"Mukhang mamumulubi siya kaka pusta." Sagot ni Gu Lichen, sabay tingin sa isang babae na mukhang naliligaw. "Oh nandito na pala siya, gusto mo bang ipakilala ko siya sayo?" Tumingin si Yi Jinli sa direksyong tinitignan ni Gu Lichen at nang makita ang babaeng tinutukoy nito, biglang kumunot ang noo niya. "Ling Luoyin?" "Magkakilala kayo?" Tanong ni Gu Lichen, na halatang nagulat dahil base sa pagkakakilala niya kay Yi Jinli, hindi ito basta-basta nakikipagkilala kung kani-kanino. "Medyo. Bro, binabalaan lang kita ha. Kung mahal mo yang bago mong girlfriend, bantayan mo siyang maigi dahil sa oras na gumawa siya ng kalokohan, may kalalagyan siya na kahit ikaw hindi mo siya mapprotektahan." Sagot ni Yi Jinli, na biglang naging seryoso ang tono ng boses. "May nagawa ba siyang hindi maganda sayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gu Lichen. Sa tingin mo ba makakatungtong pa siya dito ngayon kung may ginawa siyang masama sa akin? Pero malay natin, balang araw bigla siyang topakin."
"Maganda yung mga labi ko?" Hindi sigurado ni Ling Luoyin kung anong ibig sabihin ni Gu Lichen dahil para sakanya hindi naman masyadong agaw pansin ang mga labi, basta't mukhang normal, wala ng big deal 'dun. Kaya medyo na weiduhan lang siya na sa lahat ng parte ng mukha niya, yung labi niya pa talaga ang napansin ni Gu Lichen sakanya?! Pero bakit nga ba kailangan niya pang problemahin yun... Ang mahalaga, sakanya nakapabor ngayon ang buhay. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat para hindi sakanya magalit o magsawa si Gu Lichen hanggang sa maging super star siya. Kung aabot sila sa kasal.... Edi mas maganda kasi ito na ang pag-asa niya para tuluyan na talagang magbago ang buhay niya! Hindi matimbangan ang saya ni Ling Luoyin habang iniimagine ang magandang buhay na naghihintay para sakanya ng dahil kay Gu Lichen kaya hindi niya namalayan na walang sinseridad ang ngiti ng lalaking nasa harapan niya. "Siya nga pala, magkakilala ba kayo ni Yi Jinli?" Biglang tanong ni Gu Lichen
Pakiramdam ni Xiao Zigi ay tumatawid siya ngayon sa isang manipis na sinulid, na isang maling galaw lang ay mamatay siya. Simula umpisa hanggang sa matapos ang engagement ceremony nina Xiao Zigi at Hao Yimeng, abot-tenga ang ngiti ni Yi Jinli habang nanunuod at nakikinig. Bukas na bukas siguradong magttrending sa social media at sa lahat ng pwedeng paglabasan ng balita ang mga pictures nina Xiao Zigi at Hao Yimeng sa engagement party, kaya imposible ng magkabalikan sina Xiao Zigi at Ling Yiran. Pagkatapos ng party, hindi magka undagaga ang mga tao na lumapit sa bagong mag-asawa para icongratulate ang mga ito, samantalang si Yi Jinli naman ay nagdire-diretsong naglakad palabas ng hall. Naghihintay na ang isang silver na Bentley at nang makita ni Gao Congming na naglalakad palabas ang amo, dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng back seat para pasakayin ito. "Master Yi, didiretso na po ba tayo sa apartment?" Tanong ni Gao Congming. "Oo." Sumandal si Yi Jinli sa upuan at pum
"Nagustuhan ko." Ngumiti si Yi Jinli at inilapag ang tag na hawak sa lamesa. "Ate, balang araw bibilhan kita ng maraming maraming sweater. Kahit iba-iba suotin mo araw-araw, hindi mauubos." "Maraming marami? Paano ko naman susuotin kapag sobrang dami?" Hindi mapigilang matawa ni Ling Yiran sa sinabi ni 'Jin' at para sakanya, para lang itong bata na hindi alam kung ano ang sinasabi. "Akin na yung kamay mo, susukatin ko lang." Habang nagsasalita si Ling Yiran, kinuha niya ang medida at sinukat ang kamay ni 'Jin'. Nang maramdaman ni Yi Jinli na sobrang lamig ng mga kamay ni Ling Yiran, biglang kumunot ang noo niya. "Wag ka na magtahi, ang lamig-lamig ng mga kamay mo." "Ano ka ba! Okay lang. Wag ka malikot, baka magkamali ako ng sukat." Sagot ni Ling Yiran na sobrang seryoso sa pagsusukat. "Nandito naman tayo sa loob ng bahay kaya wala ng ilalamig 'tong mga kamay ko. Nagwawalis nga ako ng madaling araw at hating gabi eh! Yun talaga ang malamig kaya madalas hindi ko na halos maramda
