“Wala pang nakakahanap ng brand ng suot niyang scarf at gloves. Sabi ng iba ay handmade customized ang mga ito mula sa isang malaking brand.”Pinaguusapan ito ng ibang katrabaho ni Ling Yiran, at ang tanging magagawa niya lang ay pakinggan ang mga ito. Hindi niya alam ang mararamdaman ng mga ito kapag nalaman nilang siya ang gumawa ng mga ito.Pero, pagkatapos makita ni Xu ang scarf at glove ni Yi Jinli, hindi niya mapigilang sabihin na, “Kamukha ng ginagawa ni Ling Yiran dati yung gloves.”Lagi kasi pinapanuod ni Xu si Ling Yiran noong ginagantsilyo nito yung gloves. Nagpatulong pa nga ito sa kanya nung di na ito makausad. Sigurado si Xu sa naalala niya.Pero, pagasabi niya nito, pinagtawanan siya.“Ate Xu, marunong nga si Lin Yiran maggantsilyo ng gloves, pero mapapasuot niya ba ito kay Yi Jinli?”“Ang sinusuot lang ni Yi Jinli ay mga ginantsilyo ng mga master designers. Paanong magsusuot ito ng isang galing sa sanitarian service worker?”“Hoy, may sinasabing biro si Xu!”Pag
“Alam ko,” sabi ni Ling Luoyin habang pinipigilan ang kanyang mga insecurities. Simula ngayon, ang tanging magagawa nalang niya ay tanungin si Ling Yiran.Kailangan niya malaman kung ano talaga ang koneksyon ni Ling Yiran kay Lichen!...Pagkatapos maligo ni Ling Yiran, may naaninag siyang ilaw mula sa pinto na nakapagitna sa dalawang kwarto.Nakauwi na ba si… Yi Jinli?Ito ang nasa isip ni Ling Yiran habang papakatok sa pinto. Gusto niyang makipagusap dito tungkol sa driver.Pero pagkatok niya, hindi pala ito nakasara mabuti kaya bumukas ang pinto at nakita niya ang malaking projection. Halata naman na may video conference sa screen. Ang daming foreigners dito.Ngayon, ang mga tao sa video conference ay nakatingin sa kanya.“May babae. Oh my God, bakit may babae dito e gabi na?” gulat na sabi ng isa.“Jin, nobya mo ba siya?”“Hindi mo ba siya ipapakilala?”“Hindi ito yung babaeng tumawag nung huling meeting.”Iba’t ibang boses ang maririnig sa kwarto nung mga oras na yun a
Pakiramdam ni Ling Yiran ay isa siyang panda na pinapanuod ng mga tao.“Hmm? Gusto mo ba talaga na ako maghatid sayo?” Ang boses nito ay dumadagundong sa tenga niya.Mas lalo siyang namula at mabilis na sinabi, “Ayaw.” Pagkatapos, kaagad siyang bumalik sa kwarto niya at isinara ang pinto.Napangiti si Yi Jinli. Pero pagkatalikod niya, bumalik sa dati ang ekspresyon niya. Umupo siya at ibinalik ulit ang sound system.“Balik tayo sa meeting,” sabi ni Yi Jinli, hindi pinapansin ang katotohanan na gusto makiusyoso ng lahat.“Jin, siya ba ang yung tumawag sayo noong nakaraang meeting natin?” Tanong ng isa dahil hindi niya mapigilan magtanong.Napataas ng kilay si Yi Jinli, “Bakit gusto mong malaman?”Biglang, nanginig ang lalaki at awkward na ngumiti, “Sige… balik nalang tayo ulit sa meeting.”“Kahit na meeting lang ito, sa loob loob ng mga tao ay may kasama sa bahay ang kanilang presidente… at isa itong babae.”…Nagulat si Ling Luoyin dahil nung pinuntahan niya si Ling Yiran sa
Biglang tumigas ang mukha ni Ling Luoyin, pero hindi ito ang oras para magdabog siya. Ang tanging magagawa niya lang ay ngumiti, ilabas ang kanyang purse, at tanungin si Ling Yiran, “Magkano?”“106 dollars,” sagot ni Ling Yiran.Naglabas si Ling Luoyin ng 200 dollars at nagkunwaring mapagbigay habang sinasabi, “Ate sayo na yung sobra. Isipin mo nalang regalo ko yan sayo.”Nasuya si Ling Yiran at kinuha ang pera. “Hindi ito regalo. Mabait pa nga ako na ito lang siningil ko sayo dahil kung hindi, kakasuhan kita ng harming with intent, sa tingin mo magkano na magiging utang mo sakin kapag nagkaganon?”Sobrang namula ang mukha ni Ling Luoyin, pero maswerte siya dahil nakasuot siya ng facemask kaya hindi ito masyadong kita.Halos makalimutan niya na dating lawyer pala si Ling Yiran!“Paano naman kita masasaktan ng sadya?” nakangiting sabi ni Ling Luoyin. “Careless lang talaga ako nung araw na yun.”“Kailangan mo pa bang umakto ng ganito sa harap ko, Ling Luoyin?” Natatawang tiningnan
