"Nagustuhan ko." Ngumiti si Yi Jinli at inilapag ang tag na hawak sa lamesa. "Ate, balang araw bibilhan kita ng maraming maraming sweater. Kahit iba-iba suotin mo araw-araw, hindi mauubos." "Maraming marami? Paano ko naman susuotin kapag sobrang dami?" Hindi mapigilang matawa ni Ling Yiran sa sinabi ni 'Jin' at para sakanya, para lang itong bata na hindi alam kung ano ang sinasabi. "Akin na yung kamay mo, susukatin ko lang." Habang nagsasalita si Ling Yiran, kinuha niya ang medida at sinukat ang kamay ni 'Jin'. Nang maramdaman ni Yi Jinli na sobrang lamig ng mga kamay ni Ling Yiran, biglang kumunot ang noo niya. "Wag ka na magtahi, ang lamig-lamig ng mga kamay mo." "Ano ka ba! Okay lang. Wag ka malikot, baka magkamali ako ng sukat." Sagot ni Ling Yiran na sobrang seryoso sa pagsusukat. "Nandito naman tayo sa loob ng bahay kaya wala ng ilalamig 'tong mga kamay ko. Nagwawalis nga ako ng madaling araw at hating gabi eh! Yun talaga ang malamig kaya madalas hindi ko na halos maramda
Habang nagkukwento, hindi namalayan ni Ling Yiran na bahagyang nanigas ang katawan ni Yi Jinli sa kinatatayan nito. "Gusto mo bang makita si Yi Jinli?" Tanong ni Yi Ji Jinli. "Nako! Hindi no. Para saan diba? Isa pa, magkaibang- magkaiba ang mga mundo namin. Pero alam mo Jin, mas maganda pa yung likod mo kaysa sa likod niya kaya sigurado ako na bagay na bagay sayo kapag nagsuot ka ng suit! Napakunot nalang ng noo si Yi Jinli at hindi na sumagot. Pero si Ling Yiran ay tuloy-tuloy lang sa pagsasalita. "Magipon tayo ng pera para pagdating ng spring, mabilhan kita ng suit! Magandang may ganun ka kasi magagamit mo yun sa mga interview mo kapag naghanap ka na ng trabaho!" " Paano kung kunwari magkita kayo ni Yi Jinli isang araw, anong sasabihin mo sakanya?" Tanong ni Yi Jinli, na parang hindi narinig ang sinabi ni Ling Yiran. Biglang natigilan si Ling Yiran at halos ilang segundo rin ang lumipas bago siya nakasagot. "Magmamakaawa ako sakanya na pakawalan niya na ako." "Yun lang
Hindi na mabilang ni Ling Yiran kung ilang beses na niyang sinabi sa matandang babae na hindi niya boyfriend si 'Jin' at kapatid lang ang tingin niya dito, pero hindi niya makumbinsi ang matanda lalo noong nalaman nito na hindi talaga sila totoong magkapatid. "Siguro hindi pa kayo ngayon, pero balang araw alam ko kayo yung magkakatuluyan. Anong sinasabi mong magkapatid kayo jan! Sinasabi mo lang yan!" Natatawang sabi ng matanda. Sa tuwing kausap ang matanda, palaging humahaba ang diskusyon dahil ayaw ring magpatalo ni Ling Yiran. Samantalang si Yi Jinli naman ay palagi lang ngumingiti kapag tinatawag na "boyfriend ni Ling Yiran" ng matanda. Inupo ni Yi Jinli si Ling Yiran sa isang upuan na gawa sa bato, at sinabi, "Sobrang lamig. Hintayin mo ako dito ah. Kukuha lang ako ng pampatong mo." "Mm." Walang tutol na pagpayag ni Ling Yiran. Pagkabalik ni Yi Jinli dala ang sweater ni Ling Yiran, nakita niya na pinagkukumpulan ito ng mga babaeng nasa 40s na siguro ang mga edad, o mas
"Aalis ka?" Tanong ni Yi Jinli. Tumungo si Ling Yiran. "Ah... pero kung gusto mong...." Hindi alam niya alam kung paano niya sasabihin kay 'Jin' ang gusto niyang sabihin kaya may dalawang segundo rin ang lumipas bago siya nagpatuloy, "Gusto mo bang sumama sa akin?" Hindi inaasahan ni Yi Jinli na yayayain siya ni Ling Yiran kaya hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. "Ate, kailangan ko kasing magtrabaho sa New Year's Eve. Ang sabi ng boss ko, triple daw ang sasahurin ko kapag pumasok ako. Ibigay mo nalang kaya sakin ang address? Pupunta nalang akong mag-isa kinaumagahan." "Sige. Pero..." Huminga ng malalim si Ling Yiran bago nagpatuloy, "Kapag pumunta ka doon, baka pahirapan ka ng mga kamag-anak ko kaya kapag nangyari yun, wag mo nalang silang pansinin." "Wag kang mag-alala, ate. Ako ng bahala." Nakangiting sagot ni Yi Jinli. Sa ngayon, si 'Jin' na ata ang pinaka impotanteng tao para kay Ling Yiran. Habang papalapit ng papalapit ang Spring Festival, pakaunti ng pakau
