Ngayon na nabaliktad niya ang kanyang kaso, maari na niyang ipagpatuloy ang pagsasanay bilang isang abogado. Pero, alam niya kung gaano kahirap para sa kanya na ipagpatuloy ang karera niya bilang isang abogado. Kahit na napatunayan ng batas na wala siyang kasalanan, ang kanyang pagkakulong ay mananatili pa ring hindi nakikitang balakid sa kanya. Sa lahat ng iyon, ilang kliyente kaya ang maniniwala sa kakayahan ng isang abogado na maaring maligtas ang kanyang sarili sa hindi makatarungang pagkakulong sa loob ng tatlong taon? Tulad na lamang sa mga oras na ito, nagpasa siya ng napakaraming resume sa internet, pero sa huli, ang law firm lamang na ito ang tumawag sa kanya ngayon para sa isang interview. ‘Kailangan ko pa ring ibigay ang lahat ng makakaya ko kahit anong mangyari!’ sabi ni Ling Yiran sa kanyang sarili. Tsaka, matagal na niyang pangarap ang maging abogado, at pinagsusumikapan niya ito buong magdamag. Nang naglakad siya ng pasilyo, sinabi ni Ling Yiran sa tanggapan, “
Sumigla ang mga mata ni Guan Lili at agad siyang nasabik. Nang lumabas si Ling Yiran mula sa isang interview, naaninag niya si Guan Lili sa unahan. “Yiran, bakit ka nandito para sa isang interview? Alam ba ito ng boyfriend mo? Kung gusto mong maging abogado ulit, kayang ibigay ng boyfriend mo ang isang law firm para sa’yo sa isang pitik lang, hindi ba?” sabi ni Guan Lili nang may pekeng ngiti. Ang kasamahan na nasa tabi niya ay nabigla matapos marinig ang mga sinabi ni Guan Lili. Tumingin siya kay Ling Yiran ay sinabi, “Lili, pinagloloko mo ba ako? Basta basta na lang maibibigay ng boyfriend niya ang isang law firm sa kanya?”“Bakit kita lolokohin tungkol dito?” bukal sa loob na nilinaw ito ni Guan Lili, “Ang boyfriend niya ay si Yi Jinli. Madali lang para kay Yi Jinli na bigyan siya ng isang law firm sa siyudad ng Shen.”Gayunpaman, nang sinabi niya ito, nagbigay lang ito ng katatawanan sa mga tao sa kanyang paligid. “Lili, sigurado ka ba? Boyfriend niya si Yi Jinli?”“Kahi
Mukhang gusto pa rin ng babaeng iyon sumali sa industriya sa pamamagitan ng prinsipe! Marami ang nagsasabi na kahit siya ay isang kinahig na baboy, basta ay bukal sa kalooban ng prinsipe na tulungan siya, kaya niya maging batikan na artista.‘Kung titingnan mo si Ling Yiran, malamang ay nakalimutan na ni Gu Lichen ang tungkol sa kanya!’Hindi mapigilan ni Guan Lili na matawa habang iniisip ang mga ito. Gusto niyang makita kung gaano kayabang si Ling Yiran nang wala sina Yi Jinli at Gu Lichen!...Sa isang hotel’s presidential suite, pinandilatan ni Zhuo Qianyun si Ye Wenming na nakaupo sa isang sofa na hindi kalayuan kasama ang laptop sa kanyang kandungan. Gumagawa siya ng ilang huling minuto na trabaho. Hinawakan siya nito mula pa kagabi.Kung magpapatuloy pa ito, didilim muli sa lalong madaling panahon.Ayon sa kasalukuyang sitwasyon, walang nakakaalam hangga’t sa tinago siya ni Ye Wenming dito. Tulad nang sa maliit na restaurant, kailangan niyang tawagan ang mga empleyado
Walang alinlangan na kaakit-akit si Ye Wenming sa mga babae!Iniisip ni Zhuo Qianyun ang oras nang gusto niyang uminom mula sa bote ng mineral na tubig na ininuman ni Ye Wenming. Kung titingnan mabuti, ito ay isang hindi direktang halik. Ngayon na iniisip niya ang tugkol dito, mas lalo siyang nawalan ng imik. Humugot siya ng malalim na hininga, at sinabi, “Ye Wenming, alam ko na alam mong wala kang karapatan na itago ako rito. Malaya na akong babae ngayon.” “Malaya?” Humalakhak si Ye Wenming. “Kung ganoon ay magkano kaya sa tingin mo ang gugulin ko upang hindi ka makalaya?”Halos tunog pagbabanta ito!Bumagsak ang kanyang puso, alam niyang sinasabi ni Ye Wenming ito sa kanya dahil may kakayahan siyang kontrolin ang kalayaan niya at kaya niya ring hanapan siya ng ibang rason para ipadala ulit siya sa bilangguan kung gugustuhin niya!Sa pag-iisip niya ng kanyang oras sa bilangguan, hindi mapigilan ni Zhuo Qianyun ang konting panginginig ng kanyang katawan. Ang mukha niya ay pap
