Natahimik ang Matandang Master Yi. Siya mismo ang nagpalaki sa bata, ngunit hindi pa rin niya ito mapigilan.Siya ay tumatanda habang ang bata ay lumalakas."Ikaw talaga ay ... Nagiging mas katulad ng iyong ama." Tumingin sa apo ang matandang Master Yi na may halo-halong pakiramdam. Naalala pa niya na sinabi rin sa kanya ng kanyang anak na dapat niyang pakasalan ang babaeng iyon. Hindi mahalaga kahit na kailangan niyang isuko ang kanyang katayuan bilang batang master ng pamilya Yi.Ito ay parang ang lahat ng mayroon ang pamilya Yi ay walang saysay.Tinikom ni Yi Jinli ang kanyang labi at walang sinagotPagkatapos ay idinagdag ni Old Master Yi, "Pagsisisihan mo ito balang araw, tulad sa nangyari sa iyong ama ..." Gayunpaman, huli na ang lahat at pumanaw na ang ama ni Yi Jinli."Hindi ako magsisisi. Ang pag-ibig sa kanya at pagpapakasal sa kanya ang huling bagay na pagsisisihan ko," sabi ni Yi Jinli na may kasiguruhan."Ganun ba? Haha ..." Biglang tumawa ang Matandang Master Yi.
"Ano iyon?" Tanong niya habang nakataas ang kilay."Marami akong mga peklat sa aking katawan, kaya ang aking damit pangkasal ay dapat idisenyo nang konserbatibo. Kung masyadong lantad, makikita ang aking mga peklat," sabi niya nanahihiya.Nakaramdam siya ng kumakabog na sakit sa kanyang puso. "Ang isang konserbatibo ay maganda rin naman. Ayoko ng ideya na ang aking nobya ay maggsusuot ng damit na masyadong lantad." Ang gilid ng bibig ni Yi Jinli ay napataas ng bahagya habang inakap niya ang mga bisig kay Ling Yiran bago sinabing, "Sana ang iyong damit-pangkasal ay matakpan ka mula ulo hanggang paa. Alam mo ba? Ako ay isang madamot na tao, kaya hindi ko kakayanin na makita ng iba ang isa pang pulgada ng iyong balat. "Bagaman siya ay nahihiya pa noong una tungkol dito, ang mga salita nito ay madaling napagaan ang kanyang loob."Salamat, Jin," ibinulong niya."Hindi ako nagbibiro, hindi rin kita niloloko," sabi ni Yi Jinli habang marahang dinampi ang labi sa pisngi ni Ling Yiran. "K
Halos maisip niya kung gaanong takot ang naramdaman ng maliit na bata noong siya ay nanatili sa bahay na ito. Mag-isa lang siya. Kahit na may pamilya siya, wala siyang natanggap na pagmamahal at kailangan pang alalahanin na baka mapalitan siya ng iba.Sa pamamagitan lamang ng pagiging malakas ay hindi siya maaaring magkaroon ng posibilidad na maging 'mahina'.Ito ay sapagkat ang 'mahina' ay nangangahulugang siya ay maaring abandunahin."Ito ba ay ... mahirap?" Tanong ni Ling Yiran na pahina, naaawa sa lalaking nasa harapan niya.Dati kapag naririnig niya ang mga usapan ng tao tungkol sa kanya, naramramdaman niya na ang gayong nakatataas na lalaki ay maaaring magkaroon ng anumang nais niya at madaling manipulahin ang mga pondo. Kumbaga, siya ay wagi sa buhay.Gayunpaman, ngayon napagtanto niya na walang ibig sabihin ang pagiging wagi sa buhay. Kung mas marangya siya ngayon, mas pinaghirapan niyang pagtrabahuhan ito noon.Sa murang edad, siya ay namomoblema ng higit pa sa dapat mad
Naglakad si Ling Yiran papunta sa silid palitan na may hawak na mga damit na pang-kasal habang si Qin Lianyi ay pumasok upang tumulong.Sa silid pahingahan sa labas ng silid palitan, tahimik na nakaupo sina Yi Jinli at Bai Tingxin.Tumingin si Bai Tingxin kay Yi Jinli na nasa harapan niya. Sa totoo lang, nagulat siya na si Yi Jinli ay ikakasal kay Ling Yiran sa lalong madaling panahon."Narinig ko kamakailan lang na tinutulungan mo si Binibing Ling na baligtarin ang kaso niya." Pinangunahan na ni Bai Tingxin ang magsalita, sinusubukan na makahanap ng isang paksa para makapag-usap sila ni Yi Jinli."Masyado kang maalam," sabi ni Yi Jinli habang nagpipintas ang kanyang mga mata na tumingin kay Bai Tingxin."Iyon ay dahil sobrang nag-aalala si Lianyi sa kaso ni Binibining Ling, kaya mas binibigyang pansin ko ang bagay na ito. Gayunpaman, narinig ko sa apela na inihain ng law firm na iyong itinalaga, ang salarin ng kasong ito ay si Wan Yuming? "Niliitan ng bahagya ni Yi Jinli ang ka
