“H-hello,” mabilis na sagot nila Mr. at Mrs. Qin.Inayang umupo ni Mr. Qin si Bai Tingxin habang pinaupo naman ni Mrs. Qin ang kanyang anak sa gilid nito. “Siya ba ang boyfriend mo? Hindi mo naman ‘to binayaran para magpanggap na boyfriend mo di ba?” sabi ni Mrs. Qin.Umirap si Qin Lianyi. “Edi isipin mo nalang na binayaran ko siya para magpanggap na boyfriend ko.”Si Mrs. Qin ay naiinis na. “Alam mo ikaw bata ka! Ayusin mo ‘yang pananalitan mo! Sige, maghain ka na ng tsaa.” Dahil si Qin Lianyi ang nautusan mag handa ng pagkain, naglakad siya papuntang kusina para mag handa ng tsaa. Noong bumalik na siya sala dala ang tray ng tsaa, nakita niya na masayang nag uusap ang tatlong tao sa sala.“Tingxin, ang sabi mo nakilala mo si Lianyi noong nasa ibang bansa kayo, nagkakausap pa rin ba kayo noong mga nagdaang taon?”“Hindi po. Nakausap ko lang siya ulit pagkatapos kong bumalik sa bansa kamakailan at nakabangga ko si Lianyi sa kalsada kaya kami nakapag usap ulit. Sa totoo lang, mata
“Magsabi ka lang nang gusto mo, gagawin ko.” Sagot ni Lianyi. Pagkatapos nang lahat, limitado lang ang pera niya at isa lang ang buhay niya.“Okay.” Sabi ni Bai Tingxin.Nagulat si Lianyi sa sagot nito. ‘Pumayag… pumayag ba siya sa sinabi ko? Ang dali niyang pakisamahan sa part na ‘yon ah!’ sa isip ni Lianyi.“Kumusta yung kamay mo? Masakit pa rin ba?” tiningnan niya ulit ang kamay nito na nakatapat pa rin sa gripo.“Hindi na masyadong masakit kumpara kanina. Matagal naman nababad sa malamig na tubig, sa tingin ko okay na ‘yan.” Sagot niya.Sinara ni Bai Tingxin ang gripo at nilabas ang panyo na palagi niyang dala sakanyang bulsa para patuyuin ang kamay ni Lianyi.“May ointment ba kayo dito sa bahay? Parang may kaunti pang pamamaga. Mas okay kapag nilagyan mo ng ointment ‘yan.” Sabi ni Bai Tingxin.“Oh… meron kaming ointment.” Sagot ni Lianyi.“Kunin mo na ngayon.” Sabi niya.Tumakbo si Qin Lianyi papunta sa kwarto niya para kunin ang ointment para sa nasunog na balat. Nang ha
“Mayroon ako mga kapatid sa tatay ko. Medyo marami siyang naging babae, kaya naman marami rin siyang naging anak.” Sagot ni Bai Tingxin.Hindi inasahan ni Mr. at Mrs Qin ang sagot niya, kaya nagkaroon nang katahimikan sa paligid. Hindi na nila alam kung paano pa itutuloy ang kanilang pag uusap.Agad na nagsalita si Qin Lianyi nang walang pag iisip. “Ma, Pa, problema ‘yon ng mga magulang niya. Ang mga magulang niya ay mga magulang niya, si Bai Tingxin ay si Bai Tingxin!” Nagulat si Bai Tingxin sa sinabi ni Qin Lianyi at tiningnan ito na para bang niyayakap siya nang mga nasabi niya. Nagsalita ulit si Mrs. Qin at nagpaumanhin, “Oo nga. Problema ‘yon ng mga magulang niya. Hmm.. Tingxin ano ang iyong trabaho?” “Namamahala po ako ng isang kompanya.” Sagot ni Bai Tingxin.“Namamahala…ng isang kompanya?” hindi makapaniwala si Mr. Qin sa sinabi niya. Akala niya ay mali ang narinig niya. “Anong kompanya ang iyong pinamamahala? 29 years old ka palang.” Para kay Mr. Qin,i sapat na kung
“Yun ba ‘yon?” malalim na tanong niya habang nakatingin nang makabuluhan sa mukha nito habang ito ay unti-unting namumula.Ding!Nakarating na ang elevator sa unang floor. Naglakad sila papunta kung saan nakapark ang kotse ni Bai Tingxin.Gustong gusto na siya pauwiin ni Qin Lianyi. “Salamat sa pagpunta! Paalam! Mag ingat ka!” tumalikod agad si Lianyi at umalis na.Subalit, agad na naabot at kinuha ni Bai Tingxin ang kanyang braso bago niya ito yakapin.“Aray!” napasigaw si Qin Lianyi dahil tumama ang ilong nito sa dibdib ni Bai Tingxin.‘Ang sakit nun ah!’ sa isip ni Lianyi. Kinamot niya ang kanyang ilong. Maraming beses na tumama ang ilong niya sa dibdib nito. Gayunpaman, kahit na gawa pa sa bakal ang kanyang ilong, hindi niya kayang tiisin ang sakit nito.Yumuko si Bai Tingxin at nilapit ang labi niya malapit sa tenga ni Lianyi at bumulong, “Hindi ba sabi mo na hangga’t di ko sasabihin sakanila ang nangyari sa hotel, papaya ka sa mga gusto kong mangyari?” Nakiliti ang tenga
