Share

Chapter 26.2

Lance Mcneil's POV

Napakunot-noo ako nang may kumatok sa pinto ng unit ko. Wala akong ine-expect na bisita. Maliban na lang kung may surprise visit sina mommy at Daddy sa'kin.

Tiniklop ko ang binasbasa kong libro sa Statistics at tinungo ang pintuan.

Hindi ko muna binuksan agad sa halip ay sumilip muna ako sa peep hole.

It was Yvonne Alana Cuevas. 

Anong ginagawa niya rito?

Nagtataka man ako kung bakit siya nandito, wala akong sinayang na sandali at agad na binuksan ang pinto.

Isa pa sabik din naman akong makita siya.

For the first time in my life, nagka-interes ako sa isang babae.

"H-hi," bati niya na parang nahihiya. Namumula ang pisngi niya. Hindi ko lang alam kung dahil sa blush on o natural na pag-iinit ng pisngi niya.

"H-hello." Shit! Nautal pa ako. Baka mamaya mapaghalataan pa akong tensiyonado. 

"Para sa'yo. Pa-thank you sa ginawa mong pagtatanggol sa'kin," turan niyang iniabot ang isang paper bag.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
amelia amelia
maynahalo kontra
goodnovel comment avatar
amelia amelia
nakumagulo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status