Medyo mas maaga nakauwi si Avery noong araw na yun kumpara sa mga nakalipas. Pagka sundo ni Laura kay Hayden, si Layla naman ang sinundo nila at dinala ito sa kwarto nito. Nakakutob na si Hayden sa mangyayari nang makita niyang nilayo ng lola niya ang kanyang kapatid. “Akin na ang bag mo.” Sabi ni Avery habang kinukuha ang bag ni Hayden. Binigay ni naman ni Hayden ang kanyang bag gamit ang dalawang kamay. Binuksan ni avery ang bag at kinuha ang laptop. Hindi niya binuksan ang laptop, pero sinabi, “Sinabi na sa akin ni uncle Mike ang lahat. Alam kong ginagamit mo yung mga tinuro niya para gumawa ng mga masasamang bagay. Alam mo ba na ilegal yung mga ginawa mo? Alam mo ba kung anong mangyayari sayo sa oras na mahuli ka nila?” Sumagot si Hayden nang walang kurap-kurap, “Four years old lang ako, kaya ba nila akong ipakulong?” Hindi alam ni Avery kunganong isasagot niya sa anak. Tama nga naman… kahit pa si Elliot ang namumuno ng Arydale, siguro naman hindi nito masisikmur
Nagsuot si Zoe ng kulay pulang strappy dress at dumiretso siya sa Room V809.Tumambad sakanya ang sobrang dilim na kwarto, pero agad din naman niyang nakita ang maliliit na kulay pulang kandila sa sahig. Red Candles!Sa dulo nito ay may lamesa na may nakapatong na isang bote ng red wine at bouquet ng pulang rosas. Sobrang kinikilig si Zoe sa nakikita niya. ‘Awww… Hindi ko alam na ganito pala kasweet si Elliot!’Ito ang unang beses na may gumawa nito para kay Zoe kaya magkahalong kaba at excitement ang naramdaman niya para sa mga mangyayari ngayong gabi. Kinuha niya ang bouquet para amuyin ito pero masyadong matapang ang amoy nito kaya ibinaba niya rin kaagad at kinuha ang kanyang phone. ‘Alas diyes na, nasaan na kaya si Elliot?’‘Natraffic ba siya?’Fifteen minutes na siyang naghihintay, pero wala pa ring Elliot na dumarating… Dahil dun, nagumpisa na siyang kabahan.‘Hindi ba siya pupunta?’‘Hindi naman siguro niya ihahanda ang lahat ng ‘to kung hindi siya in
Nang sandaling yun, biglang nanigas ang buong katawan ni Zoe. Humarap sakanya si Cole at nang’aasar na sinabi, “Hindi ko alam na ganun ka pala kagaling sa kama, Dr. Sanford. Ako na halos ang sumuko…”Halos lumuwa ang mga mata ni Zoe habang nakatitig kay Cole.Hindi ito ang una nilang pagkikita.Noong nasunog yung kamay niya noon, si Cole din ang naghatid kay Rosalie para bisitahin siya. Medyo marami siyang nainom kagabi at sobrang dilim din ng paligid kaya hindi niya alam na hindi pala si Elliot ang kasama niya! ‘Paano ‘to nangyari?‘Hindi ba si Elliot ang nag’invite sa akin kagabi?‘Anong ginagawa ni Cole dito?!’“Paano ka nakarating dito? Bakit ka nandito?!” Kumuha si Zoe ng unan at hinampas ito ng malakas sa mukha ni Cole. Gustuhin man ni Cole pero hindi siya makailag. “Dr. Sanford, itigil mo nga yan! Hindi ko rin alam! May nareceive akong text galing kay Avery kagabi at sinabi niya sa akin na pumunta ako sa V809, kaya nagpunta ako! Ikaw naman yung yumakap kaag
Nagpanggap si Hayden na hindi narinig si Elliot. HIndi inaasahan ng teacher ang magiging reaksyon ni Hayden kaya nagmamadali itong lumapit sa dalawa, “Mr. Foster, mawalang galang na po pero bakit niyo po kailangan ang bag ni Hayden?” Parehong nirerespeto ng teacher sina Elliot at Hayden, pero habang iniisip ang pros at cons, alam niya na mas malala ang mangyayari kung si Elliot ang babanggain niya, kaya kinuha niya ang bag ni Hayden mula sa lamesa nito.“Wag kang matakot, Hayden. Hindi naman masamang tao si Mr. Foster. Nag’aalala lang siguro siya sayo.” Nakangiting sabi ng teacher, pagkatapos, inabot nito ang bag kay Elliot. “Nakapasa naman po siya sa security clearance kanina kaya nakakasiguro po kami na wala siyang dalang kahit anong mapanganib.”“Sa pagkakaalam ko, may laptop siya.” Sagot ni Elliot habang kinukuha ang bag mula sa teacher. Nang maramdaman niyang magaan ito, biglang kumunot ang kanyang noo. Pagkabukas ni Elliot ng bag, pinagbihisan na damit lang ang nakita ni
Walang pagdadalawang isip na tumungo si Shea. Sobrang komportable niya sa bahay nina Hayden at sa totoo lang, gusto niya ulit bumalik doon. Ngayon lang nakita ni Elliot na mnagkaganun si Shea at sa totoo lang, galo-halo ang tumakbo sakanyang isip.. Is alang ang ibig sabihin kung bakit hindi dinala ni Hayden ang laptop nito sa school… Malamang kinuha yun ni Avery.Malaki ang posibilidad na ang rason ay dahil nakumpirma nito na yung batang yun talaga ang hacker!Kahit na mahalaga si hayden kay Avery, desidido si Elliot na turuan ito ng leksyon sa oras na mapatunayan niya na kagagawan talaga nito ang lahat ng panghahack na nangyari!Pero kung gagawin niya yun, alam niyang masasaktan si Shea…Habang iniisip kung ano nga bang dapat niyang gawin, ginulat sila ng isang malakas na tunog, na sinabayan pa ng pagmumura ng isang lalaki. Hindi nagtagal, nagdagsaan ang mga tao para makiusisa sa dalawang nag’aaway. Dahil dito, biglang namutla at napaatras sa takot si Shea. "Ah!