Nang matapos na si Ling Yiran sa trabaho niya sa restaurant, sinabi niya kay Zhuo Qianyun, ang kanyang amo, “Ate Zhuo, pwede ba ako mag day off bukas nang hapon? Gusto ko sanang dalawin ang puntod ng nanay ko at magbigay galang.”Kahit na ang kasunod na araw ay ‘Tomb Sweeping Day’ isang national holiday, tuwing holiday naman ay hindi mapupuno ang restaurant. Ang mga nagtatrabaho rito ay hindi pinapayagan mag-leave kapag national holidays.Nagulat si Zhuo Qianyun na wala na pala ang nanay ni Ling Yiran. Pero, sinabi niya, “Okay sige, wala namang problema. Dahil hapon ka pa naman aalis, pakiusapan mo ang mga nasa kusina na ihanda ang mga pagkain na ibibigay mo sa puntod ng nanay mo bilang isang alay.”“Salamat Ate, pero okay lang. Ako nalang ang maghahanda nang mga ito.” Gusto ni Ling Yiran na siya ang magluto ng pagkain para sakanyang nanay.Noong buhay pa ang nanay ni Ling Yiran, siya at bata pa. Ngayon na matanda na siya at alam na kung paano magluto, gusto niyang magpakitang gila
Pagkatapos ilagay ni Ling Yiran ang mga sangkap sa ref, umikot siya para makita si Yi Jinli na nakasandal sa pintuan sa kusina, nag iisip habang tinitingnan si Ling Yiran.Inalis ni Ling Yiran ang tingin niya para maiwasan ang tingin ni Yi Jinli. Kung gusto niyang lumabas ng kusina, kailangan niyang harapin ang posibilidad na hihilahin ni Jinli ang kanyang braso. “Hindi ka pa nagsasabi nang good night sakin.” Sabi ni Jinli.Natigilan si Ling Yiran nang ilang sandali pero agad na sumagot, “Good night.”Ngumiti si Yi Jinli habang nakatingin kay Yiran. “Ate, parang pawala nang pawala ang gana mo sa pagsabi sakin nang good night.” “…” Walang nasabi si Ling Yiran at hindi na alam kung paano siya sasagot.“May nakapagsabi sakin na kung gusto kong magustuhan mo ako, kailangan kitang pasiyahin.” Yumuko si Yi JInli at tiningnan ang tao sa harapan niya kapantay nang mg anito. “Ano sa tingin mo? Magugustuhan mo ba ako kung pasisiyahin kita?” Nagkaroon nang udyok si Ling Yiran para kagatin
“Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa tatay mo?” muling inungkat ng matandang lalaki ang nakaraan.“Hindi ko makakalimutan ‘yon, atsaka sabi ko, hindi ko gagayahin ang ginawa ng tatay ko.” Sabi ni Jinli.“Kung sa ganoon, kailangan mong paalisin ang babae na nag ngangalang Ling Yiran palabas ng Yi Residence at wag na wag mo na siyang hayaan na pumasok sa buhay mo ulit!” galit na sinabi ni Old Master Yi.“Hindi ‘yon mangyayari. Imposibleng mangyari ‘yang gusto mo.” Nagdilim ang paningin ni Yi Jinli. Nanikip ang dibdib niya sa mga sinabi nang matandang lalaki at tinanggihan ang ideya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya pagdadalawang isipan ito.“Ikaw…” nasamid si Old Master Yi sa sarili niyang hininga habang tinitingnan ang kanyang apo.“Lolo, hindi ko gagawin ang ginawa ng tatay ko. Sisiguraduhin kong kontrolado ko ang lahat. Sasanayin ko si Ling Yiran sa presensya ko para hindi niya na ako iwanan nang tuluyan.” Ngumiti nang bahagya si Jinli, pero ang pagbabanta ay halata. “ Sam
Isang abala para sakanya na bisitahin ang puntod noon. Pero, makalipas ang ilang taon, nabasag ang lapida sa puntod ng nanay niya. Mahal ipaayos ito. Ngunit, mas maganda itong gawin kaysa ilipat ang puntod niya sa mas mahal na sementeryo.Gayunpaman, sa huli, nakulong si Ling Yiran at ang ideya ay natigil. Pagkatapos niyang magsilbi sa kulungan, hind siya nakapagtago nang maraming pera. Ngunit, hindi lang sa hindi niya kayang bayaran ang lugar sa sementeryo pero hindi niya rin kayang bayaran ang labor ng mga nagtatrabaho roon para ilipat ang puntod.Nang makarating si Ling Yiran sa ilalim ng bundok, nakita niya ang mga nakatira roon na inaayos ang rehistrasyon sa ilalim ng isang tent. Maraming tao ang pumupunta at dumadalaw sa sementeryo.Noong oras na ni Ling Yiran sa pula, binigay niya ang numero puntod nang kanyang nanay. Sa gulat niya, ang tao na nagbabantay sa rehistrasyon ay agad na sinabi matapos marinig ang numero ay, “Nilipat na ang puntod na ‘yan. Bakit nandito ka pa?”“N
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at