Share

Kabanata 304

Hinigpitan ni Avery ang hawak sa baso.

Hindi siya interesado sa mga sinasabi ni Wanda tungkol kay Elliot.

"Nasa kulungan ang kapatid mo. Paano siya nakakuha ng tao?" Tumingin siya kay Wanda at sinabi, "Ikaw ang gumawa, hindi ba?"

Nanatili ang ngiti sa mukha ni Wanda, "Avery, hindi ka dapat naninirang-puri! Sa Aryadelle, ang pagpatay ay isang krimen na kamatayan ang kapalit! Pati rin ang pagkuha ng tao para pumatay! Iyon ang sinabi mo sa akin noon. Paano ko naman gagawin ang bagay na ganoon?"

Parang sinasabi niya, "Hindi ako tanga! Kahit na ginawa ko 'iyon, hindi ko aaminin ito."

Tumalsik ang kape sa loob ng baso dahil sa higpit ng hawak ni Avery sa baso.

"Alam mo ba kung bakit ako nakipagkita sa'yo?" Binitawan ni Avery ang baso ng kape.

Malamig na bumaling si Wanda kay Avery. "Avery, patay na ang mama mo. Wala nang kabuluhuhan kung guguluhin mo pa ako tungkol dito. Sinabi ko na hindi ko ginawa 'yon, ibig sabihin ay hindi ko talaga ginawa. Kahit patayin mo pa ako, hindi ko-"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status