“Bakit ka niya kinontak?” Tanong ni Avery. “Nagtatanong siya kung may mairerecommend akong assistant sakanya,” Sagot ni Wesley na halatang naiirita kay Zoe. Pagkatapos, natawa siya at nagpatuloy, “Hulaan mo kung ano ang mga requirement niya? Naghahanap siya ng naging estudyante ni Professor Hough na mas magaling sakanya… hindi niya pa sinabi na kailangan niya ng kayang maghandle ng case ni Shea pero papayag na assistant niya lang! Hindi ko maintindohan kung makapal lang ba ang mukha niya o bobo lang talaga siya! Na weirduhan din si Avery sa kwinento ni Wesley. “Halata naman na wala talaga siyang pero ang yabang niya pang mag stay! Well… hindi bobo si Elliot at sooner or later, malalaman niya rin ang totoo. Isa lang ang masasabi ko sayo, Avery… sobrang bait mo.. hindi lahat ng tao kayang maging mabait sa mga karibal nila!” “Hindi mo masasabi yan kapag nakita mo si Shea,” Sagot ni Avery ma may pilit na ngiti. “Ahhh basta. Kung okay sayo, wala namang problema sakin” “Pero alam
Malinaw na ginagamit lang ni Zoe si Elliot para umahon. Imbes na magsumikap na maging isang magaling na doktor, mas gusto niyang maging mayaman ng walang kahirap-hirap. Higit sa lahat, alam niya naman na hindi siya ganun kagaling at kahit anong gawin niya ay hinding hindi niya mararating ang galing ni Professor Hough. Alam niya na wala siya masyadong mararating kung mag fofocus siya sa pagiging doktor niya. Kaya hindi niya na kailangang pag’isipan pa kungmay magtatanong kung gusto niyang pakasalan si Elliot. Darating ang panahon na titingalain at kaiinggitan siya ng lahat… HIndi pa man din nag’iinit ang pwet ni Elliot sa pagkakaupo nang biglang tumawag si Ben. “Huy Elliot, kamusta? Ano nga palang nangyari kanina sa school?” “Hindi niya dala ang laptop niya kanina. Pakiramdam ko kinuha ni Avery.”“Ha! Mukhang anak nga talaga yan ni Avery ah! Diba four years old lang siya? Suwail agad ah!” Natatawang sagot ni Ben.Hindi sumagot si Elliot. “Eh anong plano mo sa bata
Habang nagdidinner, may naalala si Laura at masayang ibinalita kay Avery, “Oo nga pala Avery. Dumaan si Wesley kanina. Sabi niya sakin dor good na raw siya dito sa Arydelle…”Alam ni Avery kung anong ibig sabihin ng reaksyon ng nanay niya. “Mommy, alam ko na gusto mong mag’asawa ako ulit, pero bawasan mo yang ganyang reaksyon mo lalo na kapag nasa labas tayo kasi baka isipin naman ng mga tao na desperado akong mag’asawa! Bata pa naman po ako at naisip ko na siguro mas maganda kung magfofocus muna ako sa career ko at kapag successful na ako, sila pa ang pipila para pakasalan ako.” Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Laura. “Bakit? Wala naman akong sinasabi ah… Natutuwa lang talaga ako kay Wesley kasi siya ang nag’alaga sayo noong nasa abroad ka! Hindi mo ba nakikita yun?”“Porket ba mabait sa akin, papakasalan ko na? Hmm eh si Professor Hough mabait din siya sa akin eh!”“Ahhh bahala ka nga jan magbulag-bulagan! Basta gusto ko si Wesley para sayo! Ang hirap kayang humanap ng g