Lance Mcneil's POV
"What the fuck! Bakit mo ako sinuntok?" Awtomatikong napahawak si kuya sa bibig niya."Kuya!" Mabilis kong dinaluhan si Kuya Zach.
Kahit naman inis ko sa kanya, may natitirang concern pa rin ako sa kanya. Hindi kailan mababago ang katotohanang kapatid ko pa rin siya.
"Lapit ka dito at bibigyan pa kita ng isa." Iniamba ni Stacey ang nakakuyom niyang palad.
"Argh." Naungol na lang siya nang makita niya ang dugo sa daliri niyang nagmula sa bibig niya.
Napangiwi ako nang makitang nasugat ang bibig nito.
Ang tindi talaga ng mahal ko!
"Hintayin mong makalakad ako. Lumpo ka sa'kin, Montereal!" Nagpupuyos ito sa galit. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito at magbuga ng apoy.
"What's your problem with me, woman?" Asik sa kanya ni Kuya.
"Ba't di mo sinabing hindi kita asawa, huh?" Kitang-kita ko ang pagtangis ng mga ngipin ni Stacey.
"What?" N
Lance Mcneil's POV"Nice seeing you again, my dear ex-boyfriend."Hanggang sa makarating ako ng bahay ay tila umuugong ang mga salitang iyon sa tainga ko.Bakit kailangan pa niyang ipaalala? Past is already past. Dapat lang na ibinabaon na sa limot iyon. Matagal na kaming tapos. Ang iyon ay kasalanan niya.Dumeretso ako ng banyo at linunod ang sarili ko sa ilalim ng shower. Para bang ang pagdampi ng malamig na tubig sa aking katawan ay matatangay nito ang nakaraang matagal ko nang ibinaon sa limot.Napapikit ako at dinama ang pagbagsak ng tubig sa katawan ko.Ngunit isang pagkakamali iyon dahil dinala ako nito sa panahong matagal ko nang kinalimutan.Flashback..... Six years ago..."Mind if join who here ,handsome?"Awtomatiko akong napatingin sa babaeng umupo sa tabi ko.She winked at me.Napangisi na lang ako. Wala ako dito para sa babae. Nandito
Lance Mcneil's POVFlashback...six years ago..."Ano ba? Will you please let me go!"Awtomatikong napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Agad ko namang nahanap iyon . Isang babae at isang lalaki na mukhang may lover's quarrel yata."We're done kaya tigilan mo na ako! " sunod na turan ng babae na nagpupumiglas pa mula sa lalaking nakahawak sa kanya.May LQ nga. Nailing na lang ako. Di ko tuloy alam kung manonood ba ako o lalampasan ko sila. Diyahe naman kasi kung manonood ako. Magmumukha akong chismoso. Kung lalampasan ko naman sila, paano? Nakaharang sila sa daraanan ko.Ano ba naman kasi yan, ba't ba diyan pa nila naisip umeksena?Tsk! Makaalis na nga lang dito."Ano ba talagang dahilan? Tell me? Meron na bang iba?!" dumagundong ang boses ng lalaki.Arghhh! Hindi ba sila aware na agaw-eksena sila?"Oo! Meron na! Ayoko na sa'yo! Tapos na tayo---
Lance Mcneil's POV Napakunot-noo ako nang may kumatok sa pinto ng unit ko. Wala akong ine-expect na bisita. Maliban na lang kung may surprise visit sina mommy at Daddy sa'kin.Tiniklop ko ang binasbasa kong libro sa Statistics at tinungo ang pintuan.Hindi ko muna binuksan agad sa halip ay sumilip muna ako sa peep hole.It was Yvonne Alana Cuevas. Anong ginagawa niya rito? Nagtataka man ako kung bakit siya nandito, wala akong sinayang na sandali at agad na binuksan ang pinto.Isa pa sabik din naman akong makita siya.For the first time in my life, nagka-interes ako sa isang babae."H-hi," bati niya na parang nahihiya. Namumula ang pisngi niya. Hindi ko lang alam kung dahil sa blush on o natural na pag-iinit ng pisngi niya."H-hello." Shit! Nautal pa ako. Baka mamaya mapaghalataan pa akong tensiyonado. "Para sa'yo. Pa-thank you sa ginawa mong pagtatanggol sa'kin," turan niyang iniabot ang isang paper bag.
Lance Mcneil's POV"Anong pangarap mo sa buhay Mcneil?" Sandali niya akong tiningala bago siya muling yumakap sa'kin. Kasalukuyan kaming nasa ilalim ng kumot. Parehong walang saplot dahil katatapos lang naming magniig.Sa nakaraang mga buwan ay para lang kaming mag-asawa. Kung hindi siya ang nasa condo unit ko, ako naman ang bibisita sa kanya.Walang proseso ng ligawan, basta isang araw namalayan na lamang namin ang sarili naming naghahalikan hanggang sa umabot kami sa kama.Walang naging ilangan sa mga sumunod na araw, in fact mas lalo pa kaming naging close.Napagkasunduan naming maging magkasintahan na kami at sa lumipas na mga buwan wala namang kaming naging problema."Ano na?" Anong parangap mo?" Pangungulit niya sa'kin ."Maging isang successful business man." Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. "Ikaw?""Maging isang magaling designer." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya.
