Ito ang nasa isip ni Ling Yiran habang papunta sa bedside table, pero bigla siyang nagulat dahil nakita niya ang litrato na nakapatong sa lamesa. Tiningnan niya ito at nanlaki ang mata niya dahil hindi siya makapaniwala. Ito ay litrato niya! Ang problema pa rito ay wala siyang maalala na nagpakuha siya ng ganitong litrato, at kung titingnan ang kanyang mga mata sa litrato hindi ito nakaharap sa camera. Sino ang kumuha ng litratong ito? Bakit nandito ito? Kaninong kwarto ito… Click. May nagbukas ng pinto sa kwarto at napatingala si Ling Yiran. Ito ay si Yi Jinli. “Mukhang alam mo na magkakonekta ang dalawang kwarto kahit hindi ko pa sinasabi sayo.” Nakangting naglakad papalapit si Yi Jinli. Nakatingin ito sa litratong hawak ni Ling Yiran sa kanyang kamay. “Ano ang tingin mo sa litratong ito?” “Paano ako nagkaroon ng litrato dito?” tanong niya. “Ako ang kumuha niyan, syempre,” sabi niya, kinuha niya ang litrato sa kamay nito at inilagay ito ulit sa lamesa. “Masyado kitan
Siya ay dapat matakot sa kanya, tama? Madali lang para Yi Jinli ang saktan siya at pahiyain. Kaya rin nitong dalhin siya sa impyerno gamit ang mga salita nito.Pero, bakit nawala siya sa sarili noong sobrang lapit nito sa kanya at hinihingahan nito ang kanyang tenga?Simple lang naman dahilan, ang lalaking ito ay labis para sa kanya. Kahit na tinatawag siya nitong ‘ate’, sa huli, siya ay isang pawn lang sa kamay nito. Siya ay isang chess piece para magpasaya rito sa sobrang oras nito.Si Yi Jinli, sa kabilang banda, ay yumuko at kinuha ang litrato sa lamesa. Tiningnan niya ang taong nasa litrato. Malayo ang tingin ng mga mata nito habang ang dulo ng mga labi nito ay nakataas at maamong nakangiti.May mararamdaman kang kapayapaan at elegance sa magandang mukha nito.Para bang may nakuha siyang bagay na kailanman ay hindi niya naisip dati.“Ate,” mahinang sabi ni Yi Jinli habang hinahawakan ang mga labi ni Ling Yiran sa litrato. Pagkatapos, para bang hindi niya mapigilan ang kanyan
Ilang minuto palang ang nakakalipas pagsapit ng ala singko. Walang pamilya ang kakain nang ganito kaaga.“Simula ngayon, nakahanda na ang agahan depende sa oras ng trabaho mo. Kailangan kumain muna si ate ng agahan bago pumasok sa trabaho,” sabi ni Yi Jinli. Dinala niya si Ling Yiran sa lamesa at pinaupo.Sumunod naman si Ling Yiran at tiningnan ang pagkain sa lamesa. Maraming magkakaibang putahe ng Chinese at Western. Sa huli, uminom lang siya ng isang baso ng gatas, kumain ng lugaw at kaunting mga pastries.Masyadong magarbo ang agahan na ito kung ikukumpara mo sa dalawang dolyar na siopao na lagi niyang binibili sa umaga.Narealize niya rin na talagang naninirahan siya ngayon Yi residence kaysa sa maliit niyang inuupahan.“Sasabihan ko ang aking driver na ipagmaneho ka sa Sanitation Service Center mamaya,” sabi ni Yi Jinli.“Ayos lang. Sasakay lang naman ako ng bus,” mabilis na sabi ni Ling Yiran.“Malayo ito masyado mula sa Sanitation Service Center, Kung sasakay ka ng bus,
“Wala pang nakakahanap ng brand ng suot niyang scarf at gloves. Sabi ng iba ay handmade customized ang mga ito mula sa isang malaking brand.”Pinaguusapan ito ng ibang katrabaho ni Ling Yiran, at ang tanging magagawa niya lang ay pakinggan ang mga ito. Hindi niya alam ang mararamdaman ng mga ito kapag nalaman nilang siya ang gumawa ng mga ito.Pero, pagkatapos makita ni Xu ang scarf at glove ni Yi Jinli, hindi niya mapigilang sabihin na, “Kamukha ng ginagawa ni Ling Yiran dati yung gloves.”Lagi kasi pinapanuod ni Xu si Ling Yiran noong ginagantsilyo nito yung gloves. Nagpatulong pa nga ito sa kanya nung di na ito makausad. Sigurado si Xu sa naalala niya.Pero, pagasabi niya nito, pinagtawanan siya.“Ate Xu, marunong nga si Lin Yiran maggantsilyo ng gloves, pero mapapasuot niya ba ito kay Yi Jinli?”“Ang sinusuot lang ni Yi Jinli ay mga ginantsilyo ng mga master designers. Paanong magsusuot ito ng isang galing sa sanitarian service worker?”“Hoy, may sinasabing biro si Xu!”Pag
