Ito ay kahit na natuklasan niya sa kauna-unahang pagkakataon na mas determinado siya kumpara sa dati niyang inaakala. Kaya niyang kaswal na saktan ang sarili niya, pero nang nakita niya ang dugo na dumadaloy mula sa kanyang katawan, ay nanlamig siya. Ang bawat nerbiyos sa kanyang katawan at tila ngumingilig. ‘Na para bang sinaksak niya ang basag na baso sa katawan ko!‘Masakit ito!’Gayunpaman, ang sakit at galit niya ang nagpatawa kay Zhuo Qianyun. Nang tumawa siya, mas lalong bumilis ang daloy ng dugo sa kanyang katawan!“Huwag kang tumawa!” nabalisa siya, natatakot na mas bumilis at labis siyang magdugo.Tumawa siya na parang inaasar niya ang pagkabalisa ni Ye Wenming ngayon. “Sa ganito ba, mababayaran na kita ng buhay?” tanong ni Zhuo Qianyun nang may kahirapan. Nararamdaman niya na rin ang dugo na lumalabas sa kanya, pero maaring hindi siya mamatay. Labis ang dinanas niyang hirap sa loob ng kulungan. Humarap na siya sa labis na pinsala na siyang nagpahirap rin sa dokto
‘Ito ay dahil nabilanggo lamang siya ng tatlo at kalahating taon. Magaan na sintensya lang ito! Napakagaan!’‘Pero, bakit ko siya pinigilan nang nakita ko siyang sinasaktan ang sarili niya? Bakit ako tumawag ng ambulansya?‘Ako dapat ang bumabawi sa kanya, pero sa huli, pakiramdam ko na siya ang naghihiganti sa akin!’Partikular na tumunog ang kanyang phone nang malakas sa tahimik na lugar. Tiningnan ni Ye Wenming ang pangalan at nakita na si Kong Ziyin ito. “Wenming.” Nang sumagot siya, ang malambing na boses ni Kong Ziyin ay umalingawngaw mula sa kabilang dulo ng tawag. “Anong problema?” tanong ni Ye Wenming, pero mayroong pagod sa kanyang tinig. “Anong problema? Pagod ka ba?” mabilis na tanong ni Kong Ziyin, natunugan ang kaibahan sa kanyang boses. “Ayos lang ako. Abala lang ako sa iilang maliliit na bagay,” sabi niya. ‘Oo, maliit na bagay lang si Zhuo Qianyun sa akin.’“Kung... Kung ganoon ay hindi na kita aabalahin pa. Gusto ko lang malaman kung kailan ang balik mo?
“Kaaway mo ba talaga ang lalaking ito. Malubha ang sugat mo tulad nito sa tuwing nagpapakita siya! Ano ba ang nangyayari sa mundo? Sinaksak mo ba talaga ang sarili mo tulad ng sinabi niya?” mapait na sinabi ni Mrs. Zhuo. “Oo, Ma, ako ang gumawa nito sa sarili ko.” Inamin ito ni Zhuo Qianyun. “Paano ka –““Gusto niyang bigyan ko siya ng anak. Nakakatawa na ginawa niya iyon sa akin noon, at ngayon gusto niyang makaganti sa pamamagitan ng paghiling sa akin na bigyan siya ng isang bata,” ani Zhuo Qianyun.“Posible kayang mayroon pa rin siya nararamdaman sa’yo? Tsaka, parehas kayong...”“Ma!” Ginambala ni Zhuo Qianyun ang pagpapantasya ng kanyang ina. “Gusto niyang bigyan ko siya ng anak dahil hindi na mabuntis si Kong Ziyin. Ginagamit niya lang ako. Kung mayroon siyang nararamdaman para sa akin, hindi niya ako ipapakulong.”Nang marinig ito, dumaan ang lungkot sa mukha ni Mrs. Zhuo. “Alam nating dadating ito. Ito ay dahil kailangan mong pasanin ang mga kinahihinatnan ng mga pagkaka
Pagkaraan ng tatlong araw, nakatanggap ng tawag si Ling Yiran mula sa law firm na nakapasa siya sa isang interview at pinili siya ni Lawyer Gu na punan ang posisyon ng paralegal. Bagaman ito ay isang paralegal na trabaho lang, ibig sabihin ay bumalik na siya sa legal na mundo!Nang tinawagan ni Ling Yiran si Qin Lianyi para sabihin ang magandang balita, taos-puso ang tuwa ni Qin Lianyi para sa matalik niyang kaibigan. “Magaling! Magtrabaho ka nang mabuti! Umaasa ako na ililibre mo ako ng hapunan kapag naging manananggol ka!” sabi ni Qin Lianyi. Hindi mapigilang matawa ni Ling Yiran. “Hindi ko kailangang maging mananggol para ilibre ka. Ililibre kita ng piging kapag nakuha ko na ang unang sweldo ko.”“Deal ‘yan, ah! Maghihintay ako sa pa-piging mo,” wika ni Qin Lianyi. “Sige ba,” sagot ni Ling Yiran. Ito ay para bang nawala ang depresyon niya mula noong nakaraang mga araw. ‘Tuloy lang ang buhay,’ isip niya, at makakalimutan niya ito nang paunti-unti. ‘Mapapakawalan ko rin
