"Si Elliot ay nasa Aryadelle ngayon. Hindi natin malalaman kahit na ito ay talagang gumagana," sabi ni Sebastian sa kabila ng pananatiling tahimik sa buong oras."Haha. Kapag gumana ito, si Elliot ay makakaranas ng horibleng sakit. Hindi mo ba naisip na ang mga tauhan ni Elliot ay ipapaalam kay Avery? Kapag nalaman ni Avery na may mali kay Elliot, natural na gagawa siya ng paraan para sa bagay na ito. Hahaha!" Tuwang-tuwa si Dean sa ideya.Nagulat si Stanley. "Dean, mag-focus na lang tayo sa pagkakakitaan. Hindi naman natin kailangang gawing kalaban natin si Elliot Foster di ba?"Hindi alam ni Stanley ang katotohanan na na-scam ni Elliot ang 2.1 bilyon mula kay Dean, at hindi umamin si Dean na niloloko siya, kaya gumawa lang siya ng dahilan."May nakaraan kami ni Elliot. Si Avery at Elliot ang naglabas ng iskandalo tungkol sa akin," sabi ni Dean na madilim ang tingin. "Stanley, hindi ka maaaring maging mahiyain, hindi ba? Kung makokontrol natin si Elliot, parehong sina Elliot at A
Naikuyom niya ang kanyang panga para pigilan ang sarili na mapasigaw sa sakit.Tulog na ang mga bata at nabalot ng katahimikan ang mansyon.Walang kwenta ang paghingi ng tulong sa isang medikal na propesyonal sa kanyang kalagayan, kaya hihintayin na lamang niyang mawala ang sakit.Inakala ni Elliot na sa kalaunan ay maglalaho ito sa paglipas ng panahon... ngunit makalipas ang kalahating oras, ganoon pa rin ito kahapdi.Napaluhod siya at napasandal sa pader. Nagsimulang lumihis ang kanyang isip at ang kanyang katawan ay nanginginig na parang dahon, gayunpaman, nagngangalit siya ng kanyang mga ngipin at hindi nakagawa ng ingay.Wala siyang pakialam kung siya ay mamatay; kahit papaano ay magiging malaya si Avery, kung gayon."Mr. Jennings, kung patuloy nating i-stimulate ang utak niya, baka ma-threaten ang buhay niya kung magtatagal ito." Binabantayan ni Liam ang oras at pinaalalahanan si Dean na halos kalahating oras na.Napatingin si Dean sa phone niya. Wala pa siyang natatanggap
Nagmamadaling lumapit si Mrs. Cooper upang subukang tulungan si Elliot na makatayo, ngunit napakabigat niya para dalhin ito sa sarili, kaya't tumakbo siya pababa upang magpatulong sa bodyguard."Bakit nawalan ng malay si Mr. Foster? Nagkasakit ba siya? Tumawag ka na ba ng ambulansya?" Nagmamadaling umakyat ang bodyguard.Biglang naalala na nasa telepono pa rin siya, tumingin si Mrs. Cooper sa screen ng kanyang telepono at sinabing, "Avery, nahimatay si Mr. Foster! Kailangan ko munang tumawag ng ambulansya! Tatawagan kita ulit mamaya!"Ibinaba ni Mrs Cooper ang tawag at agad na tinawagan ang linya ng emergency.Hindi nagtagal, isinugod si Elliot sa ospital.Wala si Avery sa Aryadelle kaya wala siyang magawa kung hindi mag-alala sa kanya.Tinawagan niya si Wesley at hiniling na tingnan si Elliot sa ospital, bago tawagan si Sebastian."Lahat kayong lumagpas sa linya!" Nanginginig siya sa galit. "Sebastian, kapag may nangyari kay Elliot, papatayin ko kayong lahat! Sinisigurado ko sa
Matapos pauwiin ang kanyang ama, pinuntahan ni Sebastian si Avery.Nakatanggap na si Avery ng tawag mula kay Wesley, kung saan ipinaalam nito sa kanya na nagkamalay na si Elliot.Hindi na niya hinangad na maulit ang katulad na bagay kaya naman agad siyang nagbigay ng card kay Sebastian nang makita niya ito."May 2.1 billion dyan. Maaari kang pumunta sa banko upang tignan," sinabi niya ng may madilim na ekspresyon.Tinanggap niya ang card na may nakaawang na labi at pakiramdam niya ay nasa isang sangang-daan siya."Anong mali?" Nang maramdamang may mali, nagtanong si Sebastian, "May iba pa bang hiniling ang tatay mo?"Alam ni Avery na hindi basta-basta susuko si Dean. "Gusto ba niya ang mga kumpanya namin o...""Gusto niya ng pera." Tumingala si Sebastian at sinalubong ang mga mata niya. "Gusto niya ng 3 billion."Napabuntong hininga siya at namutla sa isang iglap. "Saan naman ako kukuha ng ganyang kalaking pera? Akala niya ba talaga papayag si Elliot sa mga kalokohang ganyan?!
