‘Ibig bang sabihin nito na gusto ni Young Master Yi na magustuhan siya ni Miss Ling?’ napaisip siya ulit. Alam n ani Gao Congming ang sagot, pero hindi na niya maitago ang pagkagulat niya. ‘Kailan pa nagkaroon nang pakialam si Young Master Yi kung magugustuhan siya ng isang babae o hindi?’“Marami nang pinagdaanan si Miss Ling. Nangangamba ako na baka kaya niyang mabasa ang nasa isip ng mga tao. Atsaka, kung papahirapan mo ang babaeng katulad niya, siguro makikinig siya sa’yo pero, maaari ka rin niyang layuan pagkatapos.” Sinuri na ni Gao Congming ang sitwasyon para kay Yi Jinli. “Sa nakikita ko, ang gusto ni Miss Ling ay yung malambing. Bakit hindi mo subukan maging magpakumbaba sakanya? Baka hindi na siya maging mailap sa’yo.” Sabi niya.“Kung gayon, magugustuhan niya lang ako kapag nilambing ko siya?” sabi ni Jinli.Kumurap si Gao Congming, mukhang nagulat. Sinabihan niya ang kanyang boss na magpakumbaba kay Yiran, hindi niya sinabing lambingin ito.Kung gustong lambingin ang ba
Ang lalaki ay pormal ang suot, napatingkad nito ang perpekto niyang pagmumukha. Mukha siyang prinsipe na galing sa manga.Gustong huminga nang malalim ni Qin Lianyi. Naalala niya kung ano ang nangyari noong mga nakaraang araw at naisip na ang nangyari ay miserable.Nagsimula ang lahat sa blind date. Akala niya ay dahil lahat ay hindi na maayos, ‘yon na ang katapusan.Sa gulat niya, napagalitan siya nang kanyang nanay sa sandaling nakauwi na siya pagkatapos ng blind date. Tinanong siya nang kanyang nanay kung bakit hindi niya sinabi na mayroon na siyang boyfriend. Ang lalaki na pinakilala sakanya sa blind date ay tumawag pa sakanyang mga magulang at nagalit dito. Pinahiya raw nila ang buong pamilya niya.Tapos, ang mga magulang ni Lianyi ay nagsimulang magtanong kung sino ang sinasabi niyang boyfriend niya.Nang mangyari ito, syempre tinanggihan ito ni Qin Lianyi. Sinabi niya na kaibigan lang niya ‘yon na bumisita lang. Alam niyang ayaw niya makipag blind date kaya naman sinubukan
Nakarating ang elevator pagkatapos nang ilang sandali. Ngunit, ang mga tao na lumabas sa elevator ay ang mga kapitbahay ni Qin Lianyi. Nang makita nila si Qin Lianyi, binati nila ito, “Lianyi, nakabalik ka na pala. Siya siguro ang boyfriend mo.” Sabi nang isang kapitbahay at patuloy na nakatingin kay Bai Tingxin.Nag alangan si Qin Lianyi. Bago pa siya bumalik sakanyang ulirat, binuksan na ni Bai Tingxin ang kanyang bibig at sumagot, “Oo, boyfriend ako ni Lianyi.” “Hehe, sa tingin ko ay may pupuntahan akong wedding party sa lalong madaling panahon ah.” Tumawa ang kapitbahay bago ito sabihin, “Lianyi, yung nanay mo kinukulit ako buong araw. Naghihintay siyang makilala yung boyfriend mo.”Hindi mapalagay si Qin Lianyi. Alam na niya kung bakit alam ng kapitbahay nila na boyfriend niya si Bai Tingxin. Sa tingin niya chinismis na ito ng nanay niya sa lahat.Pumasok na sila sa loob ng elevator. Tiningnan ni Qin Lianyi si Bai Tingxin. Ang kabilang partido ay nakatingin sakanya na nakan
“H-hello,” mabilis na sagot nila Mr. at Mrs. Qin.Inayang umupo ni Mr. Qin si Bai Tingxin habang pinaupo naman ni Mrs. Qin ang kanyang anak sa gilid nito. “Siya ba ang boyfriend mo? Hindi mo naman ‘to binayaran para magpanggap na boyfriend mo di ba?” sabi ni Mrs. Qin.Umirap si Qin Lianyi. “Edi isipin mo nalang na binayaran ko siya para magpanggap na boyfriend ko.”Si Mrs. Qin ay naiinis na. “Alam mo ikaw bata ka! Ayusin mo ‘yang pananalitan mo! Sige, maghain ka na ng tsaa.” Dahil si Qin Lianyi ang nautusan mag handa ng pagkain, naglakad siya papuntang kusina para mag handa ng tsaa. Noong bumalik na siya sala dala ang tray ng tsaa, nakita niya na masayang nag uusap ang tatlong tao sa sala.“Tingxin, ang sabi mo nakilala mo si Lianyi noong nasa ibang bansa kayo, nagkakausap pa rin ba kayo noong mga nagdaang taon?”“Hindi po. Nakausap ko lang siya ulit pagkatapos kong bumalik sa bansa kamakailan at nakabangga ko si Lianyi sa kalsada kaya kami nakapag usap ulit. Sa totoo lang, mata
