Sobrang daming nagsski. “Nasaan na yung snow palace?” Tanong ni Avery kay Wesley. Sa sobrang daming tao, natatakot siya na baka may mangyari sa mga anak niya kaya gusto niya ng dumiretso sa snow palace para lang makita rin ng mga ito.“Dun sa dulo.” Turo ni Wesley.Nang marinig ng isa sa mga turistang nag sski ang usapan nila, nakangiti itong sumabat, “Papunta ba kayo sa snow palace? Galing kasi kami doon at sarado dahil daw may nagpareserve ngayon araw.”“Nireserve niya yung buong snow palace?” Gulat na gulat na tanong ni Wesley. “Oo! Sobrang yaman daw nung nagreserve eh! Ang nakakainis lang ay bakit naman tinaon pa sa bagong taon ang pagpapareserve. Paano naman tayong mga normal na tao lang!” Naiinis na sagot ng turista. Hiyang hiya si Wesley kay Avery, “Pwede naman siguro nating silipin. Sa tingin ko makakausap ko yung nagpareserve. Sandali langnaman tayo diba?”Malayo-layo rin ang pinanggalingan nila Avery at sobrang excited ng mga bata na makita ang snow palace kaya gus
Pagkayuko ni Elliot, nakita niya si Layla na umiinda sa sakit. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.Imposibleng nakarating doon si Layla ng mag’isa… ibig sabihin…. Nandito rin si Avery? Tinignan ni Elliot ang paligid niya at bukod kay Layla, si Hayden lang ang nakita niya. Tumatakbo ito papalapit kay Layla para tignan kung anong nangyari dito. “Okay lang ako, Hayden. Nabangga lang ako kaya masakit ang ilong ko.” Mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Layla. Sobrang kawawa ng itsura niya. Hinawakan ni Hayden ang kamay ni Layla at tumingin siya kay Elliot. Noong sanding yun… parang bang may koneksyon silang naramdaman. Hindi nagtagal, nakita ni Shea sina Hayden at Layla kaya masaya siyang tumakbo papalapit sa mga ito. “Hayden! Layla!”"Nang marinig ni Hayden, dali-dali niyang binuhat si Layla at tumakbo palayo. Nakatingin si Layla sa likod habang tumatakbo si Hayden. Bandang huli, dinilaan niya si Elliot.Hindi pinansin ni Elliot ang ginawa ni Layla, bagkus ay niyakap niya si
Tumungo si Avery.Noong pabalik na siya sa snow palace, sakto namang nakita niya si Zoe na paika-ika at patumba na sa kinatatayuan nito.. Buti nalang at mabilis kumilos si Elliot at nasalo niya ito. Nang makita ni Avery ang nangyari, bigla siyang natigilan. Pakiramdam niya ay para bang tumigil ang oras. “Dr. Sanford, okay ka lang ba?” Inalalayan ni Elliot si Zoe at halata sa mga mata nito ang pag’aalala. Nang makita ni Zoe kung gaano mag’alala si Elliot, ngumiti siya at malambing na sumagot, “Elliot, pasensya ka na. Masyado kasi akong naexcite noong niyaya mo ako kaya hindi ako nakatulog kagabi. Ayun, medyo nahilo lang ako pero okay naman ako.”Nakahinga ng maluwag si Elliot. Hindi pwedeng mapaano si Zoe! Kialangan niya ito para kay Shea!“Umuwi na tayo.” Binuhat ni Elliot si Zoe papunta sa parking lot.Hindi nagtagal, bumalik na ang staff na kausap ni Avery, “Miss, pumayag po ang manager namin sa siunabi niyo pero hinihingi niya ang contact details mo kung sakali mang magt
Boogsh!Mabilis na tumapak sa preno si Avery at tumigil ang sasakyan sa tabingkalsada.Isang aksidente? Kamatayan?Naiyak siya nang maisip niya ang isang pagsabog!“Mama, bakit ka po tumigil?” bulalas ni Layla.Kinabahan din si Hayden. “Mama, bakit ka po umiiyak?”“Mama, ano pong nangyari sa inyo? ‘Wag po kayong umiyak!” sabi ni Laylahabang nagbabadya ang mga luha. Naiiyak na rin siya.Narinig ni Avery ang mga tinig ng mga bata at huminga siya nang malalim.Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang dalawang kamay at namamaosnyang sinabi, “Iuuwi ko na kayong dalawa. Hintayin niyo ako roon. Mayroonlang akong dapat gawin.”Nasa kalsada muli ang kotse.Nagaalala pa rin sina Layla at Hayden.“Mama, ano pong nagyari? Bakit po kayo malungkot?”Napabuntong huminga si Avery at nagsinungaling na lamang, “May... nangyari sakaibigan ng inyong mama. Pag nakauwi na kayo, magbehave lang kayo. Bakalate na ako makauwi. Pag hindi pa nakauwi ang inyong tito Mike, tatawaganko siya u
