Ang munting bata ay pumunta ng puno ng pagmamahal kaagad sa mga braso ni Ling Yiran “Siya nga pala, gusto mo bang pumunta sa amusement park sa Linggo?” tanong ni Ling YiranNagnining kaagad ang mga mata ng munting bata habang masiglang tumutungo.“Bakit hindi kita dalhin sa amusement park ngayong katapusan ng Linggo?” tanong ni Ling Yiran.“Hindi ba masyadong nakakaabala sa’yo?” tanong ni Zhuo Qianyun. “Hindi naman. Inaasahan ko na ang araw naming ni Lil Yan sa amusement park!” sabi ni Ling Yiran. At saka, kapag nakalipat na si Sis Zhuo at ang kanyang pamilya sa G City, hindi na kasing dali makita ang munting bata na ito kesa sa ngayon.“At saka, pupunta kasi rin naman sa ospital para magfollow-up sa katapusan ng Linggo. Si Aunty ang sasama sa’yo para sa follow up, at ako naman ay dadalhin si Lil Yan sa amusement park. Ang ganda lang diba,” sabi ni Ling Yiran.“Kung gayon… salamat,” nahiyang sinabi ni Zhuo Qianyun.“Wala pong problema. Hindi ba, Lil Yan?” tanong ni Ling Yiran
Kahit na ito ay mabait sakanya, pero parang… palagi nitong pinaparamdam sa kanya na parang may kulang.Higit sa lahat, matapos makulong si Zhuo Qianyun, naisip niya na hindi ito magtatagal bago siya ikasal sa kanya.Pero, ang kanilang kasal ay patuloy na naantala, at siya ay nagalala. Kinagat ng bahagya ni Kong Ziyin ang labi niya at tumingin sa lalaking nasa harapan niya habang nagtanong siya, "Kung gusto kong pakasalan kita, gusto mo ba ... ito?"Ayaw niya na patagalin pa ito. Matapos niya malaman na nakita niya si Zhuo Qianyun sa Shen City, mas lalo siyang nagalala.‘Kaya siya nagtagal pa ng ilang araw sa Shen City dahil kay Zhuo Qianyun!‘Pero kahit papaano bumalik siya ng mas maaga! Atsaka, lagi niyang nababanggit ang paghigante kay Zhuo Qianyun.‘Anong nangyari ngayon? Hindi ba niya nahanap si Zhuo Qianyun? Mukhang wala naman nangyari.’Kahit noong siya ay bumalik, hindi niya nababanggit ulit si Zhuo Qianyun.Anong nangyari sakanila ni Zhuo Qianyun sa Shen City?Kahit
Hindi niya nakita si Guo Xinli sa loob ng ilang araw, kaya akala niya napagtanto na niya. Subalit, sa paraan ng pagtingin nito sakanya. Mukhang wala siyang balak… sumuko.“Nagkataon na marami akong ginagawa ngayong araw. Kailangan kong sumundo ng isang bata. Nangako ako na pupunta kami sa amusement park ngayon. Tungkol sa mga pahiwatig na sinasabi mo…” si Ling Yiran ay namromroblema.Kahit na, ayaw niyang baguhin ang napagusapan na ginawa nila ng maliit na bata. Ayaw niyang makita ang dismaya sa mukha nito, pero ito ay trabaho. At saka, kung mas maraming pahiwatig, mas mataas ang possibilidad nil ana makakuha ng compensation para kay Lil Li!Pagkatapos niyang makita si Lil Li na nahalita ng walang malay sa kama ng ospital, taos-pusong gusto ni Ling Yiran ang binate at ang kanyang pamilya.“Kung gayon ay dadalhin kita papunta para kuhain ang bata at puwede nating pagusapan ang mga pahiwatig papunta doon,” sabi ni Guo Xinli.Pinagisipan ni Ling Yiran ito. ‘Puwede din yon.’ Kaya,
Habang nakatingin kay Guo Xinli at sa nasasabik na Lil Yan na parehong nasa tabi niya, masyadong nahihiya si Ling Yiran para tanggihan ng harap-harapan ang bata. Kaya, siya ay tumango at pumayag.Silang tatlo ay pumunta amusement park ng magkakasama. Papunta doon, si Guo Xinli ang unang nakipagusap kay Lil Yan.Hindi inaasahan na maging palakaibigan si Lil Yan kay Guo Xinli, lalo na noong nabanggit ni Guo Xinli tungkol sa mga laruan na pinaglaruan niya noon siya ay bata pa. Nagningning ang mga mata ni Lil Yan, at nasasabik na nagtanong tungkol sa ilang mga laruan niya noong unang panahon na hindi pa niya napapakinggan.Pagkadating nila sa amusement park, ang tatlo ay pumunta sa ticket window para bumili ng ticket.Tiningnan ni Lil Yan ang maliit na batang babae na nakaupo sa mga balikat ng kanyang tatay sa susunod na linya katabi nila. Tumitingin siya kaliwa’t kanan, habang nagsasaya.Napansin ni Ling Yiran na matagal na nakatitig si Lil Yan sa maliit na batang babae at sakanyang