Habang nagkukwento, hindi namalayan ni Ling Yiran na bahagyang nanigas ang katawan ni Yi Jinli sa kinatatayan nito. "Gusto mo bang makita si Yi Jinli?" Tanong ni Yi Ji Jinli. "Nako! Hindi no. Para saan diba? Isa pa, magkaibang- magkaiba ang mga mundo namin. Pero alam mo Jin, mas maganda pa yung likod mo kaysa sa likod niya kaya sigurado ako na bagay na bagay sayo kapag nagsuot ka ng suit! Napakunot nalang ng noo si Yi Jinli at hindi na sumagot. Pero si Ling Yiran ay tuloy-tuloy lang sa pagsasalita. "Magipon tayo ng pera para pagdating ng spring, mabilhan kita ng suit! Magandang may ganun ka kasi magagamit mo yun sa mga interview mo kapag naghanap ka na ng trabaho!" " Paano kung kunwari magkita kayo ni Yi Jinli isang araw, anong sasabihin mo sakanya?" Tanong ni Yi Jinli, na parang hindi narinig ang sinabi ni Ling Yiran. Biglang natigilan si Ling Yiran at halos ilang segundo rin ang lumipas bago siya nakasagot. "Magmamakaawa ako sakanya na pakawalan niya na ako." "Yun lang
Hindi na mabilang ni Ling Yiran kung ilang beses na niyang sinabi sa matandang babae na hindi niya boyfriend si 'Jin' at kapatid lang ang tingin niya dito, pero hindi niya makumbinsi ang matanda lalo noong nalaman nito na hindi talaga sila totoong magkapatid. "Siguro hindi pa kayo ngayon, pero balang araw alam ko kayo yung magkakatuluyan. Anong sinasabi mong magkapatid kayo jan! Sinasabi mo lang yan!" Natatawang sabi ng matanda. Sa tuwing kausap ang matanda, palaging humahaba ang diskusyon dahil ayaw ring magpatalo ni Ling Yiran. Samantalang si Yi Jinli naman ay palagi lang ngumingiti kapag tinatawag na "boyfriend ni Ling Yiran" ng matanda. Inupo ni Yi Jinli si Ling Yiran sa isang upuan na gawa sa bato, at sinabi, "Sobrang lamig. Hintayin mo ako dito ah. Kukuha lang ako ng pampatong mo." "Mm." Walang tutol na pagpayag ni Ling Yiran. Pagkabalik ni Yi Jinli dala ang sweater ni Ling Yiran, nakita niya na pinagkukumpulan ito ng mga babaeng nasa 40s na siguro ang mga edad, o mas
"Aalis ka?" Tanong ni Yi Jinli. Tumungo si Ling Yiran. "Ah... pero kung gusto mong...." Hindi alam niya alam kung paano niya sasabihin kay 'Jin' ang gusto niyang sabihin kaya may dalawang segundo rin ang lumipas bago siya nagpatuloy, "Gusto mo bang sumama sa akin?" Hindi inaasahan ni Yi Jinli na yayayain siya ni Ling Yiran kaya hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. "Ate, kailangan ko kasing magtrabaho sa New Year's Eve. Ang sabi ng boss ko, triple daw ang sasahurin ko kapag pumasok ako. Ibigay mo nalang kaya sakin ang address? Pupunta nalang akong mag-isa kinaumagahan." "Sige. Pero..." Huminga ng malalim si Ling Yiran bago nagpatuloy, "Kapag pumunta ka doon, baka pahirapan ka ng mga kamag-anak ko kaya kapag nangyari yun, wag mo nalang silang pansinin." "Wag kang mag-alala, ate. Ako ng bahala." Nakangiting sagot ni Yi Jinli. Sa ngayon, si 'Jin' na ata ang pinaka impotanteng tao para kay Ling Yiran. Habang papalapit ng papalapit ang Spring Festival, pakaunti ng pakau
Pagkaalis ni Ling Yiran, hindi maintindihan ni Yi Jinli kung bakit sobrang nalungkot siya na para bang pakiramdam niya ay mag-isa nanaman siya. Naglakad siya papunta sa lamesa at kinuha ang scarf na pinatong dito ni Ling Yiran at sinuot ito. Nang maamoy niya ang amoy ni Ling Yiran sa scarf, gumaan ng sobra ang pakiramdam niya. Noong lumabas si Yi Jinli ng apartment, ilang oras ng naghihintay si Gao Congming sa labas at nang makita niya ang amo, sobrang nagulat siya dahil base sa pagkakakilala niya sa Young Master, hindi ito mahilig magsuot ng plain na scarf, pero ngayon.... bakit nakasuot ito... Kaya sa sobrang pagkaintriga, tinitigan niya ng mabuti nag scarf paglapit nito sakanya at base sa tahi, pakiramdam niya ay hand-made ito. 'Ahhhh.' Mukhang alam niya na ang sagot sa katanungan niya... 'Si Ling Yiran nanaman ang nasa likod ng scarf na 'to, tama?' "Master Yi, didiretso na po ba tayo sa..." "Sa ospital tayo ngayon. Kailangan kong samahan ang Old Master ngayong New Yea
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at