"Kilala ko ang taong iyon. Nagtatrabaho siya noon sa isa sa mga ospital sa Ark Ville. Nagkaroon ng isyu sa pamamahala ng ospital at nag-quit siya pagkatapos nito," sinabi ng isang contact kay Avery."Alam mo ba ang numero niya?" tanong niya."Hindi. Hindi ko siya kilala ng personal pero may pareho kaming kaibigan. Maaari kong tignan kung makapagtatanong ako sa kanya tungkol dito. Ano ang gusto mo sa kanya, nga pala?""May bagay na kailangan ko ang tulong niya. Pakiusap tulungan mo akong tignan sa kapareho mong kaibigan.""Sige. Sasabihan kita agad."...Samantala, sa Aryadelle, si Elliot ay nagkamalay at nakatitig sa kisame. Bumabalik ang lahat ng alaala niya simula ng imulat niya ang kanyang mga mata.Ang buhay ay tila naipagpatuloy sa normal sa mga nakaraang araw, na nagbigay sa kanya ng isang ilusyon na ang lahat ay magiging maayos; ngunit ang sakit ng ulo kagabi ay pumutok na sa kanyang bula.Alam niyang si Dean ang nasa likod nito. Na-scam niya si Dean kaya ginawa ni Dean
Nang makita niya ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata, itinaas niya ang isang kamay para punasan ang kanyang mga luha."Malalagay ako sa di mo maiipintang sakit kapag hindi iyon tinanggal. Shea, hindi mo ako hahayaang manatili sa sakit, di ba?Gulat na gulat siyang tumango."Siguradong mananatili akong sumubok kung may ibang paraan, pero wala. Ayokong hilahin si Avery pababa kasama ko. Madami na siyang pinagdaanan dahil sakin, siya ay nagtratrabaho umaga ta gabi ng walang pahinga. Shea, malulungkot ka rin kung ako ka?"Muli siyang tumango."Si Robert ay may sakit noong siya ay ipinanganak at ibinigay mo sa kanya ang iyong dugo nang hindi nagpapaalam sa sinuman, kahit na ang ibig sabihin nito ay mamamatay ka. Hindi ka natatakot, kung gayon, kaya bakit ako dapat?"Nangilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga sinabi.Makalipas ang isang oras, bumalik si Wesley na may dalang almusal para sa kanila at agad siyang kinaladkad ni Shea palabas ng kwarto."Shea, bakit namumula
Ayaw niyang masira ang kanyang determinasyon kung marinig niya ang boses nito."Ayusin natin agad to sa pinakaposibleng paraan!" Tumingin siya kay Wesley. "At saka, huwag mong sabihin sa mga anak ko ang tungkol dito."Lumabas si Wesley sa silid na walang pag-asa.Ang kanyang ulo ay pumipintig sa sakit dahil kahit na ano ang kanyang gawin, siya ay maaari siyang magkamali kay Elliot o Avery sa proseso."Bakit kailangan kong maging masamang tao dito?" naisip niya sa sarili."Wesley, anong sabi ng kapatid ko?" Lumapit si Shea sa kanya at nagtanong."Pinipilit pa rin niyang gawin." Ngumuso siya. "Shea, alam mo naman na kung gagawin natin ang sinasabi niya, hindi na natin magiging kaibigan si Avery kapag nalaman niya."Nagdilim ang ekspresyon ni Shea. "Pero ano pa bang magagawa ko? Kung kaya ko lang kunin lahat ng sakit sa lugar ng kapatid ko.""Wag mong sabihin yan, Shea!" Sumakit ang puso ni Wesley sa matinding paghihirap sa kanyang ekspresyon. "Kailangan mong mabuhay kahit siya ay
Tumawag siya at sinagot ni Oliver pagkaraan ng ilang sandali."Hello, Mr. Raven. Ako si Avery Tate." Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at sinabing, "Maaari ko bang malaman kung kailan ka libre? Gusto kong makita ka ng personal."Nagulat siya saglit. "Miss Tate, paano mo nakuha ang numero ko? Sa tingin ko ay wala tayong mutual na kaibigan.""Wala nga tayo, ngunit hindi ganoon kahirap alamin. Ang larangan ng medikal ay isang maliit na bilog at ang mga kaibigan ng aking mga kaibigan ay maaaring maging iyong mga kakilala.""Oh... Miss Tate, may kailangan ka ba?" Alam na ni Oliver ang gusto niya ngunit hindi ito itinuro."May kailangan akong pag-usapan sa iyo na importante, at sa tingin ko ay mas magandang magkita tayo ng personal. Libre ka ba mamayang hapon?" Gusto niyang makipagkita sa kanya sa lalong madaling panahon."Abala ako mamayang tanghali at gabi... Miss Tate, hindi rin ako magiging libre ngayong weekend." Naisip ni Oliver ang bodyguard na itinalaga sa kanya ni Dean. Sinabi
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan