"May binabang utos ang management na hindi tayo pwedeng gumawa ng kahit anong balita tungkol kay Ling Yiran," sagot ng editor. "Utos ba 'to ng mga Xiao?" Gulat na gulat na tanong ni Li Xinzheng. Hindi niya talaga maintindihan kung anong nangyayari. Noong gumawa siya ng article na ikakasira ni Hao Yimeng, pumayag ang editor pero ngayon na kasiraan ni Ling Yiran, hindi pwede?! "Hindi galing sa mga Xiao. Wag ka na maraming tanong. Basta wag na wag kang magkakamali na maglabas ng balita tungkol kay Ling Yiran dahil hindi lang ikaw ang malilintikan kung sakali, kasi pati ako madadamay," Sagot ng editor. Sa sobrang gulat, halos lumuwa na ang mga mata ni Li Xinzheng. Anong sabi ng editor....bakit parang ang OA naman na aabot talaga sa may mawawalan ng trabaho? "Ling Yiran...sanitation worker lang naman siya diba? Sino namang gustong prumotekta sakanya?" "Masyado ka pang bata. Sa mundong 'to, marami talagang nangyayari na hindi natin inaakalang posible palang mangyari," sagot ng edit
Pero base sa mga mata Yi Jinli, parang normal na tanong lang ang tinanong niya - walang bahid ng kahit anong malisya... 'Uh....Ikaw talaga Jin.... sobrang inosente mo talaga...Alam mo ba kung anong sinasabi mo? Ha ha ha' Hangga't maari, ayaw bigyan ni Ling Yiran ng malisya ang tanong ni 'Jin' kasi masaya siya sa kung anong relasyon ang mayroon sila ngayon at ayaw niyang mawala ito dahil lang sa iba ang interpretasyon niya sa mga sinasabi nito. "Mahal ko naman ang kapatid ko, pero hindi yung ganung klase ng pagmamahal. Magkaiba kasi sila, Jin. Yung tinutukoy ko kasing pagmamahal, yun yung sa hirap at ginhawa, magkasama kami...." Biglang kumunot ang noo ni Yi Jinli at sa isip niya: 'Sa hirap at ginhawa? Bakit parang.... ang sarap kung makakasama kita sa hirap at ginhawa?' 'Teka... Yi Jinli, wag mong sabihing naiinlove ka na kay Ling Yiran?' 'Ha ha ha ha, pero paano nangyari 'yun?' 'Pero... kung sasabihin kong hindi, parang niloloko ko naman ata ang sarili ko...Masaya ako kapa
Sa kalagitnaan ng paguusap, biglang sumulpot si Fang Qianqian at tinignan si Ling Yiran ng mula ulo hanggang paa, "Manang Xu, bakit ka ba nakikipag-usap sakanya? Ex-convict yan! Mamatay tao!" "Qianqian, ano ka ba? Magkakaibigan tayo dito. At nakulong si Yiran kasi hindi siya masyadong nag-ingat...." Hindi pa man din tapos magsalita si Manang Xu ay bigla nanamang humirit si Fang Qianqian, "Pero yang taong yan lang naman ang pumatay kay Hao Meiyu. Manang Xu, kilala mo ba kung sino si Hao Meiyu? Kapatid lang naman siya ni Hao Yimeng! Sabi na eh... kaya naman pala pinaghanap tayong lahat ni Hao Yimeng ng invisible na singsing kasi gusto niyang gumanti sa magaling na Ling Yiran na yan!" "Pero diba nagsorry na siya kasi alam niyang mali siya?" Buwelta ni Manang Xu. Kumunot ng sobra ang noo ni Fang Qianqian dahil hindi siya natutuwa na pinagtatanggol ni Manang Xu si Ling Yiran, lalo na't siya ang nagkalat ng chismis na galing sa kulungan si Ling Yiran. Narinig niya kasi na kausap ni
— Pagkauwi ni Ling Yiran sa apartment niya kinagabihan, sabay silang kumain ng dinner ni Yi Jinli,at habang nasa kalagitnaan ay may biglang kumatok sa pintuan. Kaya nagulat si Ling Yiran. 'Wala namang bumibisita sa akin. Hindi kaya bumalik nanaman ang tatay, stepmother at half sister ko?!!' Pero pagkabukas niya ng pintuan, hindi niya inaasahan na si Guo Xinli ang sasalubong sakanya. Nakasuot ng black na t-shirt si Guo Xinli at medyo namumula ang mukha niya sa sobrang kaba at hiya. Nang makita niya si Ling Yiran, hindi siya mapakali, "A...ano" Pero wala pa man din siyang nasasabi ay biglang sumulpot si Yi Jinli sa tabi nito. Nang makita ni Yi Jinli ang lalaki, tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata. 'Kilala ko 'tong lalaking 'to ah. Diba siya yung katrabaho ni Ling Yiran sa Sanitation Service Center na may gusto sakanya?' "Bakit ka nandito? May kailangan ka ba sa ate ko?" Tanong ni Yi Jinli. "A...aa... may kailangan kasi akong sabihin kay Ling Yiran, pero walang ibang