‘Masyado niyang pinoprotektahan si Kong Ziyin. Iniisip niya rin ang tungkol sa sanggol para sa kapakanan ni Kong Ziyin, pero...’ “Sinabi mo na may utang akong buhay sayo at kay Kong Ziyin, hindi ba?” bigla niyang tanong. Tumitig si Ye Wenming kay Zhuo Qianyun. Hindi niya alam kung bakit pero nababalisa siya sa pagiging kalmado niya. Tumayo si Zhuo Qianyun at naglakad sa malapit na bar. Kumuha siya ng isang bote ng alak at isang walang laman na baso bago ibuhos ang kanyang sarili ng inumin. Kailangan niya siguro ng inumin para bigyang ang kanyang sarili ng kahit lakas ng loob. Ang red wine ay bumuhos sa kanyang bibig nang may matamis at mapait na pakiramdam... ‘Ang sarap nito.‘Bakit ba hindi pa ako nakakahanap ng ganitong kasarap na wine noon?’Matapos uminom ng isang baso ng wine, binasag ni Zhuo Qianyun ang baso sa gilid ng bar. Agad na nabasag sa kalahati ang baso. Hinawakan niya ang kalahating basag na baso sa kanyang kamay, at ang gilid ng baso ay puno ng matutulis na ti
Ito ay kahit na natuklasan niya sa kauna-unahang pagkakataon na mas determinado siya kumpara sa dati niyang inaakala. Kaya niyang kaswal na saktan ang sarili niya, pero nang nakita niya ang dugo na dumadaloy mula sa kanyang katawan, ay nanlamig siya. Ang bawat nerbiyos sa kanyang katawan at tila ngumingilig. ‘Na para bang sinaksak niya ang basag na baso sa katawan ko!‘Masakit ito!’Gayunpaman, ang sakit at galit niya ang nagpatawa kay Zhuo Qianyun. Nang tumawa siya, mas lalong bumilis ang daloy ng dugo sa kanyang katawan!“Huwag kang tumawa!” nabalisa siya, natatakot na mas bumilis at labis siyang magdugo.Tumawa siya na parang inaasar niya ang pagkabalisa ni Ye Wenming ngayon. “Sa ganito ba, mababayaran na kita ng buhay?” tanong ni Zhuo Qianyun nang may kahirapan. Nararamdaman niya na rin ang dugo na lumalabas sa kanya, pero maaring hindi siya mamatay. Labis ang dinanas niyang hirap sa loob ng kulungan. Humarap na siya sa labis na pinsala na siyang nagpahirap rin sa dokto
‘Ito ay dahil nabilanggo lamang siya ng tatlo at kalahating taon. Magaan na sintensya lang ito! Napakagaan!’‘Pero, bakit ko siya pinigilan nang nakita ko siyang sinasaktan ang sarili niya? Bakit ako tumawag ng ambulansya?‘Ako dapat ang bumabawi sa kanya, pero sa huli, pakiramdam ko na siya ang naghihiganti sa akin!’Partikular na tumunog ang kanyang phone nang malakas sa tahimik na lugar. Tiningnan ni Ye Wenming ang pangalan at nakita na si Kong Ziyin ito. “Wenming.” Nang sumagot siya, ang malambing na boses ni Kong Ziyin ay umalingawngaw mula sa kabilang dulo ng tawag. “Anong problema?” tanong ni Ye Wenming, pero mayroong pagod sa kanyang tinig. “Anong problema? Pagod ka ba?” mabilis na tanong ni Kong Ziyin, natunugan ang kaibahan sa kanyang boses. “Ayos lang ako. Abala lang ako sa iilang maliliit na bagay,” sabi niya. ‘Oo, maliit na bagay lang si Zhuo Qianyun sa akin.’“Kung... Kung ganoon ay hindi na kita aabalahin pa. Gusto ko lang malaman kung kailan ang balik mo?
“Kaaway mo ba talaga ang lalaking ito. Malubha ang sugat mo tulad nito sa tuwing nagpapakita siya! Ano ba ang nangyayari sa mundo? Sinaksak mo ba talaga ang sarili mo tulad ng sinabi niya?” mapait na sinabi ni Mrs. Zhuo. “Oo, Ma, ako ang gumawa nito sa sarili ko.” Inamin ito ni Zhuo Qianyun. “Paano ka –““Gusto niyang bigyan ko siya ng anak. Nakakatawa na ginawa niya iyon sa akin noon, at ngayon gusto niyang makaganti sa pamamagitan ng paghiling sa akin na bigyan siya ng isang bata,” ani Zhuo Qianyun.“Posible kayang mayroon pa rin siya nararamdaman sa’yo? Tsaka, parehas kayong...”“Ma!” Ginambala ni Zhuo Qianyun ang pagpapantasya ng kanyang ina. “Gusto niyang bigyan ko siya ng anak dahil hindi na mabuntis si Kong Ziyin. Ginagamit niya lang ako. Kung mayroon siyang nararamdaman para sa akin, hindi niya ako ipapakulong.”Nang marinig ito, dumaan ang lungkot sa mukha ni Mrs. Zhuo. “Alam nating dadating ito. Ito ay dahil kailangan mong pasanin ang mga kinahihinatnan ng mga pagkaka