Huminto ng sandali si Yi Jinli bago siya muling tumingin sa mag-ama, na halatang hindi pa rin napoproseso ang nangyayari. "Pero kapag nangyari yun, ayoko ng makita ulit yang dalawang yan dito sa pamamahay ko." Kaya nanginig ang mag-ama sa sobrang takot at sindak. Dahil alam nila na ang ibig sabihin ni Yi Jinli sa sinabi nito ay kapag umalis sila ng hindi nahahanap ang singsing, ibig sabihin ay hinahayaan nila si Yi Jinli na putulin na ang lahat ng ugnayan nito sa pamilya nila. Kaya wala ng nagawa ang mag-ama kundi ang magtinginan nalang noong walang pasabing umalis si Yi Jinli. Hindi naman ganun kalalim at kalakihan ang pond pero ang ilalim nito ay putik kaya mahirap pa ring hanapin ang singsing. "Daddy, anong gagawin ko? Kailangan ko ba talagang lumublob jan para hanapin yung singsing? Ang lamig lamig oh tapos mag-isa lang ako. Paano ko mahahanap yun?" Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Hao Yimeng. "Ikaw ang gumawa ng problemang to kaya tama lang na ikaw ang umayos nito. Sa ora
Maingat na sinuklay ni Ling Yiran ang bangs ni Yi Jinli at unti-unti niyang ginupit ang bangs nito. Sa sobrang focus niya, hindi niya na napansin na nakatitig ito sakanya. Hindi mapigilang ni Yi Jinli ang sarili niya na titigan ang bawat detalye ng mukha ni Ling Yiran. 'Mas maganda pala siya sa malapitan... Ang pula-pula ng pisngi niya dahil sa lamig ng panahon... sobrang cute rin ng mga mata, ilong at mga labi niya... Kahit sinong lalaki siguro maakit sa ganitong mukha.' "Tapos na!" Nagulat nalang siya na bigla itong nagsalita. "Tapos na?"'Tapos na pala... pero parang bakit sobrang bilis.' "Mmm." Nakangiting sagot ni Ling Yiran, pagkatapos umatras siya ng mga dalawang hakbang para tignan ang ginawa nia. "Ang galing ko pala eh! Oh nakatipid na tayo ng 10 yuan." Abot tenga ang ngiti ni Ling Yiran habang pinupuri ang gawa niya, pagkatapos naglabas siya ng malinis na twalya para pagpagin ang mga kumapit na buhok sa leeg at damit ni 'Jin'. "Sige, maligo ka na." Sabi ni Ling Yi
Hindi niya rin maintindihan kung bakit siya ang sinisisi, eh yung sasakyan nga ni Hao Meiyu ang bumangga sakanya. Pero ang pinaka pinagtataka niya ay bakit yung mga witness na lumabas ay parang galit na galit sakanya. Sa totoo lang, wala talaga siyang maintindihan sa nangyari pero lahat ng ebidensya at witnesses na humarap sa trial ay dinidiin siya. Isa pa, noong mga panahong 'yun, sobrang saya ni Hao Meiyu dahil ikakasal na ito kay Yi Jinli kaya imposible ring suicide ang nangyari. "So Ate, gusto mong mag'appeal?" Tanong ni Yi Jinli. "Hindi naman. Ha ha ha. Hindi ko lang kasi matanggap yung nangyari sakin pero tapos naman na eh. O siya, wag na nating pag-usapan yan. Patuyuin na natin yang buhok mo." Natatawang sagot ni Ying Liran. Habang nagsasalita, niligpit ni Ling Yiran ang mga dokumentong nakalatag, at kinuha ang hairdryer para patuyuin ang buhok ni 'Jin'. Nakatitig lang si Yi Jinli kay Ling Yiran... Kinabukasan, napansin ni Gao Congming na nagbago ang buhok ng amo
"Sa mata ng mga Hao, ako ang pumatay kay Hao Meiyu," Malungkot na sabi ni Ling Yiran matapos ang ilang minutong pananahimik. Kahit siya hindi niya rin inakala na ganun pala kasama si Hao Yimeng hanggang sa makita mismong ng dalawa niyang mga mata kung paano nito utusan ang kung sinu-sino para saktan siya. "Sa tingin ko, gusto talaga ni Hao Yimeng na ikaw ang mamatay noong aksidente. Bakit ko nasabi? Tignan mo nga noong nakulong ka, diba naging sila kaagad ni Xiao Zigi? Sa ganun kabilis? Sa tingin mo ba Yiran, masusulot niya kaagad ang boyfriend mo kung wala hindi niya talaga plinano ang lahat?"Galit na galit na sabi ni Qin Lianyi. "Kaya nga malaking kalokohan ang relasyon namin ni Xiao Zigi noon, pero buti na lang talaga at nakita ko ang tunay niyang kulay," Nakangiting sagot ni Ling Yiran. "Tama ka jan. Hindi talaga dapat minamahal ang mga lalaking kagaya ng Xiao Zigi na yan." Nabalot ng ilang segundong katahimikan bago muling magsalita si Qin Lianyi, "Siya nga pala, kamusta na
Umiyak pa si Hao Yimeng habang humihingi ng tawad at nagdrama na para bang mahihimatay na siya. Matapos ang ilang minutong paulit ulit na paghinga ng malalim, muli siyang nagpatuloy, "Pupunta ako sa Sanitation Service Center para humingi ng tawad sa lahat ng empleyado nila na na abala ko. Sobrang laking pasasalamat ko po sakanila kasi buong puso nila akong tinulungan na mahanap ko ang singsing ko kaya magdodonate po ako ng breakfast stall kung saan pwedeng kumuha ang mga sanitation workers ng kahit anong gusto nilang kainin ng walang bayad." Pagkatapos ng press conference, mukhang epektibo ang naging drama ni Hao Yimeng dahil maraming fans ang naawa at marami ring bagong basher ang nagbalik loob kaya dumami nanaman ang mga taga hanga niya. Inisip ng mga tao na misunderstanding lang talaga ang lahat. Agad-agad, pumunta siya ng personal sa Sanitation Service Center, na dinagsa ng sobrang daming reporters. Isa-isang pinakamay ng director ng Sanitation Service Center kay Hao Yime
Sa totoo lang, hindi naman talaga masyadong nagbago ang itsura ni Ling Yiran kahit tatlong taon na ang nakakalipas. Kung gaano siya kaganda noon, ganun pa rin siya kaganda hanggang ngayon. Pero kung ang kanyang mga mata ang basehan, halatang sobrang dami niyang pinagdaanang masakit at mapait sa buhay. Maging ang pananamit niya ay nagbago na rin, hindi na siya ang dating Atty. Yiran na fashionista at mahilig magsuot ng matataas na takong. Hindi makapaniwala si Xiao Zigi at bigla niyang naalala ang duguang Ying Liran sa kulungan na nagmamakaawa sakanyang iligtas niya. 'Noong araw na yun, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa at pag-asa na ililigtas ko siya habang pinarurusahan ng taong nasa tabi ko ngayon, pero ngayon....kalmado lang ang mga ito.' Sinilip ni Hao Yimeng ang reaksyon ng boyfriend at agad-agad na ngumiti kay Ying Liran habang inaabot ang regalo, "Para sayo 'to. Pasensya ka na kung naabala kita para hanapin yung singsing ko." Tignan mo nga naman! Ang tigreng
Natawa nalang si Ling Yiran sa sinabi ni Xiao Zigi, at parang wala 'to sa harap niya, muli niyang sinubukang maglakad palayo. Pero bigla siyang hinawakan ni Xiao Zigi at naiinis na sinabi, "Ling Yiran, anong gusto mong mangyari? Ako na nga ang lumapit sayo para matulungan ka kahit pa may mangyaring masama sa akin!" Sobrang nagalit si Xiao Zigi, hindi lang dahil sa tinanggihan siya ni Ling Yiran kundi dahil pakiramdam niya ay galit na galit ito sakanya at hindi niya 'yun matanggap. "Sino bang humingi ng tulong sayo?" Walang emosyong sagot ni Ling Yiran. "Isa pa, hindi ka ba natatakot na baka mabalitaan 'to ni Miss Hao?" "Anong hindi ko pwedeng mabalitaan?" Biglang natigilan si Xiao Zigi nang marinig ang boses, kaya binitawan niya ang kamay ni Ling Yiran at dali-daling tumingin kay Hao Yimeng, na naglalakad palapit sakanila. "Ah.. wala wala." Pagkalapit ni Hao Yimeng, niyakap niya ang braso ni Xiao Zigi at sinabi, "Zigi, bakit ka ba nakikipag usap sa ganyang klaseng tao? Hindi
"May binabang utos ang management na hindi tayo pwedeng gumawa ng kahit anong balita tungkol kay Ling Yiran," sagot ng editor. "Utos ba 'to ng mga Xiao?" Gulat na gulat na tanong ni Li Xinzheng. Hindi niya talaga maintindihan kung anong nangyayari. Noong gumawa siya ng article na ikakasira ni Hao Yimeng, pumayag ang editor pero ngayon na kasiraan ni Ling Yiran, hindi pwede?! "Hindi galing sa mga Xiao. Wag ka na maraming tanong. Basta wag na wag kang magkakamali na maglabas ng balita tungkol kay Ling Yiran dahil hindi lang ikaw ang malilintikan kung sakali, kasi pati ako madadamay," Sagot ng editor. Sa sobrang gulat, halos lumuwa na ang mga mata ni Li Xinzheng. Anong sabi ng editor....bakit parang ang OA naman na aabot talaga sa may mawawalan ng trabaho? "Ling Yiran...sanitation worker lang naman siya diba? Sino namang gustong prumotekta sakanya?" "Masyado ka pang bata. Sa mundong 'to, marami talagang nangyayari na hindi natin inaakalang posible palang mangyari," sagot ng edit
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at