“Ikaw ay mabuting tao. Maari kang makakuha ng maraming magandang babae,” sabi ni Ling Yiran na nasaktan na sa pag-ibig at relasyon.Ipinarada ni Guo Xinli ang kotse sa gate ng kapitbahayan kung saan nakatira ngayon si Lil Yan. Pagkatapos, napakamot siya ng ulo at sinabing, "Siguro ganun ang pag-ibig. Gusto ko lang subukan."Sa isang iglap, hindi alam ni Ling Yiran kung ano ang sasabihin. ‘Subukan ko lang. Hindi ba nagkaroon ako ng parehong ideya kay Yi Jinli?’ Noong gusto ni Yi Jinli na siya ay nasa tabi nito at umamin sakanya, sinubukan niya rin ito.Sa kasamaang palad, natalo pa rin siya.Matapos na ihatid pauwi si Lil Yan, sinamahan ni Guo Xinli si Ling Yiran papasok sa kanyang apartment block.“Yiran, hindi mo kailangan maramdaman na pinipiili kita. Siguro… Matapos ang ilang taon, kapag hindi mo pa rin ako gusto, susuko na ako” sabi niya.Naramdaman ni Ling Yiran ang kabaitan ni Guo Xinli. Sinabi niya siguro ito dahil ayaw niya maramdaman na ang kanyang nararamdaman para saka
“Paano mo nakuha ito…” bulong nito.Ngumiti siya ng kaunti, at ito ay kasing ganda ng tagsibol sa mga bundok. Subalit, sa magandang ngiti nito, mas nakakatakot itong tingnan.“Bakit ako hindi magkakaroon nito?” tanong niya na natatawa na parang siya ay nagtanong ng katawa-tawang tanong.Natigilan si Ling Yiran. ‘Tama nga. Dahil kaya niyang umupo sa bahay ko at antayin ako bumalik, makakuha ng ganung video ay natural lang na parang simoy ng hangin.’Subalit… hindi niya napansin na mayroong pasikretong kumukuha ng video nila ni Guo Xinli ngayong araw.‘Parte lang kaya iyon ng video? O hindi kaya buong araw niya minanmanan at pinanood ang buong pananatili naming sa amusement park ni Guo Xinli at Lil Yan?Siya ay nag-isip ng nag-isip.“Alam mo ba? Ang ginagawa mo ngayon ay violation of human rights” puna ni Ling Yiran.Higit sa lahat, wala namang tao ang may gustong mamuhay ng may nakamata sakanya parati, at hiwalay na sila ngayon. Wala siyang ideya bakit niya gagawin ito.Ngumisi
Ang nangingibabaw na matagal na halik ay nagpapaalala kay Ling Yiran ng halik na mayroon siya noong natutulog siya nang gabing iyon.'Parang magkatulad ito.'Siya ba talaga' yon… noon? Hinalikan ba niya ako habang natutulog ako? 'Hinalikan siya nito hanggang sa halos hindi siya makahinga.Nang matapos ang halik, at likas na hinabol niya ang kanyang hininga, pero diniin nito ang kanyang uli sakanyang noo at paos na bumulong, “Wag kang mahuhulog kay Guo Xinli, alright?”Nagulat si Ling Yiran. “Yi Jinli, hindi mo ba naiisip na nakakatawa ka?”Nakipaghiwalay siya sakanya, pero ngayon hinihiling niya na hindi siya magkagusto sa ibang lalaki?Nagdilim kaagad ang mukha ni Yi Jinli.‘Hindi ba niya alam kung anong nararamdaman ko habang nakaupo at pinapanood ang mga video nila ni Guo Xinli sa amusement park ng magkasama?’Para bang kaya siyang lamunin ng selos.Habang pinapanood niya titigan ang lalaking iyon habang nakangiti sakanya at nag-alok pa na tulungan itong ayusin ang kanyang
‘Anong sabihin niyo doon?’Nagwalang-bahala lang na tinitigan ni Ling Yiran si Yi Jinli, at nakikita lamang ang halos perpektong manipis na labi na bumubuka at sumasasara habang kanyang sinsabi, “Hindi ba noon mo pa gusto magkaroon ng pamilya? Eh di, bakit hindi mo nalang ipagpatuloy ang pagiging sis mo saakin?”Nanigas si Ling Yiran, tapos ay naramadaman niyang biglang umudyok na siya ay tumawa.“Hindi ba ito magandang ideya?” tanong nito.“Yi Jinli, alam mo bang nakakatawa ka?” Tumawa talaga siya ng malakas. “Sabi mo gusto mo mag-date tayo, kaya nag-date tayo. Tapos, gusto mo makipaghiwalay at ginawa natin iyon. Ano na ngayon? Gagamitin mo yung pagiging magkapatid natin kasi napagod ka na sa dating game natin?”Agad na nandilim ang mukha nito. “Hindi ito laro. Pwede kang maging sis ko. Walang sino man sa Shen City ang magtatangkang hindi ka respetuhin.”“Hindi ko kailangan iyon, at hindi kita kapatid.” Napuno na siya.‘Paano ko makikita ang dating pinakamamahal ko bilang kapat