May iba pa na nagsasbaing baka daw may nakaaway si Yi Jinli sa loob o di naman kaya baka daw ay dinumog ito ng mga babae kaya hindi na nito natiis at umalis kaagad. Sa madaling salita, napaka raming sabi-sabi. Habang binabasa ni Ling Yiran ang mga comment, hindi niya rin napigilang mapaisip kung ano ba talagang nangyari kay Yi Jinli at bigla nalang itong umalis ng venue. Hanggang sa.... may kumatok sa pintuan niya. Dali-dali siyang tumayo at laking gulat niya kung sino ang nakita niya nang buksan niya ang pinto. Sigulo dahil sobrang nagulat siya, bigla nalang siyang naubo kaya pulang pula ang buong mukha niya. Sino ba namang kasing magaakala na ang kaninang pinagkakaguluhan sa social media ay biglang magpapakita sakanya ngayon. Kumunot ang noo ni Yi Jinli at hinimas ang likod ni Ling Yiran para makahinga ito ulit ng maayos. "Bakit? Bakit ka inuubo? May sakit ka ba?" Umiling si Ling Yiran habang umuubo pa rin. Wala siyang sakit, nagulat lang talaga siya sa biglaang pagpapa
Kanina, iniisip niya palang na binully si Ling Yiran sa set kanina, sobrang nagagalit siya. Pero ngayon na nakita niya na kung ano talagang nangyari, lalo siyang nagalit! Muli niyang kinapa ang pasa sa noo ni Ling Yiran. "Aray." Hindi mapigilan ni Ling Yiran na uminda. "Masakit?" Naiinis na tanong ni Yi Jinli. 'Malamang, hindi naman ako bato at bakit mo kasi hinahawakan?!' Tinignan ni Ling Yiran ng masama si Yi Jinli. Samantalang si Yi Jinli naman ay natawa pero halatang galit na galit. "Ang galing, Ang galing galing mo Ling YIran! Sinabi ko ng sumama ka nalang sakin pero ayaw mo. Akala ko ba may dignidad ka? Anong nangyari ngayon? Masaya bang maging extra at paulit-ulit na lumuhod at gumapang sa harapan ng kapatid mo?" Napaatras si Ling Yiran at hindi nakasagot. Pero umabante rin si Yi Jinli. Kaya muli siyang umatras ng umtras hanggang sa makarating siya sa pader kaya wala na siyang pwedeng atrasan. Nilapit ni Yi Jinli ng sobra ang sarili niya kay Ling YIran, na
"Natatakot ka ba sakin?" Tanong ni Yi Jinli. Hindi nakasagot si Ling Yiran noong una, pero lakas loob niyang sinabi ang gusto niyang sabihin. 'Alam ko namang pinaglalaruan mo lang ako. Interesado ka lang sakin ngayon kasi masaya pa pero kapag nagsawa ka na, wala na akong kwenta para sayo at kapag aksidente kitang nagalit, baka mas malala pa yung mangyari sakin sa nangyari sakin noon sa kulungan. Siyempre... natrauma na siya sa lahat ng mga pinagdaanan niya at ayaw niya ng bumalik dun! "Hindi ka ba natatakot na baka magalit ako sa sinabi mo?" Hindi makagalaw si Ling Yiran. 'Siyempre natatakot ako, pero kailangan ko rin namang sabihin kung ano ang nararamdaman ko!' Nabalot ng katahimikan ang buong apartment. Yumuko si Ling Yiran, at sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya, halos naririnig niya na ang pagtibok nito. Hindi nagsasalita si Yi Jinli pero nararamdaman ni Ling Yiran na nakatitig ito sakanya. Hindi na nila alam kung gaano na karaming oras na lumipas bago muling mags
Umupo si Ling Yiran, at gamit ang kamay niyang hindi nainjured, kinuha niya ang chopstiicks at nagpatuloy sa pagkain. Samantalang si Yi JInli ay pinapanuod lang itong kumain habang nakasalumbaba. Naaliw si Yi Jinli sa mahahabang pilikmata ni Ling Yiran at sa maliit nitong mukha na mas malaki pa ang palad niya. Ang matangos nitong ilong, at ang gumagalaw nitong pisngi habang ngumunguya, ay ang ganda ganda lang tignan. Kahit kailan hindi niya naisip na nakakaaliw palang panuurin ang isang babae na kumain. At habang tinitignan niya ito, ay mas lalo niya itong gustong itago. Gusto niya itong itago sa lugar kung saan walang sinuman ang makakakita dito at tanging siya lang ang pwedeng lumapit dito. Hindi niya hahayaan na may umagaw dito kahit sino pa yan! Nakayuko si Ling YIran habang kumakain pero nararamdaman niyang nakatingin sakanya si Yi Jinli at sobrang naiilang siya. Pakiramdam niya ay painit ng painit ang mukha niya at pahirap ng pahirap ang paglunok niya. Hindi nam