Ilusyon lang ng mga babae na naiispoiled sila.Tinanggal ni Ling Luoyin ang sunglasses niya at tiningnan si Ling Yiran, ang mga mata nito ay nagbabaga. “Ling Yiran, akin lang si Gu Lichen!”“Edi sabihin mo yan sa harap ni Gu Lichen, hindi sa harap ko,” sab ni Ling Yiran.“Ikaw...” sabi Ling Luoyin bago tumalikod at maglakad paalis.Dahil wala siyang mapapala kay Ling Yiran, hindi na niya sasayangin ang oras niya, pero… gusto niya pagbayaran ni Ling Yiran ang mga pinagsasabi nito sa kanya ngayong araw.Ano ang ibig sabihin niya sa kung gaano katagal daw ba siyang magiging girlfriend ni Gu Lichen? Siya ang huling magiging girlfriend ni Lichen!Hindi niya isusuko si Lichen sa kahit kanino sa mundo!…Kinagabihan, nakatanggap si Ling Yiran ng WeChat message mula sa organizer. Sabi rito ay pumunta siya sa dating film set sa day off niya ngayong week.‘Ang sabi ng direktor, ang konti daw ng shots mo last time, at ang galing mo daw while yung last scene naman na kasama ang extras ay
Namula lalo ang mukha niya at sinubukan niyang iwasan ang daliri nito pero parang nasusundan pa rin siya nito.“Huwag mo akong asarin, Yi Jinli.” sabi niya. Ang kanyang mga mata ay mukha pa ring hindi haggard kahit nasa ilalim na ng ilaw. Sa halip, mas mukhang galit ito.Tiningnan n Yi Jinli ang mga mata nito. Sa dami ng babaeng may mas magandang mata kaysa rito, yung sa kanya lang ang kayang magparamdam kay Yi Jinli ng ganitong infatuation.Na sa tuwing tinitingnan niya ang mga mata nito, para bang gusto niya idominate ang mga ito at sana hindi siya tumingin ng ganito sa ibang lalaki.Gamit din ang kanyang mga daliri, marahan niyang binuksan ang mga labi nito, ramdam niya ang init ng bibig nito. “Paano kung hindi kita inaasar? Paano kung sasabihin ko sayo na kaya kitang bigyan ng pera sa kahit anong halagang gusto mo? Edi papayag ka na pahirapan kita?”Nararamdaman ni Ling Yiran ang mga daliri nito sa kanyang bibig. Malamig ang mga ito na para bang inaalis nito ang kanyang init.
“Hoy, Lil ke. Huwag kang ganyan magsalita!” sabi ng isa.“Sinasabi ko lang naman yung totoo.” sabi ni Zhao Keke. “Totoong kakababa niya lang ng BMW,” sabi ng isa pa.“Siguro ay hinatid siya ng isang big boss. May mga tao talagang wala masyadong skills, pero alam nila kung paano mapansin at sumipsip sa mga boss,” sabi ni Zhao Keke na may naiinis na tono.Nung nakaraang shooting, inisip niya na malas si Ling Yiran at nabully pa ito ng second female lead. Sinong nakakaalam na ang crown prince mismo ang magbubuhat kay Ling Yiran sa lounge pagkatapos ng ilang sandali.Dahil dito, sobra siyang nainggit. Pinapantasya niya ang mga oportunidad na katulad nun. Pinagsisihan pa nga ito ni Zhao Keke ng maraming beses pagkatapos.Kung alam niya lang sana, siya na mismo ang gagawa ng inutos ni Ling Luoyin kay Ling Yiran na lumuhod at magmakaawa. Kahit na ang pangit tingnan ni Ling Yiran nung mga oras na yun, sulit naman dahil nakuha niya ang atensyon ni Gu Lichen.Iniisip nga ngayon ni Zhao K
Ang buong crew ay kailangan sumunod sa gusto niya. Kahit na sinagip ni Lichen si Ling Yiran ng isang beses, isa lang itong minor incident. Wala naman sa crew ang magagalit para sa isang extrang katulad niya.Iniayos muna ng direktor ang lahat sa kanilang mga pwesto bago sila magsimulang magshooting.Nung ififilm na nila yung scene kung saan lahat ay luluhod, isang production assistant ang nagmamadaling tumakbo papunta sa direktor at may sinabi ito. Biglang nagbago ang mukha ng direktor. Kaagad ito tumayo at pumunta sa kabilang side.Ang lahat maliban sa mga nagfifilm ay curious na tumingin sa direksyong pinuntahan ng director, nagtataka kung ano ang nangyari kaya napaalis ito kaagad.Ang tanging nakita lang nila ay may nilapitan ang direktor na isang lalaki na nakasuot ng beige na trench coat. Nakayuko ito na para bang may sinasabi. Pagkakita sa kilos ng direktor, maraming may hinala na hindi lang ito simpleng tao.Dahil ang direktor na may kilalang reputasyon sa industry at kaila