas lalong naghihinagpis ang inyong ina.”Niyakap at hinalikan niya ang mga bata.Hindi kinayanan ni Layla ang balita. Naiyak siya at nanginginig ang kanyang labi. Sinabi niya nang mahina, “Nasan si lola… Gusto ko makita si lola…”Basa rin ang mga mata ni Hayden ngunit mas malakas siya kumpara kay Layla. Niyakap niya ang kanyang kapatid. “Layla, ‘wag kang umiyak. Nandito ako kasama mo.”“Ayaw kong mahiwalay kay lola. Kapag wala si lola, paano na tayo?” Ramdam ni Layla na parang mahahati ang langit ngayong wala na ang kaniyang lola. Si Laura ang naghahatid sa kanya sa paaralan, nagluluto ng masarap na pagkain, at kasama niya lumabas upang maglaro.“Layla, huwag kang matakot. Kahit w
"Magpapadala pa ako ng tauhan. Bente-kwatro oras silang magta-trabaho," sinabi ng kapitan bago baguhin ang usapan. "Narinig ko na buntis pala ang girlfriend mo. Binabati kita!""Ayoko ng bata." Medyo nandilim ang mukha ni Elliot. Ang tono niya ay naging malamig din. "Kung may mga balita pa sa kaso, sabihan mo agad ako."Tumango ang kapitan. "Sige. Kumusta si Miss Tate? Hindi maayos ang pakiramdam niya kahapon. Iniisip ko tuloy kung ayos lang ba siya ngayon."Dumilim ang titig ni Elliot. Ang mga labi niya ay mahigpit na gumuhit. Tumayo siya mula sa sofa at umalis. Hindi niya kayang sagutin ang tanong na iyon. Nasa labas siya ng operation theatre noong nakaraang gabi, pero tinawagan siya ng kanyang ina, at hindi na siya nakapasok. Ang pagbubuntis ni Zoe ang gumugulo sa isip niya. Hindi niya maharap ito, o kahit si Avery. Natulog si Avery sa tanghali malayo sa silid. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Bago pa pumasok ang paghihinagpis sa isip niya, narinig niyang na
Ala siyete ng umaga, dahan-dahang pumarada ang itim na Rolls-Roice sa patyo. Hindi natulog buong gabi si Mrs. Cooper. Nang nakita niya ang pagbalik ni Elliot, nagmadali siya sa pintuan. Sinabi niya kay Shea ang katotohanan kagabi, at naging balisa si Shea. Sinisi niya ang sarili niya dahil dito. Hindi na maibabalik ang mga bagay na sinabi. Pumasok si Elliot kasama ang malamig na bugso ng hangin. "Master Elliot, may nagawa akong maling bagay. Pakiusap ay parusahan mo ako." Sinundan ni Mrs. Cooper si Elliot. Nanigas si Elliot. Tiningnan niya si Mrs. Cooper nang pula ang mata. "Sinabi ko kay Shea kagabi ang tungkol sa kung paano ka tinakot ni Dr. Sandford, at ngayon ay ayaw nang magpagamot ni Shea." Yumuko si Mrs. Cooper. "Kasalanan ko! Hindi ko dapat sinabi sa kanya 'yon!""Bakit mo sinabi sa kanya kung ganoon?" tinaas ni Elliot ang kanyang mga kilay. Madilim ang mukha niya. "Sinabi niya na umaasa siyang magkatuluyan kayo ni Avery, kaya hindi ko nang napigilan na sabihin s
Lumabas si Avery sa kwarto ni Laura. Nang nakita siya ni Mike, akala niya ay nakakita siya ng multo. Hindi pa siya nakakita ng sinag ng araw noong nakaraang mga araw. Maputla siya at mukhang pagod. Higit pa 'ron, halos hindi pa siya kumakain. Mukhang namamayat siya. Nang nakita siya ng mga bata, napahinto rin sila. Bumaling si Avery at pumasok sa kwarto niya. Agad siyang hinabol ni Mike. "Avery, huwag mong sabihin sa akin na papasok ka sa trabaho?" hula ni Mike. Kinuha ni Avery ang isang set ng mga damit sa kanyang aparador at tumungo sa banyo. "Dito ka lang sa bahay kasama ang mga bata. Ako ang pupunta sa opisina para tingnan ito.""Oh, kung ganoon ako ang mananatili sa bahat at magbabantay sa mga bata sa hinaharap?" tanong ni Mike. Umiling si Avery. "Kukuha ako ng mga bodyguards.""Hindi ba dapat yaya?""Hindi na kailangan." Plano ni Avery na siya ang mag-aasikaso ng mga kailangan ng mga anak niya. Kailangan lang mga bodyguard para ihatid sila sa paaralan at sunduin sila