Sobrang lapit ng mga mukha nila kaya pagkatapos magsalita ni Yi Jinli ay tuluyan niya ng hinalikan si Ling Yiran. Kaya biglang namula ang mukha ni Ling Yiran. "Wag...." Tumigil si Yi Jinli at tinitigan si Ling Yiran ng diretso sa mga mata. "Kung ganun, sabihin mo sakin ate kung paano kayo nagkakilala." "May nagnakaw kasi ng bracelet niya at yung magnanakaw, nilagay sa bulsa ko. Desidido siyang mahanap ang bracelet niya, kaya nakilala ko siya." Natatarantang paliwanag ni Ling Yiran. "Ah... ganun ba... ilang beses na kayong nagkita?" 'Ilang beses?' Hindi naman niya binibilang kung ilang beses na silang nagkita ni Gu Lichen! Pero dahil papalapit ng papalapit sakanya si Yi Jinli, natataranta niyang sinabi. "Apat... apat na beses. Una, yung pinuntahan niya ako para sabihing ililibre niya ako ng dinner bilang pasasalamat, pangalawa nakasalubong ko lang siya, pangatlo, nakita ko siya sa ospital kung saan naka confine ang lola ko, at yung pinaka huli ay yung kanina... sa set...." S
"Hmm..." Sinubukan ni Ling Yiran na pumalag pero lumalaban si Yi Jinli. Hanggang sa aksidente nitong natamaan ang kaliwang kamay niya, kaya hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. "Aray!" Pero imbes na makinig ay lalo lang siyang hinalikan ni Yi Jinli. Halos hindi na siya makahinga sa halik nito. Medyo matagal din silang naghalikan, at dun lang din binitawan ni Yi Jinli ang kamay niya. Namanhid ang paa ni Ling Yiran kaya muntik na siyang matumba. Kaya ng makita ito ni Yi Jinli, maingat siyang binuhat nito. "Nasaktan ba kita, ate?" Pero imbes na sagutin ang tanong nito, nanlilisik ang mga mata ni Ling Yiran at naiinis na sinabi, "Bakit mo ginawa yun?" "Kasi ayokong marinig ang ate ko na nagsasabi ng mga bagay na hindi ko gusto." Nakangiting sagot ni Yi Jinli. "Kaya kapag narinig ko ulit yun sayo, humanda ka kasi hahalikan ulit kita." "..." Hindi na sumagot si Ling Yiran sa takot na baka nga seryosohin ni Yi Jinli ang sinabi nito. Tinignan ni Yi Jinli ang kamay ni Lin
Siya ay nag-iimpake ng ilang mga damit. Para naman sa mga toiletries, sinabi naman na meron na nito sa Yi residences kaya di na niya kailangan magdala. Ayaw rin ni Yi Jinli na dalhin niya ang kanyang mga damit pero sinabi niya, “Sanay na ako sa mga ganitong damit. Komportable ang mga ito.” Wala na masabi si Yi Jinli at pinayagan na niyang dalhin nito ang kanyang mga damit. Pagkatapos niya mag-impake, dadalhin na sana ni Lin Yiran ang duffel bag niya pero kinuha kaagad ito ni Yi Jinli at sinabing, “Ako na bahala rito.” Lumabas si Yi Jinli sa paupahan at nakasunod sa kanya si Lin Yiran. Minsan, pakiramdam ni Ling Yiran ay hindi niya matantsa ito. Minsan ay mahinahon ito pero sa susunod ay parang kaya ka niyang dalhin sa impyerno sa kahit anong oras. Ngayong babalik siya sa Yi residence kasama siya, mukhang mas magiging magulo ang kanilang relasyon. Kailan kaya siya makakawala sa kanya? Kailangan pa ba niya maghintay hanggang sa mapagod ito sa kanya? Habang iniisip niya ang
Maamong tumingin si Uncle Kwan kay Ling Yiran. Makikita ang bahagyang pagkagulat sa titig nito. Si Ling Yiran ang unang bumati sa kanya. “Hello, Uncle Kwan.” “Miss Ling, kung may kailangan ka na kahit na ano, ipaalam mo lang sa akin.” Ngumiti si Uncle Kwan. “Pwede mo nalang akong tawaging Yiran,” sabi niya, hindi siya komportable sa tawag nito sa kanya. “Ikaw ay bisita ng Young Master, syempre, kailangan kita tawaging Miss Ling,” sabi ni Uncle kwan, mukha itong walang pagsisisi at magalang na sumagot. Hindi na ito ipinagpilitan si Ling Yiran dahil hindi naman siya titira dito ng matagal. “Uncle Kwan, maari bang ipakita mo sa kanya ang mga kwarto at papiliin mo siya,” utos ni Yi Jinli. “Bigyan mo nalang ako ng kahit anong kwarto,” kaagad sinabi ni Ling Yiran. “Tungkol dito...” Tumingin si Uncle Kwan kay Yi Jinli. “Doon nalang sa annex sa may third floor,” sabi ni Yi JInli. “Opo,” sagot ni Uncle Kwan. Medyo naguluhan si Ling Yiran. Ano ang annex? Pero, dinala siya n