Sa ilalim ng mga poste ng ilaw, nakita ni Avery ang duguang mukha ngkanyang ina. Itinaas niya ang nanginginig niyang mga kamay at inilapit sailalam ng ilong ng kanyang ina.Umihip ang hangin. Humagulgol si Avery, “Ma, alam kong hindi ka pa patay!Ipinangako mo sa akin na magkakasama tayo habang buhay! Isusugod na kita saospital ngayon! ‘Wag kang matakot! Kasama mo ako! Palagi mo akong kasama!...Noong malaman ni Chad na naaksidente si Laura, nagdalawang isip muna siyabago tawagan si Elliot.Hindi na sana iistorbhin pa ni Chad si Elliot ngunit gusto niyang malamanna mayroon man-lamang tao na katuwang si Avery.“Ginoong Foster, naaksidente ang ina ni Avery ngayong gabi. Namatay siya athindi matanggap ni Avery ang pangyayari. Dinala niya ang kaniyang ina saospital. Samantalang, binabantayan naman ni Mike ang mga bata sa bahay.Mag-isa niyang pinagdadaanan ang pagkamatay ng kaniyang ina. Sa palagay ko,mahirap ito para sa kaniya. Gusto mo bang—"“Saang ospital?” napalunok si
Isang beses pa lamang may nangyari sa kanila ni Zoe ngunit nabuntis niyaito agad?Binitawan niya ang seradura ng pinto ng operation theater.Napansin ni Chad ang pagbabago ng itsura ni Elliot. Mabilis ang tibok ngkaniyang puso. Ano ang nangyari? Bakit hindi siya pumasok para makita siAvery?“Chad, maghintay ka muna rito,” mapait na sinabi ni Elliot, “Kailangan kongbumalik.”Tumango si Chad. Hindi na siya muli pang nagtanong. Pagkaalis ni Elliot,tinulak ni Chad pabukas ang pinto sa operation theater at tumingin sa loob.Hinubad ni Avery ang kanyang jacket at inilapag sa katawan ni Laura.Napaupo at nawalan na lamang ng sigla si Avery sa tabi ng kaniyang ina.Kinuha niya ang kamay ng kaniyang ina, umiyak, at may ibinulong.Namula ang mga mata ni Chad sa nasaksihan. Sinarado niya ang pinto. Nilabasniya ang kanyang telepono, hinanap si Wesley sa kanyang contacts, attinawagan.Pagtapos niyang balitaan si Wesley ay umalis na siya sa ospital at bumalikna sa Starry River Villa.
Kaagad namang hinubad ni Mike ang kanyang jacket at isinuot kay Avery.“Bumalik ka roon!” Napupuno ng luha ang mga mata ni Avery ngunit ang kanyang boses ay malamig. “Bakit mo hinayaang magbantay ang isang estranghero sa mga bata!”Namatay ang kanyang ina. Napagdesisyunan niyang walang dapat mangyaring masama sa kanyang mga anak. Kapag may nangyaring masama sa kanyang mga anak, hindi niya na kayang mabuhay.Nakita ni Mike kung gaano kalungkot at kagalit si Avery. Magulo ang kanyang utak.“Sige na, babalik na ako! Huwag ka na umiyak!” Pinunasan niya ang mga luha ni Avery. “Hindi ko na siya dadalhin sa bahay ulit! Huwag ka na umiyak!” Galit na galit na sabi ni Mike.Habang lahat ng ito ay nangyayari, nasa ibang ospital si Elliot. Itinulak niya pabukas ang pinto sa ward. Nasa kama si Zoe at pagkakita niya rito ay kaagad tumulo ang kanyang mga luha. Lumapit si Rosalie sa pinto at pinapasok si Elliot.“Elliot, bakit ka nagpadalos-dalos? Napakalaki na ng bata ngunit ni-isa sa inyo wa
Sinabi ni Mike sa mga bata ang tungkol sa kamatayan ni Laura habang sila ay kumakain ng agahan sa Starry River Villa.“Alam kong malungkot kayo, ako rin ay malungkot ngunit wala na ang inyong lola. Sana ay maging malakas kayo para sa inyong ina dahil labis siyang nalulumbay ngayon. Kung malungkot kayo, mas lalong naghihinagpis ang inyong ina.”Niyakap at hinalikan niya ang mga bata.Hindi kinayanan ni Layla ang balita. Naiyak siya at nanginginig ang kanyang labi. Sinabi niya nang mahina, “Nasan si lola… Gusto ko makita si lola…”Basa rin ang mga mata ni Hayden ngunit mas malakas siya kumpara kay Layla. Niyakap niya ang kanyang kapatid. “Layla, ‘wag kang umiyak. Nandito ako kasama mo.”“Ayaw kong mahiwalay kay lola. Kapag wala si lola, paano na tayo?” Ramdam ni Layla na parang mahahati ang langit ngayong wala na ang kaniyang lola. Si Laura ang naghahatid sa kanya sa paaralan, nagluluto ng masarap na pagkain, at kasama niya lumabas upang maglaro.“Layla, huwag kang matakot. Kahit w