Hinigpitan ni Avery ang hawak sa baso. Hindi siya interesado sa mga sinasabi ni Wanda tungkol kay Elliot. "Nasa kulungan ang kapatid mo. Paano siya nakakuha ng tao?" Tumingin siya kay Wanda at sinabi, "Ikaw ang gumawa, hindi ba?"Nanatili ang ngiti sa mukha ni Wanda, "Avery, hindi ka dapat naninirang-puri! Sa Aryadelle, ang pagpatay ay isang krimen na kamatayan ang kapalit! Pati rin ang pagkuha ng tao para pumatay! Iyon ang sinabi mo sa akin noon. Paano ko naman gagawin ang bagay na ganoon?"Parang sinasabi niya, "Hindi ako tanga! Kahit na ginawa ko 'iyon, hindi ko aaminin ito."Tumalsik ang kape sa loob ng baso dahil sa higpit ng hawak ni Avery sa baso. "Alam mo ba kung bakit ako nakipagkita sa'yo?" Binitawan ni Avery ang baso ng kape. Malamig na bumaling si Wanda kay Avery. "Avery, patay na ang mama mo. Wala nang kabuluhuhan kung guguluhin mo pa ako tungkol dito. Sinabi ko na hindi ko ginawa 'yon, ibig sabihin ay hindi ko talaga ginawa. Kahit patayin mo pa ako, hindi ko-"
Hindi nakapagsalita si Mike. "Isa. Dalawa..." nagsimulang magbilang si Avery. Namula ang mukha ni Mike. "Avery! Sige, panindigan mo ang sariling gulo mo! Iiwanan na kitang mag-isa."Tapos ay umikot siya at iniwan ang istasyon ng pulis. Paglabas sa istasyon, tinawagan ni Mike si Chad. "Chad! Nandiyan ba ang boss mo? Hinahanap ko siya!" Nakatayo si Mike sa labas ng istasyon ng pulis, isang malamig na hangin ang humipan sa kanya. Sobrang naagrabyado ang nararamdaman niya. Sa kabila ng nararamdaman niya, hindi niya maiwan mag-isa si Avery. Nasa espesyal na sitwasyon si Avery sa pagkakataong iyon. Habang isa ay nababalisa ng sobra, may magagawa silang bagay. Kaya niyang pumatay ng tao ngayon, pero paano kung sarili naman ang papatayin niya kinabukasan? "Kakasimula lang ng trabaho namin ngayon. Medyo abala rito. Bakit mo siya hinahanap?" Mabilis ang pananalita ni Chad. Pagkatapos niyang magtanong, napagtanto niya. "Hinahanap mo ang boss ko. May nangyari ba kay Avery?""Nasa g
"Ako na ang aayos nito," sinabi ni Elliot sa kapitan. Tapos ay hinila niya ang payat na braso ni Avery at sinabi, "Ako ang magdadala sa kanya."Simpleng tumango ang kapitan. Nang nakalabas na sila sa istasyon, inalis niya ang medyo malamig na kamay ni Elliot. Tinaas ni Elliot ang kilay niya habang nakatitig si Elliot kay Avery sa depensibong postura. "Hindi na babangon sa hukay ang mama mo kapag pinatay mo si Wanda, Avery. Ang daming paraan para maghiganti, pero mas pinili mo ang pinaka tangang bagay.""Sino ka para husgahan ako?"Tumingin si Avery sa pamilyar ngunit hindi makilalang mukha ni Elliot at umismid. "Hinuhusgahan mo ba ako bilang makapangyarihang President Elliot Foster, o dahil magiging biyenan mo na si Wanda Tate?!"Ang bawat salita na sinasabi niya ay matalim at nakakawasak. Ang hindi mabasang emosyon ay dumaan sa mga mata ni Elliot nang sinabi niya, "Kumalma ka, Avery.""Hindi ko magawang kumalma!" reklamo ni Avery, nababasag ang boses niya. "Nakikita k
Pagkatapos ng almusal, hinatid ni Avery ang mga bata sa ekskuwelahan. Si Hayden ang nagsabi na papasok siya sa parehong paaralan ni Layla. Sa ganoon, hindi na magmamaneho si Avery kung saan saan para lang sunduin at ihatid sila.Ang pakiramdam na ganito ay parang walang nagbago pagkatapos ng pagkamatay ni Laura, pero ang pakiramdam din na ito ay parang lahat din ay nagbago. "Umuusbong at nawawala ang taglamig, Avery," sinabi ni Mike habang minamaneho niya ang sasakyan sa pangunahing kalsada. "Limutin na natin ang mga hindi masasayang bagay! Araw araw simula ngayon ay babalutin ng swerte."Blangkong tumitig si Avery sa kanya. "Pwede bang magsalita ka na parang normal na tao?"Tumikhim si Mike at sinabi, "Alam kong hindi pa rin ayos ang pakiramdam mo, pero kailangan nating harapin ang hinaharap. Madaming magagandang bagay at tao na naghihintay sa'yo.""Tumingin ka sa dinadaanan mo.""Sige," tugon ni Mike, tapos ay nagpatugtog siya. Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip n