"Ako na ang aayos nito," sinabi ni Elliot sa kapitan. Tapos ay hinila niya ang payat na braso ni Avery at sinabi, "Ako ang magdadala sa kanya."Simpleng tumango ang kapitan. Nang nakalabas na sila sa istasyon, inalis niya ang medyo malamig na kamay ni Elliot. Tinaas ni Elliot ang kilay niya habang nakatitig si Elliot kay Avery sa depensibong postura. "Hindi na babangon sa hukay ang mama mo kapag pinatay mo si Wanda, Avery. Ang daming paraan para maghiganti, pero mas pinili mo ang pinaka tangang bagay.""Sino ka para husgahan ako?"Tumingin si Avery sa pamilyar ngunit hindi makilalang mukha ni Elliot at umismid. "Hinuhusgahan mo ba ako bilang makapangyarihang President Elliot Foster, o dahil magiging biyenan mo na si Wanda Tate?!"Ang bawat salita na sinasabi niya ay matalim at nakakawasak. Ang hindi mabasang emosyon ay dumaan sa mga mata ni Elliot nang sinabi niya, "Kumalma ka, Avery.""Hindi ko magawang kumalma!" reklamo ni Avery, nababasag ang boses niya. "Nakikita k
Pagkatapos ng almusal, hinatid ni Avery ang mga bata sa ekskuwelahan. Si Hayden ang nagsabi na papasok siya sa parehong paaralan ni Layla. Sa ganoon, hindi na magmamaneho si Avery kung saan saan para lang sunduin at ihatid sila.Ang pakiramdam na ganito ay parang walang nagbago pagkatapos ng pagkamatay ni Laura, pero ang pakiramdam din na ito ay parang lahat din ay nagbago. "Umuusbong at nawawala ang taglamig, Avery," sinabi ni Mike habang minamaneho niya ang sasakyan sa pangunahing kalsada. "Limutin na natin ang mga hindi masasayang bagay! Araw araw simula ngayon ay babalutin ng swerte."Blangkong tumitig si Avery sa kanya. "Pwede bang magsalita ka na parang normal na tao?"Tumikhim si Mike at sinabi, "Alam kong hindi pa rin ayos ang pakiramdam mo, pero kailangan nating harapin ang hinaharap. Madaming magagandang bagay at tao na naghihintay sa'yo.""Tumingin ka sa dinadaanan mo.""Sige," tugon ni Mike, tapos ay nagpatugtog siya. Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip n
Si Zoe ay naging ganap na nasa "child-bearing mode" pagkatapos niyang mabuntis. Ipinasawalang bahala niya rin ang paggagamot kay Shea. Kung ganoon ay hindi si Zoe ang gumamot kay Eric Santos!"Hindi ako nalinawan sa detalye," nagsisising sabi ng doktor. "Pero, ang posibilidad na magising siya sa kanyang sakit ay sobrang mababa. Sa tingin ko ay nakahanap siya ng neurologist na naging estudyante ni Professor James Hough."Pagkatapos ng tawag, agad nagpadala si Elliot ng tao para kontakin ang pamilya Santos. Iniwan ni Eric Santos sa entertainment industry noong dalawang taon, kaya walang kabuluhan ang kontak na impormasyon at address niya.Nang sumapit ang gabi, wala pa rin nahahanap ang mga tauhan ni Elliot. Narinig ni Zoe ang tungkol sa paghahanap ni Elliot nang hapunan, na siyang nagpakaba sa kanya. "Hindi pa nagiging maayos ang kalusugan ko, Elliot," sabi niya. "Sa tingin ko ay kailangan nating i-iskedyul si Shea sa pangalawang operasyon sa susunod."Lumingon si Elliot s
Nang lumabas si Wanda sa courthouse, hinarangan ni Avery ang dadaanan niya. "Ikaw na ang sunod," sabi ni Avery. Nakasuot ng light makeup si Avery, sinisigurado na maayos ang balat niya. Sa ilalim ng kanyang kalmadong pakitang tao, ang nag-aalab na poot ay hindi nabawasan. "Sige lang! Wala na ang anak at kapatid ko. Mag-ingat ka, Avery Tate!"Nagdusa si Wanda sa pagkaalog mula sa pananakit na ginawa ni Avery sa kanya sa cafe, kaya napuno siya sa galit. Hindi siya susuko, kung hindi papagitna si Elliot Foster sa kanila ni Avery!Sumakay si Avery na may matabang na ekspresyon at kinabit ang kanyang seatbelt. Binuksan ni Mike ang isang bote ng tubig at binigay ito sa kanya, tapos ay sinabi, "Hinahanap ni Elliot Foster ang doktor ni Eric Santos. Hula ko na nagpa-plano siyang sirain si Zoe Sandford. Napakalupit na tao! Buntis siya sa anak niya!"Kinuha ni Avery ang bote mula sa kanya at uminom. Ang malamig na tubig ay bumuhos sa lalamunan niya at sa kanyang katawan, pinanun