"Ate, wag mong sabihing gusto mo na rin siya dahil lang sa sinabi niya sayo?" Muling bulong ni Yi Jinli. Hindi niya rin sigurado kung tama ba ang nararamdaman niya, pero parang... nagseselos siya. Sa sobrang lapit nila, pakiramdam ni Ling Yiran ay hindi gumagana ang utak niya at hindi niya alam kung anong isasagot sa mga tanong ni 'Jin'. 'Bakit pakiramdam ko hindi ako pwedeng magkamali ng sagot kasi kung mangyayari yun, may biglang aatakeng halimaw sa leeg ko.' 'Diyos ko, ano ba 'tong naiisip ko?!' Natawa nalang din si Ling Yiran sa mga naiisip niya. 'Ha ha ha, ano ka ba Yiran, si 'Jin' yan. Hindi siya halimaw, okay?' "Hindi ko gusto si Guo Xinli, kaya nga naawa ako sakanya kasi alam ko namang hindi ko masusuklian ang feelings niya," Sagot ni Ling Yiran matapos ang matagal na pananahimik. Sobrang natuwa si Yi Jinli sa naging sagot ni Ling Yiran kaya nakangiti siyang nagtanong ulit, "Ate, sigurado ka bang hindi mo gusto yung lalaking 'yun?" "Bakit naman ako magsisinungaling
"Kaya hirap na hirap po akong maghanap ng trabaho, at hindi naman pwedeng hindi ako magtrabaho kasi kailangan kong magbayad ng renta, kuryente at kumain." "Pero hindi naman pwedeng habang buhay ka nalang dito. Paano ka makakapag-asawa niyan?!" Siguro dahil na rin sa edad ni Manang Xu, sobrang importante para sakanya ang pag-aasawa ng isang babae. "Mukhang tanggap naman ni Guo ang nakaraan mo. Ayaw mo ba talaga sakanya? Bibihira nalang ang mga kagaya niya." "Wala po talaga kaming pag-asa." "Yiran, magpaka totoo ka nga sa akin...Nababaan ka ba kay Guo kasi driver lang siya kasi yung ex mo ay..." Nag-aalangang tanong ni Manang Xu. "Manang Xu! Hindi ko po yan iniisip....Marami na po kasi akong pinagdaanan at wala po talaga akong panahong mainlove sa ngayon." "Hay nako, ikaw talagang bata ka!" Nagbuntong hininga si Manang Xu."Alam mo, ang akin lang naman kasi ay kapag hindi ka nag-asawa .... baka hindi mo pa narerealize sa ngayon pero kapag tumanda ka at wala kang mga anak....sigu
Noong araw na 'yun, pauwi na sana siya nang makita niya si Ling Yiran na nakaupo sa gilid ng kalsada. May pinapatahan itong batang babae. Nakita niyang kumanta, tumalon, at kung anu-ano pang ginawa nito para lang tumahan ang bata, na para bang wala itong pakielam kahit pagtinginan pa ito ng ibang tao. At tagumpay nga nitong napatahan ang bata! Pagkatapos, bumili ito ng tinapay para makakain muna ang bata bago nito dalhin ito sa police station, kung saan naghintay ito ng matagal hanggang sa dumating ang mga magulang nito. Nakita niya rin na sinubukang bigyan ng mga magulang ng bata si Ling Yiran ng pera bilang pasasalamat, pero ngumiti lang ito at umiling. Pagkaalis ng bata, kasama ang mga magulang nito, nakatingin lang si Ling Yiran sa pamilya habang naglalakad palayo, na masayang nakangiti. Kaya noong oras na yun, sinabi niya sa sarili niya na ang kagaya ni Ling Yiran ang gusto niyang mapangasawa. Hindi niya alam kung love at first sight ba ang tawag 'dun pero yun ang una
"Ah.... habang pinapaasa mo si Guo Xinli, may iba ka pa palang kalandian! Ibang klase ka talaga!" Sabi ni Fang Qianqian na biglang sumulpot kung saan. Natatawa nalang si Ling Yiran sa kababawan ni Fang Qianqian. 'Hay nako, hindi talaga naubusan ang mundo ng mga taong kagaya nito.' Lumingon si Yi Jinli at tinignan ang papansin at mukhang cheap na babaeng nakatayo sa likod nila. Samantalang si Fang Qianqian naman ay halos lumuwa na ang mga mata sa sobrang gulat. 'Sobrang gwapo niya... Artista ba 'to?' 'Kahit na natatakpan na ng buhok niya ang mukha niya, sobrang lakas ng dating niya!!! Siguro kapag binago niya ang hairstyle at magsuot lang siya ng mas maayos na damit, siguradong walang wala yang mga sikat na artista na yan!!!' Pero dahil din dito, lalo pang nainggit si Fang Qianqian kay Ling Yiran. 'Bakit ba palagi nalang kay Ling Yiran napupunta ang lahat ng magaganda? Siya na ang gusto ni Guo tapos ngayon may sumundo pa sakanyang sobrang gwapong lalaki?!!!' "Kaibigan ka ba
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at