“Alam ko,” sabi ni Ling Luoyin habang pinipigilan ang kanyang mga insecurities. Simula ngayon, ang tanging magagawa nalang niya ay tanungin si Ling Yiran.Kailangan niya malaman kung ano talaga ang koneksyon ni Ling Yiran kay Lichen!...Pagkatapos maligo ni Ling Yiran, may naaninag siyang ilaw mula sa pinto na nakapagitna sa dalawang kwarto.Nakauwi na ba si… Yi Jinli?Ito ang nasa isip ni Ling Yiran habang papakatok sa pinto. Gusto niyang makipagusap dito tungkol sa driver.Pero pagkatok niya, hindi pala ito nakasara mabuti kaya bumukas ang pinto at nakita niya ang malaking projection. Halata naman na may video conference sa screen. Ang daming foreigners dito.Ngayon, ang mga tao sa video conference ay nakatingin sa kanya.“May babae. Oh my God, bakit may babae dito e gabi na?” gulat na sabi ng isa.“Jin, nobya mo ba siya?”“Hindi mo ba siya ipapakilala?”“Hindi ito yung babaeng tumawag nung huling meeting.”Iba’t ibang boses ang maririnig sa kwarto nung mga oras na yun a
Pakiramdam ni Ling Yiran ay isa siyang panda na pinapanuod ng mga tao.“Hmm? Gusto mo ba talaga na ako maghatid sayo?” Ang boses nito ay dumadagundong sa tenga niya.Mas lalo siyang namula at mabilis na sinabi, “Ayaw.” Pagkatapos, kaagad siyang bumalik sa kwarto niya at isinara ang pinto.Napangiti si Yi Jinli. Pero pagkatalikod niya, bumalik sa dati ang ekspresyon niya. Umupo siya at ibinalik ulit ang sound system.“Balik tayo sa meeting,” sabi ni Yi Jinli, hindi pinapansin ang katotohanan na gusto makiusyoso ng lahat.“Jin, siya ba ang yung tumawag sayo noong nakaraang meeting natin?” Tanong ng isa dahil hindi niya mapigilan magtanong.Napataas ng kilay si Yi Jinli, “Bakit gusto mong malaman?”Biglang, nanginig ang lalaki at awkward na ngumiti, “Sige… balik nalang tayo ulit sa meeting.”“Kahit na meeting lang ito, sa loob loob ng mga tao ay may kasama sa bahay ang kanilang presidente… at isa itong babae.”…Nagulat si Ling Luoyin dahil nung pinuntahan niya si Ling Yiran sa
Biglang tumigas ang mukha ni Ling Luoyin, pero hindi ito ang oras para magdabog siya. Ang tanging magagawa niya lang ay ngumiti, ilabas ang kanyang purse, at tanungin si Ling Yiran, “Magkano?”“106 dollars,” sagot ni Ling Yiran.Naglabas si Ling Luoyin ng 200 dollars at nagkunwaring mapagbigay habang sinasabi, “Ate sayo na yung sobra. Isipin mo nalang regalo ko yan sayo.”Nasuya si Ling Yiran at kinuha ang pera. “Hindi ito regalo. Mabait pa nga ako na ito lang siningil ko sayo dahil kung hindi, kakasuhan kita ng harming with intent, sa tingin mo magkano na magiging utang mo sakin kapag nagkaganon?”Sobrang namula ang mukha ni Ling Luoyin, pero maswerte siya dahil nakasuot siya ng facemask kaya hindi ito masyadong kita.Halos makalimutan niya na dating lawyer pala si Ling Yiran!“Paano naman kita masasaktan ng sadya?” nakangiting sabi ni Ling Luoyin. “Careless lang talaga ako nung araw na yun.”“Kailangan mo pa bang umakto ng ganito sa harap ko, Ling Luoyin?” Natatawang tiningnan
Ilusyon lang ng mga babae na naiispoiled sila.Tinanggal ni Ling Luoyin ang sunglasses niya at tiningnan si Ling Yiran, ang mga mata nito ay nagbabaga. “Ling Yiran, akin lang si Gu Lichen!”“Edi sabihin mo yan sa harap ni Gu Lichen, hindi sa harap ko,” sab ni Ling Yiran.“Ikaw...” sabi Ling Luoyin bago tumalikod at maglakad paalis.Dahil wala siyang mapapala kay Ling Yiran, hindi na niya sasayangin ang oras niya, pero… gusto niya pagbayaran ni Ling Yiran ang mga pinagsasabi nito sa kanya ngayong araw.Ano ang ibig sabihin niya sa kung gaano katagal daw ba siyang magiging girlfriend ni Gu Lichen? Siya ang huling magiging girlfriend ni Lichen!Hindi niya isusuko si Lichen sa kahit kanino sa mundo!…Kinagabihan, nakatanggap si Ling Yiran ng WeChat message mula sa organizer. Sabi rito ay pumunta siya sa dating film set sa day off niya ngayong week.‘Ang sabi ng direktor, ang konti daw ng shots mo last time, at ang galing mo daw while yung last scene naman na kasama ang extras ay