'Anghel ...' Kumislot ng kaunti ang mga pilikmata ni Yi Jinli. Siguro siya ay tulad ng isang anghel sa kanya.Iniligtas niya siya mula sa kailaliman nang siya ay sobrang manhid na hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng buhay.Kung wala siya, siya ay mabubuhay ng walang katuturan lamang."Ano sa palagay mo, Jin?" tanong ni Ling Yiran. Tumingin siya sa salamin pagkatapos subukan ito ngunit hindi siya parang ang sarili.Bagaman hindi ito opisyal na damit-pangkasal, napakaganda nito na napabuntong hininga siya. Marahil ang bawat babae ay nagkaroon ng pagkahumaling sa mga damit sa kasal.Naalala niya noong nakakita siya ng isang babaeng ikakasal na nakasuot ng damit-pangkasal bilang isang bata at naisip na ang kanyang damit ay maganda. Pagkatapos, napaisip siya kung kailan niya maisusuot ang gayong damit at kung ang isang kwentong-adang prinsipe ay darating upang hawakan ang kanyang kamay.Ngayon ... talagang nakilala niya ang kanyang prinsipe!Napatingin si Ling Yiran kay Yi Jinl
"Malaswa?" tinignan ni Qin Lianyi ang suot niyang damit. Ito ay isang uri ng bistida na nakakaba nang kaunti mula sa balikat at ang ibabang parte nito ay maikli sa unahan at mahaba naman sa likod. Ang parteng unahan ay hanggang tuhod ang haba at ang likod naman ay medyo malapit na sa sakong.Medyo lumaki ang dibdib niya dahil sa istilo ng pagkakagawa ng damit na ito. Ang bewang din niya ay maganda ang pagkakaposisyon.Sa madaling salita, ang damit na ito ay nakakalaki ng dibdib at nakakaliit ng bewang.Ganitong hubog ng katawan ang pinapangarap ng mga babae!Tinaas ni Qin Lianyi ang dibdib niya gamit ang kanyang kamay at sinabi nito kay Bai Tingxin, "Hindi ka ba nasesexy-han sa suot ko? Naging mas maganda ang hubog ng katawan ko."Natahimik bigla si Bai Tingxin. Babae... pa ba siya? Pinapakita niya ang kasexy-han niya sa harap nito! Hindi ba niya nakikita na lalaki ang kausap niya?Kahit na mag-syota sila, sa puso niya, kahit kailan ay hindi niya ito itinuring na boyfriend!Sig
Habang nasa daan, humigpit ang pagkahawak nito sa cellphone at namula ang mga mata nito.'Nakalabas na si Lola ng ospital at umuwi na ito para magpagaling. Ang akala ko bumabalik na ulit ang lakas ni Lola, pero paano nangyari 'to?'Yung tawag kanina ay galing sa nurse doon sa ospital. Sinabihan ng lola niya ang nurse na tawagan siya at sabihing nasa ospital ito. Para bang malapit na itong mamatay at may mga oras din na na-cocoma ito. Ang huling hiling ng lola niya ay makita siya bago mamatay!Sabi ng nurse, na-ospital ang lola niya ng tatlong araw, pero sila First Uncle, Second Uncle at Third Aunt ay hindi man lang siya sinabihan!Kung hindi siya tinawagan ng nurse ngayon, hindi niya na kaya makikita ang lola niya sa huling pagkakataon?'Hindi, hindi. Hindi ito ang huling pagkakataong makikita ko si Lola,' paulit-ulit niya itong sinasabi sa loob loob niya, pero ang kamay niya ay nanginginig nang nanginginig habang hawak ang cellphone.Pero, bigla nalang may humawak sa nanginginig
At sa bandang huli, hindi natapos ni Lola ang mga huling salita niya. Naiwang nakabukas ang mga mata at bibig nito, pero hindi na ito humihinga.Natulala si Ling Yiran habang tumutulo ang luha sa mata niya.Ang mga doktor at nurse sa tabi nila ay binigay ang oras ng pagkamatay nito at sinabi kay Ling Yiran, "Nakikiramay kami, Miss Ling."'Nakikiramay..." Ang nag-iisang pamilyang nagmahal sa kanya ay pumanaw na!Sumigaw bigla si Ling Yiran at humiga sa tabi ng mainit init pang katawan ng lola niya habang umiiyak ito.Ang katawan niya... mainit pa, pero hindi na siya humihinga at wala na rin ang tibok ng puso nito. Hindi niya na marinig ang Lola niyang tinatawag siyang Yiran at hindi niya na makita itong nakangiti sa kanya...Umiiyak si Ling Yiran habang nakatayo nang tahimik si Yi Jinli sa tabi niya.Alam niyang marami siyang luhang iiiyak ngayon. Ang lola niya ang nagsilbing gabay sa kanya. Siya din ang naging tagapagtanggol niya nung nawala ang nanay niya.Pero, hindi niya na