Lance Mcneil's POVNapaungol ako nang maramdam ko ang malamig na bagay sa noo ko. Pinilit kong imulat ang mga mata ko.Awtomatiko akong napahawak sa noo ko. Nadampot ko ang isang bimpong basa ngunit inagaw sa'kin iyon ng isang kamay."Huwag mong tanggalin 'yan para bumaba ang lagnat mo." Boses iyon ni mommy."Nilalagnat ka, Hijo. Ano bang nangyari, huh?" Naramdaman kong ang pagdampi ng palad niya sa pisngi ko."Sobra ba kayong napagod ni Belle kagabi at hindi kinaya ng katawan mo ang pagod kaya ka nilalagnat ngayon?""Mom!" Saway ko sa kanya.Si mommy talaga!Hindi pa rin pala siya tapos sa pang-aasar sa'kin.Muli akong napapikit. Pakiramdam ko pagod ako at mabigat ang katawan ko."Nabibiro lang ako para mapagaan ang pakiramdam mo." Mahina siyang natawa pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko."Malay ba namin kung anong klaseng actobatic ang pina
Lance Mcneil's POV Lumipas ang dalawang buwan. Sa mga araw na iyon, inaraw-araw ko ang pagbibigay ng bulaklak kay Stacey. Bumisita rin ako sa bahay nila kapag maluwag ang schedule ko. Pero kapag weekend, automatic na nasa bahay nila. Nakakahiya pero tamang kapal na lang ng mukha dahil mahal ko talaga siya. Si Kuya naman, muling nag-focus sa negosyo. Mabuti naman para hindi siya nagpapa-cute sa mahal ko. Malaki na rin ang naging improvement ni Stacey, kahit papaano ay nakakalakad na siya ngayon. Sana sa susunod ay maalala na rin niya ang lahat. Nasa stage pa rin kami ng ligawan. Ligawan na may something. Kapag weekend kasi natatabihan ko siya sa pagtulog. Tamang self-control na lang dahil mahal ko siya. Mabuti na lamang at hindi kami kinokompronta ng mga magulang niya.Nakadaming pogi points na siguro ako sa kanila kaya naman botong-boto sila sa'kin. Kapag hindi naman kami nagk
Lance Mcneil's POVMabilis kong itinulak si Yvonne. Muntikan pa nga siyang matumba dahil sa lakas ng pagtulak ko sa kanya.Kaagad na napunta ang tingin ko kay Stacey. Akala ko ay magwo-walk siya pero nagkamali ako. Nanatili itong nakatayo sa kinatatayuan niya. Parang hindi siya natinag. Walang nagbago sa expression niya. Parang wala itong pakialam sa nakita niya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o hindiNakasuot siya ng kulay dark blue na bestidang off shoulder. Hapit na hapit sa kanya iyon na hanggang tuhod niya ang haba. Kitang-kita tuloy ang magandang kurba ng pangangatawan niya. Tinernuhan niya iyon kulay asul ding sandal na maliit lang ang takong. Naka-neat bun ang buhok niya at light lamang ang make up.Wala talaga siyang kasing ganda.Muli kong binalingan si Yvonne Alana."Don't do it again." Mariing wika ko sa kanya.Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya. Namumutla na rin siya. Mukhang hindi n
Stacey's POV"Mcneil, baby. Please come back to me." Lasing na lasing ito.Nakayukod ito sa mesa. Muntik na siyang mag-unan sa platong may lamang pasta. Ilang pulgada lang ang layo nito sa kamay niya. Ang dulo ng buhok nito ay sumayad na sa plato.Napangiwi na lang ako nang makitang may bahid ng cream mula sa pasta ang buhok niya."What happened here!" Agad na usisa ni Lance sa mga empleyadong naroon. "Bakit niyo hinayaang maglasing 'yan?"Maya-maya lang ay nag-angat ng tingin si Yvonne. Mukhang nabosesan niya si Lance."Mcneil baby." Namungay ang mga mata nito.Mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo. Humakbang ito palapit kay Lance Gumewang pa ito pero nagawa niyang balansehin ang kanyang katawan."Sabi ko na eh. Hindi mo ako matiis." Yumakap iyo kay Lance."Don't hug me!" Marahas na tinanggal ni Lance ang pagkakayakap niya sa kanya."Baby, what's wrong? Dahil ba sa kanya?" Idinuro niya a