“Mayroon ako mga kapatid sa tatay ko. Medyo marami siyang naging babae, kaya naman marami rin siyang naging anak.” Sagot ni Bai Tingxin.Hindi inasahan ni Mr. at Mrs Qin ang sagot niya, kaya nagkaroon nang katahimikan sa paligid. Hindi na nila alam kung paano pa itutuloy ang kanilang pag uusap.Agad na nagsalita si Qin Lianyi nang walang pag iisip. “Ma, Pa, problema ‘yon ng mga magulang niya. Ang mga magulang niya ay mga magulang niya, si Bai Tingxin ay si Bai Tingxin!” Nagulat si Bai Tingxin sa sinabi ni Qin Lianyi at tiningnan ito na para bang niyayakap siya nang mga nasabi niya. Nagsalita ulit si Mrs. Qin at nagpaumanhin, “Oo nga. Problema ‘yon ng mga magulang niya. Hmm.. Tingxin ano ang iyong trabaho?” “Namamahala po ako ng isang kompanya.” Sagot ni Bai Tingxin.“Namamahala…ng isang kompanya?” hindi makapaniwala si Mr. Qin sa sinabi niya. Akala niya ay mali ang narinig niya. “Anong kompanya ang iyong pinamamahala? 29 years old ka palang.” Para kay Mr. Qin,i sapat na kung
“Yun ba ‘yon?” malalim na tanong niya habang nakatingin nang makabuluhan sa mukha nito habang ito ay unti-unting namumula.Ding!Nakarating na ang elevator sa unang floor. Naglakad sila papunta kung saan nakapark ang kotse ni Bai Tingxin.Gustong gusto na siya pauwiin ni Qin Lianyi. “Salamat sa pagpunta! Paalam! Mag ingat ka!” tumalikod agad si Lianyi at umalis na.Subalit, agad na naabot at kinuha ni Bai Tingxin ang kanyang braso bago niya ito yakapin.“Aray!” napasigaw si Qin Lianyi dahil tumama ang ilong nito sa dibdib ni Bai Tingxin.‘Ang sakit nun ah!’ sa isip ni Lianyi. Kinamot niya ang kanyang ilong. Maraming beses na tumama ang ilong niya sa dibdib nito. Gayunpaman, kahit na gawa pa sa bakal ang kanyang ilong, hindi niya kayang tiisin ang sakit nito.Yumuko si Bai Tingxin at nilapit ang labi niya malapit sa tenga ni Lianyi at bumulong, “Hindi ba sabi mo na hangga’t di ko sasabihin sakanila ang nangyari sa hotel, papaya ka sa mga gusto kong mangyari?” Nakiliti ang tenga
Nang matapos na si Ling Yiran sa trabaho niya sa restaurant, sinabi niya kay Zhuo Qianyun, ang kanyang amo, “Ate Zhuo, pwede ba ako mag day off bukas nang hapon? Gusto ko sanang dalawin ang puntod ng nanay ko at magbigay galang.”Kahit na ang kasunod na araw ay ‘Tomb Sweeping Day’ isang national holiday, tuwing holiday naman ay hindi mapupuno ang restaurant. Ang mga nagtatrabaho rito ay hindi pinapayagan mag-leave kapag national holidays.Nagulat si Zhuo Qianyun na wala na pala ang nanay ni Ling Yiran. Pero, sinabi niya, “Okay sige, wala namang problema. Dahil hapon ka pa naman aalis, pakiusapan mo ang mga nasa kusina na ihanda ang mga pagkain na ibibigay mo sa puntod ng nanay mo bilang isang alay.”“Salamat Ate, pero okay lang. Ako nalang ang maghahanda nang mga ito.” Gusto ni Ling Yiran na siya ang magluto ng pagkain para sakanyang nanay.Noong buhay pa ang nanay ni Ling Yiran, siya at bata pa. Ngayon na matanda na siya at alam na kung paano magluto, gusto niyang magpakitang gila
Pagkatapos ilagay ni Ling Yiran ang mga sangkap sa ref, umikot siya para makita si Yi Jinli na nakasandal sa pintuan sa kusina, nag iisip habang tinitingnan si Ling Yiran.Inalis ni Ling Yiran ang tingin niya para maiwasan ang tingin ni Yi Jinli. Kung gusto niyang lumabas ng kusina, kailangan niyang harapin ang posibilidad na hihilahin ni Jinli ang kanyang braso. “Hindi ka pa nagsasabi nang good night sakin.” Sabi ni Jinli.Natigilan si Ling Yiran nang ilang sandali pero agad na sumagot, “Good night.”Ngumiti si Yi Jinli habang nakatingin kay Yiran. “Ate, parang pawala nang pawala ang gana mo sa pagsabi sakin nang good night.” “…” Walang nasabi si Ling Yiran at hindi na alam kung paano siya sasagot.“May nakapagsabi sakin na kung gusto kong magustuhan mo ako, kailangan kitang pasiyahin.” Yumuko si Yi JInli at tiningnan ang tao sa harapan niya kapantay nang mg anito. “Ano sa tingin mo? Magugustuhan mo ba ako kung pasisiyahin kita?” Nagkaroon nang udyok si Ling Yiran para kagatin
“Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa tatay mo?” muling inungkat ng matandang lalaki ang nakaraan.“Hindi ko makakalimutan ‘yon, atsaka sabi ko, hindi ko gagayahin ang ginawa ng tatay ko.” Sabi ni Jinli.“Kung sa ganoon, kailangan mong paalisin ang babae na nag ngangalang Ling Yiran palabas ng Yi Residence at wag na wag mo na siyang hayaan na pumasok sa buhay mo ulit!” galit na sinabi ni Old Master Yi.“Hindi ‘yon mangyayari. Imposibleng mangyari ‘yang gusto mo.” Nagdilim ang paningin ni Yi Jinli. Nanikip ang dibdib niya sa mga sinabi nang matandang lalaki at tinanggihan ang ideya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya pagdadalawang isipan ito.“Ikaw…” nasamid si Old Master Yi sa sarili niyang hininga habang tinitingnan ang kanyang apo.“Lolo, hindi ko gagawin ang ginawa ng tatay ko. Sisiguraduhin kong kontrolado ko ang lahat. Sasanayin ko si Ling Yiran sa presensya ko para hindi niya na ako iwanan nang tuluyan.” Ngumiti nang bahagya si Jinli, pero ang pagbabanta ay halata. “ Sam
Isang abala para sakanya na bisitahin ang puntod noon. Pero, makalipas ang ilang taon, nabasag ang lapida sa puntod ng nanay niya. Mahal ipaayos ito. Ngunit, mas maganda itong gawin kaysa ilipat ang puntod niya sa mas mahal na sementeryo.Gayunpaman, sa huli, nakulong si Ling Yiran at ang ideya ay natigil. Pagkatapos niyang magsilbi sa kulungan, hind siya nakapagtago nang maraming pera. Ngunit, hindi lang sa hindi niya kayang bayaran ang lugar sa sementeryo pero hindi niya rin kayang bayaran ang labor ng mga nagtatrabaho roon para ilipat ang puntod.Nang makarating si Ling Yiran sa ilalim ng bundok, nakita niya ang mga nakatira roon na inaayos ang rehistrasyon sa ilalim ng isang tent. Maraming tao ang pumupunta at dumadalaw sa sementeryo.Noong oras na ni Ling Yiran sa pula, binigay niya ang numero puntod nang kanyang nanay. Sa gulat niya, ang tao na nagbabantay sa rehistrasyon ay agad na sinabi matapos marinig ang numero ay, “Nilipat na ang puntod na ‘yan. Bakit nandito ka pa?”“N
Pagkatapos nito, sinabihan sila ng kapitbahay na nagbakasyon ang tatay at madrasta niya at walang tao sa bahay nila. Si Ling Luoyin naman, sabi ng kapitbahay ay bumili siya ng mas malaking bahay kaya hindi na ito madalas umuwi.Nang marinig ito ni Ling Yiran, alam niya nang sinadya ito ng tatay at madrasta niya. Alam nilang pupuntahan niya ang puntod ng nanay niya ngayon kaya nagplano na silang umalis."50 milyon." tila namanhid siya sa pag iisip palang sa hiling ng kanyang ama.Sa sitwasyon niya ngayon, wala siyang paraan para makalikom ng 50 milyon para sa tatay niya!Pagkatapos magpaalam ni Ling Yiran sa kapitbahay, tinawagan niya si Luoyin, "Nasa'n ka? Kailangan natin magkita.""Pasensya na, pero busy ako nitong mga nakaraang araw." tamad na sagot ni Ling Luoyin."Gusto lang sana kitang tanungin, saan nilipat ng tatay ko ang puntod ng nanay ko? Tanong ni Ling Yiran."Hindi ko alam." Sagot ni Ling Luoyin na para bang nang-aasar ito."Kung ganon, saan sila nagbakasyon? Siguro
Sa oras na yun, may naalala din siyang mga labi na hindi niya kailanman nakitaan ng lipstick dahil sa natural na kulay ng labi nito.Yun ay yung light pinkish na labi na sobrang natural at sa tingin niya, yun ang pinakamagandang kulay."Tanggalin mo yan." Sabi ni Gu Lichen."Ha?" Hindi na nakapagsalita pa si Ling Luoyin."Sabi ko tanggalin mo na yang lipstick mo," Sabi ni Gu Lichen. Nagulat si Ling Luoyin. Papunta na sana sila sa isang event. Nakabihis na siya nang magarbo dahil gusto niyang siya ang pinakamaganda sa lahat. Kung tatanggalin niya yung lipstick, mawawalan ng buhay yung makeup niya. Hindi na siya mapapansin sa event at magmumukha siyang katatawanan."Ngayon na? Eh malapit na tayo sa pupuntahan natin...""Ngayon na." Mabilis na sagot ni Gu Lichen. Makikita ang pagkadismaya nito sa mala-phoenix niyang mata.Walang nagawa si Ling Luoyin dahil ayaw niyang madismaya si Gu Lichen. Ang nagawa niya nalang ay kagatin ang labi niya nang konti, kumuha ng tissue at pinunasan