“Magsabi ka lang nang gusto mo, gagawin ko.” Sagot ni Lianyi. Pagkatapos nang lahat, limitado lang ang pera niya at isa lang ang buhay niya.“Okay.” Sabi ni Bai Tingxin.Nagulat si Lianyi sa sagot nito. ‘Pumayag… pumayag ba siya sa sinabi ko? Ang dali niyang pakisamahan sa part na ‘yon ah!’ sa isip ni Lianyi.“Kumusta yung kamay mo? Masakit pa rin ba?” tiningnan niya ulit ang kamay nito na nakatapat pa rin sa gripo.“Hindi na masyadong masakit kumpara kanina. Matagal naman nababad sa malamig na tubig, sa tingin ko okay na ‘yan.” Sagot niya.Sinara ni Bai Tingxin ang gripo at nilabas ang panyo na palagi niyang dala sakanyang bulsa para patuyuin ang kamay ni Lianyi.“May ointment ba kayo dito sa bahay? Parang may kaunti pang pamamaga. Mas okay kapag nilagyan mo ng ointment ‘yan.” Sabi ni Bai Tingxin.“Oh… meron kaming ointment.” Sagot ni Lianyi.“Kunin mo na ngayon.” Sabi niya.Tumakbo si Qin Lianyi papunta sa kwarto niya para kunin ang ointment para sa nasunog na balat. Nang ha
“Mayroon ako mga kapatid sa tatay ko. Medyo marami siyang naging babae, kaya naman marami rin siyang naging anak.” Sagot ni Bai Tingxin.Hindi inasahan ni Mr. at Mrs Qin ang sagot niya, kaya nagkaroon nang katahimikan sa paligid. Hindi na nila alam kung paano pa itutuloy ang kanilang pag uusap.Agad na nagsalita si Qin Lianyi nang walang pag iisip. “Ma, Pa, problema ‘yon ng mga magulang niya. Ang mga magulang niya ay mga magulang niya, si Bai Tingxin ay si Bai Tingxin!” Nagulat si Bai Tingxin sa sinabi ni Qin Lianyi at tiningnan ito na para bang niyayakap siya nang mga nasabi niya. Nagsalita ulit si Mrs. Qin at nagpaumanhin, “Oo nga. Problema ‘yon ng mga magulang niya. Hmm.. Tingxin ano ang iyong trabaho?” “Namamahala po ako ng isang kompanya.” Sagot ni Bai Tingxin.“Namamahala…ng isang kompanya?” hindi makapaniwala si Mr. Qin sa sinabi niya. Akala niya ay mali ang narinig niya. “Anong kompanya ang iyong pinamamahala? 29 years old ka palang.” Para kay Mr. Qin,i sapat na kung
“Yun ba ‘yon?” malalim na tanong niya habang nakatingin nang makabuluhan sa mukha nito habang ito ay unti-unting namumula.Ding!Nakarating na ang elevator sa unang floor. Naglakad sila papunta kung saan nakapark ang kotse ni Bai Tingxin.Gustong gusto na siya pauwiin ni Qin Lianyi. “Salamat sa pagpunta! Paalam! Mag ingat ka!” tumalikod agad si Lianyi at umalis na.Subalit, agad na naabot at kinuha ni Bai Tingxin ang kanyang braso bago niya ito yakapin.“Aray!” napasigaw si Qin Lianyi dahil tumama ang ilong nito sa dibdib ni Bai Tingxin.‘Ang sakit nun ah!’ sa isip ni Lianyi. Kinamot niya ang kanyang ilong. Maraming beses na tumama ang ilong niya sa dibdib nito. Gayunpaman, kahit na gawa pa sa bakal ang kanyang ilong, hindi niya kayang tiisin ang sakit nito.Yumuko si Bai Tingxin at nilapit ang labi niya malapit sa tenga ni Lianyi at bumulong, “Hindi ba sabi mo na hangga’t di ko sasabihin sakanila ang nangyari sa hotel, papaya ka sa mga gusto kong mangyari?” Nakiliti ang tenga
Nang matapos na si Ling Yiran sa trabaho niya sa restaurant, sinabi niya kay Zhuo Qianyun, ang kanyang amo, “Ate Zhuo, pwede ba ako mag day off bukas nang hapon? Gusto ko sanang dalawin ang puntod ng nanay ko at magbigay galang.”Kahit na ang kasunod na araw ay ‘Tomb Sweeping Day’ isang national holiday, tuwing holiday naman ay hindi mapupuno ang restaurant. Ang mga nagtatrabaho rito ay hindi pinapayagan mag-leave kapag national holidays.Nagulat si Zhuo Qianyun na wala na pala ang nanay ni Ling Yiran. Pero, sinabi niya, “Okay sige, wala namang problema. Dahil hapon ka pa naman aalis, pakiusapan mo ang mga nasa kusina na ihanda ang mga pagkain na ibibigay mo sa puntod ng nanay mo bilang isang alay.”“Salamat Ate, pero okay lang. Ako nalang ang maghahanda nang mga ito.” Gusto ni Ling Yiran na siya ang magluto ng pagkain para sakanyang nanay.Noong buhay pa ang nanay ni Ling Yiran, siya at bata pa. Ngayon na matanda na siya at alam na kung paano magluto, gusto niyang magpakitang gila