Pagkaalis ni Ling Yiran, hindi maintindihan ni Yi Jinli kung bakit sobrang nalungkot siya na para bang pakiramdam niya ay mag-isa nanaman siya. Naglakad siya papunta sa lamesa at kinuha ang scarf na pinatong dito ni Ling Yiran at sinuot ito. Nang maamoy niya ang amoy ni Ling Yiran sa scarf, gumaan ng sobra ang pakiramdam niya. Noong lumabas si Yi Jinli ng apartment, ilang oras ng naghihintay si Gao Congming sa labas at nang makita niya ang amo, sobrang nagulat siya dahil base sa pagkakakilala niya sa Young Master, hindi ito mahilig magsuot ng plain na scarf, pero ngayon.... bakit nakasuot ito... Kaya sa sobrang pagkaintriga, tinitigan niya ng mabuti nag scarf paglapit nito sakanya at base sa tahi, pakiramdam niya ay hand-made ito. 'Ahhhh.' Mukhang alam niya na ang sagot sa katanungan niya... 'Si Ling Yiran nanaman ang nasa likod ng scarf na 'to, tama?' "Master Yi, didiretso na po ba tayo sa..." "Sa ospital tayo ngayon. Kailangan kong samahan ang Old Master ngayong New Yea
Pinipilit talaga ng isang tita ni Ling Yiran si Lola Lu na ipakasal si Ling Yiran dahil nangako ang mag-asawang Feng na magbibigay ang mga ito ng 300,000 yuan sa oras na maipakasal si Ling Yiran sa anak ng mga ito. 300,000 yuan... katumbas na yun ng isang taon niyang sweldo! Pero kahit ano pa mang sabihin ng tita o ni Lolo Lu, hindi talaga makumbinsi ng mga ito si Lola Lu kaya bandang huli, nawalan na ng pag-asa ang tita niya at naiinis na sinabi, "Makinig kayo sakin mama at mga kuya, kapag hindi natin nakuha ang ibibigay na 300,000 ng at hindi nakabili ng bahay ang pamangkin ko, kayo ang sisisihin ko habangbuhay!" At bilang ina, sobrang nagalit si Lola Lu sa naging ugali ng anak. "Ikaw babae ka.... wala ka na ba talagang konsensya? Nakalimutan mo na ba kung anong mga nagawa ni Yiran para sa atin?" "Ma, past is past. Malayong malayo na 'yun sa totoong nangyayari ngayon. Hindi natin pwedeng sirain ang buong pamilya natin at yung kinabukasan ng mga anak natin dahil lang sa utang
"Tita, matagal na po akong hindi umiinom. Nakalimutan niyo na po ba na drunk driving ang naging kaso ko noong nakulong ako? Bakit iinom pa ako ulit?" Nakangiting sagot ni Ling Yiran na may sobrang galang na tono. Nang marinig ang sagot ni Ling Yiran, ngumiti nalang ang tita niya, pero halatang nainsulto at napahiya ito. "Ano ka ba. Iba naman ngayon no! Bagong taon ngayon at hindi ka naman magdadrive." Pagpupumilit ng isa niya pang tito. "Tama ang tito mo! Kung hindi ka iinom, hindi ba parang binabastos mo naman ata kaming mga nakakatanda sayo?" Sabat ng isa niya pang tito. "Tama na yan!" Biglang sigaw ni Lola Lu. "Mukhang pinakain niyo na talaga sa aso ang mga konsensya niyo. Gusto niyo ba talagang itulak si Yiran sa impyerno?" Noong sandaling yun, parang may dumaang angel na tumahimik ang lahat at kagaya ng inaasahan, gulat na gulat na tumingin si Ling Yiran sa lola niya. Tumingin si Lola Lu kay Ling Yiran at ipinaliwanag ang lahat, "Yiran, nababaliw na silang lahat. Gusto
Bukod sa pag'nguya, wala ng ibang ingay na maririnig sa loob ng VIP room dahil wala ni isa sakanila ang gustong magsalita. Maging ang nurse na likas na masayahin at madaldal ay wala ring lakas ng loob na mag-umpisa ng usapan dahil alam niya na hindi basta-basta ang mga taong kasama niya dahil ang mga ito lang naman ang mga pinaka makapangyarihang tao sa Shen City. Buti nalang noong patapos ng kumain si Old Master Yi ay may biglang sumagi sa isip niya, "Balita ko ilang araw ka na raw na hindi umuuwi?" "Opo." Walang emosyong sagot ni Yi Jinli. Hindi na siya nagugulat na alam ni Old Master Yi ang impormasyong ito dahil base sa pagkakakilala niya sa lolo niya, mula pagkabata niya ay marami talaga itong tauhan, kaya nga kahit sa sarili niyang bahay ay may tauhan rin ito na nagrereport ng mga babagay-bagay tungkol sakanya. "Saan ka umuuwi?" "Sa ibang bahay." "Bakit gusto mong tumira sa ibang bahay?" "Masyado kasing tahimik sa bahay ko." Sagot ni Yi Jinli, na walang bakas ng ka