“Hindi naman kita...” Nagsumikap siyang itanggi ito, pero sa gitna ng kanyang pangungusap, bumara ang mga salita sa kanyang lalamunan.Ang kanyang itim na mga mata ay nakatoon ka Qin Lianyi. Ang mga matang iyon ay mukhang nagpapakita ng ilang pangungutya at kalungkutan. Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Qin Lianyi. Ang mga mata niya ay nakakahugot-hininga. Ito ba ay parang may utang siya rito ng kung ano. Nagkaroon ng katahimikan sa sasakyan. “Ano? Bakit hindi mo ituloy?” ganoon na lamang umalingawngaw ang kanyang boses. “Wala... Wala akong sasabihin,” sinabi niya nang may pagsisisi.‘Ano ba, bakit ba nakakaramdam ako ng pagsisisi?’ bulong niya sa kanyang sarili. Dapat nilang malaman na wala naman kaming relasyon!‘Ito ay ilan lamang sa kanyang mga salita... na naghahantong sa akin sa pagkakaroon ng ilang hindi pagkakaunawaan. Maari akong magkamali... maaring gusto niya talaga ako at maaring gusto niya ako hanggang ngayon.‘Pero, paano iyon?‘Anong klaseng babae ang hin
“Tagalabas lang. Dating... kaibigan, pero hindi na kami nagkikita,” sinabi ni Ling Yiran at ngumiwi. Maingat na sinabi ni Lawyer Gu, “Kailangan mong pasalamatan ang kaibigan mo. Kapag wala itong taong ‘to, baka hindi ka na nakabalik para magtrabaho bilang isang abogado ngayon.” Nahimasmasan si Ling Yiran pagkalabas ng opisina ni Lawyer Gu. Sa totoo lang, nag-aalala siya na ang kanyang amo ay pipilitin siya na hanapin kung sino ang tumulong sa kanyang ibaliktad ang kaso. Sa likod ng kanyang lamesa, nagsisimula nang masanay si Ling Yiran sa mga gawain. Nagtrabaho rin siya bilang assistant sa loob ng kalahating taon noong una siyang sumali sa industriya. Mabilis siyang umangkop sa trabaho ngayong bumalik na siya rito. Maaring medyo walang kabuluhan, pero hindi ito mahirap. Lumakad-lakad si Guan Lili sa kanyang lamesa para mangamusta at talunin ang paligid ng palumpong tungkol kay Yi Jinli, na hindi pinansin ni Ling Yiran. Sa pagtapos ng araw, aalis na dapat si Ling Yiran nang
“Rinig niyo ba ako, rinig niyo ba ako. Nandito ang bagong kasamahan natin, si Yiran!” Ang iba sa kasamahan ay tinaas ang kanilang mga baso at nagsimulang magtagayan. Si Ling Yiran, bilang pangunahing panauhin, ay syempre, ang pokus ng kanilang tagayan. Hindi magaling uminom si Ling Yiran. Matapos ang ilang sandal ay nakaramdam agad siya ng pagkahilo.Kaya paulit-ulit niyang tinanggihan ang ilang mga tagay mula sa kanyang kasamahan at gumawa ng excuse para pumunta sa banyo. Sa banyo, sumandal si Ling Yiran sa lababo at hinilamos ang kanyang pinsgi, na siyang sumisingaw dahil sa alcohol, na may tubig. Pagkatapos, pinagmasdan niya ang sarili sa salamin gamit ang hugis almond na mga mata. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok sa noo at sa kanyang mga pisngi. Ang kanyang pinsgi, pinong ilong, at mga labi ay mas naging kulay rosas kaysa sa dati. Habang ang kanyang mga mata ay kumukurap nang malumanay, ang kanyang mga pilikmata ay tila isang pamaypay. Noon, pakiramdam niya na
Nang nakita ni Ling Yiran na susulyap ito sa direksyon niya, agad siyang umiwas dito. Siniksik niya ang sarili sa isang tabi, pero sa halip ay aksidenteng niyang nabangga ang ibang lalaki. “Pasensya ka na!” Nagmadali siyang humingi ng paumanhin. “Bulag ka bang hayop ka? Sino ka para banggain ako? Kilala mo ba kung sino ako?” lasing na sabi ng lalaking nabangga ni Ling Yiran. “Pasensya ka na, hindi ko sinasadya.” Wala siyang magawa kundi humingi ng paumanhin. Ngunit sa parehong pagkakataon, nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya. Malamang ay... mga mata ito ni Yi Jinli. ‘Paniguradong nakikita niya ang kalat ko ngayon.’Ang mapait at maasim na pakiramdam ay kumalat sa kanyang puso. Na para bang kahit ang katiting ng dignidad at pagmamalaki sa sarili na natitira sa kanya ay ‘tila nawala na. Kahit na naghiwalay na sila at kahit ilang beses nang nakita ni Yi Jinli si Ling Yiran sa ganitong sitwasyon... Hindi pa rin niya gustong makita ni Yi Jinli ang kahihiyan niya at pa