Namutla ang mukha ni Rosalie sa berdeng liwanag. Kung hindi siya hinahawakan ni Elliot, malamang ay bumagsak na siya sa gulat. Tinanggal ng staff ang power ng LED screen, at nawala ang nakakabahalang berdeng ilaw. "Anong nangyayari?!" sigaw ni Henry. "Bakit may biglang lumabas na kung ano sa screen? Paano niyo ba ginagawa ang trabaho niyo rito?!"Nagmadaling humingi ng paumanhin ang manager. "Pasensya na, Mr. Foster. Tinanong ko ang staff at sinabi sa akin na na-virus ang mga kompyuter namin. Wala kaming ideya kung paano lumabas ang mga imaheng iyon sa LED screen."Bumaling si Henry sa kanyang ina. Halos maubusan ng hininga si Rosalie. "Dali at kumuha ng bagong kompyuter. Huwag niyong hahayaan na mangyari ang ganitong bagay ulit!" utos ni Henry sa manager. Ang hindi komportableng kapaligiran sa entablado ay hindi nawala kahit umalis na ang manager. Maliban sa maliwanag na kulay, may malalim na ibig sabihin ang kulay berde. Halimbawa, sinisimbolo nito ang pagtataksil
Ang buong akala ni Elliot ay si Avery ang kasama niya kagabi!Kung alam niya lang na si Zoe yun, ni dulo ng daliri niya ay hinding hindi dadampi rito…Samantalang si si Avery naman noong gabing yun ay masayang nag dinner kasama ang mga kaibigan niya sa Golden Beach Street. Kung hindi siguro sa suporta at pagdamay ng mga kaibigan niya, hindi siya kaagad makakabangon pagkatapos mamatay ng kanyang mommy. Oo, masakit at hindi niya pa rin tanggap ang pagkawala nito pero hindi naman siya ganun ka pusok para maghiganti kaagad kay Wanda. Binigyan ni Mike ng wine si Wesley pero tumanggi ito, “May dala akong sasakyan.”Kaya binigyan nalang siya ni Avery ng juice, “Mahina ang alcohol tolerance ni Wesley. Tayo nalang ang mag’inuman, Mike!” “Aba aba! Wag mong sabihing minamaliit mo ang alcohol tolerance ko, Avery?” Sabat ni Tammy. “Alam kong manginginom ka talaga pero sinabihan ako ni Jun na bantayan ka.”“Tsk”, sagot ni Tammy sabay nakipag’toast kay Mike. “Hoy kayong dalawa… maghin
Hindi nakasagot si Avery sa naging tanong ni Wesley.Makalipas ang ilang segundo, binasag niya ang katahimikan, “Wesley, naranasan mo na bang magmahal? Siguro kung oo, maiintindihan mo kung saan ko hinuhugot ang lahat ng ginagawa ko.”Umiling si Wesley.“Ang alam ko nagiging possessive ka kapag nagmamahal.. Gusto ko sakin lang siya, gusto ko ako lang ang mahal niya.. Yung ganun.. Gusto ko kapag nagmahal ako, walang reservation.” Nakangiting pagpapatuloy ni Avery. “Nakita mo naman kung gaano niya kamahal si Shea diba? Handa niyang ibenta pati ang sarili niya para lang gumaling siya.”“Sa totoo lang, bago ko malaman ang tungkol sa kapansanan ni Shea, tinuturing ko siyang tinik sa amin ni Elliot. Pero noong nalaman ko na hindi siya normal, nawala ang lahat ng galit na nararamdaman ko para sakanya. Siyempre kaya kong operahan ulit si Shea, pero hindi ko gagawin yun.”Nakatulala lang si Wesley kay Avery. “Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Elliot kapag nalaman niya na ako ang nag’o
“Diba sabi napagusapan natin na hindi na tayo magagalit kay Shea?!” Naiinis na sagot ni Layla. Hinila ni Hayden ang kamay ni Layla at kinaladkad niya ito pabalik sa loob ng classroom. Kahit anong mangyari, matutuloy at matutuloy ang surgery ni Shea. Kahit pa puntahan sila nito para sabihing natatakot ito, wala namang magbabago dahil wala silang magagawa!‘Bakit hindi siya kay Elliot Foster pumunta?!’Bandang alas tres ng hapon, nakatanggap si Elliot ng tawag mula kay Mrs. Scarlet. “Nawawala nanaman po si Shea!” Naiiyak na report ni Mrs. Scarlet. Mahigit isang oras na po namin siya hinahanap ng bodyguard niya pero wala po talaga siya. Nahalughog na po namin ang buong Starry River pero wala daw silang Shea na nakita!”“Bakit kayo nasa Starry River?!” Pasigaw na tanong ni Elliot habang kinukuha ang susi ng kanyang sasakyan at naglalakad palabas. “Kanina pa po kasi nagmamakawa si Shea sa akin na gusto niya raw makita si Hayden… Sabi ko po hindi pwede pero nagwala siya kaya din
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan